Chapter fifteen
Ilang beses akong huminga ng malalim bago ako nag-decide na lumabas ng kuwarto ko. Kahit na may parte sa akin na gustong magtago na lang dito sa loob ng bahay para hindi na ako kainin ng takot at kaba.
Naabutan ko si Mommy at si Tito Rommel na nagb-breakfast, ang kamay na hindi nila ginagamit sa pagkain ay magkahawak, napansin yata ako na nakatingin kaya nabaling saglit ang mga mata ni Mommy sa akin.
Nakita ko pa ang bahagyanh pagtaas ng kilay ni Mommy nang makitang konti lang ang dala kong gamit.
I tilt my head and walk towards her. Hahalik na sana ako sa pisngi niya kaya lang ay siya na lang din ang naglayo ng mukha niya sa akin. My heart aches but I just don't want to feel it. "Aalis na po ako,maaga po akong makakauwi mamaya."
Unexpectedly,mommy raised her left hand, showing me a ring on her ring finger. My mind clouded with question,hindi ko kasi matandaan na ganoon ang itsura ng wedding ring nila ni Daddy.
"Your Tito Rommel and I are getting married," parang binomba ako sa lakas ng impact ng narinig ko. How come on earth will she said that? Dad just died a few months ago, pero gusto na niyang magpakasal sa iba?
I stayed silent, tanging pagkurap lang ang nagawa know. "A-aalis na po ako. K-kailangan ko na po magmadali."
Nung naglakad ako palabas mg bahay ay saktong nakahinto na ako sa pinto ng siya ay sumigaw. "Hindi ka rin naman mananalo, nakakahiya ka lang!" Narinig ko pa ang pagtawa ng lalaki pero hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin. " You will be the disgrace of your school!"
Hindi na lang ako nagsalita at lumaban, buong lakas kong binuksan ang main door saka ako nagmamadaling lumabas. Kailangan ko pang maglakad palabas ng village para makarating sa main entrance ng village namin.
"Your tito Rommel and I are getting married."
"Your tito Rommel and I are getting married."
"Your tito Rommel and I are getting married."
Unti-unting humigpit ang hawak ko sa mga papel na yakap-yakap ko nang paulit-ulit kong narinig sa pandinig ko ang boses ni Mommy habang naglalakad. My eyes starts to became blurry as I heaved a sigh. Unti-unti na rin kasing lumabo ang mata ko dala ng luha na pinipigilan ko sa pagtulo. Asar kong pinunasan ito gamit ang kamay ko. Wala na rin naman kasi akong magagawa kung gugustuhin niyang buuin ang pamilya na pinangarap niya na sinira ko lang dahil pinatay ko ang lalaki na dapat kasama niya sa pagbuo noon.
But why the hell Tito Rommel? Of all people bakit kailangan sa kapatid pa ni Daddy? Hindi niya ba naisip na pwedeng mapagmulan yon ng maraming issues? Na kamamatay lang ng asawa niya tapos magpapakasal siya sa kapatid nito.
I blink as many as I could when I heard a loud horn of the approaching white van. Tumigil ito sa harapan ko. Agad-agaran ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba na nararamdaman. Pero agad din namang nawala ng mga oras na bumukas ang van at nakita kong nakaupo si Miss Marina at katabi na nito si Timothy na nakatingin sa akin.
"Hey are you okay?" Dahil si Miss Marina ang nakaupo malapit sa pinto ng van ay siya ang bumaba para umalalay sa akin.
She is quick to notice my swollen nose and eyes. Marahan niyang inayos ang buhok ko at inipit ang buhok sa aking tenga. I can't even talk dahil sa pinaghalo-halong emosyon at tanong na nararamdaman ko.
Sumakay na lang ako sa van nang walang sinasabi. Doon ako umupo sa sunod na row ng upuan, malapit sa bintana. Wala akong imik na inayos ang kurtina na nakataklob sa bintana at doon na lang tinuon ang mga mata ko hanggang sa naramdaman kong may umupo sa tabi ko. I didn't bother to look at someone who seated beside me. Pinagtuunan ko ng pansin ang mga sumasayaw na dahon ng puno na aming dinadaanan.
On the large branch of a tree, I saw a nest where a bird was hugging something, like protecting something,nang ibuka niya bahagya ang kanyang pakpak ay tinuka niya bahagya ang maliit na ibon na natatabunan ng kanyang pakpak. Dahil nga siguro sa lakas ng hangin ay pinoprotektahan niya ang kanyang inakay.
I smiled bitterly, how I wish yo feel that kind of embrace from someone again. The hug that is full of protection, yung hindi ka matatakot dahil alam mong may poprotekta sa'yo.
"Here." Napatingin ako sa katabi ko nang inabot niya sa akin ang puting panyo niya.
