Chapter seventeen

⚠:Self-harm,languages

Hindi ko na magawang lumabas ng kwarto, dahil sa takot sa mapanghusgang tingin at matatalas na dila na sasalubong sa akin. Kumuyom ang mga kamao ko habang nakayukong nakaupo sa kama. Kanina pa rin tunog nang tunog ang cellphone ko pero hindi ko pinansin.

"You will just give disgrace to your school."

Agad kong tinakpan ang tenga ko. Umusog pa ako para makasandal sa head rest ng kama ko at doon ko isiniksik ang sarili ko. Naging paulit-ulit ang mga katagang iyon sa tenga ko na halos doon na tumira kaya mas lalo kong tinakpan ng mahigpit ang aking pandinig. Ayokong makinig.

My mom is right,well she always is, para sa kanya wala na akong nagawang tama simula ng napatay ko si Daddy.

Bumalik sa akin lahat ng mga kataga na lumabas sa bibig mg mga kamag-anak ko, ni Mommy, ni Tito Rommel, yung mga mata ni Daddy na galit na galit na nakatingin sa akin. Lahat iyon, bumabalik. Nagpapaulit-ulit sa akin ang mga sinaryo na pinilit kong kalimutan. Pero kataka-taka na kahit gaano kasakit ang ibato sa aking salita ay wala na akong nararamdaman pang kakaiba. Naging parang multo ang mga salitang naibabato sa akin, na naririnig ko dahil hindi ko na maramdaman ang sakit na nararamdaman ko.Kung dati ay halos maubos na ang mga luha ko sa mga mata kapag naririnig ang mga iyon, ngayon ay wala ng luha ang sinasambot ng aking pisngi. Wala ng mga maliliit na karayom ang tumutusok sa dibdib ko. Wala na akong maramdaman sakit, pero nanatiling multo para sa akin ang mga salita nila.

Ayokong pakinggan, nakakabaliw. Yung pakiramdam na dapat ay nasasaktan ka pero wala lang. Parang mga simpleng bulong sa tenga lang ang mga I hold a handful of my hair habang pinipilit na takpan ang tenga ko, huwag lang marinig ang mga iyon. I scream all my pain and hatred on this world.

Kung ako na lang sana ang kinuha niya, baka sakaling masaya pa sila mommy at daddy na nagsasama. Kung sakaling ako yon, sana nakagawa sila ng bagong anak. Yung hindi bobo, yung hindi tanga, yung hindi katulad ko na hindi nag-iisip.

Hindi ako natatakot na baka may biglang pumasok at sabunutan ako dahil siniguro kong nakalock ang pinto nang dumiretso ako rito sa kwarto ko nang makauwi kami.

Hindi lang ang pamilya ko ang dissapointed sa akin ngayon, kung hindi ang buong school. Binigyan ko pa ng kahihiyan ang school dahil sa pagiging wala kong utak.

Ayaw ko na maisip ang naging reaksyon nila nang sandaling malaman nila iyon. I am a loser at dinamay ko pa talaga ang school namin sa pagiging loser ko.

Napatingin lang ako sa cellphone na tunog nang tunog sa bed side table ko, pero hindi roon natuon ang mga mata ko. I saw my art materials scattered on the table. Dali-dali akong gumapang sa kama para maabot ang cutter na nanahimik doon. My eyes feasted on my trembling hands. Gusto ko ulit makaramdam ng sakit. Gusto kong maramdaman yung sakit dahil alam ko na roon lang ako makakabawi sa buhay na kinuha ko. Gusto kong umiyak, lumuha, pero sadya sigurong napagod na ang mga mata ko, natuyo na kaya wala ng mailabas.

Dahan-dahan kong itinaas ang blade ng cutter saka nanginginig ang isang kamay na inilahad ang braso ko. Tutok na tutok ang mga mata ko sa cutter na hawak ko na unti-unting lumalapat at dumidiin sa balat ko. My face has a grim line. Walang reaksyon kahit na kitang-kita ang kulay pulang likido na unti-unting nakakawala sa ginagawa kong maliliit na hiwa.

I winced in pain and I succeeded. Unti-unting tumulo ang mga luha sa mga mata ko habang nararamdaman ko ang mumunting hapdi at kirot ng sugat na ginawa ko.

I laughed and had that smile on my face while watching my blood escapes from the wound I created.

