m9: visit 🐈

Di ko alam kung pagsisisihan ko ba ang desisyon ko o hindi pero mukhang magiging masaya naman. Minsan kailangan lang talaga natin harapin yung ayaw natin para mawala.

Baka magiging maayos rin ang lahat kapag naging okay kami. Baka tumigil na rin siya sa kasusunod sa akin.

Pumunta ako sa tapat ng bahay nila Taehyung at huminga nang malalim bago kumatok sa pintuan nila.

"Waahh! Hoseok hyung!" Masayang bati ni Jungkook sa akin nang buksan niya yung pinto.

"Jungkook!" Sigaw ko at niyakap siya habang ginugulo ko yung buhok niya. Tumawa lang naman siya at bumitaw rin naman kami kaagad sa yakap.

"Si Taehyung hyung ba ang hanap mo?" Tanong niya sa akin.

"Ah, oo." Sagot ko. Pinapasok niya muna ako sa loob ng bahay nila at pinaupo sa upuan bago siya umalis saglit para hanapin si Taehyung.

"Oh hyung, napadalaw ka. Bakit? May kailangan ka?" Tanong ni Taehyung sa akin na dumating galing sa kusina habang nakayakap sa likuran niya si Jungkook.

"Galit ka pa ba sa akin?" Tanong ko sa kanya at natawa naman siya.

"Nandito ka ba para magsorry?" Tanong niya at tumawa ulit.

"Oo, bakit ka ba tumatawa ah?" Tanong ko naman sa kanya.

"Masaya si hyung!" Sabi ni Jungkook bigla at pumalakpak habang nakangiti nang sobrang lawak. Niyakap niya ulit sa likod si Taehyung.

"Oy Jungkook, bitaw." Utos sa kanya ni Taehyung at sumunod naman kaagad siya. Nasa gilid siya ni Taehyung habang nakatingin sa sahig.

"Gusto ko lang na--" Naputol ang sasabihin ni Jungkook nang hawakan ni Taehyung ang kamay niya at hinila papunta sa sofa na tumabi sa akin.

"Tatabi lang tayo kay Hoseok hyung." Sabi niya kay Jungkook bago ibalik ang tingin sa akin. Si Jungkook naman, niyakap yung isang braso ni Taehyung habang nakikinig sa usapan namin.

"Sorry na, Tae." Paghihingi ko ng tawad sa kanya at iniling naman niya ang ulo niya.

"Di ako galit, ano ba." Sabi niya at tumawa.

"Hindi?"

"Hindi nga. Nalungkot lang ako non. Kalimutan mo na yun." Sabi niya at tumawa ulit.

"Kalimutan ko na? Sigurado ka? Balak ko pa naman makipagkaibigan at magsorry rin kay Yami." Sabi ko sa kanya na nagulat.

"Joke lang hehe. Oo galit ako non, grr." Sabi niya at tumawa naman ako.

"Anong grr ka diyan? Para kang timang!" Sabi ko at tumawa pa.

"Ikaw kasi! Seryoso ka ba doon?"

"Oo nga! Nag-effort pa nga akong pumunta dito para lang sabihin yun." Sabi ko.

"Matutuwa si Yami!" Masayang sabi ni Jungkook.

"Oy may allergy ka." Pagpapaalala sa akin ni Taehyung.

"Alam ko, huwag ka mag-aalala. Kaya nga ako nandito para rin humingi ng tulong. Pero concern siya sa akin, yiee." Pang-aasar ko sabay tusok sa tagiliran niya pero tinapik naman ni Jungkook ang kamay ko.

Magsasalita na sana si Taehyung nang unahan siya ni Jungkook.

"Hyung, naiihi ako." Mahinang sabi niya kay Taehyung.

"Ha? Edi umihi ka na sa CR." Sabi sa kanya ni Taetae at tumangi naman siya bago tumalon-talon paalis.

Napangiti naman ako kasi nag-iisapi na akong i-kidnap si Jungkook dahil ang cute niya.

