Chapter ten

Halos manlaki ang mata ko nang pasimple siyang lumapit sa akin kaya wala sa sariling nahampas ko ang mukha niya.

He look shocked, sa ginawa ko o siguro nagulat din siya sa balak niyang gawin.

He bit his lowerlip and chuckled weakly. "I'm sorry," he murmured.
I clicked my tongue bago pasimpleng inilayo ang distansya ko sa kanya saka pinagpatuloy ang pagbabasa. "Pangit mo ka-bonding!" pabiro kong saad.

I don't want him to think that it creates an awkward barrier between us kahit totoo naman. Ayaw kong magtanong siya nang magtanong hanggang sa darating na siya sa punto na alam na niya kung bakit naging awkward ang lahat.

He knows me. Alam niya ang lahat-lahat tungkol sa akin. Nakita na niya ang lahat sa akin, nagsabay na nga kami maligo nung mga bata kami kaya wala na talaga kaming ilangan sa isa't isa.

"Matanglawin ka!" akusa ko habang natatawa. I watched how his face turns to sour.

Kunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin. Siguro iniisip nito na ang moody ko. "Anong matanglawin? "naguguluhang tanong nito sabay kamot sa batok.
I rolled my eyes and snapped my fingers. "Duh!" I looked at him and smile devilishly. "Edi kasi mapangahas ka, alam mo yun? Yung ending line ni Kuya Kim sa matanglawin?"

Bumalik siya sa dating pwesto he rested his elbow on the table, saka niya ipinagpahinga ang pisngi niya sa kanyang kamay. He pursed his lips,pinipigilang matawa habang nakatingin sa akin. "Paano mo nasabi na matanglawin ako?"

I blinked a lot of times. "Kasi you crossed the lines!" palusot ko.

He laughed heartedly. Malakas ang loob niyang tumawa kasi alam niyang wala pang maninita sa kanya. "Crossed the lines? Sige nga paano?" aliw na aliw siya, alam ko.

"Duh!" I rolled my eyes. "Kasi hahalikan mo ko,eh!"

He is grinning. "Hahalikan?  Hindi kita hahalikan kung ayaw mo."

I gulped and in my mind I tried to think of any possible dahilan para makaiwas sa hindi sinasadyang pag-aassume na ito.

"Eh bakit kasi lumalapit ka kanina!"

Lumapit ulit siya ng di hamak na mas malapit kaysa kanina. Hindi ako nakaiwas agad dahil mabilis ang kamay niyang lumapat ng bahagya sa aking pisngi at may tinanggal doon.

Tutok na tutok ang mga mata niya sa hawak niyang maliit na buhok habang unti-unting lumalayo sa akin. "Make a wish!"

I am in daze as I watched him making small smiles while looking directly on the small hair he is holding.

Kumunot ang noo niya saka bumaling sa akin. "Make a wish."

Doon ako biglang natauhan. I mentally slapped myself from being so lutang. "Huh?"

He groaned and roll his eyes in a manly way. Saka siya bahagyang pumikit bago muling dumilat at hinipan ang buhok na maliit na hawak niya.

He clapped his hands and his eyes diverted on me. "Ganoon lang yon!"

"Anong winish mo?" curious kong tanong.

He smiled and gently pinch my cheeks. " I wish for Aryl's happiness. Sana maging totoo na ang mga ngiti katulad noon."

Nabalik ako agad mula sa pag-iisip ng makaramdam ng paghapdi ng aking pisngi, then there I saw my mom who is now gawking at me. Napakagat ako ng labi saka nagbaba ng tingin sa pinggan ko.

"Palamunin ka na! Kaya huwag kang mag-inarte riyan!" galit na bulyaw ni Mommy habang nakatingin sa pagkain na nasa plato ko.

Nang hindi ako gumalaw ay mabigat ang kamay niya na pumatong sa ulo ko at pinilit na ingudngod ang mukha ko sa plato. "Kumain ka sabi!"

Mabilis na tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Pinipikit ko na lang ang mga mata para malabanan ang mabahong amoy ng panis na pagkain na pinipilit idikit sa mukha ko.

Yung ulam naming caldereta kagabi na natira ay hindi nailagay sa ref kaya napanis at ngayon ay iyon ang pinapakain ni Mommy sa akin.

Mahigpit ang hawak niya sa aking buhok kaya wala ring nagawa ang pagpupumiglas ko.

"Kakain ka o kakain ka?" pabulyaw na tanong niya. Pinipilit kong lunukin ang mabigat na batong nakabara sa lalamunan ko. "Kakain ka o kakain ka?!"ulit niya ng 'di ko magawang sumagot.

