Chapter 4 - My New Job
[A/N: This is a sequel to Mesmerized: Mr. Playboy Meets Ms. Naive. Please read the first book to know the characters. http://www.wattpad.com/story/18475741-mesmerized-mr-playboy-meets-ms-naive Thank You.]
[Picture on the right - Joelle Mateo]
Joelle POV
Napanatag na ko, at least, nakauwi ng maayos si JX. Medyo napuyat din kasi ko sa pag-aalala sa kanya. Gusto ko pa sana siyang kakuwentuhan pero gusto ko rin dumaan ng maaga kay Eric at ayokong ma-late sa work. Ngayon ang unang araw ko.
Dumarecho ko sa 75th Floor kung saan ang IT Department ng MGC. Sabi ng secretary ni Mr. Ramos na si Marie, wala pa raw si Mr. Ramos pero nagbilin si Tito Enrico na puntahan ko siya sa office niya.
Quarter to 8 AM pa lang ng dumating ako pero nandito na agad si Tito Enrico. Very responsible na President/CEO. Kaya umakyat ako sa top floor. Pinapasok agad ako ni Ann.
“Good Morning po, Sir!” magalang kong bati kay Tito Enrico. Employee na ko dito kaya hindi na dapat na Tito ang itawag ko kanya pag nasa office.
“Good morning, hija, Please come in. Have a sit!” Itinuro niya ang upuan sa harap ng desk niya.
“Why all of the sudden it's Sir? Whether or not we're at the office or elsewhere. . . you can always call me Tito. That's an order young lady!” Nakangiting sabi niya.
Ngumiti rin ako. “If that's what you want, S-sir, Tito pala.”
“That's great! Well, ipinatawag kita to personally welcome you here at MGC. I know you will be one of the asset of this company. Si Mr. Ramos mismo ang mag-ti-train sa'yo para sa turnover. Pag pinahirapan ka, isumbong mo sa'kin.” Tumawa pa si Tito. Nakakatuwa talaga siya para siyang si Papa.
“Medyo istriko si Mr. Ramos but I know kayang kaya mo yan. Huwag mo lang pilitin ang sarili mo kung talagang hindi mo kaya, hija. Ayoko rin mahirapan ka. Kahit hindi kayo nagkatuluyan ni Eric, parang anak na rin kita. Ituring mo rin sana kong second father mo.” Medyo lumungkot ang boses niya pagka-banggit sa pangalan ni Eric. Ako rin medyo naiiyak pero pinigilan ko.
“Salamat po, Tito, sa pagturing niyo sa akin bilang anak na rin. Parang nakikita ko rin po ang Papa ko sa inyo.” matapat kong sabi.
“That's great, hija. By the way, nagka-usap na ba kayo ni JX? Nagkita kami bago siya umuwi. Pero nakarating na ba siya sa Canada. I'm sure na tatawagan ka niya kaya sa'yo ko naitanong.”
Nagulat naman ako don. Bakit sure si Tito na tatawagan ako ni JX? Is there something na hindi ko alam?
“Opo, kadarating lang po niya kaninang umaga at tumawag na po siya sakin.” sabi ko.
“It's good to know that he's safe.” nag buntung-hininga pa siya. Siguro nag-aalala rin siya tulad ko.
Nag-usap pa kami tungkol sa ibang mga bagay na dapat kong malaman bilang magiging next Director ng IT department. Direct akong mag-rereport sa kanya. Binababa na rin niya ko dahil baka nag-iintay na rin si Mr. Ramos at may meeting pa siya.
==
Pagbaba ko sa 75th floor. Sinabi ni Marie na nandon sa office si Mr. Ramos at pinapasok ako.
“Good morning po, Sir” Masiglang bati ko kay Mr. Ramos.
“Good morning, Joelle. Please have a sit.” Itinuro niya sa akin ang isang round table for 4 beside sa mini library. May mataas na file ng mga nakapatong folders.
“Huwag kang malulula sa mga nakapatong na files dito. But this is what we are going to do.” Iniaabot niya sa akin ang nasa ibabaw na files. “This is the records of all our IT Personnel here at the Head Office. I believe that knowing each of them whatever their role is. . . will help you gain their trust and respect.”
Binuklat buklat ko ang folder. Curriculum Vitae and current position ng mga employees sa IT. Around 30 employees.
“But first ipapakilala kita sa kanila ng personal, Joelle. You can read their records whenever you have time.”
Niyaya niya kong lumabas sa opisina niya. Paglabas namin ng opisina ay nagtitipon na ang mga IT staff. Sinabihan na siguro ni Marie.
“Good morning everyone!” Umpisa ni Mr. Ramos.
“Good morning, Sir!” Chorus nilang pagbati.
“As you all know already, that I am stepping down of my position as IT Director to follow my family in Canada. And you are all wondering who will be the next IT Director of MCG, am I right?”
“Yes, sir!” Chorus pa rin.
“Your curiosity ends now. This lovely lady besides me will be your next superior.” Lahat sila napatanga.
