Chapter four

As the car's door opens, I already felt how sad the surrounding is. Mula mga taong nakaitim sa labas pa lang ng pinto ng bahay hanggang sa malungkot na musika na hatid ng banda.

Lumapit sa akin si Mommy at padarag akong hinila papasok sa loob. "Harapin mo ang galit nila dahil kasalanan mo naman ang lahat!"

The lonely vibe of the place filled my heart while walking towards the golden casket. Hindi ko maalis ang mga mata ko roon kahit na ramdam na ramdam ko ang mga mapanghusgang mga mata ng mga kamag-anak namin sa aking likuran.

Tahimik akong sumunod sa kanya kahit ramdam ko ang tinginan ng mga tao sa akin. Mga mapanghusga at puno ng panlalait kung tingnan nila ako. Nung nakalabas kami ng ospital kanina ay dumiretso muna kami ng bahay para makapagbihis bago kami pumunta rito sa bahay na kinalakihan ni daddy.

"Hindi na nahiya! "

"May gana pa talagang magpakita rito!"

"Ingrata!"

"I'm sure Tito had regretted it!"

"I pity Madelaine to have her as her daughter!"

"Pasalamat nga siya dahil si Tito ang nasa loob at hindi siya!"

Parang nagiging noodle na sa lambot ang tuhod ko habang tinagahak namin ang papasok ng bahay. Mula sa kinatatayuan namin ay kitang-kita ko na ang kabaong na naroon habang may mga ilaw sa paligid nito. My eyes started to water as my heart clenches because of the scene. My lips quivered as I ran as fast I could on his casket.

"D-daddy!" I mumbled. "D-daddy!" Tiningnan ko ang payapang mukha niya na nahaharangan ng salamin. Parang payapa lang itong natutulog dahil sinimplehan lang ang pag-aayos nito. Wala masyadong foundation at manipis lang din ang lipstick na inilagay. "I'm s-sorry... I'm s-sorry."

"Kasalanan mo! Kasalanan mo kung bakit wala na yung daddy mo." Ang kamay ko na nakahawak sa kabaong ay unti-unting kumuyom habang nadidinig ko ang boses ni Mommy sa aking likuran. "Kasalanan mo!"

"C'mon Madelaine, answer me," Tita Minerva, daddy's younger sister called mom. "Do you still love that murderer?"

Alam ko naman ang sagot sa tanong na yon, alam na alam ko pero may konting bahagi pa rin sa akij na umaasa na sana magsinungaling na lang muna siya para maipagtanggol ako pero hindi niya pa rin nagawa.

Mommy looked at me with disgust and dissapointment. She then smirked before staring back at Tita. "Of course not, sino nga ba ang kakayaning mahalin ang batang nakayang patayin ang sarili niyang ama? "

Mariin kong nakuyom ang mga kamay ko habang pilit na pinapakalma ang sarili. Tama naman sila, sino pa ba ang magmamahal sa anak na pinatay ang sarili niyang magulang, di ba?

Hinigpitan ko na lang ang pagkakahawak sa gilid ng kabaong ni Daddy saka roon binuhos ang lahat ng sakit na nadidinig ko. I embrace the golden casket, walang pakielam sa salamin na nakaharang doon.

Bago pa ako makaharap kay Mommy ay may pwersa ng humila sa akin palayo sa kabaong ni Daddy. Lola Leonor has her bloodshot eyes whilst looking at me. "Walanghiya ka!" galit na sigaw nito. "May lakas ka pa ng loob na puntahan s'ya matapos mong patayin!"

Mabilis akong umiling habang hilam ang mga mata na nakatingin sa kanya. Sinubukan kong lumapit kay Lola at hawakan siya pero malakas na pagtanggi ang aking natanggap. "Huwag mo kong hawakan!" Dinuro niya ako habang masama ang tingin ng mga mata sa akin. "Pinatay mo siya! Naiintindihan mo! Pinatay mo siya!"

"Hahaha! Lola is right!"

"Disgrace!"

"Tito isn't that lucky!"

"Self-centered daughter!"

