m7: her side 🐈

Napangiti rin naman ako nang ngumiti sa akin si Hoseok. Parang sa lahat ng beses na nakikita niya ako, ngayon lang siya ngumiti sa akin.

"Noora! Halika na!" Sigaw niya. Napakunot naman ako ng noo at nagtaka kung sino si Noora.

"Teka, yung sintas ko kasi!" Sigaw ng isang babae sa likuran ko. May nakita akong tinatali yung sintas niya at agad na tumakbo palapit kila Hoseok.

Napatingin naman ako kay Hoseok at ngayon ay sa akin na talaga siya nakatingin lalo na't nakakunot na ang noo niya.

Agad namang nawala yung ngiti ko sa mukha at tumakbo palayo sa school nila.

[Hoseok's POV]

Pinanood ko naman si Yami na tumakbo palayo.

"Ikaw ba yung tumawag sa akin?" Tanong ko kay Noora nang makalapit na siya sa akin.

"Ha? Hindi! Nagtatali lang ako ng sintas nang tawagin mo ako." Sagot niya sa akin. Naguluhan naman ako. Ang pagkakaalam ko, may tumawag sa akin at paglingon ko nakita ko si Noora. Napansin ko nalang si Yami nang malagpasan siya ni Noora at ayun, biglang tumakbo.

"Uy Hoseok! Ayos ka lang?" Tanong ni Noora habang kumakaway sa harap ko.

"Ha? May sinasabi ka?" Tanong ko. Natawa naman siya sa akin.

"Sabi ko nauna nang pumunta yung mga kaibigan mo sa klase niyo. Ayun na sila oh." Sabi niya sabay turo sa kanila kaya napatingin ako. "Sabog ka ba?" Tanong niya.

"Ah, siguro." Sagot ko sabay tawa nang mahina. "Una na ako, mamaya nalang." Sabi ko sabay tapik sa balikat niya at tumakbo na kila Namjoon.

"Oy!" Sigaw ko sabay akbay kay Jin nang maabutan ko sila. Napatingin naman lahat sila sa akin. "Nang-iiwan kayo bigla, mga bastos." Dagdag ko.

"Luh? Bastos ba ginawa namin kung iniwan ka namin dahil alam naming gusto mong makipaglandian doon kay Noora." Sabi ni Yoongi.

"Talaga?" Tanong ko sabay ngiti.

"Malamang, ikaw pa. Para-paraan lang yan." Sagot ni Yoongi at nag-apir naman kaming dalawa. True friends nga naman.

"Oy Hoseok, nabigay ko na kay Yami yung pagkain na binili mo para sa kanya kanina." Sabi bigla ni Namjoon.

"Nahanap mo siya?" Tanong ko.

"Oo, nandoon lang naman siya nakatambay sa labas ng school ah." Napahinto naman ako sa paglalakad.

"So pagkatapos niyang umikot-ikot kanina para maghanap ng pagkain, tumambay lang siya sa labas? Ano siya? Pulubi?" Tanong ko.

"Bakit? Di mo ba napansin nandoon lang siya kanina pa?" Tanong ni Jin at umiling naman ako.

"Hindi." Sagot ko.

"Wow, bulag." Sabi ni Yoongi at nagkunwaring umubo.

"Bulag mo 'to. Ayoko rin naman siyang makita eh. Kanina ko pa pinipigilan kamutin yung pangangati ng katawan ko. Nakikita ko pa nga lang, gusto ko nang bumahing. Sa tingin mo ba gugustuhin ko na makita siya, ha?" Tanong ko sa kanila.

"Oo!" Sabay-sabay nilang sabi kaya napanganga nalang ako.

"May langaw nang papasok sa bibig mo, saraduhin mo." Sabi ni Jin kaya sinara ko nga. Nagsimula nanaman ulit kaming maglakad.

"May gustong sabihin yung tao sayo, lumapit ka kaya." Sabi ni Namjoon.

"Ako lalapit? Tapos ano? Mangangati at mababahing nanaman ako na parang walang katapusan? Ulol." Sabi ko naman.

"Hindi kasi yung sobrang lapit! Arghh! Gigil mo si ako, Hoseok ah!" Sabi ni Jin.

"Come down, Kim Seokjin. Don't let blood pressure you." Sabi ni Yoongi habang pinapaypayan niya si Jin gamit ang kamay niya.

"Ayoko nga! Baka mamatay ako!" Sabi ko habang umiiling.

"Hoseok, walang namamatay dahil sa allergy sa hayop." Sabi ni Namjoon. Napahinto naman kami sa harap ng classroom namin.

"Wala pang namamatay pero magkakaroon na. Palibhasa wala kayong allergy sa hayop tulad ng pusa." Sabi ko.

"Oy may allergy kaya ako!" Sabi ni Yoongi bigla.

"Oh talaga? Ano yun?" Tanong namin.

