Chapter Twenty

A day had passed and I'd notice that she was avoiding me. Hindi siya pumapasok sa kwarto ko, ilang araw na. Palaging si Tristan ang nasa tabi ko at kumakausap sa akin kapag nagigising ako. Okay na ang kamay ko, tinanggal na rin ang benda na nakalagay, Tristan is now fixing my things habang ako naman ay binabasa ko ang notes na bigay niya.

It's been a day pero naka-stuck na yata sa utak ko ang sinabi niya. And my mind starts to ask things. Buong akala ko kilala ko na ang sarili ko. I thought I know who am really I. Pero mali ako,maling-mali pala. Ang alam ko lang pala ay ako ang nag-iisang prinsesa na tagapagmana ni Rodrigo Torres, pero kasinungalingan lang pala iyon. Mali pala ako. Hindi ko pala kilala ang sarili ko.

I'm like in the big puzzle maze that the only prize is the truth about myself.

My sarcastic laughs filled my silent room as I remember the spoiled and princess-like Aryl. Lahat ng gustuhin ko ay hindi ko hinihingi sa pangalawang beses dahil unang hingi ko pa lang ay nakalatag na ang mga iyon. Daddy or should I called Mister Torres gave every best thing a child could have and somehow, he was the one who was always there to support me, kahit na yung sarili kong ina, hindi gumawa ng paraan para maramdaman ko yung pagmamahal niya.

Prinsesa nga ba talaga ako o isang malaking nagpapanggap lang? Nagtatago sa magaganda at makikislap na damit ng isang prinsesa?

"Oh yes, Aryl. You are not a Torres. Your life is full of lies. Yes, Aryl, you are a poser!" my mind answers my own questions that made my tears to fall.

"Hey!" Mabilis ang nagawang paghakbang ni Tristan sa gawi ko, dala-dala niya pa ang slingbag ko nang lumapit siya. "Okay ka lang ba?"Tumingin siya sa ballpen na hawak ko kaya nabaling din ang mata ko roon.

Okay na ang braso ko, medyo humilom na ang mga hiwa na nagawa ko kung kaya makakalabas na ako ngayon sa ospital. Linggo ngayon kaya bukas na bukas din ay makakapasok na ako sa school.

Nahihiya akong napatango sa kanya saka binitawan ang putol na ballpen. "Sorry, may naisip lang."

Pinag-isa niya ang kaniyang labi saka dahan-dahan na naglakad palapit sa ginagawa niya kanina.

"T," I called him out.

Lumingon siya sa akin habang nagtitiklop ng blanket na alam ko na dala-dala ni Yaya nung sinugod ako rito. "Hmm?"

"Nakita mo ba si Mommy?" though alam ko na magtataka siya sa biglaan kong pagtatanong tungkol kay Mommy pero sumagot pa rin naman siya.

"Hindi ba siya pumapasok dito?" His forehead creased while pointing out his finger outside. "Nakasalubong ko siya kanina, akala ko nga maghihinala siya sa atin ulit at magagalit pero parang wala siya sa sarili niya, eh. "

I bit my lower lip as I move up my head to control that traitor, but it doesn't like what I wanted. It does not stop. She doesn't want to see me nor talk to me. Siguro nga ay wala lang siya magawa sa nakalipas na taon kay nagawa niya akong pakiharapan. It's all because of her husband, kung hindi dahil kay daddy ay baka nga naipalaglag na ako.

You are being funny, Ryl. Who the hell in the right mind will think of you as a daughter, hindi mo lang pala pinatay ang asawa niya kung hindi ikaw rin ang nanira sa buhay niya.

Mabilis kong tinuyo ang mga luha sa pisngi ko saka ako tumingin sa itaas ng kisame para patigilin ang luha sa mga badyang bagsak.

"Okay ka lang ba talaga?" rinig kong tanong ni Tristan at mabilis na siyang lumapit sa akin. He is so close that I can smell his natural scent with his favorite perfume. Nakakunot ang noo niya habang hinahaplos niya nang marahan ang buhok ko. He is looking at me intently and fixing the things that he sees wrong.

Ako kaya? Kailan niya maaayos ang buhay?

