m4: save 🐈

Agad kong tinakpan ang bibig ni Yoongi at binaba yung kurtina.

"Loko ka!" Sabi ko sa kanya.

"Pft, daming arte kasi. May pagnanasa pala." Sabi niya.

"Sumigaw ka kapag sinabi kong sumigaw ka!" Sabi ko sa kanya.

"You're not a boss of mine." Napataas naman ako ng kilay.

"Anong boss of mine?"

"Hay Hoseok! English, di mo alam?! Boss of mine, ibig sabihin hindi ka boss ko! Pwe, makatulog na nga. Sakit sa ulo." Sabi niya at nioapagpasan ako. Napakamot nalang ako ng ulo.

Sumilip ulit ako sa binatana at nakita ko na tumatawa si Jungkook at Taehyung na parang inaasar nila si Yami. Hanggang ngayon namumula pa rin siya.

Tss. Ayoko nga sa mga pusa, yamot. Lagi akong naghihirap dahil sa kanila.

Kinabukasan, agad akong nilapitan ni Taehyung.

"Hyung, sorry pala sa kahapon ah. Di kasi alam ni Jungkook na bawal ka sa mga pusa. Di ko rin kasi alam na hybrid pala ng pusa yung kaibigan niya." Pag-uumanhin sa akin ni Taehyung.

Tumawa naman ako. "Ano ka ba, Taetae? Ayos lang! Basta kung pupunta ako sa inyo walang kahit ni isang balahibo ng pusa doon." Sabi ko at tumawa ulit.

"Ang saya nito, oh." Sabi ni Namjoon na biglang sumulpot kasama ni Jin. Sabay kaming pumasok ni Yoongi pero tumae muna siya kasi nahiya sa amin.

"Kailan ba hindi naging masaya yan? Sunshine ko kaya itong si Hoseok. Lagi akong pinapangiti." Sabi ni Jin sabay gulo ng buhok ko.

"Sunshine ka diyan, pwe." Sabi ni Namjoon.

"Weh, selos amp." Sabi ko sabay labas ng dila sa kanya. Natawa nalang siya.

"Oy Taehyung! Nandiyan ka lang pala, hinahanap kita kanina pa. Hayaan mo na mga sunbaes natin." Sabi ni Jimin na hinihila siya.

"Ay sige, bye mga hyung!" Paalam ni Taehyung at tumakbo na sila palayo. Dasi run run run sila.

"Teka Hoseok, ba't di nagbago itsura mo? Namumula pa rin ilong mo tapos may rashes ka pa rin. " Sabi ni Namjoon.

"Oo nga. Ganyan ba kalala allergy mo?" Tanong naman ni Jin.

"Hindi, isang araw lang talaga dapat ito pero may pusa ulit kahapon kaya ayun." Sabi ko.

"Hybrid?" Tanong ni Jin at tumango naman ako.

"Ano pangalan? Alam mo ba? Baka yan yung kakilala kong hybrid, pagsasabihan ko nalang." Sabi naman ni Namjoon.

"Yami." Sabi ko.

"Ah hindi. Lalaki yung kakilala ko eh." Sabi niya. "Pero Yami pangalan niya? Parang yummy. Yami na pussy." Biro niya at tumawa sila ni Jin.

"Yan din sinabi ni Yoongi, ano ba." Sabi ko.

"Kung may mangyari man sayo dahil sa pusa na yun, huwag ka mag-alala. Imma beat that pussy like you never ever felt before." Sabi ni Namjoon at natawa nananaman sila.

(A/N: Hi sa mga nakagets.)

"Loko ka talaga, Namjoon." Sabi ko at napailing. Natawa naman siya kaya natawa na rin ako.

"Pasok na nga tayo." Sabi ni Jin at nauna nang maglakad. Sumunod lang naman kami.

[Yami's POV]

Binigyan naman ako ni Jungkook ng pagkain kaya kinain ko kaagad yun.

"Salamat!" Sabi ko at agad kong kinain yun.

Nagkakilala kami ni Jungkook nung nakita niya akong umiiyak nung isang araw. Yun yung araw nung nakita ko yung si Hoseok na yun.

Nakakatakot kasi siya nung unang beses kaming nagkita. Sinigawan niya ako at pinaalis kaagad nang malaman niya na hybrid ako na pusa. Di ko naman alam na allergic siya.