"Allergic ako sa mga taong di matinong kausap." Sabi niya sabay posing.

"Ah, so allergic ka sa sarili mo?" Tanong ni Jin kaya nagtawanan naman kaming lahat. Napahinto nalang kami nang may sumigaw.

"KIM NAMJOON! JUNG HOSEOK! KIM SEOKJIN! MIN YOONGI! ANO PA GINAGAWA NIYO DIYAN?! TAPOS NA YUNG BREAK TIME!" Sigaw nung teacher namin kaya nagtakbuhan kami kaagad papasok ng classroom namin at umupo sa mga sari-sariling upuan namin.

Nang matapos na yung klase, pupuntahan ko na sana si Noora nang lumapit sa akin si Taehyung at Jimin.

"Luh? Maya-maya na tayo umuwi, Taehyung." Sabi ko at umiling naman siya.

"Gusto sana kitang kausapin, hyung." Sabi niya.

"Ano yun?" Tanong ko.

"Bakit ang cute daw ni Park Jimin?" Tanong ni Jimin at biglang nagpose sa harap ko. Tinitigan lang namin siya ni Taehyung kaya tumawa nalang siya nang mahina.

"Ano kasi hyung, napatawag sa akin si Jungkook." Sabi niya.

"Ano naman kung tumawag boyfriend mo?" Tanong ko. Nanlaki naman kaagad yung mata ni Taehyung at namula.

"Oy! Boyfriend ka diyan! Di ko boyfriend si Jungkook! Sapakin kita diyan eh." Sabi ni Taehyung. Natawa nalang ako sa reaksyon niya.

"Ito na nga, seryoso na." Sabi ko nang matapos kong tumawa.

"Tungkol kay Yami." Simula niya.

"Alis na ako, pupuntahan ko pa si Noora. Bye Taehyung, bye Jimin." Sabi ko at aalis na sana ako nang pigilan ako ni Taehyung. Nanonood lang naman si Jimin sa amin.

"Teka lang." Sabi niya. Napataas naman ako ng kilay.

"Puro kayong Yami. Kahit kila Namjoon, puro silang Yami. Yami kayo nang Yami, sawang-sawa na ako marinig pangalan niya! Hindi niyo ba naiintindihan na ayokong marinig ang pangalan niya at makita siya?!" Reklamo ko.

"Oy hyung, huwag kang ganyan kay Yami. Kahit na hybrid siya, tao pa rin naman yun. Mas mabilis masaktan yun kumpara sa atin." Sabi ni Taehyung.

"Sorry. Pagod na kasi ako sa allergy na ito." Paghihingi ko ng umanhin.

"Ayos lang, hyung. Pero sana kasi pakinggan mo muna yung side niya."

"Ano ba kasi meron?" Tanong ko.

"Umiiyak raw si Yami kanina." Naguluhan naman ako.

"Si Yami? Umiiyak? Bakit naman?" Tanong ko.

"Dahil sayo." Mas lalo naman akong naguluhan sa sagot ni Taehyung.

"Akin?! Wow! Ngayon naman ako yung nagmumukhang may maling ginawa eh alam naman niyang bawal ako lumapit sa kanya!" Sabi ko.

"Teka lang kasi!" Sigaw ni Taehyung kaya napatahimik ako. "Dati, biglaan lang yung pagkikita niyo. Pero kanina sinadya na pumunta sayo." Sabi ni Taehyung.

"Tapos sa tingin niya na makakalapit siya sa akin? Na lalapit ako sa kanya? Asa." Ang sama ko man pakinggan pero ngayon, nababanas na talaga ako.

"Kaya nga nasa malayo lang siya! Gusto niyang sumigaw nang thank you sayo pero ikaw naman yung iwas nang iwas! Tapos titingnan mo pa nang masama. Kung ikaw nangangati pwes nasasaktan naman siya!" Sabi ni Taehyung kaya napatahimik ako nang saglit para makapag-isip.

"So anong gusto mong gawin ko?" Tangi kong nasabi.

"Na bigyan mo naman siya ng chance na makapagpasalamat lang sayo nang maayos sa mga ginawa mo para sa kanya. Yung pagliligtas sa kanya saka pagbibigay mo ng pagkain sa kanya kanina."

Napangisi nalang ako sabay iling sa sinabi ni Taehyung.

"Asa. Pakisabi nalang na you're welcome at umalis na siya sa buhay ko. Gusto ko na ulit makaranas ng buhay na walang nakakahalubilong pusa." Sabi ko sa kanya. Aalis na sana ako nang pigilan niya ulit ako. "Ano nanaman?!"

"Ikaw ba talaga si Hoseok hyung? Hindi yan ang hyung na kilala ko. Di siya kasingsama tulad mo." Sabi ni Taehyung at naglakad na palayo. Iniwan naman nila akong tulala at nakokonsesnya sa ginawa ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top