"K-kakain n-na p-po," pinilit ko na lang magsalita at baka sakaling pakawalan ako na ikinalaki ng pasasalamat ko.

I sigh in relief as her massive hands are slowly drifting away from my hair pero hindi pa pala ako makakahinga ng maluwag dahil nanatili siyang nakatayo sa harapan ko habang magka-krus ang mga braso. Wala akong nagawa, nangingining man ang mga kamay ay pinilit kong abutin ang kutsara sa tabi ng pinggan at saka nangingilid ang luha sa mga mata na kumain. Dinamihan ko ang kanin kahit na alam ko na walang effect yon dahil marami ang sarsa na nilagay ni Mommy. Ang pinaghalong lasa ng kaldereta at ang asim nito na lang dahil sa pagkakapanis ang nalasahan ko. I fight the urge of the tears that are begging to escape from my eyes.

Napatingin ako sa tayo niya nang madinig ko ang pagpapalakpak niya, halatang tuwang-tuwa na makita akong sumunod sa kung anong kagustuhan niya. May kung anong humaplos sa puso ko nang makita ang masasayang ngiti sa mukha ni Mommy kaya mas binilisan ko pa ang pagkain. Her smiles matters to me the most. Hindi ko na siya nakikitang ngumiti sa akin kaya napaka-big deal para sa akin nito.

"Melba!"tawag niya sa isa pang katulong. Medyo bata iyon kay Yaya Minda kaya mabilis kumilos.

Wala pang ilang segundo ay nasa harapan na niya ang tinutukoy. Tinuro ako ni Mommy sa kanya at nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa akin. Maski yata siya ay hindi masikmura kung anong amoy ng kinakain ko ngayon. I smile at her, proving that I am okay para bumalik na ang tingin niya kay Mommy.

"Gagawin ng batang yan ang paglilinis ng buong bahay! Walang tutulong miski isa sa inyo dahil mawawalan kayo ng trabaho,intindiez?!" bulyaw ni Mommy sa kanya na agad naman siyang tumango. "Ituro ninyo lang sa kaniya kung nasaan ang mga gamit sa paglilinis para hindi yan pahila-hilata lang dito sa bahay ng asawa ko!"

My eyes drop off to the food what I'm eating nang madinig ko yon. Asawa niya...pero tatay ko rin naman iyon.

"She is just mad,kaya niya nasabi yon,"pagkausap ko sa sarili ko, pampagaan ng loob. Wala naman din kasi akong magagawa kung hindi ang sumunod.

Lahat naman siguro ng tao ay nakakapagbitaw ng mabibigat na salita kapag galit kaya siguro ganoon. In her eyes, ako dapat ang namatay, kung hindi ako iniligtas ni Daddy kaya literally speaking, ako ang pumatay kay Daddy, pati nga si Daddy alam iyon. He also blames me for what happen.

Buhat-buhat ang mop, feather dust at walis tampo tsaka duspan ay lumabas ako ng storage room saka dumiretso sa hagdan para makapagsimula na. Yaya Melba walks towards me para siguro tulungan ako pero bago niya pa magawa ay inilayo ko na sa kanya ang balde na may lamang cleaning materials.

"Yaya, sabi naman po ni Mommy hindi po ba? Hindi ninyo po ako pwedeng tulungan," nakangiti kong paalala sa kanya ng makitang bahagyang nalukot amg mukha niya dahil inilayo ko ang panlinis na hawak.

"Pero po kasi Miss, sa pagbubuhat lang naman po."

"Kaya ko na po 'to, Ya. Magpahinga na lang po muna kayo."

Gamit ang katamtamang mga braso ay binuhat ko ang puno ng panlinis na balde saka umakyat sa taas. Hindi ko pinakitang nabibigatan ako kahit na halos na manlambot ang mga laman ko sa pagbubuhat.

"Kung may kailangan po kayo nandoon lang po kami nila Yaya Minda sa maid's quarters." I nod my head gently at wala nang sagot akong nakuha na mula sa kanya.

Kuskos. Piga. Walis.

Iyon ang aking ginawa hanggang sa makarating ako ng baba ng bahay. Nakadalawang oras din ako sa taas dahil pinalitan ko na ang mga bed sheets cover at bukas ko na lang din lalabhan. Habang pababa ay sinasabayan ko na ng pagpupunas ng hawakan ng hagdan para mamaya ay hindi ko na rin babalikan. Siniguro ko na maayos ang aking ginagawa para walang masabi si Mommy pagkabalik niya.

