m6: thanks 🐈
Noora Aunor niyo to HAHAHA
***
"Guys, una na ako." Pagpaalam ko sa mga kaibigan ko.
"Luh? Ngayon na?" Tanong ni Noora.
"Sabay na tayo pumasok sa classroom mamaya." Sabi ni Namjoon.
"Hindi, kailangan ko na--ACHOO PUTANGINA!" Sigaw ko. Agad ko naman tinakpan bibig ko. "Una na nga talaga ako." Sabi ko at naglakad na palayo.
"Hoseok, teka!" Rinig kong sigaw ni Yami. Di ko nalang siya pinansin at agad na naglakad palayo.
[Yami's POV]
Napakunot naman ako ng noo nang makita ko siyang naglalakad palayo.
Hindi naman ako lalapit sa kanya nang sobra-sobra, may gusto lang naman ako sabihin.
Hinila ko pa pababa yung suot kong beanie at maglalakad na sana palayo nang biglang may sumigaw.
"Oy ikaw!" Sigaw ng isang lalaki. Napalingon naman ako sa kanya at nakita yung kasama kanina ni Hoseok.
Tinitigan ko lang siya kaya sumigaw nanaman siya.
"Ikaw! Lumapit ka dito!" Sigaw ulit niya. Mas binilis ko naman yung pagkurap ng mata ko.
Napahawak nalang siya sa noo niya kaya lumapit siya sa akin kasama yung dalawa pang lalaki. Napahakbang naman ako kaunti palayo.
"Hybrid yan." Sabi bigla nung isang lalaki na may maputing balat.
"Paano mo naman nasabi?" Tanong nung isa.
"Sino bang tao ang matatakot sa kapwang tao? Tingnan mo oh, may suot pa sa ulo. Halatang tinatago tenga niya."
"Di ka namin sasaktan. Tatanong ko lang kung paano mo nakilala si Hoseok?" Tanong niya. Mukha naman silang mapagkakatiwalaan kaya lumapit ako sa kanila nang kaunti.
"Kim Seokjin nga pala. Ito si Min Yoongi tapos si Kim Namjoon." Pagpapakilala nung isang lalaki. Tumango naman ako.
"Yami." Pagpapakilala ko sabay ngiti. Napatingin naman lahat sila sa ngipin ko kaya tinakpan ko kaagad bibig ko.
"Pusa ka?" Tanong nung Namjoon, yung kanina na tumatawag sa akin.
"Kaya pala." Sabi naman nung Yoongi habang tumatango. Napakunot naman ako ng noo sa nangyayari.
"Guys." Tawag nung Seokjin kaya napalingon kaming lahat sa kanya. "Ito yung kinekwento ni Hoseok sa atin." Sabi niya.
Bigla nalang nanlaki yung mata ni Yoongi.
"Takte! Naalala na kita! Ikaw nga pala yung Yami na sinabihan ni Hoseok na maganda! Ako yung sumigaw sa bintana nun!" Sabi ni Yoongi at napatakip bigla sa bibig niya.
Unti-unti ko namang tinandaan kung kailan yun at naalala yung araw na yun. Namula nanaman ako katulad nung nangyari noon.
"Magsalita ka kaya." Sabi ni Namjoon. "Bakit ka ba pumunta dito? Alam mo bang allergic si Hoseok?" Tanong niya at tumango naman ako.
"Gusto ko lang magsabi ng thank you sa kanya." Sabi ko habang nakatingin at hinahawakan yung dulo ng damit ko. "Sisigaw lang naman ako kasi nakakahiya kung ipapaabot ko pa kay Taehyung yun. Mas maganda sana kung personal. Kaso umalis bigla si Hoseok eh." Dagdag ko.
"Ilang taon ka na?" Tanong ni Jin. Napatitig lang ako sa kanya. "Di mo alam?" Tanong niya ulit kaya napailing ako.
"Di ako sigurado. Wala akong matandaan." Sabi ko at napagat yung labi ko habang nakatingin ulit sa baba.
"Mukhang kasing edad mo lang sila Taehyung." Sabi ni Namjoon at tumango naman silang lahat.
Nagulat naman ako nang hawakan ni Jin yung beanie ko at tinanggal yun. Aagawin ko na sana sa kanya kaso mas matangkad siya sa akin kaya hindi ko naabot. Tinakpan ko kaagad yung tenga ko. Halos maiyak na rin naman ako sa nangyayari.
