Merry Christmas Ahead

DISCLAIMER: Ang mga pangalan, karakter at insidente sa kwentong ito ay kathang-isip lamang at hindi ito naaayon sa tao, bagay, lugar o pangyayari. Alinmang pagkakahalintulad sa totoong buhay ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.

***

With a single stroke of a palette, Merrie placed her brush onto her cheeks while the dust smokes into the air. She didn't bother closing her eyes for she would see if the color matches its blush, however, she spent all of her time fixing herself when all of a sudden, she saw the clock alarming beside her.

Lumingon siya sa orasan — ten minutes before nine. Tinigil niya ang pagbabrush at diretsong lagay ng pink lipstick sa labi. Pinunasan niya ang mga lagpas hanggang sa siya'y mapangiti na lamang sa salamin na sumisimbolo sa excitement na matatamo niya sa darating na event.

Tumayo si Merrie sa upuan at tinignan ang sarili nang may sumigaw sa kanya, "Merrie, male-late ka na, o! Ang tagal mong mag-ayos!"

"Teka lang po, Ate Dane!" bulyaw nito pabalik. Agad niyang kinuha ang bag at regalo sa table bago patayin ang ilaw at buksan ang pintuan ng kanyang kwarto. Napansin ng kanyang kapatid na hindi nakaayos ang t-shirt ni Merrie subalit mabilis ang kilos nito dahil ilang oras na lang at male-late na siya sa party. Mabuti na lang at malapit lang ang school na papasukan niya kaya pwede pa siyang sumakay ng traysikel bago pa ito abutan ng oras.

Bago umalis ay nagtanong si Dane, "Dala mo na ba regalo mo? Baka mamaya maiwanan mo—"

"Na sa'kin na po!"  

Her sister shrugged as Merrie sprinted from distance to meet the tricycle station. Meanwhile, she checked the clock from her wrist watch at dahil dito'y agad siyang nagsabi ng "traysikel!" bago makabangon ang drayber mula sa kanyang kinahihigaan. 

Rinig ng dalaga ang tunog ng sasakyan mula sa di-kalayuan, at nang makalapit na ito'y agad siyang sumakay bago itungo ang eskwelahang konti pa ang lakad galing bahay. Madaling-madali na si Merrie at kinakabahan na baka hindi niya maabutan ang mismong party, at nang makarating na ito ay agad siyang nagbayad bago pumasok sa gate. Dali-dali siyang tumakbo kahit pagtinginan siya ng mga tao, makahabol lamang siya sa third floor kung saan galing ang Class 9 - Magallanes na section niya. 

Kahit kapusin man ito sa paghinga, wala siyang pakialam. Paulit-ulit na lang binabanggit ni Merrie na "sana makahabol pa ako" at "sana nandito din si Haruka" hanggang sa makarating ito sa kanyang classroom na nasa tabi ng staircase. She breathed in and out until Haruka, her closest friend, noticed while placing her hands on her knees due to her being in a rush.

"Are you alright?" tanong nito sa kanya. Tanging tango lamang ang sinagot ng kanyang kaibigan sabay sabing, "Nagsimula na ba?"

"Hindi pa. Hindi pa nakarating si Ma'am Olive, e. Pero you're just in time, huh? Halika, sama ka muna sa'kin." 

They joined each other upon finding seats before settling down on their chairs. Habang nagre-retouch si Merrie ay masayang nagkamustahan ang dalawa at nag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay nang biglang maispatan ng dalawang mga mata si Gabrielle, ang babaeng naka-bob cut ang buhok, nakasuot ng white top, black shorts, & black boots, at may hawak na regalo kagaya ng kay Merrie.

In short — she has a crush on her since 7th Grade.

Dalawang taon ang nakalipas pero ngayon lang siya magkakaroon ng lakas ng loob na umamin ngayong Christmas Party sapagkat alam niya sa kanyang sarili na may balak siyang gawin: at ito ay i-pursue ang taong nagugustuhan niya.

"Merrie?" tawag ni Haruka sa kanya. "Merrie nakikinig ka ba?"

Para siyang nakalutang kung maihahalintulad ito sa tingin ng dalaga sa kanya. Lumilipad ang isip at halos ngumingiti sa sarili na kung susumahin ay nawawala na agad siya sa wisyo kapag napapansin niya ang kilos nito. Ngunit natigil iyon nang winagayway ng kamay ni Haruka ang kanyang kaibigan dahilan para siya'y mapabalik sa katinuan.

