m5: noora 🐈

[Hoseok's POV]

Nang makalapit ako kila Taehyung, may nakita nalang akong babae na tumatakbo. Napakunot ako ng noo nang makita ko na si Yami pala iyon.

"Ba't siya tumakbo bigla?" Tanong ko habang nakatingin pa rin ako sa kanya. Nagulat nalang ako na may nakita akong sasakyan na papalapit sa kanya kaya di na akong nagdalawang isip na tumakbo at tulungan siya.

Di ko naalala na may allergy nga pala ako kaya hinawakan ko siya sa balikat at agad na hinila palayo sa kalsada.

"Hoseok?!" Gulat niyang tanong nang makita ako. Natauhan ako bigla kaya binitawan ko siya at agad na naglakad palayo habang pinupunas ang kamay ko sa damit ko.

"May alcohol kayo?! Dali, kailangan ko!" Tanong ko at bigla akong bumahing nang bumahing. Maya't maya nang konti ay mas lalo kong naramdaman yung pangangati ng katawan ko. "Shit." Bulong ko.

"Teka, may alcohol ako. Jungkook, lapitan mo muna si Yami." Sabi ni Taehyung. Agad naman siyang nag-abot ng alcohol sa akin kaya binuksan ko yun at binuhos sa kamay ko.

Nakatitig lang sa akin si Taehyung habang ginagamit ko na parang lotion yung alcohol niya.

"Uhm, hyung..."

"Papalitan ko ito. Uubusin ko muna sa ngayon." Sabi ko at mas naghugas pa. Para na akong naliligo dito sa alcohol na bumabahing.

"Talaga?" Tanong niya.

"Oo pero kailangan ko nang umalis ngayon, mas lumalala na." Sabi ko at napabahing ulit.

"Okay, mag-ingat ka." Sabi niya. Maglalakad na sana ako palayo nang may naalala ako.

"Pakisabi nga kay Yami na kung magwawalk out siya bigla, tumingin muna sa kalsada. Mamatay pa bigla dahil gusto lang lumayo sa akin. Baka makasuhan pa ako." Sabi ko kay Taehyung at naglakad na palayo.

Nangangati pa rin ako habang naglalakad nang maalala ko yung nangyari kanina.

Parang ewan kasi. Tatakbo nalang bigla, pwede namang lumayo nang hindi tatawid sa kalsada. Lagi nalang kasi nandiyan kung nasaan ako. Kabanas.

Ako rin yata gusto niyang ipahamak. Feeling ko mamamatay na ako dito sa sobrang kati ng buong katawan ko. Kamot dito, kamot diyan. Hinawakan ko pa kasi.

Uminom ulit ako ng gamot na pambawas ng kati sa katawan at ng rashes para umayos ulit yung pakiramdam ko. Year 2069 na pero wala pa ring ni isang gamot para matanggal talaga yung allergy.

Kinabukasan, pumasok nalang ako mag-isa kasi baka kasama nanaman ni Taehyung si Yami.

Papasok na sana ako ng school nang maramdaman ko nanaman yung pangangati ng ilong ko. Shet, huwag mo nanamang sabihin na nandito siya.

Naglakad agad ako sa ibang direksyon pero mas lalo kong nararamdamn yung kati ng ilong ko.

"AY PUSANG GALA!" Sigaw ko nang may isang pusang itim akong nakita sa daan. "Kaya pala, akala ko nandito nanaman si Yami." Sabi ko habang nakatingin nang masama doon sa pusa.

Simula nang dumating si Yami, araw-araw nalang ako nagkakaroon ng interaksyon sa mga pusa. Ayaw nang mawala ng rashes ko. Bawas pogi points.

Nang makarating ako sa gate ng school, may nakita nanaman ako.

Hindi si Yami, pwe. Puro kayong Yami. Crush niyo noh? Ayie, sa inyo nalang siya. Ayoko rin naman sa mga pusa tulad niya.