O__________O
“Sir, are you kidding us? Parang pinabili lang siya ng suka ng nanay niya sa kanto.” sabi ng isang medyo may katabaan babae na halos nasa 40+ na ang edad. Nakasalamin at parang manang manamit.
Natawanan ang mga empleyado. Nakingiti rin ako. Seryoso naman si Mr. Ramos.
“Miss Joanne Marielle Mateo might look fragile and innocent but she's very tough. She's a summa cumlaude alumni of UP Diliman with the degree of Bachelor of Computer Science and a consistent full academic scholar.” dagdag ni Mr. Ramos.
Hindi pa rin nagpatalo yung babae. “Sir, she might be scholar and summa cum laude but how about her experience?” Naka-ismid pa sa kin.
Sasagot pa sana si Mr. Ramos pero pinigilan ko na. Humarap ako kay Mr. Ramos at nagsalita with my sweetest smile. “Thank you, Sir, for your accommodating introduction.” Then, humarap ako sa mga empleyado, still wearing my sweetest smile. “Good morning everyone!”
Humarap ako don sa babaeng nagsabi mukha akong pinabili ng suka sa kanto. “Good morning, Ms. Sanchez!” Nabasa ko ang profile niya sa folder na ibinigay ni Mr. Ramos kanina. She's the head of the Programming Department.
“I'm flattered when you said that I look like someone that my mom ask to buy a vinegar in the nearby store. Thank you! I believe you that until now – I look like a teen-ager.” Nakangiti pa rin ako at tawanan ang ibang empleyado. Simangot naman si Ms. Sanchez. Si Mr. Ramos, naka-ngiti rin.
Nagpatuloy ako at tumingin ulit kay Ms. Sanchez. “You are right again, Ms. Sanchez that I am probably inexperience for the position. And I admit it.” Ngumiti ulit ako at tumingin sa ibang mga employees.
“I believe that each one of you have your own line of expertise. Like Mr. Dominguez, who is our Network Administrator.” Tumingin ako sa gawi ni Mr. Dominguez, medyo bata pa rin siya maybe late 20s pa lang. Pasalamat ako sa mabilis na paggana ng memorya ko nung buklatin ako ang profile folder. May mga picture kasi kaya kilala ko agad sa mukha.
“And Mr. Santos, who is our Expert Technician and you, Ms. Sanchez for being expert in Programming. What I am trying to emphasize here is that we are working as team here? I might not be expert or inexperience for what you are doing but as a team we can excel. You are not working for Mr. Ramos or I but you are doing your job for MGC as I am.”
Tahimik lahat sila at nagpatuloy ako sa speech ko. “Yes, I am young and inexperience, but I am the kind of person who is always willing to learn and resourceful. If you are willing to share your knowledge and expertise with me. With both welcoming hands I will accept it! If not, Mr. Ramos here is willing to widens my knowledge and experience.”
Palakpakan ang mga employee except for Ms. Sanchez na simang pa rin. Ipinaglihi 'ata siya sa sama ng loob. He he he
“Very well said, Ms. Mateo.” ngumiti sa kin si Mr. Ramos.
Si Mr. Ramos ulit ang nagsalita. “I hope that whatever support and respect you are showing to me, you will extend it to Ms. Mateo. Thank you and you can go back to you respective rooms.”
Pumalakpak ulit ang mga staff bago pumasok sa kani-kanilang silid. Balik naman kami ni Mr. Ramos sa office niya. Ibinagay pa niya sa akin ang iba pang mga folder tulad ng renewal ng rental computers, pending projects, some proposal biddings for the computerization of all MGC businesses. May folder din para sa profile ng mga board members ng MGC.
Sinabi sa akin ni Mr. Ramos kung alin ang priority sa mga folders na hawak ko. Kaya iyon ang una kong binasa.
==
Lunch time na. Hindi ako nakapagbaon dahil maaga kong umalis para dalawin si Eric, di nako nakapag-luto. Tinanong ko si Marie kung saan ang canteen. Sinabi niya na nasa 3rd floor ang executive lounge at sa 2nd floor ang sa mga ibang empleyado. She offer na ibili na lang ako ng lunch pero tumanggi ko. Gusto niya sana kong samahan kaso may baon siya at baka raw may iutos si Mr. Ramos. I tell her not to bother.
Bumaba ako sa 2nd floor at pumasok sa canteen. Buong 2nd floor ang lawak ng canteen. Maraming tao dito nag-la-lunch. Sa taas ba naman nitong building. Nakipila ko. Matapos akong mag-order at magbayad. Dala ko ang tray na may pagkain ko. Hanap ako ng mauupuan. Halos lahat okupado na.
“Ma'am, Ms. Mateo.” Tumingin ako sa gawi ng tumawag sa akin. Wow, sikat ba ko? May nakakilala agad sa kin?
Kumaway si Mr. Dominguez, Network Admin. So, lumapit ako sa kanya. “Ma'am, dito ka na po maki-join sa amin.” Isang grupo sila ng mga kalalakihan. Pito sila at lahat mga guapo. Nag-usugan naman sila para bigyan ako ng mauupuan. Tamang tama lang dahil waluhan lang ang kasya sa isang mesa. Katabi ko si Mr. Dominguez.