Nilingon niya ang mga tao sa loob bago ito bumulong, "Huy, teh! Nakita mo lang si Gab ganyan ka na? Hanggang kailan ka gagawa ng move? Kapag nakatapos na kayo by the next two years?"

"Hindi naman sa ganoon. Sadyang—"

"Sadyang alin? Sadyang ganyan ka pumustura kapag nakikita mo siya? Halata ka na, Merrie."

"Na alin?"

"Na may crush ka kay Gab. Hindi mo lang maamin."

Huminga siya nang malalim. Dito na nag-sync in ang mga sinabi ni Haruka ngayon lang. Nilingon niya ang regalong nasa box na may nametag sa itaas at nang mabuksan niya iyon, rito siya napaisip.

Kung dalawang taon na ang nakarararaan simula noong nagkagusto siya kay Gab, bakit hindi niya sinabi kaagad? 

Bakit tinago ni Merrie ang lahat ng nililihim nito kay Gab... kahit hindi niya alam na ito ay huli na?

***

The party started, and many people find it enjoying. However, for Merrie, a half of her still enjoying while the other one's not. Sa loob ng dalawang taon ay mahina ang kanyang loob na baka ma-reject siya nito, na baka may iba na si Gab...

Kinukumpas ng dalaga ang kanyang sasabihin hanggang sa umabot na sa puntong mamaya na lang aaminin iyon bago pa siya makauwi. Pinapanood niya ang mga kaklase niyang naglalaro sa harapan at nagsasaya, pero kahit na ganoon ay hinahanap ng kanyang mga mata ang kanyang crush — na ngayon ay iniisip kung may gusto ba ito sa kanya pabalik. 

Naramdaman na lang ang kanyang pagkaantok kung kaya't agad siyang natulog saglit, at saka lang siya gigising kapag tinawag siya ni Haruka para maglaro. Ramdam pa rin ang antok pero kahit na ganoon ay pipilitin niyang enjoyin ang kanyang sarili na maglaro kasama ng mga kaklase niya. She felt like she's competing with other people kaya gagawin niya ang lahat para makuha ang premyo — in which that's not the case.

Natalo si Merrie. And it's okay for her. 

Nagpahinga muna siya bago matapos ang laro, and when the last game came, sinabi ni Ma'am Olive na kailangan nila ng kapartner bago pa niya ito i-reveal. Nilingon niya si Haruka na ang bilis mamingwit ng partner habang siya ay kinailangan niyang huminga nang malalim bago siya lumapit sa taong inaasam niya.

"Gab," nahihiyang tawag sa kanya bago ito tumikhim. "Pwede ba kitang maging partner ko?"

"Oo naman."

Nagpasalamat si Merrie at saka sumilay ang puting ngipin sa kanyang labi bago sila naglakad sa harap ng adviser. Habang kinukumpleto ang mga players ay biglang nagsalita nang pabulong si Gab, "By the way, I like your makeup."

"Thank you! I like your style, too," magiliw nitong tugon.

"Ikaw din naman, a."

Hindi pa nagsisimula ay unti-unting nangangamatis ang pisngi ni Merrie sa compliment na binigay ng kanyang katabi. Syempre pinaghirapan ko iyan, e! Mabuti na lang at nag-retouch ako bago mag-event. Kung hindi...

Nang makumpleto ay sinabi na ni Ma'am Olive ang game na may pagkakahawig galing sa isang palabas na napanood niya. Sinabi rin nito ang mechanics ng laro, "May ibibigay akong tanong tapos dapat nakatalikod kayo sa harap ng mga players both left and right. If I count one to three and then go, saka kayo haharap para sumagot. Pag parehas, e 'di tama pero pag mali, then sorry. Gets?"

May iilan ang nakaintindi sa game, kabilang na rito ang dalawa. Mula sa practice game ay nauna sina Haruka at ang kanyang partner hanggang sa nagbigay ng tanong ang guro, bagay na ikinasagot nila ito nang sabay. Parehas naman ang sagot kung kaya't agad silang nakakuha ng puntos bago sunod na pumunta sa harapan sina Merrie at Gab.

They turned each other around both left and right as the teacher gives a question, "Magbigay ng..."

Pinag-isipan niya muna ang tanong nang biglang may gumalaw sa kamay ni Merrie — subalit napigilan nang bumilis ang tyempo ng boses, "Isang kulay sa rainbow! 1, 2, 3, go!"

"Violet!"

"Blue!" 