Pero hindi ako nakuntento, habang lumuluha at nakangiti ay itinuon ko sa braso ko ang isa ko pang kamay na may hawak ng matulis na bagay saka parang ballpen lang na ginuhitan nang mahaba ang aking braso. Doon ako nakaramdam ng galak. I am not benumbed. Nakakaramdam pa rin ako. Umiiyak pa rin ako, hindi natuyo ang mga mata ko. May bumabagsak pa rin na luha.

Kasabay ng mga luha sa pagbagsak ang malalaking tipak ng dugo na nanggaling sa mga hiwa sa braso ko.

My eyes started to get heavy, pero hanggang doon ay nakatingin lang ako sa mga dugong lumalabas sa braso ko. I am happy and contented dahil alam ko na mababayaran ko pa ang sakit at paghihirap ni Mommy. Dahil hindi ako manhid, dahil alam ko na masasaktan niya pa rin ako gaya ng ginawa kong sakit sa kanya.

Tama naman siya, kasalanan ko ang lahat, simula umpisa nang pinanganak ako hanggang sa kamatayan ni Daddy ay kasalanan ko. Malas lang ni Dad na ako ang pinili niyang prinsesa, wala naman akong kwenta, wala akong alam, ni ang pagtakbo ng mabilis para maprotektahan siya ay hindi ko nagawa.

Unti-unti kong dinilat ang mata ko at nakita kong nasa puting kwarto na naman ako. Ginala ko ang paningin and then I saw my Yaya who is peacefully sleeping on the couch. Ang hiwa sa braso ko ay may benda na, hindi ko na makita dahil sa benda na nakaharang. May nakakabit na rin na parang dextrose sa akin na ang laman naman ay dugo.Slowly, I caressed my injured arm that is fully casted. Ito ang magiging kabayaran ng lahat ng sakit at galit.

Ibubuka ko na sana ang bibig ko kaya lang ramdam ko ang panunuyo ng aking lalamunan. I scan the whole room and then saw a table that has a picher of water kaya dahan-dahan kong inalis ang puting kumot na nakabalot sa akin saka dahan-dahang tumayo. My legs are like noodles kaya hindi agad ako nakalakad. Pinilit kong patatagin ang binti ko pero hindi ko pala talaga kaya. Nakagawa ng ingay ang pagbagsak ko sa kama kaya kinakaban akong tumingin kay Yaya Minda na nagising. She saw me already kaya mabilis siyang tumayo at lumapit sa akin.

Inalalayan niya akong bumalik at umupo sa kama ko. She is worried I know based on her puffy eyes, bukod sa pagtulog, alam ko na umiyak siya. Kumuha siya ng isang basong tubig sa lamesang pinanggalingan ko saka mabilis na bumalik sa akin.

"Aryl anak, para na kitang anak. Kung may problema, nandito lang si Yaya. Pwede mo kong kausapin. Pwede mo kong pagsumbungan. Mahal na mahal ka ni Yaya." Hinaplos niya ang buhok ko at saka may tumulong luha sa mga mata niya na nagpadurog sa akin. "Hindi mo kaylangan saktan ang sarili mo para parusahan."

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya pero nanatiling mahigpit ang kapit niya sa mga kamay ko. Hindi ko alam kung tamang makaramdam ng saya dahil may mga tao pa palang nag-aalala sa akin. Dahil simula ng mamatay si Daddy ay pinagbawalan na ako ni Mommy na maramdaman iyon. I lived in hell, araw-araw pinaparusan sa kasalanan kong ginawa.

"N-nasaan po sila Mommy?" hirap ko pang tanong.

Her sad eyes tells me that my mom isn't here. Ni hindi nga niya siguro alam ang nangyari. "Tumawag na ako sa kanya nung nakita kitang duguan, pero hindi niya sinasagot. Kaya nagtext na lang ako. Abala ang mommy mo sa pag-aayos ng kasal."

I tried to uplift my both cheeks in front of her. Masyado ko na siyang pinag-alala kaya ayoko ng madagdagan ang takot niya. "Okay lang po, Ya. She is busy preparing for her dream na sana naabot na niya kung hindi ko nasira." Bumagsak ang mga mata ko sa benda sa kamay ko. "Tsaka wala naman po akong balak magpakamatay." Itinuro ko ang dibdib ko habang pinipigilan ang luha sa mga mata ko. "Gusto ko lang po na makaramdam ng sakit. Namanhid na po yata kasi," halos pumiyok na ako sa pagpipigil pero hindi ko iyon hinayaan. Nanatili ang mga mata ko sa benda ng braso ko pero marahan niyang hinawakan ang mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay.

