Chapter thirteen
Bakit kailangan ko pa bang patunayan ang sarili ko kung alam ko naman ang magiging resulta nito. Mom is right, wala akong mararating, wala naman talaga pero bakit gusto ko pa ring subukan? Bakit gusto ko pa ring subukan kung gaya noon makikita ko ang proudness sa mga mata niya habang pinapanood ako sa stage na kumuha ng diploma at sinasabitan ng medal ng adviser ko. Ganun naman talaga ang set-up namin, dad wants to go with me on stage every time, but mom wants him to stay with her and watch their daughter recieve another achievement, another first place.
Di na ako nagcocomplain dahil alam ko na rin naman ang rason kung bakit ganoon, daddy said mom just wants me to be independent. To be a woman of my own, ayaw niya akong maging dependable kahit kanino, kinagat ko ang katwiran na yon kahit na inggit na inggit ako kay April sa tuwing proud na proud siyang aakyat ng stage kasama ang mommy niya na kinukuhanan naman ng picture ng photographer niyang stepdad.
For mom, she wants a dependable daughter, an independent na hindi kailangan ng tulong ng iba para marating at makuha ang gusto.
Kaya kahit wala akong tiwala sa sariling kakayahan ay sinubukan kong salihan ang competition, baka kahit papaano ay makita ko ulit ang mga mata niya na somehow, proud na nakatingin sa akin at pinapanood ako.
Baka kapag nakita niyang kaya ko maipanalo kahit na walang naniniwala ay baka kahit papaano bumalik siya sa dati. Kahit na hindi na yung proud na proud, kung hindi iyong mga oras na may pakielam siya sa akin.
"Hey, you are spacing out again." Timothy snap his fingers in front of me kaya nahihiya akong nagbaba ng tingin sa libro na nasa harapan ko. "Are you okay?"
Marahan kong nakagat ang labi ko saka tumango, I even nod a bit to be more realistic. "May naisip lang."
Ilang segundo siyang nakatingin lang sa akin, nakakunot ang noo na parang naguguluhan. "Alam mo ba na gusto kong maging RNA?"
Ako naman ang naguluhan sa biglaan niyang sinabi. Napakunot ang noo ko habang nakatingin lang din sa kanya. "H-huh?"
He smirks and bit his lower lip, na parang pinipigilan ang pagngiti. "So that I can paired with you."
My face automatically flush red. Mabilis kong dinama ang mukha ko saka muling nag-iwas ng tingin, nahihiya. Pero mas lalo akong naguluhan nang marinig ko ang mahina niyang pagtawa. I throw a glare on him making him bite his inner cheeks para mapigilan kung ano man ang pinipigilan niya.
Sino ba namang niloko ko 'di ba? Maybe he was just joking earlier, walang lalaki na gugustuhin ako dahil sa ginawa ko kay Daddy, iisipin nila na nagawa ko yun sa sarili kong ama kaya imposible na na hindi ko iyon magawa sa kanila. Kaya kaysa mag-assume at mas masaktan, mas maganda siguro kung iwasan na lang.
Mabilis akong tumayo saka nag-ayos ng mga gamit. Napatingin ako saglit sa relo ko at nakitang malapit na umuwi si Mommy, hindi niya ako pwedeng maabutan na wala sa bahay dahil parang hindi ko na kaya kung may mangyari pa na hindi maganda.
"Hey!" tawag ng kasama ko nang tuluyan ko ng naisukbit ang bag ko.
I smile to hide my uneasiness,syempre ayokong bigyan siya ng alalahanin kaya sinigurado ko na hindi niya mapapansin yon.
"Sorry, kailangan ko ng umuwi, past five na kasi, baka naroon na si Mommy sa bahay," dahil na rin sa pinaghalong kaba at hiya ay hindi ko na alam kung nahalata niya pa ang panginginig sa boses ko.
I can feel the burning pain that I will feel once I get home. Nakikita ko na ang mga violet patches na naman na magkakaroon ang balat ko.
Ayaw ko na rin bigyan pa ng malisya ang banat niya kanina sigurado naman ako na hindi siya seryoso dahil nga sa tawa niya.
"Wait up." Mariin kong pinikit ang nga mata ko bago inabala ang sarili na huminto sa pagallakad palabas. I waited for him na makarating sa pwesto ko at nakita kong katulad ko ay dala na niya ang gamit niya.
