Chapter Five

Isang malakas na pagkatok sa pinto ng kwarto ang nagpagising sa akin. Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga at tiningnan pa orasan na nakadisplay sa bedside table ko. I take a deep breath before taking off  from my bed. Dahil sa pagmamadali, muntik na akong matisod sa pangbahay kong slippers na kulay pink.

Huminga muna ako ng malalim, paghahanda sa bungangang maririnig maya-maya. I painted my lips with a big smile bago binuksan ng malaki ang pintuan ng kwarto ko. "Mommy!"

Pero imbes na ngiti ang isukli sa akin ay mabilis na pagdapo ng kamay sa aking buhok ang natanggap. I bit my lowerlip to prevent myself from twinching before pressing it together. Napasunod na lang ako ng hinila niya ako habang iniisang-dakot ang buhok ko at naglalakad siya. "May I remind you that you're not a princess anymore! May trabaho ka sa bahay na to na dapat mong gawin! Ang kapal-kapal ng mukha mo!" bungangang saad nito. "Ano ang gusto mo?  Pakainin ka ng libre rito?"

Humahapdi na ang mga mata ko dulot ng panlalabo nito habang pinipilit ko pa ring maaninag ang dinadaanan.

Eversince that day, my last visit on his wake, naging ganito na ang buhay ko. Parang nag-dejavu at nagising ako mula sa mala-fairy tale at mala-disney princess na kwento.

"Mommy, stop... P-please,p-please stop," pakiusap ko nang tuluyan ng tumulo ang luha ko dahil sa biglaan niyang pagtulak sa akin sa edge ng hagdan. Grabe ang kabog ng dibdib ko habang nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa ibabang bahagi ng hagdan.

"Madelaine," a deep baritone voice filled my ears. Nabaling ang mga mata ko sa lalaking may hawak ng dalawang itim at malaking maleta habang nakatingin sa amin.

Kunot ang noo habang hawak ang parte na sinabunutan niya akong napatingin kay Mommy nang biglang bumaling sa lalaking naghihintay sa baba ng hagdan ang kanyang atensyon. Her awra changed. Mula sa isang mala-beast na galit ay naging solemn ang binibigay niyang awra. Gusto kong isipin na parang bumalik siya sa pagiging Mommy ko na mahal na mahal ako.

"Rommel!" she excitedly exclaimed. Parang naging bubble ako at invisible nang tuluyan na niya akong bitawan at sinalubong ng mainit na yakap si Uncle Rommel.

Uncle Rommel is daddy's kuya, siya ang first born nila Lola. Hindi ko siya nakita nung funeral o dahil abala lang ang mga kamag-anak namin sa pag iinsult sa akin kaya di ko siya napansin.

"Aryl!" Nahuli ni Mommy ang mga mata ko at saka ako pinandilatan. "Ano pang tinatayo-tayo mo riyan! Kunan mo ang uncle mo ng maiinom!"

Halos madapa at mahulog ako sa pagmamadali sa may hagdan pero buti na lang ay naging maayos ang pagbalanse ko kaya dumiretso na lang ako sa kusina.

I even use a chair para makakuha ng pitcher and a pack of orange juice,then tinimpla ko na in a liter of water pagkatapos ay tinikman.

"I really don't know that Rodrigo's princess is now a maid!" Napatingin ako kay Uncle Rommel at nakita ko siyang may nakakainis na ngisi sa mukha. "What a pitiful Cinderella story."

I sigh and continue to spread chicken dressing on his sandwich. Hindi na lang ako nagsalita at nagkunwaring walang naririnig.

My daddy always say that don't let negativity drives you. Hayaan mong magsawa sila sa pananakit sa 'yo and don't let them see that you are affected.

"You dreamed to be a disney princess, right?" he chuckled.

Daddy always said that I am his own princess. I don't need a castle because this house,our home will be my castle forever.

My heart felt like it is being pinched several times kaya 'di ko na mapigilang di tignan si Uncle. "Tito, please."

Natatawa siyang nagkibit-balikat at tumahimik na lang hanggang sa matapos akong gumawa ng merienda niya. "You finally fullfilled your dreams. You became Cinderella."

Hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin at nilagay na lang ang pagkain na hinanda ko sa dining table kung saan malapit siyang nakatayo. "Enjoy your snacks,tito."