She beamed at me while she has tears on her eyes. "Ako na nag-alaga sa 'yo simula ng sinilang ka sa mundo. Kilala kita,anak. Alam ko kung nasasaktan ka, kung masaya ka, kung proud ka, kung umiiyak ka. "Tumango siya na parang pinapaintindi sa akin ang sinasabi niya. "Alam ko iyon kasi mahal kita, hindi bilang alaga ko, kung hindi anak ko na. Ikaw yung pumalit sa anak ko, kaya huwag mo naman sana iwan si Yaya. Anak, huwag."

"Wala ka naging kasalanan. Minahal ka ng daddy mo,pinakita niya sa 'yo ang ganda ng mundo, pinaramdam niyang prinsesa ka, kasi prinsesa ka talaga. Kaya huwag na huwag mong sasayangin ang buhay mo dahil lang sa napapagod ka na."

Pero nawala bigla ang atensyon niya sa akin ang bumukas ang pinto. Then there I saw my mom who is agitated enough to go beside me and a heavy hand welcomes my scalp.

"Wala ka na talagang ginawa kung hindi ihiya ako!" Isang sampal pa ang natanggap ko mula sa kanya at katulad ng dati, ay parang hindi ko maramdaman ang sakit. "Alam mo bang usap-usapan ang pagkatalo mo! Sinabi ko na sa 'yong ihihiya mo lang ang school mo pero hindi ka nakinig! Kung nakinig ka lang sana, malamang sa malamang nanalo pa ang eskewelahan mo! Masyado kang nagmamagaling, eh bobo ka! Tatanga-tatanga ka dahil sa katangahan namatay ang asawa kong walang ibang ginawa kundi ibuhos sa 'yo ang pagmamahal niya! Estupida!" She even grab a handful of my hair, parang hindi iniisip ang sugat na mayroon ako.

"Ma'am Madelaine, tama na po." Pinipilit ni Yaya na bitawan ang pagkakasabunot sa akin ni Mommy pero miski siya ay naitulak. My heart clenches as I saw how she tried to smile when our eyes met.

"Huwag kang makialam! Katulong ka lang! Huwag mo kong pangunahan!" Itinuro ni Mommy ang labas ng pinto. "Labas!" sigaw niya pero hindi natinag si Yaya. Hinuli ko ang tingin niya at ngumiti sa kanya saka tumango.

Ayaw ko na may madamay na naman sa galit ni Mommy.

Dahan-dahan ang paglalakad ni Yaya, umisang tingin pa siya sa akin pero sinuklian ko lang siya ng isang ngiti na agad nawala nang lumabas na siya.

"At ano yan?" Hinawakan niya ang may benda kong braso. "Bobo ka na nga, tanga, tapos siraulo pa? Ano ng silbe mo? Sa tingin mo kakaawaan ka ng pamilya ng asawa ko? Sa tingin mo mahahabag sila?  Well you got it wrong! Pinagtatawanan ka na ngayon, iniisip na karma mo yan sa pagpatay sa kapamilya nila!"

"My, tama na po,"nanghihina kong sabi. Gusto ko ng matapos ito, I can't even fully hear the things she is saying.

All I can hear is some noises inside my head. I am quick enough to gather myself on the side of the bed. Wala akong magawa kung hindi ang isiksik ang sarili ko sa kama dahil sa walang sawang pagbulong ng kung sino sa tenga ko. I don't want to hear it, I want silence but my eyes didn't have the courage to just close.

"Ngayon aasta ka na parang nababaliw?" Natatawang pahayag ni Mommy. "Wala akong anak na baliw!"

"Ano po ba gusto ninyo para mapatawad mo ako?" mahina kong tanong na alam kong dinig niya dahil kaming dalawa lang naman ang gumagawa ng ingay sa apat na corner ng kwarto kung nasaan kami.

She walks towards me and held my cheeks. "Gusto ko? Mahirapan ka, baka sakaling kung makita kong naghihirap ka ay mapatawad kita."

Her last words before leaving my room mark on me. Siguro nga wala na akong magagawang paraan para mapatawad niya. All I can ask is time to get fast para mapagod na siyang magalit sa akin. Baka sakaling kapag napagod siya ay mahal na niya ulit ako, kahit na hindi na bilang anak, kahit bilang tao na lang.

                        ***
           To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top