Pero nababa ko agad ang timba na buhat-buhat nang mag-vibrate ang phone ko. Sa pag-aakala na si Mommy iyon ay halos mahulog ko pa ang cellphone sa pagmamadali dahil baka may iutos na importante.

Tristan calling...

Napa-roll ang mga mata ko nang mabasa kung sino ang tumatawag pero wala ring nagawa kung hindi ang sumagot.

"Oh?" Inipit ko ang cellphone sa pagitan ng leeg at balikat ko para tuluyang makababa ng hagdan.

"Grabe ka naman makasagot ng tawag! Wala man lang ka-sweetness sweetness!" dinig ko sa kabilang linya na maingay sa kung nasaan man siya pero hindi ko na lang pinansin. Ano pa nga ba ang aasahan sa playboy? Eh di nakikipag-party-party at nag-iinuman sa mga bar kung saan-saan.

Mas matanda kasi siya sa akin ng isang taon pero magkayear lang kami sa senior high dahil nga inantay niya ako maghigh-school para raw sabay kami. Literal na tumigil siya ng isang taon para may kasabay ako.

"Ano ba kasi iyon? Bakit ka tumawag? Marami akong ginagawa! Pagkatapos nito kailangan ko pang mag-review!"

Kailangan ko magreview kasi nga napa-oo na ako ni Miss Marina o tamang sabihin na nabola ako ni Timothy. He just said that I excel on my studies at ako naman na si marupok ay umoo at nakinig but I am not saying na kaya ko ng ipanalo yon, ganoon pa rin ang tingin ko. Malabo kong maipanalo ang laban, lalo na kung ako lang mag-isa,pero kasama ko naman si Timothy at alam ko na hindi niya pababayaan ang school.

"Ouch! I feel so hurt and unloved! How dare you! Samantalang ikaw lang ang mahal ko," nagtatampo ang boses niya. "#feelneglectedsiTristan, " dugtong niya.

I bit the side cheeks from inside habang nagpupunas ng mga marbles and furnitures habang pinapakinggan siyang magrant.

Ang arte niya talaga kahit kailan.

"Ayon! Bumili ako ng bagong pantalon,branded!" sabi ko na nga ba at kalokohan na naman ang dahilan kung bakit siya tumawag.

"Anong brand?" pinipigilan ko na siyang mabulyawan pero naaaliw naman ako kaya hindi ko na rin ginawa.

"Guess Ryl!" excited na pahayag niya. Paano ako makakahula eh wala akong masyadong alam na brands ng pantalon.

"Jag?" patanong kong sagot.

"Guess!"

Ano ba naman to! Eh hindi ko nga alam. Mukha ba akong manghuhula! I smile inwardly. Ang baba ng energy ko kanina pero ngayon napataas niya ng walang ka-effort-effort.

"Eto na nga!" nag-iisip pa ring sagot ko. "Levis?"

"Guess nga, Ryl." Paano ko nga mahuhulaan eh hindi ako mahilig bumase sa tatak. Pinalaki ako nila Daddy na hindi mahalaga ang branded clothes para masabing nasa alta ka. You just need the dignity and your own belief para masabi mong marangal na tao ka. Alam ko rin na hindi lahat ng nasa mataas na posisyon ay mabubuting tao o tumutulong, minsan sadyang mapanglamang at abuso lang sila kaya sila nasa taas. Bata pa lang ako ay sinabi na iyon sa akin nila Daddy kaya hindi malabo na tumatak sa akin ang mga iyon.

"Ang tatak kasi ng pantalon Ryl ay Guess." Doon lang nagsink-in sa akin ang lahat. Nung unang tanong pa lang pala ay sinagot na niya ako. Ang akala ko kasi ay pinapahula niya sa akin kung anong brand.

"Saan ka pala mamaya?" Natigil ako sa pagpupunas ng maliit na lamesa sa harapan ng sofa set.

"Sabi ko nga busy ako, magrereview ako kasama si Timothy mamaya sa library."

"Kayo lang?" di ko masiguro kung tonong galit pero hindi naman basta-basta nagagalit ito.

"Oo hindi kasi pwede si Ma'am Marina,may emergency sa bahay nila."

"Eh bakit hindi na lang kayo roon sa bahay nila Miss Marina?"

Really ba Tristan? May problema nga yung tao tapos aabalahin namin para samahan kami magreview? And worst, pupuntahan namin? Why do we bother her if we can do it,ourselves?

Napaismid ako sa tanong niya. "May emergency nga di ba? So technically baka personal o family. Nakakahiya kung makikisawsaw kami roon."

"Sama ako." My eyes widen as the phone died.

What the fuck? Moment ko na yon with crush tapos sasama pa siya? Para saan manggulo?

***
To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top