In my eighteen years, I never felt humiliated like this before, matabas man ang dila at masakit magsalita sila Lola sa akin ay palaging nakasangga si Daddy sa harapan ko, pinoprotektahan ako.
But my heart sank in pain whilst feeling the humiliation alone, wala na akong kakampi. The only person who I thought will save me is just looking down at me, emotionless.

Tinuro niya ang kabaong sa kanyang likuran habang nakatingin sa akin. "Nakita mo? Nakita mo ba ang sinapit ng anak ko ng dahil sa 'yo!" Buong lakas niya akong tinulak kaya napasalampak ako sa sahig.

Napahagulgol na lang ako habang tumutulo ang luha sa puting tiles ng bahay.

"Ikaw ang pumatay sa anak ko! Pinatay mo ang anak ko! Ang anak ko na walang-ibang ginawa kung hindi mahalin ka!"

"H-hindi!" umiiling kong bulong na parang ako lang ang nakakarinig. "H-hindi po."

Umangat ang tingin ko dahil nakita ko ang itim na stilleto sa aking harapan. Mom's stern face welcome me. "Tumayo ka riyan, hindi nila kailangan ng pagmamakaawa mo o paghingi ng tawad."

Ang matatalim na mga mata niya ay walang mababakas na kahit anong emosyon. I crawled towards her and even try to reach my hand for help but Lola just slapped it before splashing a glass of water on my face.

Mabilis akong napatayo sa aking pagkakasalampak, muntik-muntikan pa akong madulas dahil sa dulas ng sahig saka ako nahihiyang nagbaba ng tingin.

"S-sorry to cause commotion on your mournings," utal kong paghingi ng dispensya.

Alam ko naman, na halos lahat ng nandito ay hindi ako maiintindihan, at alam ko rin na halos lahat sila ay galit sa akin at tingin sa akin na ako ang pumatay kay daddy kahit ang gusto ko lang naman ay tulungan at iligtas siya.

"Hindi ko kailangan ng pekeng luha mo!" gigil na pahayag ni Lola. Pinipigilan siya ni Mommy sa pagsugod,nasa likod niya rin si Tita Maureen, panganay na anak ni Lola habang pilit na hinahagod ang likod nito para kumalma.

Napahawak sa dibdib niya si Lola kaya aligagang napasunod at napaalalay sa kanya ang mga kamag-anak namin na malapit sa kinatatayuan namin.

"Umalis ka na muna," napipikang baling ni Tita Maureen sa akin. "Umalis ka na bago ko pa tuluyang makalimutan na anak ka ng kapatid ko!"

Bumaling ang tingin ko kay Mommy, baka sakaling matulungan niya ako para manatili rito pero maski siya ay gusto akong mapaalis kaya tumalikod ako sa kanila at dahan-dahang naglakad palabas ng bahay.

Napayakap ako sa sarili nang sumalubong sa akin ang malamig na hangin nung lumabas ako ng bahay, dahil nga basa pa ako dahil sa tubig na binuhos ni Lola ay dumoble iyon sa rason kung bakit ako nilalamig.

My eyes started to water as I remember how angry my relatives are. They really don't like me, eversince, they are dettach to me. Hindi kami kailanman naging close dahil nung araw na pinanganak raw ako ay muntik na rin maging critical si daddy dahil sa pagmamamdali papuntang ospital para samahan si Mommy nun. In critical din daw kasi si Mommy nung time na yun kaya gusto ni Dad na naroon siya para suportahan si Mommy. But sadly, wala siya sa tabi ni Mommy nung naglalabor siya dahil nasa kabilang ward siya nung mga panahon na yon, lumalaban sa sarili niyang buhay.

Nanghihina akong napaupo sa isang bench sa labas lang ng gate ng ancestral house namin. Napayuko na lamg ako, takot sa makikitang panghuhusga sa mga taong daraan para makiramay.

Hindi ko naman ginusto ang mga nangyari, hindi ko ginusto na mawalan ng tatay sa araw mismo ng birthday ko pero bakit hindi nila maintindihan yon?

The tears that I'd been preventing from falling fell unconsciously. My heart drummed not because of happiness but because of unexplainable pain I was feeling.

