Chapter eight
The days went fast. Hindi ko pa rin nasasabi kay Miss Marina na hindi ko talaga kayang isaalang-alang ang pangalan ng school para sa akin. Kahit na may napakalaking incentives akong makukuha ay ayaw kong dalhin ng buong eskwelahan ang kamalasan ko.
Sumilip muna ako mula sa dulo ng hagdan at nung napansin na wala sa living room ang mga tao ay dali-dali na akong bumaba. Habang nasa balikat ang shoulder bag, ay maingay na tumutunog ang medyo mataas kong sapatos sa ginagawa kong step.
Dumiretso ako sa kusina para magpaalam, I even saw Yaya Minda who is now busy preparing the table. Nakaupo na sa center si Tito habang nasa gilid niya si Mommy. Nangunot ang noo ko anng mapansin ang magkapatong na mga kamay nila na nasa lamesa.
"Yaya," mahinang tawag ko kay Yaya Minda na agad naman natigil sa gawain at binaling sa akin an atensyon. "Close ba talaga si Tito at si Mommy?"
Natigilan ang matanda ng ilang saglit bago nagkibit-balikat at bumalik sa kanyang ginagawa.
Napansin yata ni Mommy na may tumitingin sa kanila kaya nasalubong niya ang mga mata ko. "Napag-isipan mo na ba kung sasali ka sa competition na yan?" Nakataas ang kilay na tanong ni Mommy, hindi pinansin ang mga mata ko na nakatingin sa kamay nilang dalawa na magkasama.
Ako na ang nag-iwas ng tingin bago lumapit sa kanya para hunalik but she just refused it na parang diring-diri na lumapat ang labi ko sa pisngi niya.
My heart aches at her sudden rejection yet I tried to uplift my cheeks side-to-side and grab two piece of sandwich.
"Mauna na po ako, baka mahuli na po ako sa klase. Kakausapin ko pa po si Miss Marina."
"Mas magandang huwag mo ng tanggapin dahil wala ka namang utak," mahinang usal niya pero dahil hindi pa ako nakakahakbang palayo ay dinig na dinig ko. "Idadamay mo lang ang buong school sa kamalasan mo! Nakakahiya! "
Napahigpit ang hawak ko sa libro pero pinilit kong ngumiti at maglakad palabas ng bahay.
"Mang Carding, tara na po," yaya ko sa driver namin dahil nakatayo pa rin ito sa malapit sa kotse. Kalimitan kasi ay iniintay na lang niya ako sa loob para magdadrive na lang siya kapag nakapasok ako.
"P-pasensya na Miss Aryl, sabi kasi ni Ma'am Madelaine simula ngayon daw ay ako na ang maghahatid sa kanilang dalawa ni Sir Rommel sa opisina."
Natigilan ako sandali, parang winawasak ang puso ko dahil sa kanyang sinabi. Mang Carding is my trusted personal driver because he is working for my dad's family since day one. Pero bakit pati ito ay kinuha ni Mommy? Mommy knows that I can't commute, kasi nasanay ako na hinahatid-sundo palagi though I am sure that I can pero syempre ay nakakababa pa rin lalo na't hindi naman ako marunong.
I compose myself and tried to smile at him, assuring him that it is okay. Tsaka wala naman din akong rights magreklamo dahil si Mommy ang nagpapasahod sa kanila. Wala akong ambag sabi nga niya.
Mabilis ang naging hakbang ko nang lumabas sa gate, kasunod ko si Mang Carding para sarhan din iyon pagkatapos mong makalabas.
Tama naman si Mommy na wala akong isip, kaya nga napahamak si Dad ay dahil sa pagiging bobo ko at mayabang. Kung nakinig na lang ako sa kanila at hindi tumakbo roon ng di nag-iisip ay posibleng buo pa hanggang ngayon ang pamilya namin. Well, she is practically right in everything. Ika nga ng adoptive mother ni Rapunzel sa Tangled, mother's knows best kaya alam ko. Alam na alam natin na tama sila.
Habang nilalakad ang pagitan ng bahay namin sa main gate ay biglang may bumusina sa likuran na nilalakaran ko. Halos mapatalon pa ako at kung kanina ay mahinahon ang pump ng dugo sa dibdib ko, ngayon ay nag-iba.
