m8: call 🐈

"Masama ba ako?" Tanong ko sa ate ko habang nakahiga ako sa sofa.

"Ikaw? Oo, syempre. Di mo ako katulad na sobrang bait." Tiningnan ko naman siya nang masama.

"Ikaw? Mabait? Pinagloloko mo yata ako." Sabi ko sabay tawa.

"Wow, santo ka ba ah? Amen!" Sabi naman ni ate kaya binatukan ko siya at binatukan niya ako pabalik.

Umakyat nalang ako sa kwarto ko at agad na pinindot yung isang button.

"Call yung tanginang tropa." Sabi ko.

"Calling tanginang tropa." Sabi naman pabalik nung device. Binitawan ko naman yung button at agad na humiga sa kama.

Habang nagriring, iniisip ko na rin ang sasabihin ko. Magsosorry ba ako? Hindi, kay Taehyung dapat. Napasilip naman ako sa bintana ko at nakita na na nakababa yung kurtina ni Taehyung kaya hindi ko makita yung loob ng kwarto niya.

"Hello? Kim Namjoon speaking." Rinig kong sagot ni Namjoon sa tawag.

"Hi." Tipid kong sabi.

"Eow phoecxz." Bati ni Yoongi.

"Wow Yoongi, 2069 na pero jeje ka pa rin. Nung mga 2010's pa kaya yan." Sabi ni Jin at naramdaman ko naman na umiling siya.

"Pake mo ba ah? May freedom naman tayo ah. Baka di mo alam yun." Sagot sa kanya ni Yoongi.

"Excuse me, pero baka ikaw pa yung may hindi alam kung ano yun. Gus--" Naputol naman yung sasabihin ni Jin nang magsalita si Namjoon.

"Oy manahimik nga kayo. May mali." Sabi niya.

"Oh?" Sabay na sabi nila ni Yoongi at Seokjin.

"Si Hoseok, tahimik masyado."

"Luh, tahimik naman ako palagi ah!" Paglalaban ko at tumawa silang lahat. "Ba't kayo tumatawa? Tahimik nga kasi ako!"

"Kailan pa?" Tanong ni Jin.

"Dati pa!" Sagot ko sa kanya.

"Sabi ko sa inyo may mali sa kanya eh." Sabi naman ni Namjoon.

"Tahimik mo ngayon, dati kapag tumatawag tayong apat ikaw yung may maraming kwento. Tapos ikaw yung sisigaw kapag kakasagot palang sa tawag. What's up? What's down, huh?" Mahabang saad ni Yoongi at napatawa naman ako nang mahina.

"Loko." Tangi kong nasabi.

"Wow, daming sinabi ni Hoseok. Ubos na laway ni Yoongi, yun lang nasabi niya. Very good." Sarkastikong sabi ni Jin.

"Eh, kasi..." Sabi ko.

"Kasi?" Tanong nila.

"Napapaisip ako." Sagot ko naman.

"Na?" Sabay-sabay ulit nilang tanong.

"Tungkol sa akin." Sagot ko.

"Tangina Hoseok, diretsuhin mo kaya kami hindi yung isa-isa mong sinasabi." Reklamo ni Namjoon.

"Oo nga." Pagsang-ayon nung dalawa.

"Masama ba ako ah? Seryoso ako ngayon kaya ayos-ayusin niyo yung sagot niyo o sisipain ko kayo isa-isa." Tanonh at pagbabanta ko sa kanila.

"Kabayo nga naman, naninipa." Sabi ni Yoongi.

"Hybrid yata itong si Hoseok. Hybrid ng kabayo. HAHAHAHAHA." Sabi naman ni Jin bago tumawa nang malakas kaya natawa rin yung iba.

"Oy yung tanong ko!" Sabi ko.

"Ano ulit yung tanong mo?" Tanong ni Yoongi.

"Pu--"

"Ah okay, natandaan ko na." Pagputol niya sa mura ko.

"Hindi. Mabait ka naman ah. Bakit, ano ba meron?" Tanong ni Namjoon.

"Napapaisip lang kasi ako sa sinabi ni Taehyung sa akin." Sagot ko.

"Wow, iba ito. May malalim na simabi si Taehyung bukod sa purong kabastusan at kabaliwan yung lumalabas sa bibig niya." Sabi ni Jin.

"Luh? Kailan pa naging bastos si Taehyung?" Tanong ko.

"Gagu, kapag nagugulat kaya yun sasabihin niya pepe, betlog, utong, kan--"

"Okay na Yoongi, salamat. Huwag mo nang iisa-isa. May problema ang kaibigan natin at hindi kabastusan ang pinag-uusapan nayin ngayon." Sabi ni Namjoon. Napatawa naman ako nang malakas.

