Chapter One

"So, we just finished evaluating your research papers and we got the best in research award. And it goes to none other than... Miss Aryl Torres, give her around of applause!" nakangisi at masayang-masayang anunsyo ni Miss Marina habang hawak niya pa rin ang papers namin na kakatapos lang naming ipresent.

"Ano ba naman yan, palagi naman eh, Ryl!" tukso ng mga kaklase ko habang nahihiya akong tumayo at lumapit kay Ma'am para kunin ang certificate ko.

"Top one na nga, running for valedictorian, ta's best in research pa! San ka pa ba? Eh 'di kay Aryl Torres na!" tatawa-tawang saad ni April, ang isa sa kaklase ko na malapit sa akin.

"Dont worry Miss April, may special award ka pa rin as the most effective defendee ng paper." nakangiti akong tinawag siya para mapalapit sa akin sa unahan.

Inaasahan ko na rin naman iyon, dahil nga may pagkamadaldal si April ay halos lahat ng binatong tanong ng mga panelist ay may sagot siya.

Nag-iinarte naman na parang nahihiya pa itong pumunta sa unahan kaya inulan ng tukso ng mga kaklase.

Bukod kasi sa akin, isa rin siya sa inaasahang magkakaroon ng magandang award. Siya lang naman din ang kaagaw ko sa title pero hindi katulad ng iba na nadadala sa ibang bagay ang kompetisyon, we treat that as a friendly fight. Walang pakielam kung sino ang manalo basta parehas kaming mag-enjoy at may nakukuhang bagong knowledge.

Naiiling namang nakatingin lang si Tristan, sa aming dalawa. Nakatuon ang isang kamay niya sa arm rest habang pinapanood kami.

Ilang sandali pa bago kami matapos sa pagkuha ng litrato at sabay na kaming bumalik sa mga upuan namin para kunin ang kaniya-kaniyang bag dahil tapos na rin naman ang klase.

"Saan kayo ngayon?" Napabaling ako kay April dahil sa pagtatanong niya.

I shrugged before putting my notebook on my bag. "Baka nandiyan na si Daddy sa parking, kaya uuwi na rin ako."

Napasimangot ito at pabirong nagrolyo ng mata. "Boring naman!" Humarap ito kay Tristan na iniintay na lang ako sa pag-aayos ng gamit. "Ikaw? I'm sure kasabay ka na naman nila! Naku!"

Natatawa namang ginulo nito ang buhok ng babae bago niya kunin ang bag ko na kakasabit ko lang din sa balikat ko.

"Naku! 'Di na ako magtataka kung isang araw mabalitaan ko na lang na parehas na kayo ng surname!"

Tumawa ng malakas si Tristan bago ako akbayan. "Dahil kasal na kami? Bakit hindi!" pabirong sagot ng lalaki.

Umusok ang ilong sa inis ni April bago sumagot. "Hindi! Dahil inampon ka na nila Tito!"

"Hindi. Kung magkakaparehas kami ng apilyedo, sisiguraduhin ko na siya ang magpapalit!" asar ko siyang hinampas nang madinig ko ang pagtawa niya.

Si April naman ay umangkla ang mga braso sa akin at patalon-talon ang ginawang paghakbang. "ChinaOil!"

"Masama yan! Made in China! Tangkilikin ang sariling atin, sabi nga nila! " pang-aalaska pa ni Tristan kay April.

Nang tuluyan kaming makalabas ng gate ay saktong-sakto ang pagtigil ng puting subaru ni Daddy kaya dumiretso na ako papunta roon at dire-diretsong sumakay sa back seat.

I smiled at him nang makita ko siyang tumingin mula sa rear mirror at pinagmamalaki kong inabot sa kanya ang certificate ko.

"Best in Paper,dad!"

He chuckled while looking at the certificate I gave. Dahil nga nasa backseat ako ay hindi niya magulo ang buhok ko na palagi niyang ginagawa kapag nakakatanggap ako ng award sa school, pero masaya pa rin naman ako dahil kitang-kita ang ningning sa mga mata nya habang tumitingin sa akin gamit ang rear mirror.

