"What are you doing here?" Bumaling pa ako sa mga estudyante na may nanunuksong tingin. Timothy is leaning against our classroom wall, naghintay sa tapat ng room namin. My classmates are throwing maliscious and teasing stares and smiles.
Pasimple naman akong ngumiti lang at tumango para ituloy na nila ang kanilang gawain na mabilis din nilang ginawa.
Napabaling ako sa likuran niya nang mapansin ang babaeng nanonood sa amin. I only smile when our eyes met but she gaze away and ran away from us.
Nang mawala ang babae sa paningin ko ay muli akong tumingin kay Timothy, hindi katulad kanina ay maayos na siyang nakatayo sa tabi ko pero walang pagbabago sa walang emosyon niyang mukha.
Pinilit kong alisin sa alaala ko ang memorya sa ospital. He is angry,dissapointed? Maybe. Hindi ko alam pero I'm sure mabigat ang dinadala niya.
"Ryl!" Muntik na akong mapatalon nang may biglang umakbay sa akin. April is on my side, nakaakbay, nahagip ng mata ko si T na tahimik lang na nakatayo sa tabi niya, he is looking intently at me then his eyes settled at the man beside me.
Dahil sa takot na baka magkainitan sila ay tumikhim ako na nakapagpawala ng atensyon nila sa isa't isa at bumaling sa akin. I upcurved my lips at pinagsalitan na tingnan sila. Dahil nasa magkabila ko silang side. "Timothy, may sasabihin ka ba sa akin? " I politely asked. "Baka pwedeng pag-usapan natin during our lunch?"
Saglit muna siyang tumingin sa mga kasama ko before he licked his lowerlip, humakbang siya palapit sa akin kaya naging alerto si Tristan para maharangan ang anumang hakbang na gagawin pa ng lalaki. Nakita ko ang iritasyon sa mata ni Timothy kaya pasimple kong hinawakan ang ibabang parte ng polo ni T at pinigilan siya.
"Can we talk somewhere private?" malamig na tanong nito at nakipagtagisan pa ng tingin kay T na hindi naman pinalagpas ng isa.
Humarang si Tristan sa pagitan naming dalawa. Halos nasa tabi ko lang din si April hindi alam kung aawat o hahayaan na lang.
I saw how April smile knowingly at me. She knows what's going on but I don't want to add on her burden. Gusto kong mas itulak siya kay Tristan dahil sila naman ang para sa isa't isa.
"Bakit hindi pwede rito?" maangas na tanong ng bestfriend ko. "Gusto mo pang solohin?"
I saw how Timothy balled his fist kaya maa dumoble ang pag-aabang ko sa maaaring maging reaksyon nila sa isa't isa. "I wanna talk to her about something private," mariing sagot ng lalaki.
Tristanl laugh, pinasok niya ang kanyang parehong kamay sa bulsa ng suot niyang uniform saka saglit na tumingin sa akin. Nang madako ang mata niya sa akin ay nagtangis ang bagang niya bago humarap sa kausap.
"Hindi naman kami madaldal. Inaasahan mo ba na ipagkakalat namin kung anuman ang sasabihin mo?"
Nang aapila pa si Timothy ay hinawakan ko na lang siya sa kamay at umiling. "Maybe we can talk over lunch."Saglit akong bumaling sa dalawa kong kaibigan pero nag-iwas din ng tingin ng mapansin ang emosyon sa mata ni T habang nakatingin sa kamay kong nakahawak sa kapatid ko.
Pasimple kong binitawan ang kamay ni Timothy saka nauna ng maglakad papuntang canteen, ramdam ko ang intensity ng mga mata ni T kaya alam ko na galit siya pero ayaw niya na lang magsalita. On the other hand, kalmado naman ang paglalakad ni Timothy na nakasunod lang din sa akin.
Umorder na kami ng pagkain namin, magkatabi sa upuan si Tristan at Timothy, ako at Si April naman ang magkatabi. Kaharap ni T si April kaya roon na ako umupo sa tapat ni Timothy.
