m30: exhausted 🐈

[3rd person's POV]

"Doc, ano po nangyayari?" Tanong ng nanay ni Hoseok sa kaniyang doktor habang nag-aalalang nakatingin sa kaniyang anak na mahimbing na natutulog sa kaniyang kama. Hindi, mali. Hindi na siya mahimbing na nakakatulog.

"Sinabihan ko na siya dati na kunin sa tamang oras ang kaniyang gamot. Hindi pa rin siya nakinig. Grabe ang drug dosage na ginawa niya, magdasal nalang po tayo sa maaaring mangyari sa kaniya." Sabi ni Chanyeol sa nanay ni Hoseok. Kahit ang doktor niya ay nahihirapang tingnan si Hoseok mismo dahil kahit papaano ay tinuring niya rin itong kaibigan.

"Ma." Tawag ni Hoseok sa kaniyang ina na nagising nalang bigla. "Nahihirapan akong huminga." Hirap na hirap niyang sabi habang pinililit niyang huminga ng hangin. Tila tumakbo siya nang sobrang tagal at ngayon ay hingal na hingal siya.

Mabilisang lumabas si Chanyeol at nagtawag ng mga nurse at maya't maya ay may dala na silang oxygen tank. Agad naman nilang nilagyan ng oxygen mask si Hoseok at maya't maya ay nakahinga na ng mas maluwag si Hoseok. Pero kahit may suot ng oxygen mask ay makikita pa rin sa kaniyang dibdib na hinihingal pa rin siya.

"Bantayan niyo po nang mabuti ang anak ninyo. Tawagin niyo po kami kaagad kapag may nangyari sa kaniya." Sabi ni Chanyeol sa nanay ng pasyente. Kung may ayaw si Chanyeol sa kaniyang trabaho, ito yung nakikita mo ang pasyente mong nahihirapan. "Hoseok, magpaggaling ka." Dagdag niya bago siya lumabas at iniwan ang mag-ina sa loob.

Bumalik sa pagtulog si Hoseok habang umiiyak na hawak-hawak ng kaniyang ina ang kaniyang kamay. Hinalikan niya ito habang hinahawi ang buhok ng natutulog na anak. Pumayat si Hoseok. Yung daliri niya at labi ay nag-iiba ng kulay. Parang pinaghalong blue at purple dahil sa epekto ng gamot.

Malamig din ang kaniyang katawan at kamay pero kapag hinahawakan mo ang kaniyang ulo, mainit ito. Pawis na pawis na nakahiga si Hoseok at hirap na hirap na makakilos. "Anak, kung nahihirapan ka na talaga, sabihin mo kay mama ha? Ayaw kong nakikita kang ganiyan. Sabihin mo para maihanda ko ang sarili ko kahit papaano. Pero lalaban ka diba?" Sabi ng nanay sa natutulog na anak na nakatalikod sa kaniya. Hindi lang niya alam ay gising ito at pinipigilan ang sarili na maiyak sa sinabi ng kaniyang ina.

Sinubukan ni Hoseok na makatulog nang mahimbing pero kahit anong gawin niya ay nagigising nalang siya bigla. Siguro dahil sa gamot o maaaring nahihirapan na siyang huminga. May mga oras na ginigising siya para kumain pa rin sa tamang oras pero hindi na ganun karami ang kaniyang mga nakakain.

[Hoseok's POV]

"Ma, pwede bang papuntahin dito si Yami?" Tanong ko at agad na nag-iba ang expression ni mama. "Bawal. Mas ikalala yan ng kondisyon mo." Natawa naman ako nang mahina.

"Ma, alam naman natin na dito nalang ako sa oxygen tank umaasa. Pagkacollapse ko palang doon sa tulay, alam na agad natin kung saan ito hahantong diba? Saka ma, kahit anong pilit kong lumaban, umaayaw na katawan ko eh. Unti-unti na rin akong napapagod. Tingnan mo daliri ko ma oh, mas nagiging dark yung kulay niya. Kaya please ma, gusto ko siyang makita." Sabi ko sa nanay ko na bigla nalang umiyak sa harapan ko kaya hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na maiyak na rin.

Niyakap ko si mama at agad na hinalikan ang noo niya. "Mahal na mahal kita, ma. Tandaan mo yan." Naiiyak kong sabi at mas lalong humagulgol si mama habang nakayakap sa akin. Pagkatapos ay tumayo naman siya habang pinupunsan ang luha niya. "Diyan ka lang, tatawagin ko lang si Taehyung na dalhin dito si Yami."