“Ma'am Mateo, pasensiya ka na kay Ms. Sanchez kanina. Matandang dalaga kasi yon.” Sabi ni Mr. Dominguez na nakangiti. Mukhang masayahin ang itsura niya at guapo rin. Mga nakingiti rin sa kin ang mga kasama niya.
Ngumiti rin ako sa kanila. “Okay lang yon. Sanay naman ako sa ganon. At tama naman siya mukha kasi kong teen-ager.” Tawanan naman sila.
“Ma'am, insecure lang sa inyo 'yon kasi ang ganda-ganda nyo.” sabi ng isa na sa tingin ko ay kasing-edad ko lang.
“Salamat!” sabi ko. “Ikaw ba pinabili ka ng patis ng nanay mo at napadpad ka dito sa MGC?” biro ko don sa pumuri sa akin.” Tawanan ulit sila. “Tingin ko kasi magka-sing edad tayo.” dagdag ko pa.
“I'm 23, Ma'am” sabi niya.
“Ah, mas matanda ka pala sa kin.” sabi ko. “Lahat ba kayo sa IT Department?” tanong ko. Hindi ko pa kasi nababasa lahat ang profile nila.
Si Mr. Dominguez ang sumagot, “Yes, Ma'am. Sa Networking sina Roel, Jhoee, Marlon at Anthony. Technician naman natin sina Emman at Oliver.” Pakilala ni Mr. Dominguez. One thing I missed, yung first name ni Mr. Dominguez.
“Can I request something?” tanong ko sa kanila.
“Yes, Ma'am!” chorus pa sila.
“Can you please drop the “Ma'am”, you can call me Joelle.” nakangiting sabi ko. Hindi naman kasi ko teacher, di ba? At saka, ako ata ang pinakabata sa kanila.
o____O lahat sila.
“A-e, hindi naman puede yon, Ma'am, soon to be 'Boss' namin kayo.” sabi ni Mr. Dominguez.
“Oh, is that so, Mr. Dominguez? So, I should call each one of you by your last name then?”
“Eh, Ma'am” kamot siya sa ulo. Mukhang makati ata ang ulo niya. May kuto siguro.
“Ma'am, puede 'Miss Joelle' na lang para kasing very informal kung 'Joelle' lang.” parang nahihiyang sabi ni Mr. Dominguez.
“It's fine with me, Mr. Dominguez.” sabi ko.
“Miss Joelle, Please call me Jeric.”
What??? Jeric – Eric??? Oh, no!
“Sure, Jeric.” casual na sabi ko. “We can eat now, we only have 30 minutes left.”
Nang matapos kaming kumain, kasabay ko sila sa pupunta sa elevator. Tinginan ang mga babaeng kasalubong namin. Pitong guapong lalaki ba naman ang kasabay ko.
“Sino yung girl na kasabay ng mga taga-IT?”
“Baka bago employee ng IT!”
“Ang suwerte niya ang guguapo ng kasama niya.”
“Sila suerte - ang ganda kaya nung girl.”
As part of weekly routine pala ni Mr. Ramos ay kinakausap niya ang mga employee. Bawat department ay may kanya kanyang araw. At ngayon ay ang Networking Department. Kaya ng pumasok kami sa silid nila . . .
“Good afternoon, Mr. Ramos. Good afternoon, Miss Joelle” and bati nila sa amin.
“Good afternoon!” Sabi ni Mr. Ramos.
“Good afternoon, Jeric, Roel, Jhoee, Marlon at Anthony!” bati ko sa kanila.
“Do you know all of them already, Ms. Mateo?” nagtatakang tanong ni Mr. Ramos.
Nginitian ko si Mr. Ramos. “Yes, Sir!”
Idiniscuss lang ni Jeric ang schedule nila sa for the week. At yung mga supplies na kailangan pa nila. Mostly nag-ti-travel sila sa iba't ibang businesses ng MGC to set-up the network.
Nag stay pa ko sa office until 7:00 PM, binasa ko lang yung renewal ng contract ng computers. It will due by next month. Kanina pang 5:30 PM umuwi si Mr. Ramos at nag-paalam na rin si Marie a few minutes after.
Akala ko ako na lang ang tao pero meron pa pala.
“Miss Joelle, ngayon ka lang din uuwi?” nilingon kung sino ang nagsalita. Although nabosesan ko naman.
“Oo, Jeric. Eh, bakit ikaw ngayon lang din?”
“May tinapos lang na report. Saan kayo nauwi?” tanong niya.
“Dyan lang sa SM Aura condo.” Sabi ko.
“Ihatid ko na kayo, Miss Joelle, dyan lang ako sa Pembo.” sabi niya.
“May dala kong saksakyan ngayon, eh.” sabi ko.
Kamot siya sa ulo. “Puedeng makisabay na lang?” tanong niya.
“Sure.” sabi ko. Di naman ako madamot. Saka mukhang mabait naman siya. Makati lang talaga ulo niya. Kung sabagay, taga-Makati siya.
[A/N: Please don't forget to vote po. Thank you!]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top