Pasimple kong pinanood kung paano ilagay ni T ang pagkain na inorder ni April sa tapat nung babae. Siya na rin ang naglagay ng maraming ketchup sa kanin kaya nakagat ko ang aking dila saka umiwas ng mata sa kanila na nahuli naman ni Timothy. His jaw clenched as well as his knuckles.
Para mawala sa ala-ala niya ang reaksyon ko ay ngumiti na lang ako at saka parang walang nangyari. "Ano nga pala ang gusto mong pag-usapan?"
He glanced at the two na abala na sa pagkain. Wala na sa amin ang focus nila kaya mabilis ko ring nabaling sa akin ang mga mata ni Timothy. "I just wanna say sorry."
Tumikhim siya nang makitang wala akong balak sabihin. "Alam kong mali na sayo ko ibuntong ang lahat pero nadala lang ako ng galit ko."
His hooded eyes are looking at me intently. He even licked his lowerlip, pinaglalaruan ng mga kamay niya ang pagkain na nasa harapan niya. "Hindi ko rin kasi alam na nahirapan ka sa poder nila...akala ko maayos kang naaalagaan sa inyo nung mga panahon na yon."
"Bakit ka ba kasi galit na galit sa akin? Sa amin?" kahit na may hinuha o konglusyon na ako kung saan posibleng nagmula ang galit niya ay gusto ko pa ring kompirmahin.
I don't want another misunderstanding that will lead in another conflict. Masyado na akong napagod.
Nag-iwas siya ng tingin, tinuon na lang niya ang mga mata niya sa pagkain. "Kasi nung araw na sumugod si Daddy sa birthday mo, nagkakaroon ng seizure attack si Mommy at namatay. Alam ni Daddy na nagseseizure siya... pero wala siyang pakielam at iniwan kami, umasa siya sa nurse na nakaagapay kay Mommy kaya kinain ako ng galit ko sa 'yo," he smiled shyly as his hands began to shake again. "I want you to pay... Sa utak ko nun, ang unfair, ikaw buo ang pamilya mo, tapos hinahabol ka pa ni daddy, parang nawala na ang lahat sa akin. Kaya nabuo ang galit ko sa yo."
Hindi ako nagsalita pero nag-stay ang mga mata ko sa kanya.
He looked straight in my eyes and upcurve his lips a bit. "Nung una, kaya ako nagkaiteres sa 'yo ay para makabawi, I wanted to hurt you but when I realized how deep your love for your mom. Yung tipong ngingiti ka lang matapos mong masaktan o utusan, na-realize kong mali. Na pareho lang tayo. Ikaw na kaya mong gawin ang lahat para sa mommy mo at ako naman gagawin ang lahat para makaganti... para maranasan mo ang sakit..."
"And do you actually believe that she lived her life just like before?" Nagulat na lang ako nang magsalita si Tristan na nasa aming dalawa na pala ang atensyon. "She almost... Almost give up."
Nakita ko ang sakit sa mga mata ni Tristan habang nakatingin sa akin. I looked away and bit my tongue and play my food using the spoon I was holding.
Tinapon niya sa kanyang pinggan ang binilog na tissue saka binaling muli ang mga mata sa amin. "Kung matalino kang tao at alam mo na wala siyang dugong Torres, sa tingin mo matapos siyang isalba ng kinikilala niyang tatay ay magiging pareho pa rin ng turing ang mga Torres sa kanya?"
"T," suway ko dahil ramdam ko ang namumuong tensyon sa pagitan ng mga titigan nila.
Di makapaniwalang tumingin sa akin si Tristan. "Aryl ano? Kasi hindi ko maintindihan kung bakit pinipili mong pakinggan ang walang kwenta niyang rason!"
"Walang kwenta?" Timothy laughed sarcastically. Sumandal siya sa back rest ng monoblock chair na inuupuan niya. "Paulit-ulit sa aking kinukwento ni dad yung buhay na dapat mayroon silang tatlo. Paulit-ulit hanggang sa nakayanan ko yung sakit. I asked mom about it but she said that maybe I am wrong. Na baka mali yung pagkakaintindi ko, na mahal kami ni daddy." I gulped as I watched him talk.
I can see myself on him, yung panahon na tinatanong ko si Daddy Rodrigo kung bakit galit si mommy, kung bakit di siya proud sa akin? But my dad told me a white lies saying that my mom only wants the best for me na pinaniwalaan ko.