My heart hammered as he held my hands, my fingers were locked on his kaya sobra-sobra ang kabog ng dibdib ko, sinamahan pa ng kaba na baka naririnig niya. His natural scent felt surreal plus the men's perfume he is using na alam ko naman na mamahalin.
"Sabay ka na sa akin, narinig ko kasi sa kasama mo kanina ka di ka masusundo, so I conclude na mag-isa ka."
"Huwag na, kaya ko naman,"nakangiti man pero alam kong halos maihi na ako sa kilig at sa kaba dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag nagpumilit pa siya.
Pero sadyang hindi niya rin ako binigyan ng pagkakataon na makatanggi dahil hindi niya pinakawalan ang kamay ko sa kanyang pagkakahawak kahit na ang mga mata ko ay naroon nakatuon. Kaya habang naglalakad papalabas ay palinga-linga ako, takot na baka makita ako ni Tito o ni Mommy na may kahawak-kamay dahil paniguradong latay na naman ang matatanggap ko.
Ilang minuto akong parang batang takot maligaw dahil pagala-gala ang mata ko habang hinihila ni Timothy ang kamay ko papuntang kanyang sasakyan. Wala na rin akong nagawa dahil sadyang mapilit siya. Halos murahin ko rin kasi sa isip ko si Tristan dahil kung hindi siya nag-ingay kanina nung hinatid ako ay hindi naman maririnig ng kasama ko ngayon.
"Malandi kang bata ka!" Agad napabitaw si Timothy sa pagkakahawak sa akin nang mabilis akong nahila ni Mommy. Nanlalaki ang mga mata niya habang mahigpit na nakakapit sa akin.
Sa harapan ni Timothy ay walang kasinglakas niya akong nasampal kaya napatagilid ang aking mukha. "Ang buong akala ko ay si Tristan lang ang lalaki mo tapos makikita kong mayroon pang isa!" Isa pang sampal ang natanggap ko na nakapagpamanhid na sa buong pagkatao ko.
Hindi ko magawang salubungin ang mga mata ni Timothy dahil sa kahihiyan kaya naman hinayaan ko na lang gawin ni Mommy ang gusto niya dahil alam ko na mas masasaktan ako kapag binuka ko pa ang bibig ko. "Malandi ka! Ang kapal-kapal ng mukha mo!"
"Ma'am tama na po!" Tumigil si Mommy at napaplastikuhang bumaling sa sumangga ng braso niya para sa akin.
Humarap si Mommy kay Timothy na halata namang nagulat lang din sa pangyayari. "Nagpauto ka rito! Bakit? Gusto mong mangyari sa 'yo ang ginawa niya sa tatay niya?" Dinuro niya pa ang kokote ko kaya hindi na ako makatingin ng diretso. "Wala yang utang na loob kaya kung gusto mong humaba ang buhay mo, huwag kang makikinig sa babaeng to!" Isang dutdot pa pero wala na akong lakas kaya napaupo ako sa semento. Lalapitan na sana ako ni Timothy pero humarang si Mommy sa daraanan niya.
"Ma'am kailangan niya ho ng tulong," magalang na pakiusap nito.
"Hindi! Paawa lang yan! " Sinipa ako ng marahas ni Mommy kaya napaigik ako. Hindi pa kaai tuluyang gumagaling ang pasa ko sa tuhod dahil sa pagkakasubsob sa sahig. "Tumayo ka riyan!"
Wala akong nagawa kung hindi ang tumayo,pigil ang paglabas ng daing dahil ayokong masabihan na paawa.
"Tara na!" Hinablot ni Mommy ang braso ko pero mabilis akong nahila ni Timothy. Hindi kagaya kanina ay wala na ang mapagpakumbabang tingin nito.
His stern face is very visible while looking at my mother. "I am begging, uuwi rin naman po siya sa inyo pero huwag ninyo na po siyang pagbuhatan ng kamay."
Mommy smirk at the guy who is protecting me saka bumaling sa akin na nagbababala. "I don't think you have the rights but fine... Feel free to do whatever you want with her. I believe she is not that pure either."
My heart aches like how the needles pin inside my chest. Bahagya ko pang minasahe ng pa-circular ang dibdib habang nakatingin lang ng diretso sa babaeng nagluwal sa akin.
I mentally slapped myself. Gaga ka, Aryl, natural na ganyan. Masanay ka na, she is not the woman who loves you anymore.
