Chapter twelve
Halos umalon na ng sunod-sunod ang lalamunan ko habang patingin-tingin sa labas ng library. Unti-unti na kasing nagpapalit sa kahel ang kulay ng langit kaya halos dumodoble na sa bilis ang kabog ng dibdib ko.
"Okay ka lang ba?" Napatingin ako sa kaharap kong abala sa libro.
I smiled shyly at him. Mas mabuti siguro kung aminin ko sa kanya na hindi ako nakapagpaalam sa bahay kaysa ang mapahamak na naman ako kay Mommy.
"Hindi kasi ako nakapagpaalam kay mommy at baka nasa bahay na rin yon at hinahanap ako."
He closed the book he was reading and started to fix his things. "Okay, so bukas na lang natin ituloy, to?"
I nodded. "Kung ayos lang."
He beamed at me and gently ruffled my hair that I instantly fixed. "Salamat.
Halos tinakbo ko na ang daan papuntang parking lot kung saan naroon si Tristan. Kabadong-kabado ako at hindi na siya nagawang pagtuunan ng pansin saka dumiretso papasok ng kotse niya.
Laking pasalamat ko na lang talaga sa kanya at nandito siya kung hindi ay baka hindi pa ako makaalis agad sa school na 'to.
I sigh habang panay ang tingin sa relo habang nakasakay ako sa kotse, papasok na ang sinasakyan ko sa village namin. Maghahati na ang araw at dilim pero nasa labas pa rin ako. Hindi ko alam kung naroon na si Mommy sa bahay pero halos tawagin ko na ang lahat ng saints para mapagbigyan akong maunahan ko siya sa pag-uwi.
"Okay ka lang ba?" napansin yata ni Tristan ang pananahimik ko at pagtingin sa relo kaya bakas ang pag-aalala sa boses niya.
I bit my lowerlip bago saglit na tumingin sa kanya at binalik ulit sa kalsada ang daan. "Hindi kasi alam ni Mommy na aalis ako ngayon. San aay wala pa siya sa bahay sa mga oras na ito, " dahil kaawa-awa na namang pasa ang aabutin ko.
Pero sadyang pati ang heaven ay hindi na ako pinansin dahil nang huminto ang kotse sa tapat ng bahay ay naroon na ang sasakyan ni Mommy sa garahe. Halos nanlalambot ang tuhod ko sa kaba habang inaayos ko ang aking gamit bago ako makababa sa sasakyan, at nang tuluyang makababa ay nilipad ko na ang pagpasok ng bahay nang makita ko siya na palabas na.
"Saan ka na naman nanggaling na bata ka!?" bulyaw niya sa akin nang inabot ko ang kamay niya para mag-bless. "Nakipagkita ka na naman sa lalaki mo?!"
"N-nag-review lang p-po, My."
"Kasama mo na naman ang deputang lalaki na yon?" tanong niya. Hindi ko na siya sinagot dahil alam ko naman na hindi na rin naman niya ako paniniwalaan. Minsan talaga ay nakakawala na ng gana na mag-explain lalo na't sarado naman ang isip ng taong kausap mo. She surely believes on what she knows is right kaya kahit anong sabihin ko ay alam ko na masasaktan lang din ako lalo.
Naglakad na lang ako papuntang hagdan pero hindi pa ako nakakalayo ay mabilis niyang hinila ang braso ko at tinulak ako paupo sa sahig.
Gusto kong umaray pero siguro dahil sanay na ay wala na akong nararamdamang sakit nang hinawakan niya ng mariin ang buhok ko. Ramdam ko ang isang kumpol ng buhok ko ang hawak niya pero sadyang namanhid na rin ang katawan ko dahil sa sobrang pagod.
"Ang lakas ng loob mong bastusin ako! Sa pamamahay ng asawa ko!" Inginudngod na naman niya ang mukha ko sa puting tiles ng bahay. Pero kahit gaanong bigat ng kamay ay hindi ko na rin maramdaman pa.
Gusto kong isigaw na tatay ko ang asawa niya, na hindi lang siya ang nawalan, na hindi lang siya ang nasaktan pero ayaw kong mas lalong sumama ang loob niya. Kung may gusto akong makita ulit, hindi iyong galit niya kung hindi ang mapagmahal niyang mga mata. Ang mga ngiti niya na kahit hindi ko madalas makita ay alam ko na may pagmamahal.
"Akalain mong may bago tayong basahan!" rinig kong pang-aasar ni Tito Rommel pero kumuyom na lang ang kamay ko sa tabi ng aking ulo habang nadidinig ang pagtawa ng lalaki.