Napatingin naman si Daddy sa katabi ko kaya nabaling din ang nga mata ko sa kanya. Nakaramdam naman siguro kaya nahihiyang napakamot ng ulo at napangiwi. "'Nong, next time sa akin ang award na yan. Binigyan ko lang ng chance ang anak ninyo,alam ninyo namang mahal ko yan!"

Asar ko na namang inihampas sa kanya ang kamay ko at masama siyang tinignan, buti na lang 'di gaanong kahigpit si Daddy tungkol sa mga ganito at todo suporta at buyo pa siya. Natatawa namang sinang-ayunan ni Daddy ang sinabi nito bago niya ini-start ang engine ng kotse.

"Asus! Kailan mo ba liligawan yan? Kaylan mo hihingiin ang kamay sa akin?" natatawang tanong ni Dad habang sumisilip ng bahagya sa amin mula rear mirror.

"Dad!" asik ko at rumolyo lang ang mata ko nang sabay pa silang tumawang dalawa pero hindi ako pinansin.

"Basta 'Nong, boto kayo sa akin. Okay na ako roon!"

"Oh siya, sabihin mo rin yan sa Ninang mo."

Doon ako nanigas, kung si Daddy ay sinasakyan lahat ng trip ni Tristan, ibahin muna namin si Mommy. Siya kasi ang tipo ng tao na sineseryoso lahat ng maririnig. Siya yung madaling mapaniwala sa mga sabi-sabi at dahil mahigpit siya sa akin pagdating sa pakikipaglapit sa lalaki.

In my nearly eighteen years of my existence, only dad and Tristan had this opportunity to be close to me. Kung may group project kami ay siya ang nakikiusap sa mga teachers ko na i-partner o igrupo ako sa mga babae. Pero kung walang choice ay katakot-takot na bilin na huwag makikipaglapit sa mga ka-grupo kong lalaki dahil hindi raw lahat ay katulad ni Daddy na mapagkakatiwalaan.

I knew before that, that I should be conscious on my surroundings, dapat ay hindi ko mabigyan si Mommy at daddy ng sakit lalo na kung lalaki lang ang dahilan.

"Anong plano mo pala Princess para sa birthday mo?" Napaisip ako at nagbilang sa utak ko kung ilang linggo na lang eighteen na ako kaya tumingin ako kay Daddy na nahuli ko ang mga mata.

"I want to have a grand birthday celebration, yung katulad ng mga napapanood ko sa Disney movies, daddy. I want to be a real life princess." I screamed in excitement after clapping my hands.

The boy who is sitting next to me ruffled my hair after laughing with dad. "I'm sorry baby pero kung yan yung way mo para sabihin na can you be my escort, I can't. Mom has a prior things to do at alam mo namang kung aalis ang isa sa amin, sama-sama ang lahat."

Wait? What? Hindi siya aatend ng debut party ko? How could he?

"What? Saan pupunta si Tita? Di ka makakaattend ng debut ko?" ayaw ko man pero nagtunog nagtatampo ang boses ko.

He chuckled. "I'm sorry. Pero may gift naman ako na ipapabigay sa pinsan ko na aattend ng party mo."

Hindi ko na lang siya kinibo dahil sa pagtatampo, siya lang naman ang nag-iisang kaibigan ko, isama na si April pero siya pa ang hindi makakapunta.

Ramdam niya yata na nagtatampo ako kaya he hold my hand and caress it like he would always do everytime I got angry at him or what.

Pero hindi ko na siya binigyan ng pansin, sa labas na lang ako ng bintana tumingin habang unti-unting dumidilim dahil uulan pa yata. Hindi ko rin kasi alam dahil abala ako sa pagbabasa kagabi ng papers ko para kung sakaling may tanungin ay alam ko ang isasagot.