Nakita ko siyang tinatali yung buhok niya kaya pinatapos ko muna siya bago ako lumapit sa kanya.

"Hi, Noora." Bati ko at ngumiti.

"Uy! Hoseok!" Bati niya at hinampas ako nang mahina sa braso ko. Keleg se eke.

"Musta?" Tanong ko.

"Ito, stressed as usual." Sabi niya sabay kibit balikat. Tinitigan niya muna ako nang saglit kaya napakunot ako ng noo.

"May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko habang kinakapa yung pisngi ko.

"Wala, parang may nagbago kasi sayo. Mas namumula ka yata ngayon at ang daming rashes. Ano nangyari sayo? Ayos ka lang ba? May sakit ka ba?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Uy nag-aalala siya sa akin." Sabi ko sabay ngiti.

"Sino bang di mag-aalala sayo kung halatang namamaga at namumula katawan mo?" Pambabara niya sa akin. Napailing nalang ako.

"Allergies lang." Sagot ko. Ngayon lang rin niya kasi ako nakita na ganito dahil sa allergy ko.

"Lang? Ni-lalang mo lang yung allergies?" Tanong niya.

"Joke lang kasi." Sabi ko at natawa nang mahina. Kingina, kinakabahan ako sa babaeng ito. Jusko.

Heo Noora, yung babaeng taga-ibang section na gustong-gusto ko. Mabait, matalino, nakakaunawa sa iba saka masayang kasama. Saka maganda rin kaya di na ako nagtataka kung bakit siya yung gusto ko.

"Magpagaling ka kaya muna, Hoseok." Sabi niya. Sasagot na sana ako nang biglang may nagsalita.

"Ang aga-aga, lumalandi kaagad." Sabi ni Jin na bigla-biglang sumusulpot kasama sila Yoongi at Namjoon.

"Landi ka diyan. Huwag mo ako itulad sayo na araw-araw nilalandi si Namjoon." Sabi ko sa kanya kaya natawa silang lahat.

"Loko ka. Inaano ba kita ah?" Sabi ni Jin at umiling.

"Oy alagaan niyo nga itong si Hoseok." Sabi ni Noora bigla.

"Ikaw nalang mag-alaga sa akin." Sabi ko sa kanya na ikinagulat ng lahat.

"Ay, malandi nga." Sabi ni Yoongi.

"Ako nagturo diyan." Sabi ni Namjoon at nag-apir kami. "I got you, bro."
"Thanks, bro." Sagot ko sa kanya at nagngitian kami.

"Ikaw nalang kaya Namjoon mag-alaga kay Hoseok." Sabi naman ni Noora at biglang tumalon-talon si Yoongi.

"Nice one, Noora. Ako nagturo diyan." Sabi ni Yoongi. Makikipag-apir sana siya kay Noora pero hindi siya inapiran pabalik.

"Nagturo ka diyan eh di nga tayo masyado nag-uusap." Sagot niya. Napatingin naman kami kay Jin at tinakpan ang bibig niya bago pa siya makigaya sa amin.

"Uy pero seryoso, magpagaling ka. May gamot ako sa mga rashes sa bahay, dalhan kita bukas." Sabi ni Noora.

Alam lang kasi niya na malapit lang kaming magkaibigan. Di niya alam na mas higit ang tingin ko at gusto ko siya. Wala, friendly ko kasi masyado.

"Talaga? Si--ACHOO!" Nagulat ako nang bigla akong bumahing.

"God bless you." Sabi nila. Napatingin naman agad ako sa paligid.

"Shit, may pusa nanaman." Bulong ko. Inaasahan ko sana na makita yung pusang itim kanina pero iba ang nakita ko.

"Hoseok!" Sigaw niya at mas binaba yung beanie na suot niya. Tumingin siya sa akin at kinawayan ako habang nakangiti kaya napakunot ako ng noo.

Ano nanaman ba, Yami? Kailan mo ba ako titigilan?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top