"Nanglalalaki ka na nga at bastos ka pa! Iyon siguro ang natututunan mo sa lalaking iyon? " Itinaas ni Mommy ang mukha ko at kita ko pa rin ang galit niya sa mga mata na hinihiling kong sana ay mawala na pero hindi pa rin ako mapagbigyan. "Ang kapal ng mukha mo!" Namanhid ang kanang pisngi ko nang tumama ang kamay niya roon. Hindi ko na mabaling ang aking mukha dahil pati lakas ko ay tinakasan ako. "Ang kapal-kapal ng mukha mo!"
Ilang minuto lang akong nakaupo sa sahig habang silang dalawa ay nagtatawanan na at nanonood ng pelikula sa tv. I trace my swollen cheeks slowly and a lone tear fell from my left eye hanggang sa nagsunud-sunod na. Kumuha ako ng sapat na lakas para makatayo at umakyat paakyat ng hagdan.
Hindi ako makagalaw ng maayos dahil sa sakit ng katawan kaya dinahan-dahan ko pa ang pag-akyat ng hagdan.
"Kung sa kwarto ka pupunta, wala na riyan ang kwarto mo!" rinig kong sigaw ni Mommy mula sa sala. "Sa maid's quarter ka na matulog tutal hindi ka na prinsesa."
Pero hindi ko na pinansin si Mommy at nagtuloy sa kwarto na tinutuluyan ko. Sa labas pa lang ay maamoy ko na ang pintura pero hindi ko iyon ininda. Laking pasasalamat ko at nagbukas ang pinto at hindi nakalock pero agad nawala ang masayang ngiti sa labi ko sa nasaksihan.
My galaxy inspired room is now a wreck. Sirang-sira na ang dingding na may mga galaxy. Wala na rin ang telescope na pinag-ipunan kong bilhin sa tulong ni Daddy. Yung kisame ko ay napinturahan na ng puti. Wala ng bakas ng night sky ang makikita. Parang isang plain guest room na lang ito ngayon.
Kusang tumulo na ang luha sa mga mata ko habang nanlalambot na ang mga tuhod. Napaluhod pa ako sa sahig na wala na ring bakas ng nakaraan.
The only memory that keeps my daddy alive is this room. Yung nag-iisang memory ng pagmamahal ni Daddy ay nasa kwartong 'to pero maski iyon ay kinuha sa akin.
Marahan kong pinunasan ang pisngi ko nang magring ang phone ko. Mabilis kong sinagot ang tawag dahil hindi ko na alam kung saan ako hihinga. Parang nasusuffocate ako. Ang bigat sa dibdib.
"T," hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil napuno ng hagulgol ko ang apat na side ng kwarto.
Wala akong narinig na sagot pero dinig ko ang buntong-hininga niya. "Nasaan ka?"
Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata ko habang umiiling na akala mo naman ay nakikita niya. Hindi ko na kailangan siyang bigyan ng alalahanin, alam ko na masama pa rin ang loob niya dahil sa ginawa kong pambabalewala sa kanya kanina.
"Nasaan ka?" ulit niya.
I inhaled deeply and tried to chuckle but it cracked. "O-okay lang a-ako," nagawa ko pang tumawa para maging convincing. "Ako pa ba?"
He sigh on the other line. "Fine," nawala siya ng ilang saglit. "Talk and I'll listen. Hindi ako magsasalita basta magkwento ka."
He is always that kind of bestfriend. He is my rant absorber. Siya ang sumasalo ng negativity ko para sa mundo. Kilala niya akong sa tuwing may problema akong dinadala na palagi namang si Mommy. Kung may problema akong dinadala ay magkekwento ako sa kanya hanggang sa maging okay ako at nailabas ko na. Doon siya magsasabi ng opinyon niya kung hinihingi ko.
"The only reminder of my dad's love is now gone." Inisang ikot muli ng mga mata ko ang kwarto at sa bawat pagtama ng mga mata ko sa dingding ay parang mas lalo akong kinakapos ng hininga. "Alam ko namang kasalanan ko kung bakit... Alam na alam kong ako ang may kasalanan kung bakit siya namatay, dahil lahat sila, miski si daddy, ako ang sinisisi,pero hindi ba pwedeng pagbigyan na lang ako na mamuhay sa panaginip na mahal ako ni Daddy?"
