Chapter Three
Nagising ako sa amoy kemikal, ginala ko ang mga mata sa apat na sulok ng kwarto at napansin na halos kulay puti ang pintura. Napatingin ako sa suot kong damit dahil ramdam ko ang pangangati ng balat. I am still wearing the gown I sported at the party.
Agad kong iginala ang mata ko para hanapin si Mommy at nakita ko siyang malamig lang ang mga mata na nakatingin sa akin. Magka-krus ang mga braso niya habang walang emosyon ang mga mata.
"M-mommy."Pinilit kong umupo para mahawakan ko ang kamay niya at matanong kung kumusta na si Daddy pero laking gulat ko nang paluin niya lang ang kamay ko para maiwasan.
"M-mommy." My heart ached as I saw how she threw dagger looks on me. "K-kumusta po s-si D-daddy?" I tried so hard not to choke on my own question.
Tell me mom that I just had a bad dream! Hindi naman yon totoo di ba? Nahimatay lang ako kaya ako narito! Di ba?
Pero biglang dumapo ang palad niya sa pisngi ko, sinundan niya iyon ng sarkastikong pagtawa at pag-iling. "Tinatanong mo ko n'yan? Talaga!?"
Habang hawak ang parte ng pisngi na sinampal niya ay mabilis na nagtuluan ang mga luha sa mga mata ko nang sunud-sunod na pumatak ang mga luha ni Mommy sa kanyang mata habang nakatingin pa rin sa akin. "T-tinatanong mo ko niyan matapos mo siyang p-patayin?" galit na pagbuga niya ng tanong. "How could you even asked about that!"
Rumagasa ang mga ala-ala namin kani-kanina lang,from the sweet and corny conversation,on how he protected me from the bullet and his lifeless body laid on the floor. Kusang napahigpit ang pagkakakapit ko sa kumot nang maalala ko ang mga iyon. My eyes watered more as I tried to cover my ears,sinusubukang 'di marinig ang mga salita na paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko.
"Pinatay mo siya!"
"You killed him!"
My breath quickened. Ramdam ko na ang pamumuo ng pawis ko sa noo na tumutulo na pababa sa aking leeg kahit na ramdam na ramdam ko pa rin ang malamig na aircon sa kwarto.
"Kung sana nakinig ka sa kanya na huwag umalis sa tabi ko, sana kasama pa natin siya!"her voice broke.
"I t-thought... I thought I can save him."
"He doesn't... He doesn't need a saving from you!" she shouted. Kita ko ang pamumula sa mga mata niya, sinama pa ang leeg niya. "Hindi ka niya kailangan para iligtas siya dahil kaya niya."
"I'm sorry...I-I'm sorry." I know that. It's my fault. He might survive if I didn't ran after him. No... Totoong makakaligtas siya kung mahaba ang patience ko at hindi nagmadali para sa kanya.
Narinig ko pa ang pagak na pagtawa niya. Hindi ko na kayang tignan ang mga mata ni Mommy na puno lang ng galit at paninisi. "Sorry? " Hinawakan niya ako sa baba at pilit na pinaharap sa kanya. Nanlalaki at nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. "Sa tingin mo maibabalik n-non ang buhay niya? Sa tingin mo babalik siya sa isang sorry mo?"
Pinipilit kong pinipilig ang ulo ko para makaiwas sa mahigpit niyang paghawak sa akin pero wala iyong nagawa dahil sadyang di iyon matanggal dahil sobrang higpit.
She leaned towards me as her eyes shouts how angry she was. "Tandaan mo to... Remember this! Pinatay mo siya! You killed your father kaya kahit kailan hinding-hindi kita mapapatawad!"
Kusang nanubig ang mga mata ko habang sumasakit ang dibdib ko sa bawat tusok ng mga salitang galing sa kanya. Walang bakas ng pagbibiro na lagi kong nakikita sa tuwing tinatakot n'ya ako. Ngayon ay puno talaga ng galit ang nananaig sa kanya.
Mabilis ang ginawa niyang pagpapakalma sa sarili nang biglang bumukas ang pinto. Humahangis na lalaking kaedad ko ang pumasok.
I firstly welcomed by his clean-cut jetblack hair, natural na sa kanya yon. His complete set of teeth were completely seen because of his gummy smile.
Mabilis siyang lumapit sa gawi ko pero agad na napatigil nang makita si Mommy, he gently bowed saka nagmano.
"Tita," he acknowledged.