I stormed out and went to the garden para magdilig ng halaman. Binuksan ko ang gripo at tinutok ang hose sa mga bulaklak na paborito kong gawing bubbles noon.

"Aryl, ija! Ako na ang gagawa niyan!" Yaya Minda who is busy doing the laundry said. Iniwan niya ang kanyang nilalabhan saka pinahid pa ang kamay na puno ng bula habang lumalapit sa akin.

I smiled at her bago marahang umiling. "No, Ya! I can do it na po. Tsaka baka malaman ni Mommy na tinulungan mo ko at masisante ka sa trabaho."

Pansin ko ang pagtutol sa mga mata niya pero nung mas nilawakan ko ang smile ko ay bumuntong-hininga na lang siya at ginulo ang buhok ko. "Basta kapag di mo na kaya ay tawagan mo ko at ako na bahala riyan."

I nod my head saka pinanood siyang bumalik sa laundry.
Si Yaya Minda ang naging yaya ko eversince. Bukod kay Daddy, palagi siyang nakaagapay sa akin. She became my shield and second mom. Palagi niyang sinasabi sa akin kung paano ako naging blessing sa parents ko.

"Aryl!" I almost jump due to nervousness as I heard my mom's voice.

Yaya Minda looked at me with so much pity but I only smiled at her, means that I am okay. Binitawan ko ang hawak kong hose, I step bigger than usual, magmamadali para makarating sa sala, kung nasaan siya.

Malayo pa lang ay nararamdaman ko na ang sakit ng palo na maaari kong maramdaman sa oras na makarating ako sa tabi niya. Nang makalapit ay 'di ko magawang tumingin sa kanya, ang mga mata ko ay nasa sahig lang dahil sa takot.

"Ano bang ginagawa mo!" Nakapamewang na tanong niya. Walang maririnig na emosyon sa boses nito kung hindi galit.

Nangangatog man ay pinilit ko na lang lunukin ang nakabarang bato sa lalamunan. "N-nagdilig lang po Mommy sa g-garden."

Mariin kong naipikit ang mata ko sa biglaang paghawak ni Mommy sa jaw ko. She squeezed it, ramdam ko ang intensidad sa pagkakahawak niya. "Imulat mo ang mga mata mo!"

Nang hindi ko madilat agad ay napaigtad ako sa pagdakot niya sa aking buhok. "Dumilat ka!"

Nanlalabo man ang mga mata ay pinilit kong dumilat at tumingin sa kanya. "M-mommy."

"Hindi ba sinabi ko sa 'yo na gusto kong malinis ang basat sulok ng bahay kapag dumating ako!" Nilapit niya pa ang mukha niya sa akin. "Di ba?"

"O-opo!"

She pursed her lips together,bago ako muling napapikit ng idikit niys ng marahas ang aking mukha sa basang sahig. "M-my please."

Kahit na sinubsob sa sahig ay pinilit kong makiusap. 'Di lang ang pisngi ko ang nananakit kung hindi pati dibdib ko. My caring mom is now gone. Like the beast in belle's story, my mom became a monster because of too much pain.

Alam kong kasalanan ko. I turned her to this creature. Simula nung araw na yon, naging ganito na. I am living in the castle's full of regrets and pain, malayong-malayo sa masayang palasyo na dati kong tinitirhan na punung-puno ng pagmamahal.

"Madelaine, let's go." I sigh in contentment nang dahan-dahan akong mabitawan ni Mommy dahil sa nadinig na boses ni Tito Rommel.

Tumunghay ako at sinalubong ang nagbabaga niyang mata. "Clean this mess or else!"

Pinanood ko na lang kung paano siya maglakad kasama si Tito palabas ng bahay. Nang mawala na sila sa paningin ko ay itinukod ko ang pareho kong kamay sa basang  sahig bago inalalayan ang sarili na tumayo.

Naabutan ko pa ang mga nag-aalalang tingin ng mga kasambahay namin, I upcurved my lips at them, sinamahan pa ng pagtaas ng dalawang thumb para masiguro nilang okay lang ako.

Kung mapaparusan ako, gusto ko ako na lang. Huwag na sila dahil masyado silang mahalaga kay Daddy. Matagal na silang nanilbihan kina Daddy kaya ayoko na madamay pa sila sa kung anong sakit ang nararanasan ko.