"Alam na alam ko kung bakit sila galit dahil kahit ako, galit ako sa sarili ko. Galit na galit ako, pero ang sakit... Ang sakit-sakit na. Gusto ko ng sumuko, gusto ko na lang mawala pero alam ko na masasayang lang ang buhay na isinakripisyo ni daddy kapag umayaw ako bigla... Hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob pero alam ko sa sarili ko na kailangan ko magpatuloy."
"Hindi ko naman itinatanggi na may kasalanan ako, kung sana ay hindi ako lumabas, sana nakipag-usap na lang si Daddy roon sa gunman at hindi sana niya ako iniligtas."
"Can't they see? Anak ako! Anak niya ako pero bakit ganito? My body is full of bruises, my body is painful pero bakit ganoon? She os damn hurting and validating my feelings!"
Tahimik lang ang kabilang linya pero dinig ko ang bigat ng kanyang mga hininga. Alam ko na nadamay ko na naman siya sa bigat pero wala na kasi akong malapitang iba. Siya lang ang taong alam ko na hindi ako huhusgahan kahit gaano kamali at kababaw ang mga rason ko sa mga bagay-bagay.
"Nailabas mo na?" tanong ng nasa kabilang linya. "Okay ka na? Maluwag na ba?" palagi rin sa tuwing naglalabas ako ng sama ng loob ay ganoon ang tanong niya sa tuwing hindi na ako nagsasalita matapos mag-share. "Kung tapos ka na, ako naman ang magsasalita." I heard his deep breaths. "Ryl,kahit gaano kasama ang mundo mo, may isang bagay kung bakit gumaganda 'to. At yon ang pagmamahal. Maybe in your thoughts, tito hates you, but believe me, he loves you. He loves you so much na kaya niyang isakripisyo ang sarili niya mailigtas ka lang. Kaya huwag na huwag mong sasayangin ang buhay pinili niyang iligtas kapalit ng kanya," he paused. "At kung mabibigyan ako ng chance na ganon, I will not hesitate to save you too because you are important to me... Very important."
Alam ko na tama ang sinasabi niya pero wala yatang plano ang utak ko na makinig sa kahit na ano. My mind is blank as my heart feels empty. Parang automatic din na tumigil ang luha ko sa pagtulo dahil sa pagod. Sa isip ko, gusto ko na lang tumakas sa lahat, gusto ko na lang umayaw. Pero sa tuwing naiisip ko ang dahilan kung bakit ako buhay ay mas ginugusto kong lumaban. He saved me tapos bibiguin ko siya? I can't even stand that. I want him to be proud. I want him to see how I manage to survived this crisis.
"What date is it?" biglaang tanong ng kabilang linya nang maging tahimik kami pareho.
"October ten,"kunot-noong sagot ko sa kanya. I mentally asked myself kung anong mayroon at nanlaki ang mata ko nang marealize kung ano. "Oh my gosh!"
Alam ko na nakapout na naman siya ngayon na nakapagpatawa sa akin. Sa saglit na pagkausap ko sa kanya parang nawala lahat ng bigat. Parang gumaan lahat.
"Im so sorry!" I pleased. "Happy birthday! Inaway pa kita tapos birthday mo pala!"
Ininis ko pa siya kanina at pinaalis tapos birthday niya how can he call me his friend?
I totally forgot. Sa sobrang daming iniisip ay nakalimutan ko na ang birthday ng kaibigan ko.
"Bigay ko na lang gift ko sayo sa monday!" I smiled as my eyes landed on the small picture frame where the portrait of us placed. Kaming dalawa na nakaupo sa damuhan habang ako ay nakapikit na nakasandal ang ulo sa balikat niya at siya ay nakatingin sa akin. Binuksan ko ang isang drawer na maliit saka kinuha ang isa pang pares ng portrait.
Ang isang portrait naman ay nakaakbay siya sa akin at parehas kaming nakangiti ng malaki sa litrato.
Kuha ko lang ang mga pictures na ito sa phone ko. Dahil nga mahilig ako sa arts at drawing ay napagpasyahan kong idrawing kaming dalawa nung mga panahon na wala akong mapagkaabalahan. And I relaxed.
"Sus," I imagine him rolling his eyes. "Magugustuhan ko ba yan?"
I cracked a laughed. "Oo naman, kasama kasi ako sa regalo."
It didn't sound right pero hindi ko na alam kung paano bawiin at alam ko rin na tatawanan niya lang ako.
Di na nga ako nagkamali, I heard his annoying laughs kaya napapikit na lang ako ng mariin habang natatawa sa sarili. Atleast, he have time to talk to me at napatawa niya ako, he light up the sour mood I have earlier.
***
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top