🐱 prologue 🐱

Blackmellanyc, kung sino ka man, please pm mo ako huhu. May itatanong lang ako sayo, di kita kakainin anue ba HAHA. De joke lang, pero please meassage mo ako. Thank you.

***

[Hoseok's POV]

"Uy uuwi na ako." Paalam ko sa mga kaibigan ko at umalis na agad ako bago pa sila makasalita.

Dahil gusto ko rin muna makapag-isa, pumunta ako sa tambayan ko. May malaking puno at may isang bench sa likod ng isang mall. Konti lang rin ang nakakaalam doon kaya masaya tumambay doon.

Pagkaupo ko sa bench agad akong huminga ng malalim sabay singhot sa hangin.

Oy, masaya suminghot ng hangin.

Kaso bigla kong naramdaman na gusto kong bumahing.

"Achoo!" Pagbahing ko. Agad ko namang kinamot ang ilong ko. Shet ang kati.

"Oy ba't ang kati ng ilong ko?!" Tanong ko sa sarili.

Maya't maya ay naramdaman ko na gusto ko ulit bumahing.

"Achoo! Ayoko na, jusko." Sabi ko. Nagulat nalang ako nang biglang may isang babae ang sumulpot.

May beanie siyang suot, tapos may suot na malaking sweater at nakajeans habang naka-tsinelas.

Habang lumalapit siya mas lalo kong kinakamot yung ilong kasi shet, ang kati talaga.

"Hello." Bati niya sa akin at ngumiti nang kaunti.

"Hi. Upo ka dito sa tabi ko oh." Sabi ko. Sumunod naman siya akin.

"Achoo!" Pagbahing ko ulit. "Sorry, yung hangin si--ACHOO! Siguro kaya ako na--ACHOO! Nababahing." Sabi ko sabay peace sign sa kanya. Nakakahiya pucha. Ganda pa naman.

"Okay lang." Tipid niyang sagot.

Naramdaman ko naman na kumati bigla ang katawan ko. Kinamot ko muna yung braso ko at sunod naman yung paa ko.

"Ayos ka lang?" Tanong niya.

"S-sana. ACHOO!" Sabi ko sabay kamot at di ko naman naiwasan na bumahing ulit.

"Sigurado ka?" Sabi niya sa akin sabay ngiti.

"May allergy--ACHOO! Kasi ako sa mga pusa ka--ACHOO! Kaya nagkakaganito ako." Sabi ko. Nang mapansin ko ang sinabi ko, agad akong napatingin sa kanya.

May dalawang matulis siyang pangil sa ngipin niya.

Agad akong tumayo at lumayo sa tabi niya.

"HYBRID KA BA NA PUSA?!" Tanong ko.

Tinanggal naman niya yung beanie na suot niya kaya lumitaw yung tenga niya na katulad sa pusa.

"Oo." Sabi niya sabay tingin sa baba at kasabay na rin nun yung tila pagbaba ng tenga niya.

"Allergic ako sa pusa, lumayo ka nga!" Sigaw ko sa kanya. "Kaya pala malayo nababahing at nangangati ako dito eh!" Dagdag ko.

"Pero--"

"Achoo!" Pagbahing ko ulit kaya medyo nagulat siya lalo na't naputol ko yung sasabihin niya sana.

"Meow." Pagsabi niya nang mahina.

"AYAW KO NGA SA MGA PUSA. ALLERGIC AKO! I HATE PUSSIES!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top