Doon ako nalubog. Kusang nahulog ang mga tubig mula sa mata ko, I know she is angry but saying that to someone na hindi niya kilala at tunog binibigyaan niya pa ng karapatan ay mas lalong nagpalubog sa akin.
Aryl, you are strong enough to conquer all. She is just angry she loves you. She loves you. Patuloy kong kinakausap ang sarili ko dahil baka kahit doon man lang mapaniwala ako. Baka kahit sandali ay makaramdam ulit ako ng ease. Na makaramdam ulit ako ng pagmamahal na galing sa kanya.
"Tss." Napatingin ako sa kamay na nakahawak sa braso ko. Bluish bruises from my mom is now visible. Nabura pala ang maliit na percent na nilagay kong concealer.
Timothy looks at me, hindi ko alam kung lalabanan ko ang tingin niya o magbababa na lang ulit ng tingin dahil sa hiya. Funny on how he became the person who see me in this state. Siya rin kasi ang nakakita sa akin nung tinaboy ako nila lola sa burol ni Daddy.
"Why are you so densed?" asar na tanong niya. "Siguro kung ibang tao yung hinawakan ang pasa, todo arte na. Bakit ikaw parang walang epekto?"
"Matibay 'to,eh!" I even show him my imaginary muscles while laughing.
"Talaga ba?" He closed the distance between us and held my cheeks saka pinakita sa akin ang thumb niya na may basa. "Eh bakit umiiyak ka?"
Natawa ako sa naging reaksyon niya na parang alien ako na kinakausap niya. "Sanay na ako," I shrugged. "Namanhid na siguro."
"Bakit?" usisa nito. "Palagi bang ganoon ang Mommy mo sa 'yo?" hindi ko na lang siya sinagot at hinila ang braso ko na hawak niya saka naunang maglakad.
Hindi ito ang tamang oras para magkwentuhan, malamang sa malamang ay ilang sampal, palo o hampas na naman ang matatanggap ko pagkauwi ko ng bahay.
Pero hindi siya natinag sa kabila ng pananahimik ko, patuloy siya sa pagsunod sa akin. "Funny on how I am the one seeing you in this state."
Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya. I swallow every hard lumps on my throat, nilalabanan ang kung anuman ang gustong lumabas sa aking bibig. "Why are you here? Dapat nag-aaral ka na at ako naman ay nakauwi na."
Hindi ko rin kasi maintindihan kung bakit siya ganoon. Parang ang laki ng trip niya sa buhay at sarili kong buhay ang napagtripan pakielamanan.
He smile. "Simple lang," he said while shrugging his shoulder. "I am interested in you."
Naiwan akong natulala habang nakatayo, parang hindi ko na magalaw ang paa ko dahil sa paninigas ng mga muscles. Tapos ang dibdib ko ay malakas na ang kabog, hindi na normal na parang anumang oras ay mawawalan ako ng malay.
Hindi katulad kanina ay mas nauna siyang naglakad kaya nung napansin ko na pinagtitinginan na ako ng mga tao na dumadaan dahil kahit sa malayo ay sinusundan ko ng tingin si Timothy ay mabilis na ang naging steps ko para sumunod sa kanya.
"Ang tagal mo namang kiligin," he boastfully said.
My blood boil in anger and annoyance, nabawasan ng five percent ang pagka-crush ko sa kanya dahil katulad din pala ni Tristan, mayabang siya!
"Ang kapal naman ng mukha mo!" bulyaw ko. I even crossed my arms around my chest while looking at him nang bahagya konv nailayo ang distansya naming dalawa. "Hindi ako kinikilig sayo noh!"
He pinched my cheeks while cackling. "Okay, sabi mo eh. Mas maganda ang nakikita ko kaysa sa sinasabi mo!"
"Hindi nga sabi!"
Then again, he closed the distance between us. Kabado bente na ako dahil kitang-kita ang kaseryosohan sa mukha nila.
"Bakit ka lumalapit?" Pinipilit kong itulak siya palayo pero naging matigas siya.
He smirked. "Para makita ko kung gaano mo kayang itago ang kilig mo."
I gulped and then I realized that we are not alone here. Nakatayo si Tristan sa harapan namin habang hawak-hawak niya ang librong kanina ko pa hinahanap sa buong library.
His eyes shouts pain and I didn't know how I felt that too.
***
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top