"Ibalik mo, please." Sabi ko habang sinusubukan takpan ang tenga ko.
"Mas maganda ka kapag hindi mo tinatago kung anong meron ka." Sabi niya at binalik sa akin yung beanie ko. "Saka kung balak mong kausapin si Hoseok, sabihan mo lang kami. Susubukan namin na tulungan ka. Pero sa ngayon, babalik na kami." Dagdag niya.
Kumaway at nagpaalam naman lahat sila sa akin kaya ginawa ko yun pabalik. Napatingin muna ako sa beanie ko at napangiti bago ko isuot ulit yun.
Napag-isipan ko naman na mag-antay nalang sa labas para makapagpasalamat kay Hoseok nang may makita akong pusa na itim na naglakad.
"Meow." Pagtawag ko. Agad naman napahinto yun at tumingin sa akin sabay meow pabalik. Napangiti naman ako at kinuha yun sabay hawak sa ulo niya.
"Hello. Ako si Yami." Pagpapakilala ko doon sa pusa. Nagmeow naman siya pabalik kaya mas napangiti naman ako.
"Wala ka bang pamilya, hm? Bakit ikaw lang mag-isa dito sa labas? Kawawa ka naman." Sabi ko doon. Nakakatuwa lang kasi sumasagot talaga siya.
"Bigyan kita ng pangalan." Sabi ko at nag-isip saglit. "Ghost. Ayos lang ba yun, hm? Bagay naman sayo." Nagmeow ulit yung pusa kaya tinanggap ko yun bilang oo. "Aampunin na kita ah." Dagdag ko.
"Ghost, inaantay ko si Hoseok. Gusto ko magthank you sa kanya kasi niligtas niya ako. Kaso allergic siya sa atin eh. Kaya sisigaw ako kapag nakita ko siya." Sabi ko at natawa nang mahina.
Di rin nagtagal at nakaramdam ako ng gutom lalo na't isa-isang lumalabas yung mga tao sa loob ng school na may hawak na pagkain. Yung iba naman bumili doon sa katapat na tindahan ng school.
"Ghost, nagugutom na ako." Sabi ko. Naramdaman ko naman tumayo yung tenga ko sa loob ng beanie ko nang may marinig akong pamilyar na boses.
"Churros! Gusto ko ng churros!" Masayang sabi ni Hoseok at tumakbo palabas kaya naunahan niya yung mga kaibigan niya. Lumingon siya sa may gate ng school kaya nakita niya ako at kumunot ang noo niya. Sakto rin naman dumating mga kaibigan niya.
Di nalang niya ako pinansin at kumain sila. Gusto ko na sanang sumigaw ng thank you kaso yung nakatingin sana siya sa akin para mas maayos tingnan. Kaso kapag tumitingin siya bumibilis yung tibok ng puso ko. Kinakabahan ako, di ko rin alam kung bakit.
Wala rin kasi akong dalang pera kaya sinubukan kong humingi ng pagkain sa iba kaso pinagtatabuyan nila ako. Bumalik nalang ako sa pwesto ko at inantay na makatapos kumain sila Hoseok para makapagpasalamat na ako at umalis.
Nang tumayo na silang lahat, di pa rin niya ako tinitingnan. Mabilis siyang naglakad papasok ng school kaya di agad ako nakapagsalita.
"Yami." Nagulat nalang ako nang marinig ko ang boses ni Namjoon sa likod ko. Lumingon kaagad ako sa kanya.
"Nagulat ako." Blanko kong sabi. Napangiti nalang si Namjoon. Bigla nalang siyang may inabot sa akin at nakita ko isang tupperware na may laman na pagkain at nanlaki kaagad ang mata ko. "WAAHHH! SALAMAT NAMJOON!" Masaya kong sabi.
Umiling naman siya sa akin. "Huwag sa akin, kay Hoseok ka magpasalamat. Nakita ka niyang nagugutom kanina kaya bumili pa siya ng isa para sayo. Una na ako." Sabi niya at pumasok na sa loob.
Sumilip naman ako sa may gate at nakita si Hoseok na inaantay si Namjoon. Maglalakad na sana sila palayo nang sumigaw na ako.
"HOSEOK!" Tawag ko sa kanya. Nakita ko naman siyang huminto kaya napangiti pa ako lalo.
"THANK YOU!" Sigaw ko ulit. Inaasahan ko na maglalakad na siya palayo pero nagkakamali ako. Lumingon siya sa akin at nginitian ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top