"Miss?" Napaangat ako ng tingin dahil sa di pamilyar na boses na nasa aking harapan. Dahil na rin sa pagmamadali ay hindi ko nagawang punasan ang luha ko kaya kita ko ang panlalaki ng mga mata niya ng makita akong punung-puno ng luha sa mukha.

"Dito ba nakaburol si Mr. Torres?" Napapakamot sa ulong tanong niya habang nakaturo sa loob ng bahay.

I nodded and cleared my throat. Dahan-dahan akong napatayo para sana umalis pero mabilis ang naging galaw ng kamay niya at nahawakan niya ako sa braso.

Pinasok niya ang isang kamay niya sa bulsa at may kinuha roon na puting handkerchief. He inserted the handkerchief on my feasted palm and smile a bit. "Mukha kasing may problema ka, iyan panyo para may kasama ka sa pag-iyak mo." Inilabas niya ang kumpleto niyang ngipin kaya napatango ako at napangiti ng maliit.

"S-sige." I shyly dismissed his hand on my hand. "S-salamat rito."

He smiled boyishly, bago niya ipasok ang mga kamay niya sa bulsa ng pantalon na suot niya. "You're welcome," he chuckled after.

Nahihiya akong naglakad paalis pero nadinig ko pa rin ang sigaw niya. "Ano nga pala ang pangalan mo?"

I stopped myself from walking and shyly tucked my hair behind my ear. "A-ah. Aryl."

"Timothy Sky Garcia," he simply introduce himself.

My cheeks flushed, hindi na maitago ang ngiti na unti-unti nang lumalabas.

Bakit pa? Para saan? Tinatanong ko ba ang pangalan niya?

I chuckled, yeah right! I know him. Kaya 'di na kailangan magpakilala sa akin kasi kilala ko na siya. Who wouldn't know the famous Supreme Student Government President, right?

Eversince kasi na tumuntong ako sa Senior high ay naging matunog ang pangalan niya dahil sa mga achievements niya na nagbigay karangalan sa buong school kaya simula noon ay palagi ko na siyang sinusundan.

Gusto ko nga rin siyang pabigyan ng invitation non kay Daddy pero nahihiya na ako, afterall ahead siya sa akin ng isang taon kaya posibleng 'di niya ako kilala.

Alam ko rin naman na gagawin talaga ni Daddy ang gusto ko sa oras na sabihin ko iyon sa kanya because he is always like that. He gave me the unconditional love, material things na hindi ko pa hinihingi at kahit ang mga bagay na pang-luho ko lang ay binibigay niya.

Mabilis na namuo muli ang mga luha sa mga mata ko nang maalala ang mga ngiti ni Daddy sa oras na inaabot niya sa akin ang regalo niya galing sa business trip, yung kumikinang n'yang mata kapag nakapag-uwi siya ng paborito kong puto-pao. Yung pagsalubong niya sa akin ng yakap at halik pagkalapag na pagkalapag pa lang ng maleta niya.

Unti-unting napaupo ako at napatungo sa aking tuhod, yakap-yakap ko ito habang umiiyak nang walang tunog, wala akong pakielam kung pagtinginan ako ng mga taong dumaraan o ang mabangga ng sasakyan. Madilim na ang buong paligid kaya siguro ganoon kalakas ang loob ko. Walang mananaway sa akin.

"Hey." Sinalubong ako ni Tristan ng isang maliit na ngiti, not sure kung mapapagaan non ang loob ko pero mabilis kong sinalubong siya ng yakap at doon umiyak sa mga balikat niya.

"T, wala na si Daddy..." hagulgol ko sa balikat niya. "Iniwan na niya ako, T." Umiiling pa ako habang pinapahid ang luha ba tumutulo sa mata ko. "Bakit niya ako iniwan? Bakit? Ang sakit-sakit!"

Naramdaman ko ang init ng mga braso niya na kumulong sa bewang ko habang ang isang kamay niya ay hinahagod ang likod ko, pinapakalma. "Shhh.Ryl, magiging maayos din ang lahat."

Umiling ako habag patuloy pa rin na lumuluha. "K-kasalanan ko... Tama sila Lola at M-mommy. I am at fault."