Timothy is looking at me with an awful eyes. Pinakita niya pa sa harap ko ang panyo niya pero nag-iwas na lang ako ng tingin at muling bumaling sa bintana. Pero ang sunod niyang ginawa ang kinabigla ko. He gently held my cheeks and forced me gently to face him. Siya na mismo ang nagpunas ng mga luha sa mga mata ko na hindi ko na rin napansin na tumutulo na pala. His face is a bit closer, amoy na amoy ko ang lalaking-lalaki niyang pabango at ang pinaghalong mint at gum na nginunguya niya ngayon.
Pigil na pigil kong hindi magwala ang dibdib ko dahil ayaw niyang mahalata niya kung kaya hinila ko ang panyo sa mga kamay niya at ako na mismo ang nagpunas ng mukha ko bago ako humarap sa harapan. On the rear mirror I saw Miss Marina having a little smile on her lips, nakaiwas na ito ng tingin pero alam ko na kaming dalawa ang dahilan ng ngiti niya.
"Ano na naman ba ang nabato sa yo ng mommy mo? Bakit ka ganyan?" bulong ng katabi ko.
Hindi ko siya sinagot dahil bakit pa, wala rin naman siyang magagawa. Ayaw ko na magkaissue dahil baka makarating na naman kay Mommy at may masabi na naman siya.
"Pwede kita tulungan, kakausapin ko daddy ko baka sakaling matulungan ka niya."
Inis akong bumaling sa kanya. Kung dati ay crush ko siya ngayon nang malaman ko ang kakulitan niya at pagiging pakielamero ay unti-unting nawala iyon. He is serious kapag nag-aaral pero may mga parte na nakukuha niyang mangulit. Akala ko kasi pasok siya sa ideal type ko na matalino, seryoso sa buhay, may pangarap pero naturn off ako nung nalaman kong makulit siya,paano ba naman sawang-sawa na ako sa pangungulit at pambubuwisit ni
Tristan. Parang para sa akin, pamalit lang siya ni Tristan kapag hindi ko kasama ang isa.
I admit he still handsome, isa sa dahilan kung bakit ko siya naging crush pero naging malaking factor ang pagiging cold and mysterious ng personality niya kung bakit ko siya hinangaan. Akala ko talaga nung una ay puro libro ang kaibigan niya, na hindi siya marunong magbiro pero nagkamali pala ako. Isang malaking pagkakamali pala iyon.
"You two! Nandito na tayo," biglang nawala ang atensyon ko sa kanya dahil sa sinigaw na yon ni Miss Marina. Doon ko lang napansin na nakatigil na pala ang van na sinasakyan namin. Sumilip ako sa bintana at bahagyang napanganga sa laki ng school na 'to.
Yes, our school is big, dala na rin na private institution 'to pero di hamak na mas malaki ito dahil na rin siguro sa public school ito at marami ang nag-aaral.
Naunang bumaba sa sasakyan si Timothy at inaantay na niya ako makababa dahil nasa labas siya ng pinto ng van. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya. Nagulat pa ako ng bahagya niyang inabot ang kamay niya na parang gusto akong alalayan.
Hindi ko iyon pinansin at naunang maglakad palapit sa aming adviser. Miss Marina is busy knowing the terms and regulations of this competition kaya tahimik na lang akong tumayo kung nasaan ang sasakyan namin. Si Timothy naman ay tumayo sa tabi ko pero hindi ko na rin siya kinibo.
Bumalik sa isip ko ang pag-uusap namin ni Mommy, on how she annouce he recent engagement to my uncle. Hindi ko namalayan na napapailing na ko at ilang beses ng napabuntong-hininga.
"Seriously? Pang-ilang buntong-hininga mo na yan?" naasar na tanong ng katabi ko. "Ano na naman bang problema sa bahay ninyo?"
"Wala."
"Oh really? Sige naniniwala na ako," he sarcastically said.
"Aryl, Timothy, nakita at alam ko na ang terms at conditions ng competition. There will be three rounds, easy round, one of you will go on the assigned room for the contest. One point each with 25 questions.They will eliminate the one who will get the lowest score on this round same as in the average round. Then there will be average round, ganun din ang mangyayari. Each correct answer will have accumulated three accumulated points. Tapos sa hard round, sabay kayo. Magtutulungan. You will get five points every correct answer. Then your points will be computed and they will have it on average to know who will win."
I raised my hand. "Ako na lang po sa easy." Alam ko na alam ni Miss Marina ang dahilan ko pero tumingin siya sa akin gamit ang mata niyang punung-puno ng pag-aalala.
I put my usual smile on my face, like the usual, no one notice it but I guess it is alright. Lalo na't alam ko ns ipagpipilitan ng binibini na sumali ako sa average level which I know that I can't win.