I smile and face him, but it froze as I realized how short our distance is. Sobrang lapit namin sa isa't isa na halos konting tulak na lang ay magdidikit na kami.

Nagsisimula na naman sa pangangarera ang dibdib ko, na palagi ko ring nararamdaman sa tuwing ganito kami kalapit sa isa't isa. Lalo na kung tinititigan niya ako ng matagal. "Okay lang ako, ano ba!?" I chuckle, pabiro ko pa siyang tinulak para masimplihan na tuluyan na siyang mapalayo sa akin.

I wipe the tears off to my face and take a breath before going back to what I'm doing.

But my focus left me when my phone started to vibrate, so I grab it and look for the message. Inabot ko ang cellphone na nasa tabi ko lang din naman.

And my heart raced as I read who's the sender. It is from Timothy, the campus President. Gustung-gusto kong burahin dahil alam kong pangungulit lang ito o baka nga malaman ko pa ang pag-aabang ng school sa akin dahil ako ang nagpatalo sa laban namin. Pero wala naman akong magawa kung hindi harapin sila kahit na sobra-sobra ang kabog ng dibdib ko.

I bit my lower lip as I press the read button and my eyes automatically rolled as I read what he texted.

From: Timothy
Do you work on NASA?

Siguro dahil wala rin siyang magawa at hindi naman niya alam ang nangyari sa akin kaya ako ang napagdiskitahan niyang kulitin. Well we are close. He is always like that,lalo na nitong huling mga araw ng review namin.

I immediately type my reply."Why?" Pinatong ko ang cellphone sa unan na nasa lap ko habang hindi iyon nilulubayan ng aking mata.

My phone beeps after a minute and I just felt that my lips are now forming a smile. Kahit sa simpleng gesture ay napapangiti na ako. Feeling ko kasi special na ako kung gagawan ako ng maliit na bagay because I feel unworthy of their time, that they are putting so much efforts para mapasaya ako kahit hindi naman nila ako responsibilidad.

From: Timothy
"Because your beauty is out of this world."

Halos maramdaman ko na ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa reply niya. Sandali kong nakalimutan na may tao pa pala bukod sa akin dito sa kwarto.

To: Timothy
You know what Mister Garcia, you are corny.

"Sino yang katext mo?" Nakakunot ang noo ni Tristan habang nakatingin sa akin.

I just shrugged my shoulder, walang balak sagutin siya dahil alam ko na hindi rin naman sila magkakasundo ng lalaking ka-text ko ngayon.

His expression change, na-guilty naman ako agad at hindi ko alam kung bakit kapag nakikita kong hindi siya masaya o malungkot o may dinadamdam ay hindi na ako mapakali. Siguro dahil kaibigan ko siya. He always wants my comfort, kahit ang consequence non ay mahirapan siya o hindi magbibigay sa kanya ng masarap na pakiramdam ang pagtulong sa akin. Maybe, I am like this because he is that friend for me.

Gaga! You know why are you like that. You have a feelings for him na pinili mong kalimutan para walang masira sa inyong dalawa kung sakaling masira ang relasyon.

Nang tumunog ulit ang phone ko ay pasimple akong tumingin sa lalaking kasama ko at nakita ko ang bahagya at pasimple niyang pagbaling sa akin, nang makitang nakatingin ako at mabilis siyang umiwas ng tingin.

"Labas muna ako. I'll ask Tita if I need to call our driver para masundo tayo o susunduin tayo ng driver ninyo," wala akong nagawa ng lumabas na siya ng hindi ako tinitignan.

Mas maganda naman siguro iyon. Ang umiwas na lang din para hindi kami magkasakitan. I always want him to stay as my bestfriend, hindi niya kailangan ng girlfriend na dadagdag sa isipin niya. Lalo na ngayon na alam ko na magiging pabigat lang ako sa kanya dahil sa rebelasyon na natuklasan.

Hindi na ako nagreply sa message ni Timothy dahil alam ko naman na banat ang mga iyon.

Nang sandaling wala akong pinagtutuunan ng pansin ay para akong naubos bigla. My strength just left me. Nawala ang lakas ng mga mata ko na pigilan ang sunod-sunod na pagluha. Dapat matuwa ako dahil tumutulo na ulit ang masasaganang patak ng tubig pero imbes na galak ay sakit ang aking nararamdaman.