"Ang cute ni Kookie ko." Sabi bigla ni Taehyung kaya napatingin ako sa kanya. I know, right?

"Oy grabe na yung titig mo kay Jungkook habang umaalis." Sabi ko sa kanya nang mapansin kong kanina pa siyang nakatitig kay Kookie na tumatalon-talon palayo.

"Ha?" Tanong niya na tumingin na sa akin.

"Taehyung, nagtataka na talaga ako sayo. Straight ka ba?" Tanong ko sa kanya at tumawa naman siya.

"MALAMANG! ANONG KLASENG TANONG YAN?!" Tanong niya at tumawa nang malakas.

"Straight raw pero pinagpapawisan habang sumasagot tapos kung makatitig kay Jungkook." Sabi ko sa kanya habang nakangiti.

"Hoseok hyung, straight ako. Hinahayaan ko lang si Jungkook na palagi akong yakapin at sundan kasi hybrid nga siya. Nasa lahi nga nila yon." Sabi niya.

"Alam ko yun, Kim Taehyung. Nagtataka lang ako kasi wala naman akong sinabi tungkol sa pagiging clingy ng Kookie mo." Sabi ko at mas ngumiti sa kanya.

"Alam mo? Si Yami ulit pag-usapan natin." Pag-iiba niya ng usapan. "So ano plano mo?"

Napailing nalang ako habang tumatawa dahil sa reaksyon ni Taehyung. "Tulungan mo ako bukas. Gusto ko makipagkita pero dapat nasa malayo siya."

"Oh tapos?"

"Magsosorry ako sa kanya." Sagot ko.

"Yan ang Hoseok na kilala ko." Sabi ni Taehyung at nag-apir kami.

"Sorry nga rin pala, bro. Salamat sa paggising sa akin." Sabi ko sa kanya.

"I got you, bro." Sabi naman niya at nagtawanan kami. Maya't maya ay bumalik na rin si Jungkook sabay sandal sa balikat ni Taehyung.

"Tapos ka na, hm? Naflush mo ba?" Tanong niya at tumango naman si Jungkook. "Good boy." Sabi niya habang sinusuklay ang buhok niya gamit ang daliri niya.

"Taetae, rabbit yan hindi aso." Pagpapaalala ko sa kanya. "Good boy amp." Dagdag ko.

"Baby boy naman ako ni hyung kaya ayos lang. Diba hyung?" Sabi ni Jungkook na nakangiti tapos tumingin kay Taehyung.

"Baby boy?" Tanong ko at tumingin kay Taehyung na sobrang namumula ngayon.

"Kookie, ano ang sinabi ko sa pagiging madaldal mo?" Tanong ni Taehyung sa kanya kaya napatakip ng bibig si Jungkook.

"Sorry!" Bulong niya at umakyat papuntang second floor nila.

"Baby boy mo pala si Jungkook ah." Pang-aasar ko kay Taehyung.

"Alam mo Hoseok hyung, nandoon pintuan namin." Sabi niya sabay turo. "Inaantay ka na ngang lumabas eh. Tara ihahatid na kita." Dagdah niya at hinila ako palabas.

"OY TAEHYUNG, BISITA NIYO AKO! HYUNG MO AKO!" Reklamo ko na malapit na sa pintuan. Tinulak naman niya ako nang malakas kaya nasa labas na ako ng bahay nila.

"Bye hyung, salamat sa pagbisita!" Sabi ni Taehyung na isasarado na sana yung pintuan pero pinigilan ko siya.

"Wait!" Sigaw ko.

"Bakit hyung?" Tanong niya habang nakangiti sa akin.

"Di ka straight. Bakla ka. Gay for Jungkook ka." Sabi ko sa kanya na sunod-sunod.

"Huwag ka nang papasok ulit sa pamamahay ko." Sabi niya bago saraduhin nang tuluyan ang pinto.

Natawa nalang ako sa kanya at naglakad na pabalik sa bahay ko bago humiga ulit sa kama.

Yami, makakausap na rin kita.

***

🌈🌈🌈

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top