Kabababa pa lang sa kotse ay labas na ang puti at perpektong mga ngipin. Tristan is wearing his signature gummy smiles habang nakashades pa pero kahit na ganoon ay ramdam ko ang mga mata niya. He sports his uniform like a model, sa totoo nga lang ay parang 'di na siya estudyante sa paraan ng pagdadala niya ng damit.
He walked towards me and willfully get my bag. Isinabit niya ito sa kanyang balikat na lagi naman niyang ginagawa noon pa. Nang nakita niya na nasa kanya ang mga mata ko ay tumigil siya sa kanyang ginagawa at saka binigay ang buong atensyon sa akin. "Ano? Inlove ka na naman sa akin?"
I automatically roll my eyes and crossed my arms around my chest saka naunang maglakad palapit ng kotse niya. "Ang laki talaga ng tiwala mo sa sarili mo, no?"
I heard his manly laughs along the way. "Anong tiwala sinasabi mo riyan? Katotohanan kaya yon!"
I grinned mischievously and shrugged my shoulders. "Whatever makes you sleep at night," I said like I didn't care at all.
In my peripheral view, I saw him pout his lips, ako naman ay nakagat ko ang labi ko para mapigilang mapatawa.
"Sige ganyanin mo ko, mahal naman kita," my face heated at his sudden burst. Natahimik ako at nag-iwas ng tingin ng tinangka niya iyong hulihin at dali-dali na akong pumasok sa kotse niya.
He knows how to shut me up, alam na alam niya na ayaw kong pag-usapan ang nararamdaman namin sa isa't isa. I am aware of what he feels, pero pinipilit kong hanggang friends lang kami. I limit ourselves to prevent hurting each other.
Natatawa naman siyang sumunod sa pinto na pinasukan ko saka niya ipinatong sa mga hita ko ang bag na dala-dala niya. I hug it habang pinapanood ko siyang sarhan ang pinto ng kotse saka bumaling sa driver's seat.
Nang tuluyan na siyang makapasok ay tumingin na lang ako sa labas ng bintana. I watch how the leaves of the trees dance unison with the wind. A sad smile crept on my lips as my eyes saw a big bird protecting her nest. Mababa lang ang nest kaya kitang-kita ko yung paraan ng pagprotekta niya rito laban sa malakas na hangin. A tear escapes from my eyes kaya mabilis ko itong napunasan. That time, nakaramdam ako ng inggit doon para sa baby birds. Bata pa lang sila makikita at nararamdaman nila na mahal sila ng nanay niya.
I don't want Tristan to see how much it hurts because I know that it will only give him pain. I know how much he respects my mom, I know how much he loves her like his own mother kaya ayaw kong malaman niya ang lahat ng pagbabago.
Maybe, unintentionally, I am the one to blame why our friendship is not like before. Unintentionally, ako ang nagtutulak sa kanya palayo.
"Hey!" masuyo niyang tawag sa atensyon ko. I take a deep breath, pinilit na ayusin ang buhol-buhol na pakiramdam bago tumingin sa kanya na may pamilyar na ngiti.
When he saw my face and lips upcurved, unti-unting nawala ang ngiti niya. "May problema, right?"
I chuckle and shake my head, dismissing his question.
Nang hindi ako sumagot ay narinig ko ang marahas niyang paghinga. "Your smiles is not like before. Hindi na katulad ng dati."
My heart races a bit,unti-unting nadiin ang pagkakahawak ko sa bag ko habang ang ngiti ko ay unti-unting nanigas at nawala. I compose myself for a minute and then I laughed while looking at him.
"Baliw! Anong mali sa ngiti ko?" I asked.
He shrug his shoulder before starting the engine of his car. "Basta. Alam ko lang. You are smiling but your eyes are filled with emotion that I can't name."
Muli akong natigilan, hindi malaman ang sasabihin. Maybe he knows me too well. Paanong hindi niya ako makikilala eh siya ang nakakita ng lahat. Siya ang kasa-kasama mo mula pagkabata. Naghiwalay man kami pero alam ko na kilala pa rin naman ang isa't isa.
Ganoon pa rin katindi ang pagkakahawak ko sa bag ko nang mapuno ng katahimikan ang buong sasakyan. I don't know if I can tell him everything, I don't know and I don't want him to know.