Mommy just nodded, sumunod na sumilip ang isang babaeng nurse kaya lumabas si Mommy para sumunod doon.
Pinanood ko ang paglalakad niya palapit sa akin at napataas ang kilay ko nang dahan-dahan pa ang ginawa niyang paghakbang sa akin. "So ano na?" I asked.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa saka umiling. "What's wrong with my baby?"
Kusang rumolyo ang mga mata ko. He is being the Tristan that I'd known for years. "Wala ka bang magawang magaling?"
Napahawak siya sa dibdib niya na parang nasasaktan kaya asar kong kinuha ang unan sa ulunan ko at binato sa kanya. "I'm being the good bestfriend here tapos ganito ka!"
I sighed. "Umayos ka nga."
Biglang sumeryoso ang mukha niya, like the old times, he only listened to me. Kung anong gusto ko,iyon ang sinusunod niya. "I've heard about Tito," nag-aalinlangan niyang saad. "How are you?"
Mabilis akong nag-iwas ng tingin, imbes na sa kanyang mukha ay sa magkahawak kong kamay ako nakatingin habang umiiling. "Hindi ako okay," I glanced at him and tried to put a smile on my face.
He shook his head,saka inabot ng kamay niya ang ilong ko saka pinisil kaya tiningnan ko siya ng masama. "Ang sabi ko sayo, kapag ako yung kasama mo hindi mo na kailangan ngumiti kahit hindi kangiti-ngiti yung nangyari. You can show your tears on me, I wont judge you just like the others do."
"Pinatay ko siya... I killed my dad."
Mabilis siyang dumalo sa akin mula sa pagkakaupo at mas lumapit. He hugged me and let his shirt be wet because of my tears. "It's not your fault. No one's at fault."
Marahas akong umiling atsaka humigpit ang hawak ko sa kumot na nagtataklob sa amin. "I am at fault," mahina kong pagsang-ayon sa pilit na sinasabi ni Mommy. "Kasalanan ko lahat... I killed my dad, T."
Tristan sighed, he puckered his lips and let his tongue rolled over it before sitting again on the chair beside my bed. "Tito saved you, hindi ikaw ang bumaril kaya hindi ikaw ang pumatay sa kanya."
Tahimik lang ang naging mga minuto sa pagitan naming dalawa. Tristan's eyes are looking at me, knowingly pero pinipilit kong hindi magpatangay sa kanya dahil sa oras na matangay ako, masisiguro kong mawawala na sa utak ko ang ginawa ko. Ayaw kong makalimutan si Daddy,ayaw kong kalimutan kung paano ko siya pinatay at pinahamak.
My mind is shouting on possible what ifs. What if I stayed with mom? Paano kung hindi na lang ako lumabas? Paano kung 'di ako nagpadalos-dalos?
He should've save only if I'd listened to him.
My heart aches as I felt how my tears fell from my eyes. It streams on my face but I tried to blink as many as I can to prevent the next tears from falling.
Tahimik lang na nanonood si Tristan sa akin. Mabilis kong pinunasan ang luha ko nang biglang bumukas ang pinto.
Tuluy-tuloy na naglakad papasok si Mommy, saglit pang napatingin ang mga mata niya sa kamay ni Tristan na nakapatong sa kamay ko kaya pasimple kong kinamot ang noo ko para maalis ang pagkakahawak. Bahagyang tumaas ang kilay ni Mommy pero 'di na pinansin ang ginawa ko.
"I am pretty sure that you're okay now. I'd talked to your doctor and she said that anytime of this day, you can be discharged."
I slightly nod my head, biting my lowerlip,para maiwasan na ang magtanong.
"M-mom... " tawag ko ng pansin sa kanya.
She stares at me and I just smile at her. "Are you still mad at me?"
Napalitan ng galit ang walang emosyon niyang mga mata kanina, she smirked at stalked in front of me. "See my eyes?" Turo nito sa mga mata niya na punung-puno ng galit. Halos maningkit at mamula na ang mga iyon dahil sa galit. "Judge my answer base on that,"malamig na turan nito bago lumabas ng pinto.
Kusa akong napahawak sa dibdib ko habang sinundan ng tingin si Mommy.
Hindi ko magawang punasan ang luhang tumutulo sa mga mata dahil miski kamay ko ay napagod na sa kakagalaw, napagod na sa kakapunas. Tristan stayed by my side and he just hold my hand,maya-maya niya itong hinahaplos, tila binibigyan ako mg lakas.
"Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ni Tita, nakain lang siya ng galit ngayon. I'm sure bukas okay na." I just show him my smile and nod a little bit kahit na alam ko na hindi naman ganoon kadali yon.
She is angry. I know that in her eyes I am the killer. Ako yung pumatay kay Daddy kahit hindi kaya alam ko na matatagalan pa pero alam ko ring mahal niya ako kaya mapapatawad niya rin ako balang-araw.
Biglang tumunog ang phone niya kaya napatingin kaming dalawa sa bulsa niya. Itinuro niya ang labas na tila nagpapaalam kaya tumango ako at maliit na ngumiti sa kanya, simply saying that I'll be okay kaya mabilis siyang lumabas ng kwarto.
I took a deep breath before laying on the hospital bed. Napatingin ako sa kisame, sanay ako na makakita ng mga bituin kahit na may kisame na nakaharang sa taas. Daddy knew that I love stars,no I love the night sky kaya nung sixteenth birthday ko, iyon ang nakuha kong regalo sa kanya. Ipinaayos niya ang kwarto ko at ginawang galaxy inspired mula floor, dingding at pati ang kisame.
Dahan-dahan akong naglalakad, habang hawak ni Daddy ang aking dalawang kamay-inaalalayan papunta sa aking kwarto. Naroon daw kasi ang gift niya sa akin ngayong birthday ko.
Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko kahit na madilim ang buong paligid dahol nakablind-fold ako.
"Malapit na tayo," ramdam ko ang kasabikan ni daddy habang bumubulong siya sa aking tenga.
I chuckled and nod. Excited na akong makita kung ano yon? Is it a limited art materials? Books from my favorite author? Habang tinatanong ang sarili ay 'di ko na namalayan na may binuksan na si Daddy na pinto.
Habang ako ay may kasiguraduhan pa rin ang bawat hakbang, tinatansya pa at iniisip kung ano ang maaari kong makita.
"No peeking,huh!" babala niya habang tinatanggal na ang akong blindfold. "Don't open your eyes just yet!"
Ako naman bilang masunuring bata ay hindi pa minulat ang aking mga mata kahit na wala na ang piring doon.
Narinig ko ang switch ng ilaw at bigla ulit dumilim ang paligid, yung kaunting ilaw na nasisinag ko kanina ay nawala na.
"Count of three... One...two... Three." Kasabay ng bilang ni Daddy ay bumukas na ang aking mga mata.
Nanlalaki ang mga mata ko habang tinitignan ang buo kong kwarto. My heart flushed as I ran towards him and snaked my arms on his waist. "Daddy!"
He cackled a laughed and kiss my forehead. "Nagustuhan mo ba?"
Parang kanina lang ay simple pa ang ayos ng kwarto ko. From simple pink carpeted floor, naging glittery galaxy inspired ang sahig ng kwarto ko. Hindi pang basta galaxy inspired, kung hindi kumintab talaga na parang nasa universe ka. Yung dingding na kulay pink din ay nahaluan ng dark violet and bluish color,sinamahan pa ng white small circles na parang stars. Ang ginamit na pintura ay parang glow in the dark dahil kahit patay ang ilaw ng kwarto ko ay makikita ang kumikinang na mga bituin sa dingding.
"Eyes up, "utos niya.
I pouted my lips playfully but he just chuckled and pinch my cheeks. Tiningala ko ang aking ulo to only see the complete constalations on my ceiling. Makikinang pa rin ang mga bituin na naroon. Mabilis na nagtubig ang mga mata ko kaya naiiyak akong napatingin kay Daddy na masaya lang na nakatingin sa akin. His wrinkled cheeks are stretching, tapos marahan niyang ginulo ang buhok.
"Happy birtday, prinsesa ko. Mahal na mahal ka ni Daddy." Marahan niyang pinunasan ang luha sa pisngi ko at hinalikan ako sa noo.
Nakayakap lang ako sa kanya saka tumingala para makita ang mukha niya. "Thank you daddy. I love you,"
"Kung wala si Daddy sa tabi mo, tingin ka lang sa langit, pareho pa rin tayo ng langit na tinitignan,okay?" Masaya akong tumango habang patuloy niyang hinahaplos ang buhok ko.
Kung titingin ba ako sa langit, masasagot non kung bakit mo ko iniwan agad? Parehas pa rin ba tayo ng tinitignan? Bakit daddy? Bakit mo iniwan ang prinsesa mo?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top