Dahan-dahan ang aking paglalakad dahil sa sakit ng bewang ko sa biglaang  pagkakasubsob ni Mommy sa akin sa sahig. Pasimple kong minassage ito habang naglalakad papuntang stock room kung nasaan nakalagay ang mga panlinis at nagsimula ng magtanggal ng mga alikabok sa mga marbles and ibang gamit na nakadisplay.

Ilang minuto akong naging busy sa pag-aalis ng dumi nang bigla akong napasigaw at nanlalaki ang matang napatingin sa nabasag na display. My hands startled to ruttle in fear as heart begun to beat faster than usual when a loud gunshot filled the whole space.

Hindi ko na naintindihan ang mga nangyayari. Basta naramdaman ko na lang na binabalot na ako ng kumot habang ang likod ko ay nakahiga na sa malambot na kama. My hands are rattling as my eyes are still close, takot sa kung ano ang pwedeng makita.

"Ryl," dinig kong tawag ng pamilyar na boses sa sa akin kasabay ng bahagyang pagyugyog sa katawan ko.

Mariin akong umiling habang mahigpit na nakakapit sa kumot at mariin din ang pagkakapikit ng mata.

"Ryl, hey," tawag ulit nito. "It's okay, it's Tristan. Open your eyes, you're safe."

Ramdam ko ang sinseridad sa tono niya kaya huminga muna ako ng malalim bagk dahan-dahan binigyan ng buhay ang mga mata. I can see worries and at the time fear on his eyes.

But my eyes widen as he suddenly grab me and put me on his arms. I can hear his heart that beats together with mine.

He is panting. "Tinakot mo ko..." Mas humigpit ang pagkakakulong niya sa akin kaya ramdam ko rin ang marahan niyang panginginig. "Tinakot mo ko sobra. Akala ko mawawala ka na."

My lips uplifted as I felt how my heart flatter. "Hindi ako mawawala. Hindi kita iiwan, ano ka ba!!" pabiro ko siyang tinulak palayo pero nanatiling seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

I grin mischievously. "Don't worry, masasaksihan ko pa kung paano ka magseseryoso sa babae, kung paano ka manligaw! Tuturuan pa kita. Sabay tayong tatanda at bubuo ng masayang pamilya tapos maglalaro pa yung mga anak natin katulad nating dalawa."

Ilang minutong katahimikan ang dumaan at tanging titigan lang ang aming ginawa. Hindi na namin alam na sabay na pala kaming tumatawa habang nag-aasaran.

Ang gaan na naman ng pakiramdam ko. Kapag kasama ko talaga siya ay parang kaya ko na lahat. He has a capacity to protect me like my dad kaya feeling ko safe na safe ako at okay ang lahat.

He pouted. "Promise mo na hindi ka mawawala? Di mo ko iiwan?"

I laughed heartedly. Para kasing bata na nakataas pa ang pinky finger habang nakangusong nakatingin sa akin.

"Paano kung iwan kita?  Paano kung mawala ako?" Halos panawan na ako ng ulirat ng umasim ang mukha niya saka masamang tumingin sa akin.

"Iiyak ako. Iiyak ako at hindi ako titigil hangga't hindi ka bumabalik!"

Tumango-tango na lang din ako dahil kapag nagsalita ako ay tiyak na lalabas na naman ang halakhak sa aking bibig. Pikon siya alam ko pero magaling din manuyo.

Tinagpo na ng pinky finger ko ang kanya saka tumingin ng diretso sa kanyang mata. "Promise na!"

Ilang minuto rin kami nagkausap bago ako tuluyang mag-isa sa kwarto. Madilim na sa labas at sigurado akong ilang saglit lang ay darating na si Mommy.

Dahil nga madilim na ay parang automatic na nagkailaw ang buong silid. I smiled bitterly while remembering daddy's voice while surprising me using this kind of room.

Humiga ako sa aking kama habang hindi nilulubayan ang kisame ng silid na may mumunting nagkikislapang ilaw.

"I miss you dad..." I said while hugging and covering myself using my comforter. "Sabi mo kapag namimiss kita at hindi kita kasama, tingin lang ako rito sa kisame at magic na mawawala ang pagkamiss ko sa 'yo... Kung alam ko lang na pagkawala mo ng tuluyan ang ibig mong sabihin, sana hindi ko na ginusto ang kwartong 'to. Sana nagtiyaga na lang akong mag-stargazing sa labas...atleast doon kasama kita."

                          ***
                   To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top