Palagi naman siyang ganito, mang-aasar tapos kapag ako ang napikon ay magaling namang makiramdam at manunuyo na, mag-sosorry hanggang sa makulitan ako at pumayag na lang na bati na kami para hindi na mangulit. Pero alam naman din niya kapag okay na ulit ako sa kanya o hindi pa rin at pinatawad lang siya dahil sa kakulitan niya.

That idea of him made me smile a bit as our car slows down at maya-maya lang ay huminto na. Hindi ko maiwasang tumingin sa kanya na may maamong mata pa rin na nakatingin sa akin pero tumingin na lang ulit ako sa bintana at nilaro ang car curtain na nakakabit doon. I heard his sighs before he decided to went out,siguro ay naisip niya na wala itong patutunguhan dahil mainit pa ang ulo ko sa kanya.

Nang nawala ko na ang presensya niya sa loob ng kotse ay saka ako humugot ng malalim na buntong-hininga, nadinig yata yon ni Daddy kaya ramdam ko ang mga mata niya na parang tinutusok ako sa rear mirror.
"Bakit kasi hindi mo pa pinatawad?" he asked gently.

"Kasi dad ang kulit niya. Napipikon ako." Di ko mapigilang hindi rumolyo ang mga mata nang maalala ang kakulitan niya mula pa kanina sa school.

"Dapat kasi pinatawad mo na, nanunuyo na eh. Ayan tuloy, paano ka haharap sa mommy mo na baluktot ang mukha, sige nga. Makakahalata pa iyon," he said. Ramdam ko ang paghinto ng sasakyan, hindi ko rin pala namalayan na narito na kami sa bahay. "Ayusin mo muna mukha mo, kung ayaw mo makahalata ang mommy mo,okay? Tsaka makipagbati ka na sa kanya mamaya, masama sa isang kahit anong relasyon na pinapatagal ang away. Kapag hindi may pagkakaintindihan ay dapat ayusin agad at hindi pinapaabot kinabukasan."

Yes,tama si Daddy. Dapat nga ay hindi namin pinalalaki ang maliit na away katulad na lang nito dahil kapag may mas mabigat na problema ay mas mahihirapan kami na ayusin iyon.

Matagal na rin kaming magkaibigan at nasanay na rin kasi ako na siya ang palaging umaayos kapag nagkakaproblema kaming dalawa. Siguro ay maayos na kami ngayon kung hindi siya nahihiya kay daddy at hindi bumaba sa kotse namin. Tristan and I are childhood friends, pero nalayo kami sa isa't isa nung magsimula siyang mag-aral sa primary school. Nung third year high school ako ay nagulat na lang ako nang may biglang umakbay sa akin and it turns out it was him. Simula noon di na siya mahiwalay sa akin. Kahit na nandiyan na si Daddy ay mau kakapalan ang mukha niya at sa amin sasabay.Boto siya kay Tristan kaya nung sinabi ko na pwedeng sa amin munang dalawa ang tungkol kay Tristan at huwag ipaalam kay mommy ay mabilis pa sa alas-kwatro ang pagpayag niya dahil kilala rin naman niya si Mommy. Napakahigpit nito sa akin, ang daming bawal pero kahit ganoon ay naluluwagan niya minsan dahil kay Daddy.

I am truly a daddy's girl. He is my hero to be exact. He always make sure that I am okay, that I'm in best form sa lahat ng bagay.

"Princess." Napatingin ako sa pinto na kanina pa nakabukas. May dala na si Daddy na payong na malaki para hindi ako mabasa kung lalabas na ako ng kotse kaya nakangiti akong bumaba sa sasakyan at maingat naman niya akong inalalayan. "Careful princess."

I smile at his gesture and playfully bow a bit like a princess always do on her knight. "I always will, my king," I sweetly said that make him chuckle.

"Siya baka mabungangaan na tayo ng mommy mo, nakikita ko na ang nag-uusok na ilong ng dragon, mahal na prinsesa." Sabay kaming tumawa habang sinisignal niya pa na dapat ay i-zipper ko ang bibig ko para hindi kami mapagalitan at para hindi malaman ni Mommy ang sinabi niya.