Tapos di ko rin alam na magkakilala sila ni Jungkook. Gusto ko lang rin naman magkaroon ng bagong kaibigan.

Nagkasundo kami ni Jungkook kasi unang-una palang ay parehas kaming hybrid. Parehas rin kasi kaming inampon.

Isa ako sa mga nakidnap nung nag-eexperimento pa sila. Ganun rin si Jungkook pero hindi ko pa siya kilala nun.

"May galit ba sa akin si Hoseok?" Tanong ko. Kumunot naman noo ni Jungkook.

"Wala yan, allergic lang talaga siya kaya siguro ganun. May crush nga yata siya sayo eh."

"Anong crush ka diyan? Wala kaya!" Sabi ko at tinakpan ang mukha ko gamit ang kamay ko.

"Maganda ka raw, diba?"

"Hindi ah! Nakakatakot kaya ako." Sabi ko sabay harap sa kanya.

"Hindi! Special ka! Special tayong mga hybrids! Yun yung sabi sa akin ni Taehyung hyung!"

"Totoo ba lahat ng sinasabi niya?"

"Oo! Si Taehyung hyung ang pinakamabait kong kakilala na tao. Inaalagaan niya ako nang mabuti. Ikaw, kamusta ka na pala?" Tanong ni Jungkook.

"Inaalagan rin naman ako nang mabuti." Matipid kong sagot sabay ngiti.

"Pwede ba pahawak ng ngipin mo? Yung pangil, ang tulis kasi eh." Sabi ni Jungkook at tumango naman ako. "Huwag mo akong kakagatin ah!" Dagdag niya at tumawa naman kami.

Binuksan ko yung bibig ko at hinawakan yung dulo ng ngipin ko.

"Wah! Ang tulis!" Sabi ni Jungkook na manghang-mangha. Tinanggal rin naman kaagad niya yung kamay niya kaya natawa naman ako.

Napatingin naman ako doon sa nakalagay sa leeg niya.

"Ano naman yan?" Tanong ko sabat turo doon.

"Ah ito ba? Bigay sa akin ito ni hyung. Choker ito tapos nakasulat yung pangalan ko at yung pangalan niya at address ng bahay nila sa likod. May GPS tracking device rin ito kung sakaling mawala ako." Paliwanag niya sabay tanggal nun at pakita sa akin.

May Kookie na nakasulat sa harap at Taetae sa likod. Black siya na choker na may pendant at doon sa pendant nakasulat yung mga pangalan nila.

Nag-usap kaming dalawa tungkol sa amin at maya't maya ay biglang may tumawag sa kanya.

"Kookie!" Napalingon naman kami parehas sa tumawag.

"Hyung?"

"Ano ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"Kausap si Yami."

"Hi." Bati ko at kumaway sa kanya.

"YAMI?!" Gulat na sigaw ni Taehyung. "Patay." Sabi niya.

"Bakit pala hyung?"

"Ano kasi, nakita ko na wala ka sa bahay kaya dumiretso ako dito. Diba sabi ko gusto ko na ikaw ang bubungad sa akin kapag umuuwi ako?"

"Ay hala! Hyung, sorry." Sabi niya sabay yuko.

"Pero Yami, mauuna na kaming umuwi bago pa--" Napahinto siya nang may narinig kaming bumahing. "Makarating si Hoseok." Pagtutuloy niya sabay kamot sa batok niya.

Agad naman akong napatayo at sumilip sa likuran ni Taehyung at nakita si Hoseok na papalapit sa amin.

"Hala, bye Jungkook! Bye Taehyung!" Pagpapaalam ko at tumakbo na kaagad palayo.

"YAMI!" Rinig kong sigaw ni Jungkook kaya lumingon ako habang tumatakbo pa rin at nakita ko na nakatingin sa akin si Hoseok na nakakunot yung noo.

Tumuloy lang ako sa pagtakbo nang may marinig akong busina kaya nanigas ako sa kinatatayuan ako.

Aasahan ko na sanang masasagaan ako nang may naramdaman akong humawak sa balikat ko at hinila ako. Pagmulat ko ng aking mata ay nagulat ko sa aking nakita na nagligtas sa akin.

"Hoseok?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top