In front of me, I saw a child me, yung batang gulong-gulo at maraming tanong pero natabunan ng mga rason na alam na naming hindi naman totoo.
"Pero sino ba niloko ko di ba? Araw-araw na ngang pinamukha pero mas pinatunayan nung sumugod siya sa birthday party mo para kunin ka habang nagseseizure si Mommy. " Tumulo ang luha sa mga mata niya. His eyes mirrors the same pain I felt months ago until now. "Nagmakaawa ako... Lumuhod... G-ginawa ko na ang lahat... I even begged on my knees, asking if he can bring us to the hospital first kasi wala naman akong license. Pero bingi siya eh, kaya wala akong nagawa... I watched my mom died in front of me... Alam mo ba kung gaano kasakit yon?"
"Ganoon kasakit na naging insentive ka at hindi napansin na may nasasaktan ka rin pala?" April on the other hand hold Tristan's hand on the table. She even leaned forward to him like she was sayinh something.
Nag-iwas ako ng tingin dahil kahit anong pilit kong maging manhid ay masakit pa rin. I am not used to it.
Kaya nahuli ko ang di ko inaasahan na pagtango ni Timothy sa biglaang tanong ni T. "Nabulag ako...inaamin ko, naging bulag ako sa sakit na nakikita ko sa 'yo, hindi ko inintindi dahil sa galit ko... I'd caused you so much pain that I knew you are trying to handle..."
Hindi pa rin ako nakapagsalita pero nag-uumapaw ang saya sa dibdib ko. Parang magic na biglang nawala ang hollowblock na nakadagan sa puso ko. Sa totoo lang, nung sinabi niya pa lang ang dahilan ng galit niya ay naiintindihan ko na siya. Hindi ko rin kasi ugaling magtanim ng sama ng loob dahil pinalaki ako ni Daddy Rodrigo na punong-puno ng pagmamahal. He once said that of someone ask for forgiveness, give it to her or him. Mas maganda na raw na magpatawad kaysa mapuno ng galit at poot ang puso mo kung saan hindi ka na makakagawa ng tama at mabuting desisyon.
I reached for his hands and smiled at him. "You don't need to say sorry repeatedly or beg for my forgiveness kasi sa totoo lang naiintindihan kita... I totally understand you, kung saan ka nanggagaling, kung saan nagmumula ang galit mo... Naiintindihan ko."
It's true. Hindi ko kayang magtanim ng galit sa taong ginusto lang makaganti dahil sa sakit na naramdaman ng ina. Kasi aaminin ko na kung ako ang nakaramdam non ay baka ganoon din ang ginawa ko.
He smiled at me as my lips curved up. Pinagpatuloy namin ang masayang kainan at hindi rin naman maiwasan ang pagbabarahan ng sagot ng dalawang lalaki pero hindi katulad kanina na ramdam na ramdam ang bigat. Ngayon ay birong walang laman na lang ang naging sagutan nila.
"Saan nga pala kayo after dismissal? " tanong ni April habang umiinom sa lemonade niya.
Nagpunas muna ako ng tissue sa bibig bago tiningnan sila isa-isa. "Ako pupunta ako ng ospital."
Kita ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Timothy at nagulat pa ako ng biglang nag-lean forward si Tristan sa harapan ko nang bahagyang nakatayo saka hinawakan ako sa noo habang nakakunot ang noo.
In my peripheral view, I saw how April's smile fades kaya mabilis akong lumayo sa pagkakadama ni T ng noo ko.
Umupo na ulit ang nahuli sa kanyang upuan. "Wala ka namang sakit."
"Monthly check up ko," I lied. Oo, totoong may monthly check up ako dahil sa kagustuhan ni Daddy Rodrigo, siya pa ang sumasama sa akin doon pero simula ng namatay siya ay hindi na ako nakakapunta o nakakapagpatingin sa ospital.
Tumango-tango silang tatlo at nagpresinta pa isa-isa na sumama pero natatawa naman akong tumanggi. I want to talk to the doctor privately kaya hindi pwedeng sumama sila.
***
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top