Kakapasok pa lang namin sa sala ay bumungad na si Mommy kasama ang isa pang babae,kapwa sila mukhang may class. Tumingin pa ako kay Daddy pero mukhang wala rin siyang alam doon. Napansin yata ni Mommy na may ibang tao bukod sa kanila kaya mabilis niyang nasalubong ang mga mata ko. Masaya siyang tumayo kaya napasunod din ng pagtayo ang babaeng kaharap.

"There she is!" Mommy exclaimed. I blink many times as I can. "My daughter!"

Nahihiya pa akong lumapit sa kanila dahil sa palagay ko ay hindi pa gaano kaayos ang itsura ko para pakiharapan sila pero ayaw ko rin naman na magalit si mommy kaya nahihiya akong nag-bow ng bahagya at saka ngumiti. I even brush my hair using my fingertips para mas presentableng tignan ang medyo alon-alon kong buhok.

Mommy smiles at me proudly before walking towards me. "She is Vina Clestine. Your debut party's organizer. You can tell anything about your plans on that day."

Nanlalaki ang mga mata ko na napatingin kay Mommy pero mukhang hindi naman siya nagbibiro kaya masaya akong bumaling ng tingin sa babae na nakangiti rin sa akin ngayon.

"So Miss Aryl, what's your plan on that special day?"

Tumingin ako kay Daddy pero maging siya ay nasa tabi na ni mommy at masaya akong pinapanood. He signalled me to tell my plans so I could.

"I want to have a disney princess inspired party po sana."

"A what?" gulantang na tanong ni mommy. Sa tono pa lang ng pagkakabigkas niya ay alam ko na hindi siya sang-ayon sa aking gusto.

Napipipi akong nagbaba ng tingin.

"Aryl, you are out of age yet you chose a childish theme for your party."

"Madelaine," dad's stern voice.

"Don't tell me kakampihan mo na naman yan!"

"That's her party. Natural lang na sundin ang gusto niya."

I gulped as daddy's gentle eyes bore on mine. He nodded making me think to go on or let mommy to decide.

"Go on, princess. It's your party. You will decide." Sa huli ay walang nagawa si Mommy kung hindi umalma,kung minsan ay nagbibigay opinyon pero agad akong pinagtatanggol ni daddy kaya wala rin itong nagawa kung hindi ang tumahimik.

She is always like that, eversince. Perfectionist, gusto niya na palagi akong prim and proper. Walang puwang ang pagkakamali para sa kanya. Kailangan na laging presentable, 'di gumagawa ng maling desisyon at napakahigpit. Pero overall, I knew that she just always wanted the best for me. Naniniwala ako na gusto niya lang na mapabuti ako kaya ganito siya kakontrolado pagdating sa akin.
"I don't really think that you would enjoy that kind of theme!" dissapointment tarnished her voice.

Tahimik kong kinagat ang pang-ibabang labi habang unti-unting humihigpit ang hawak sa kutsara at tinidor.

Mommy cleared her throat. "Balita ko best in paper ka raw, at best defender naman si April. Bakit hindi ikaw?"

"Madelaine, nasa harapan tayo ng pagkain."

"Ang sinabi ko 'di ba kailangan lagi kang nangunguna! Anong nangyari?"

"M-mas magaling po kasi siyang magdefend tapos may sense of humor pa kaya nagustuhan ng panels."

"Then have a sense of humor! Then be productive! Hindi iyong puro pagbabasa ang nalalaman mo!"

Humahapdi na ang mga mata ko at ramdam ko na bumibigat na rin ang mga 'to pero pinipilit kong pabalikin ang mga luha roon. Ayaw ni mommy nito. Ayaw niya ako makitang umiiyak dahil sabi niya kailangan ko maging malakas, matibay, sa kahit na anong hamon ng buhay. Mas masasaktan pa ako kung patuloy kong iindahin ang sakit ng mga salita niya kaya hinayaan ko ang sarili kong mamanhid sa mga masasakit na salita na galing sa kanya.

I calmed myself. "Be calm, Aryl. She just want the best for you. She loves you!"

***
To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top