Habang papasok na ako sa room ay narinig ko pa ang sigaw. "You can do it, Batgirl! The batman will always save you remember that."Agad nag-init ang pisngi ko dahil alam ko na hindi lang ako ang nakarinig ng sinigaw niya.
Naiiling ako habang ramdam ko pa rin ang pamumula habang iginagala ang mata sa loob ng classroom. Doon ako pumewesto malapit sa bintana at itinuon ang mga mata labas. May mga puno pa rin na nagsasayaw kaya nalibang ako. Pinanood kong maglaglagan ang mga dahon and a genuine beam reach my lips. My finger traces the leaves that are falling.
Agad naman akong napatingin ss harapan ng bigla ng dumilim. I saw a woman in her charcoal conventional blazer with a thin facade of black linings on its side pockets. She also sports charcoal pencil-cut skirt, like her blazer, it also has its black thin lining on each side. She walk elegantly towards the teacher's table na nasa unahan saka roon ipinatong lahat ng dala-dala niya miski ang black tote bag na bitbit niya. While preparing her things, iginala na niya ang mga mata niya sa buong silid. Bahagyang gumagalaw ang bibig niya habang iniisa-isa niya ang pagtingin sa amin, siguro ay nagbibilang.
Dinig na dinig ang mararahang paghakbang niya dahil sa itim niyang platform heels, she is checking every desk of the students. "You are all aware of the circumstances of this competition, once you caught cheating, your school automatically disqualified of this competition. Once you are done, you can have a break, give me your paper and get out of the room. Since it is an easy round. You will only have an hour to answer the questionaire, the school that will have the lowest score is automatically done in this competition." Napuno ng katahimikan ang buong silid. Umisang tingin ako sa bintana at nakahinga na rin ako ng hininga nang makitang maayos at kalmado ang dalawa kong kasama. Miss Marina gave me a smile and thumbs up.
"You can do it! Prove to them that they are wrong!" I saw she mouted.
My heart felt the warmth of her message making me erase all the negative thoughts on me. This is not the time to feel remorse, I need to prove my worth, I don't want to feel na sasaluhin lang ako ni Timothy kapag hindi maganda ang result ng laban na ito.
I gently close my eyes and take a deep breaths, bago ko iminulat ang mata ko at naabutan ko ang guro na nakatayo sa harapan ko. She has a small smile on her face, making me anxious. Hindi ko alam kung ano ang ginawa kong nakakahiya pero isinawalang-bahala ko na lang ito.
"Daddy, this is for you and mom, ipapakita ko ang worth ko. That I am the daughter that you wished to have."
Nang inabot na sa amin ang mga testpaper ay patago pa akong nagsign of the cross bago fill-upan ang nasa taas ng test paper. Unlike to tge testpaper at school, pangalan lang ng school ang kailangan dito kaya buong tapang ko na sinulat ang school ko.
A smile crept on my lips as I scan the paper back and forth, parang test lang talaga ito na may true or false, multiple choice at may parte kung saan patutunayan mo ang sagot mo. This subject is english kaya alam ko na may laban ako at lahat din ng tanong ay nasa reviewer namin kaya sigurado na ako rito.
Mabilis kong dinampot at sinagutan ang papel. Siniguro kong naiintindihan ko ang mga instruction bago ako nagsagot.
I have a genuine smile all throughout this round. Bumaling ulit ako kina Miss Marina at nakatingin pa rin ang mga ito sa akin na parang binabasa ang lahat ng ekspresyon sa aking mukha.
I am in the last number na pero may natitira pa akong thirty-five minutes kaya sinagutan ko na ng sarili kong depinisyon ang huling number saka ako muling bumalik sa unang page ng questionnaires at nireview ang mga sagot ko. I am sure as hell na tama ang mga nilagay kong sagot pero maganda pa rin na nakakasiguro.
I ate 30 minutes of time saka ko napagpasyahang tumayo na. Nasa akin ang mga mata ng strict na propesor habang naglalakad ako palapit sa kanya. Tahip-tahip ang naging kaba ko nang inilagay ko ang aking testpaper bago ako napabuntong-hininga ng malalim nang makatalikod na ako sa kanya.
Sumalubong sa akin sila Timothy na may magandang ngiti, dahil nasa akin ang mga mata nila kanina aya alam kong alam nila na wala akong naging problema kaya bumaling ang mga mata ko kay Timothy saka ngumiti sa kanya.
"Ikaw na ang susunod batman!" pang-aalaska ko sa kanya.
Mukha siyang nabigla sa aking sinatinig bago siya nakabawi at ngumiti rin sa akin.
"Ako bahala sa yo, batgirl! Hindi ko naman hahayaang lumaban mag-isa ang batgirl ko! "
***
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top