Bago pa makalabas si mama ay agad kong hinawakan ang kamay niya kaya napatingin ulit siya sa akin. "Salamat, ma." Sabi ko at ngumiti naman siya sa akin at naramdaman ko naman ang init ng pagmamahal ng isang ina. "Para sayo, anak. Gagawin ko lahat."

Lumabas si mama ng kwarto ko at agad ko namang tiningnan muli ang mga gamot na kinuha ko. Alam kong nahihirapan na kaming lahat dito kaya papabilisin ko nalang din. Wala na rin namang magagawa ang ospital, mas pinapatagal lang nila ang paghihirap naming lahat. Mas lalaki pa ang babayaran ni mama kapag tumagal pa ako dito. Agad ko namang nilunok ang mga gamot ko at huminga nang malalim.

Una munang pumasok si Taehyung sa kwarto ko at nag-usap muna kaming dalawa bago niya pinapasok si Yami sa loob. "Ano pinag-usapan ninyo ni Taehyung at umiiyak siya palabas?" Tanong ni Yami at umiling naman ako. "Wala yun." Sabi ko at hinawakan naman niya ang kamay ko.

"Mas lalong lumamig ang katawan mo. Namumuti ka na rin. Hindi nagrereact ang allergens mo sa akin. Uminom ka ba nanaman ng gamot? Diba sabi ko itigil mo na?" Panenermon niya sa akin pero kitang-kita ko kaniyang mga mata ang pag-alala.

"Naalala ko yung sinabi ko dati, pinapalayo kita at sabi ko 'I hate pussies.' Pero tingnan mo ako ngayon. Gusto kong makita ka palagi and I end up loving one." Sabi ko at natawa kami sa sinabi ko. Hinawakan ko naman siya sa pisngi nang makita siyang tumawa. "Ayan, napatawa na rin ulit kita."

"Hoseok naman eh. Magpahinga ka na." Sabi ni Yami at umiling naman ako. "Mamaya na ako magpapahinga. Samahan mo muna ako." Tumango nalang si Yami sa akin. Nakatingin lang kami sa isa't isa hanggang sa nagsimula nang tumulo ang mga luha namin.

"Hoseok, may iba akong nararamdaman ngayon. Nasesense ko, hindi ako mapakali." Sabi ni Yami. Nararamdaman na niya yata. "Hybrid ka nga talaga. Mas advance senses niyo at higit sa lahat, napangiti mo ako nang sobra. Pinasaya mo ako, Yami. Salamat." Sabi ko at umiling nanaman siya habang umiiyak at mahigpit ang hawak sa kamay ko.

"Manahimik ka, Hoseok! Bakit ganiyan ka magsalita? Bakit parang namamaalam ka? Diba nangako ka na hindi mo ako iiwan?" Naiiyak niyang tanong sa akin. Kinuha ko ang kamay niya at pinatong ito sa dibdib niya. "Nandiyan naman ako palagi, ah?"

"Hoseok, kailangan kitang makita. Kailangan kong marinig ang boses mo, ang tawa ko. Kailangan kita. Huwag naman ganito please. Lumaban ka." Sabi ni Yami na hindi tumitigil sa pag-iyak. Ang sakit sa puso na makita siyang ganito.

"Kailangan din kita, Yami. Pero ngayon kailangan kong maging malakas ka para sa akin at sa pamilya ko. Kasama ka na sa amin diba?" Tumango naman siya sa mga sinabi ko at napangiti ako. "I love you, Yami."

"I love you too, Hoseok. Sobra." Sabi niya at tumulo nanaman ang luha ko. Sumisikip na lalo ang dibdib ko, parang unti-unting nang nababara.

"Yami. Salamat sa pagpunta ngayon ah? Salamat sa lahat." Sabi ko at naiiyak siyang tumatango. Tama yan, unti-unti mo nang tanggapin, Yami. Hinalikan ko naman ang kamay niya at ngumiti sa kaniya. Ngumiti naman siya pabalik sa akin, yung ngiti na nagpapasaya sa akin.

"Yami, pagod na ako. Gusto ko nang magpahinga." Sabi ko at ngumiti naman siya sa akin. Halatang pinipigilan niya ang mga luha niya pero patuloy lang ito sa pag-agos. "Magpahinga ka na Hoseok. Kakailanganin mo yan." Sabi ni Yami bago ko ipinikit ang mga mata ko.

Naramdaman ko ang init ng kaniyang yakap bago ako tuluyang nakatulog nang mahimbing.

***

Epilogue up next

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top