My heart just can't take it. My mother's husband makes me believe that I am his. That his my knight...that I am his princess, pero hindi pala ganoon yon because I am no one's princess, hindi dapat tinuturing na prinsesa ang batang naging dahilan ng paghihirap ng ina. Hindi ko maimagine kung paano niya ako nagawang yakapin, kung paano niya ako nagawang tignan, I hurt her. I hurt her, maybe unintentionally, but I always hurt her whenever she sees me. Doon pa lang alam ko na. Kahit kailan hindi niya ako kayang makita bilang anak, dahil sa tuwing makikita niya ako, she will always remember how my biological dad violate her.

"Aryl, Ija." Tumingin ako sa pinto na pinasukan ni Yaya Minda, she is now holding a tray of dinner. Ako naman ay nakangiti ng maliit habang pinapanood siya. Sinabi ko na kasi na wala akong gana pero sadyang maalaga siya at hindi ako hinayaang matulog na walang laman ang tiyan. I have my favorite dish on here, spicy chicken adobo, tapos maraming rice. Alam ko na kakaluto lang ng adobo dahil umuusok pa ito. She is always like that kapag wala akong gana kumain,gumagawa siya ng paraan para kahit papaano ay makakain ako.

Umupo ako sa kama saka niya ipinatong ang tray sa aking kandungan. I smell the familiar scent of adobo. Yung amoy ng maanghang na sili na sinamahan ng natural na alat ng toyo at maasim na suka ang pinakapaborito ko.

"K-kumain n-na po ba sila Mommy?"sinimplihan ko na lang ang tanong dahil ayaw ko na makahalata pa siya. Alam ko naman na marami siyang isipin lalo na't may sakit ngayon ang asawa niya probinsya pero hindi niya ako maiwan-iwan kaya ang anak na muna niya na may pamilya rin naman ang pinakiusapan niya na tumingin-tingin doon.

Umupo muna siya sa tabi ko saka niya marahang sinuklay ang ngayon ay nakalugay ko ng buhok. Her smiles are glowing. "Tapos na sila," sagot nito. I nod and beam at her. Buti naman. "Nagulat nga ako dahil kalimitan namang hindi magana sa pagkain ang mommy mo at ngayon ay nakailang bulos ng kanin."

Natuwa ako sa narinig. Mabuti naman pala at mukhang hindi siya apektado sa naging interaction namin at pinapahalagahan niya pa ang kanyang sarili saka hindi pinapabayaan. Nakangiti akong sumubo ng maliit saka tiningnan siyang masayang nagkekwento.

"Baka nga buntis si Madam,di lang nagsasabi." Mas humigpit ang hawak ko sa kutsara at tinidor at parang nabingi na lang sa mga sinasabi ni Yaya.

Biglang nawalan ako ng gana kaya napabagsak ang hawak ko sa kutsara na agad nitong napansin.

She on the other hand, massage her temples na parang naulinigan na mali ang kanyang sinabi pero dahil kaya ko ay ngumiti ako sa kanya at saka muling hinawakan ang kutsara para hindi na niya mapansin ang pag-iisip ko.

"Anak, huwag mo ng masyadong pansinin ang sinabi ko siguro ay namimiss ko lang mag-alaga ng bata kaya ganoon."PinipiliT na binubura ni Yaya ang kanyang sinabi pero hindi niya alam nakatatak na ito sa isip at puso ko.

Maybe that's the way na magkaroon si Mommy ng isang perpektong pamilya.

That thought made my heart flutter and a lone tear escapes my eyes.

"Anak, bakit ka umiiyak?  Hindi ba sabi ko ay pabulaanan mo na lamang ang aking sinabi?" nag-aalalang tanong ni Yaya saka lumapit sa akin at banayad na kinulong ang balingkinitan kong katawan sa kanyang mga braso.

I wipe my tears and chuckled. " Yaya, masaya lang po ako, masaya ako na matutupad na ni Mommy ang pamilyang pangarap niya..." I had to erase all the negative thoughts para makangiti ng maayos. "Sana lang ay maging mabuti siyang anak at hindi magong disappointment katulad ko."

***
To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top