Sabay na binanggit ng dalawa ang sagot sa mataas nitong boses. Nang malamang hindi sila sabay ng sagot ay napangiti na lamang ang dalawa at napahagikhik sa nangyari.

But for Merrie, the more they're enjoying, that's when she realized she needs to do it.

To confess to Gabrielle, and everything will be fine. 

Or so she thought?

***

Babae, may fashion sense at kikay — iyan ang dinescribe ng isang kaklase kay Merrie bago ito mabigyan ng regalo galing sa kanya. Agad silang nagpakuha ng litrato bago ito umalis at iniwan ang dalaga habang hawak ang regalong nasa loob ng kulay white na gift wrap. Napangiti na lamang siya subalit kinakabahan sa kanyang sasabihin, pero inisip na lang niya na bahala na ang tadhana para sa kanilang dalawa. 

"Babae," she described. "Matalino..."

Huminga agad siya nang malalim at diretsahan niyang inamin ang totoo.

"Crush ko."

Nang sabihin niya iyon ay agad nagulat at kinilig ang kanyang mga kaklase — maging si Haruka — sapagkat ngayon lang sila nakarinig at nakapansin sa kauna-unahang pagkakataon. She admittedly stated Gabrielle's name then she stood up before giving a gift, but before that, Merrie continued her confession in a quick note. 

"Pero," she stopped. Patuloy pa rin ang pagdagundong ng hiyawan mula sa kanilang mga kaklase hanggang sa siya'y magsalita, "hanggang doon na lang siguro ang feelings ko. Alam kong meron ka nang iba, e. Kaya ngayon pa lang, tanggapin mo na 'to. Merry Christmas ahead."

Isang mapait na ngiti ang lumabas sa bibig ni Merrie nang kuhanan siya ng litrato, at nang matapos ay agad niya munang nilisan ang classroom upang magpahangin pansamantala. Ang hindi niya alam, ngayon lang nagsidatingan ang mga luha sa kanyang mga mata sapagkat pakiramdam niya'y huli na nang malamang may iba nang kinakasama si Gab. 

Isang taon ang nakalipas at nasa klase sila noon, nagsulat si Merrie ng love letter para sa kanya subalit noong makita niya na may kasamang ibang babae, rito na gumuho ang mundo niya. 

Ang mga salitang dapat sasabihin niya sa sulat, minabuting itapon na lang. At ang mas masaklap, mananatili pa rin itong tago kahit alam niyang mas masasaktan siya kapag ginawa niya iyon. 

Ilang lakad ang tinahak bago makarating sa CR kung saan dito na siya lumuha nang tuluyan dahil kay Gab. Akala niya noong una ay kakalimutan niya ang nararamdaman nito para sa kanya, kaso dumating sa puntong umaasa na siya. 

Umaasa siya na balang araw, maisip niya kung gaano siya kamahal sa paraang gusto niyang marinig ang salitang "paninindigan kita."

Tahimik nang lumungkot ang kaluluwa ng dalaga habang siya'y nakakulong sa banyo ng babae, pero sa parte niya, at least ginawa niya iyon, hindi ba?

Nang lumabas si Merrie ay rito na siya nakita ni Gab na nag-aalala sa babaeng nasa harapan, na ngayon ay nagkaroon ng sira ang make-up dulot ng sobrang pag-iyak sa banyo.

Nabalot ng katahimikan ang buong paligid ng comfort room — malayo sa ingay na nakasanayan kanina sa Christmas Party. Wala ni isa sa kanila ang nagsasalita hanggang si Gab na mismo ang bumasag, "Merrie, bakit ka umalis kanina?"

"Wala," pagsisinungaling niya. "Sadyang kinailangan kong umihi muna. Hindi ko na kasi mapigilan, e."

"Hindi mo mapigilan 'yung ihi mo, o 'yung luha mo?" 

The latter finally snapped while Merrie left on frozen, "Paano mo nalaman?"

"Status ng make-up mo. Tell me, sinong iniiyakan mo?"

Merrie quickly stormed off, "Ikaw! Oo, ikaw! Dalawang taon ang nakalipas simula noong nagustuhan kita! Lahat ng ginawa kong pagpapacute sa'yo, mga tulang sinulat ko, even love letters — lahat ng iyon para sa'yo! Kaso anong ginawa mo? Para mo na akong binalewala! 

"Makailang beses kong iniabot sa ilan sa mga kaklase mo ang mga love letters, kaso noong ako na sana ang mag-aabot, kitang-kita ng dalawang mata ko kung gaano ka ka-sweet kasama ng bago mo!"