"LOKO KA NAMJOON! LALIM NON!" Sigaw ko at tumawa ulit.

"Tapos sasabihin niyang tahimik siya eh halos masira eardrums ko sa sigaw niya." Sabi ni Jin.

"Sorry na!" Sigaw ko ulit sabay tawa.

"Oy maya na tawa! Kwento muna!" Sabi ni Yoongi at natauhan naman ako. Huminga muna ako nang malalim at nagsimula ulit magkwento.

"Ano ba kasi sinabi sayo ah?" Tanong ni Namjoon.

"Na nagbago raw ako. Hindi na raw ako yung Hoseok na mabait na nakilala niya. Sumama ba ako?" Sabi ko.

"Wala naman nagbago sa ugali mo ah. Bukod sa itsura at katawan mo ngayon na puno ng rashes." Sabi naman ni Jin.

"Oo nga. Bakit ba niya nasabi yun sayo? May atraso ka ba kay Taetae?" Tanong ni Namjoon.

"Wow feeling ko nasa interview ako. Salamat sa tanong, fans." Sabi ko.

"Tara, itigil na natin itong group call." Sabi ni Yoongi.

"OY JOKE LANG! ITO NA KASI!" Sabi ko at tumawa nang mahina.

"Ano nga?!" Tanong nila.

"Dahil kay Yami. Ang sama ko raw sa kanya. Gusto ko lang naman siyang lumayo sa akin." Sabi ko.

"Ay shet, Yami. Ang ganda non. Pakisabi nga na sa akin nalang siya lumapit. Cute pa naman ng mga hybrids." Sabi ni Yoongi.

"Di nga ako makalapit, paano ko sasabihin sa kanya?" Sabi ko.

"Asa ka naman na magugustahan ka non, Yoongi. Pwe." Sabi ni Jin.

"Hilig kasi sa pussy." Sabi ni Namjoon at nagtawanan kaming lahat. Nang matapos na kaming magtawanan, bumalik na ulit ako sa pagkwekwento.

"Ayoko rin naman maging masama kay Yami kaso wala na akong magagawa lalo na't allergic nga ako sa pusa. Kailan ko pa bang lumapit sa kanya at magsorry? Napaiyak ko raw siya eh."

"Wow, iba na talaga itong si idol." Sabi ni Jin. Natawa naman sa kanya si Yoongi. Mga bashers ko talaga yung dalawang yun. Si Namjoon lang matinong kausap.

"Sulatan mo nalang siya. Tapos doon mo ilagay lahat ng gusto mong sabihin." Suggest ni Namjoon.

"Namjoon, 2069 na nga. Bakit ka pa magsusulat eh ang dami nang pwedeng gawin gamit yung technology ngayon?" Sermon sa kanya ni Jin.

"Oo nga. May text, tawag, video call, voice message, hologram. Bakit ka pa magsusulat?" Sabi naman ni Yoongi.

"Mas maaapreciate kasi kapag sulat kamay. Nasa sulat lahat ng dugo, pawis at luha."

"Blood, sweat and tears amp." Sabi ko.

"Salamat sa pag-eenglish ng sinabi ko."

"You're welcome."

"Bigyan mo kaya ng chance yung hybrid. Saka mabait naman siya nung nakausap namin eh." Sabi ni Jin.

"Oo nga. Gusto lang niya magthank you sayo nun." Pagsusuporta naman sa kanya ni Yoongi.

"Wow, kanina pa tayo nag-uusap dito. Ngayon lang yata kayo may sinabing may sense." Sabi ko sa kanila at natawa naman sila.

"Kami pa." Sabi ni Jin at nagtawanan sila ni Yoongi.

"So bibigyan mo nga ng chance?" Tanong ni Namjoon. Napatahimik naman ako nang saglit para mag-isip nang mabuti.

"Oo. Hahanap nalang ako ng paraan na hindi ako maapektuhan ng allergy ko." Sagot ko.

"Ayie putangina magsasail na yung main ship ng story." Sabi ni Yoongi.

"Ha?" Sabi naming lahat.

"Nevermind." Sabi ni Yoongi at nagtawanan naman kami.

"Basta, tandaan niyo ang sinabi ko. Magpapakabait na ako kay Yami at hindi ako mapipigilan ng allergy ko sa paghingi ng tawad sa kanya."

***

I just published my NamJin ff entitled Roleplay. Pwede niyo nang basahin. Hihi, wenk wonk.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top