Muntik pa ako mapabalikwas nang gamit ang free hand niya ay hinawakan niya ang kamay ko na madiin ang pagkakahawak sa bag. He expertly held my hand,at nalaman ko na lang na nabitawan ko na ang bag ko nang maramdaman na ang mga daliri namin ay naka-connect na sa isa't isa.
"You always knew that you can always talk to me, right? "Pinisil niya ang palad ko kaya napatingin ako sa kanya.
Saglit siyang tumingin sa akin at binigyan ako ng assuring smile.
"You know how much you mean to me, right? When you are having achievements, I am celebrating with you. When you are happy, I will laugh with you and when you feel sad and unloved, our tears shared the pain." He stopped the car when we reached the parking lot of our school. His eyes are now gloomy. "Nandito ako, hindi mo kailangan solohin ang bigat."
Pero hindi ako natinag. I know that,T. Pero ayaw kong maramdaman mo na may mali. Laban ko 'to. I'll fight for my mom, I'll fight for her affection towards me kasi siya na lang ang mayroon ako, mula sa pamilyang minahal at inangatan ako.
"Ang drama mo!" Natatawa kong saad. "Hindi ko naman alam na madrama ka pala, T!" dagdag biro ko pa. Isinukbit ko ang bag ko sa balikat bago ako naghanda sa paglabas sa kotse niya. "Male-late na tayo! Kailangan ko pa kausapin si Miss Marina!"
"Tatanggapin mo?" his voice is hoping that I will take that competition. Kapag kasi may mga ganoon akong sinasalihan ay palaging siya ang support ko bukod kay Dad.
I just smile at him and shake my head. "Nope."
"Huh? Bakit? " kasi I am not good enough, but I can't tell it kasi alam ko na malalaman niyang may problema nga.
"Bigyan naman natin ng chance ang others na manalo."
Yes, hayaan natin na ibang estudyante ang magpanalo sa school natin dahil alam kong hindi ko naman kaya yon. Hindi ko na kayang ipanalo ang laban katulad noon.
He grinned, napapailing habang lumabas ng kotse niya. He open the door for me kaya lumabas na rin ako.
"Yabang naman," he is laughing kaya nahawa na rin ako.
I cackled with him habang sabay kaming naglalakad papasok sa room. "Ano ka ba? Ako lang 'to, "sinakyan ko na para hindi na rin siya maghinala.
I know that he always knew me. Kaya kapag may dinadala akong mabigat ay kabadong-kabado akong humarap sa kanya dahil alam ko na makikisawsaw siya.
We walked hand by hand hanggang sa makarating kami sa bleachers malapit sa amadome. Masyado pa rin maaga para makapasok sa room kaya nag-stay kami roon. Wala pa kaming nakikitang senior high students na narito kaya naman kinuha ko na lang ang notes ko sa fundamentals of accounting tsaka ko pinag-aralan.
"By the way, bakit ka nga pala tumawag kagabi?" I titled my head and my lips turn into line when I heard his question. "Nakailang misscalls ka rin kaya nga ako nasa way papunta ng bahay ninyo pero nakita na kita palabas kaya inintay na lang din kita."
Kagabi, I wanna talk to someone. Kahit isang tao lang sana ay mapagsabihan ako and I chose him to hear my rants and sentiments. Gusto ko ng umamin sa bigat ng pakiramdam kahit sa isang tao lang at siya agad ang pumasok sa isip ko. Mabuti na lang talaga at hindi niya sinagot dahil baka anong klaseng pagkasira ni Mommy ang lumabas sa akin. Baka sa sobrang bigat may maidagdag akong iba na iba sa pagkakarinig ng pagsasabihan ko.
I chuckled. "Wala yon, gusto lang sana kita pagtripan kagabi." Umupo na ako sa isa sa bleacher saka inaral ang notes ko.
I saw how he unintentionally flex his biceps nang ipatong niya ang bag niya sa table pero hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy sa pagbabasa.
"Ayaw mo pang aminin na miss mo ko, eh!" he teased.
Mabilis na nag-init ang ulo ko kasabay ng pisngi nang humarap ako sa kanya. He is flexing his arms, nakapatong kasi ang ulo niya sa kanyang mga kamay habang nakatuon ang siko sa lamesa at pinapanood ako.
I don't know why but my stomach begin to uncaged the butterflies while my eyes are on his.
He smirked. "Miss mo ko kaya gusto mong marinig ang boses ko kagabi," his deep voice was soothingly flew to my ears.
***
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top