Sa wakas, naisambit na ni Merrie lahat ng mga nakatagong regalo sa kanyang damdamin, at ang lahat ng iyon ay nakabalot sa isang papel na nailukot pagdating ng panahon. She continued to run on her tears, for all what's left is the pain and anguish it felt when she saw Gab with another girl.

"Merrie, hayaan mo muna akong magpaliwanag—"

"Anong ipapaliwanag mo sa'kin? Na in a relationship na kayo? Natatakot ka noong una na baka hindi mo ako magustuhan, ha?"

"Hindi naman sa ganoon!"

"Ano nga?"

"Walang naging kami sa pagitan namin. Bakit? Kasi ikaw ang hinahanap ko, Merrie!" biglaang pag-amin ni Gab sa kanya. Nagtutubig na ang kanyang mga mata at halos umaabot ng dahan-dahang pagpatak nang siya'y magsalita, "Sa totoo lang, gustong-gusto talaga kita noong una pa lang."

Naramdaman ulit ng dalaga ang paghawak nito sa kanyang mga kamay subalit agad siya nitong binitawan, "Bakit ngayon mo lang sinabi iyan?"

"Merrie, huwag ka sanang mabibigla..."

"Sabihin mo na kasi! Ano ba, pinapagulo mo na ako—"

"Kasi hindi tayo pwede! Like, hindi talaga."

Nabuhusan na ng malamig na tubig si Merrie nang marinig ang sinabi ni Gab sa kanya. Gumuho ang kanyang mundo at ang tsansang magkaroon ng pagkakataong makasama ang taong kanyang minamahal ay nawala na rin, subalit ang pinakamasakit ay halos hindi na ito nakapagsalita at ang tanging boses na kanyang pinaramdam ay ang mga luhang nagsituluan mula sa kanyang mga mata papunta sa kanyang pisngi.

"Aaminin ko sa'yo, gusto kita. Kaya lang... kaya lang hindi pwede, e," she explained in-between sobs. "Homophobic parents ko. Kapag inamin ko sa kanila ang totoong sexuality ko, baka paalisin nila ako sa bahay. Sabihin nila na wala silang anak na tomboy, pero anong magagawa ko e ganito na ako ngayon?

"'Yung babaeng nakita mo sa campus? Close friend ko iyon. Nagpapatulong sa'kin ligawan 'yung kaibigan mo. Si Haruka?"

Merrie nodded.

"Kaya ngayon pa lang, kahit magsorry ka sa harapan ko, pinapatawad na kita. Kasi mahal kita, e. Sadyang ikaw talaga ang hinahanap ng puso ko, duwag lang siguro ako."

Saglit na katahimikan ang pinalipas nila bago nagtanong si Merrie. "A-anong sabi mo—"

Her soul left completely frozed when Gab hugged her unexpectedly. Her tears may be streaming down continuously, however, sooner or later, it would later turned into tears of joy for the latter finally professed her love for her.

Sa pagkakataong ito, nagkaroon na ito ng paghinga — tuluyan nang nawala ang bigat na dumaloy noong mga panahong nagpapakiramdaman ang damdamin dalawang taon ang nakararaan. Mula sa bigat na inipon niya, ngayon ay lumuwag na parang nakalutang sa hangin magmula noong niyakap siya ni Gab.

Bumitaw na siya sa kanyang pagkakayakap sabay sabing: "I love you, Merrie. Kahit nakawala na ako sa kanila, kaya pa rin kitang panindigan sa mga kamag-anak ko."

"Ganoon din ako. Pati sa pamilya ko, lalong-lalo na kay Haruka." Hinawakan ni Merrie ang kamay ng dalaga, "Mahal din kita."

Abot hanggang tainga ang ngiti ni Gab bago punasan ang mga luha sa mga mata ng kanyang kapareha, "Dapat hindi ka umiyak dahil masisira make-up mo. Pero ayos lang, at least nilabas mo. Retouch kita, gusto mo?"

"S-sige..." Kahit may pag-aalinlangan, tinuloy pa ring sagutin ang tanong ni Gab para kay Merrie. "Tara na?"

At ang tanging sagot para kay Merrie?

She didn't say a word, instead, her hands intertwined with hers before getting back to their classroom. 

Sabi nila, samu't saring halaga ang naroroon sa isang wishlist. Pero para kay Merrie, iba ang kanyang winish — at iyon ay makasama at maipaglaban ng mga tao ang babaeng kanyang minamahal.

 — END —

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top