Dahan-dahan niyang tinanggal ang mga braso niya sa likod ko at saka marahan akong pinaharap sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko na nagpupunas ng luha saka siya na mismo ang nagpunas ng tubig na galing sa mga mata ko. "Hindi mo kasalanan,Ryl. Kahit kaylan hindi mo magiging kasalanan ang nangyari kay Tito. He died protecting his princess, he died protecting you. Kaya kahit kaylan wala kang naging kasalanan sa pagkamatay niya."

My heart ached habang pinapakinggan siya, his soothing voice lingers on my ears. Ibang-iba ang Tristan na kaharap ko sa Tristan na kilala kong mapang-asar at mapaglaro pero alam ko na siya pa rin ang bestfriend ko na laging may tiwala sa akin. Siya pa rin ang bestfriend ko na alam kong 'di ako bibiguin. Siya ang lalaking pinagkatiwalaan ni Daddy para sa akin kaya alam ko na hinding-hindi niya ako bibiguin.

I don't know why but hindi pumapasok sa akin ang lahat ng sinasabi n'ya. All I know is this is my fault. Sinubukan ko naman pero bakit hindi ko nagawa.

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong ikulong sa mga braso niya, his massive arms covered my petite facade. "It's not your fault. It would never be your fault."

Napahawak at napayakap na rin ang mga braso ko sa kanya habang pinapakinggan ang bawat pagpapatahan niya.

Nang masigurado na kalmado na ako ay dahan-dahan siyang humiwalay sa akin kasabay ng marahan na pagdampi ng hinlalaki niya sa aking pisngi, tracing and drying the tears that was falling. Ako naman ay tahimik na nakatitig sa mukha niya. My eyes started to admire his facade.

From his natural thick brows, prominent but sharp hooded eyes, narrow nose, and thick lips. Alam ko kung bakit maraming nababaliw na babae sa kanya. He is the playboy type of student na gustung-gusto ng mga babae kaya naman sinamantala niya yun para mas marami siyang mapaglaruan. But being with him all the times, helps me to cope up.

Pero nung mga nakaraang araw hanggang kahapon kung saan may nangyaring mabigat ay hindi ko siya nakakasama kaya ngayon ko lang din naibuhos ang lahat ng sakit sa kanya na palagi ko namang ginagawa kaya sanay na siya.

Pero wala naman akong magagawa, he has a life aside from being my bestfriend.

"Here!" Inabot niya sa akin ang isang bottled water na bukas na.

Nakaupo na ako ngayon sa bench malapit sa ancestral house habang siya ay binubuksan ang tubig niya habang nakatayo sa harapan ko.

Tahimik kong ininuman ang tubig at di ko maiwasang mapatingin sa langit. My memories flood like a river. And I begun to laugh as if my life was a good joke.

"You know what?" Huminto siya at binigay ang buong atensyon sa akin habang ako naman ay nakatingin pa rin sa kumikinang na bituin at malaking buwan sa langit. "Daddy always assure me that he will always be with me kapag mags-star gazing ako."

"Kailangan pa ba yon?" Bumaling ako sa kanya. His face is looking at me while having a smile plastered on his face.

"Sabi ni Dad sa akin, sabay kaming hahanap ng makinang na star."

Umiling-iling siya na parang napakalaking joke ng sinabi ko.

"Bakit?" tanong ko, nakataas ang kilay.

"Hindi kita masasamahan diyan."

Taka ko siyang binalingan ng tingin. Hindi naman kasi ako nagpapasama. "Di naman ako nagpapasama sa iyo."

He chuckled. He placed his arm behind my seat. "Nakita ko na kasinang pinakamaningning para sa akin."

Kunot-noo kong binalingan ang langit at naghanap ng star na maaari niyang sinasabi pero wala akong makita.

"Nasaan?"

"Nasa harapan ko na." Kusang tumambol ang dibdib ko pero hindi ko dapat pinahalata. Bahagyang humigpit ang hawak ko sa bottled water.

"Corny mo!" Binato ko sa kanya ang hawak kong bote at nakatanggap naman ako ng malutong na tawa mula sa kanya

***
To be continued...


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top