m3: window 🐈

"Magkakilaka kayo, hyung?" Tanong ni Jungkook. "Yehey!"

"Jusko Jungkook." Sabi ni Taehyung sabay hawak sa ulo niya.

"Bakit hyung, ano ginawa ko?" Tanong ni Jungkook kay Taehyung.

"Hoseokie hyung, uwi ka muna." Sabi ni Taehyung sa akin at tinulak ako palabas ng bahay. "Yung gamot mo ah!" Sigaw niya at sinara na ang pinto.

Kingina, nababahing ulit ako. Tapos ang kati nanaman ng katawan ko.

Triggered si acoe.

Pagkauwi ko, yung ate ko ulit ang bumungad sa akin at pinagtawanan ako. Bastos talaga itong kapatid ko.

"Masyado bang maraming pussy simula kahapon?" Tanong niya at tumawa ulit.

"Pakyu noona." Mura ko sa kanya at mas natawa pa siya.

"Oh, ito gamot mo." Sabi niya sabay abot sa akin ng gamot ko sa rashes ko kasi paubos na rin yung sa isa.

Umakyat ako sa kwarto ko at doon naglagay ng gamot. Nang matapos ay nagpalit na rin ako ng damit.

Binuksan ko naman yung kurtina ko at napatingin ako bintana ng bahay nila Taehyung sa 2nd floor. Kwarto talaga ni Taehyung yun at doon madalas sumisigaw para magtanong ng sagot sa akin.

Pagtingin ko, nakita ko si Taehyung na tumatawa. Nagtaka naman ako kaya nanood lang ako doon hanggang sa nakita ko si Jungkook na tumatawa rin.

Nakita ko rin yung Yami na yun. Napabahing na agad ako. Tingin lang sa mga pusa, nababahing na agad ako. Paano pa kaya kung makahawak ako?

Tawa siya nang tawa kaya yung tenga niyang pusa, sobrang nakatayo. Tapos kahit nasa malayo, nakikita ko yung pangil niya.

Kingina, masaya pa yata siyang nahihirapan ako.

Napansin ko naman na napatingin sa akin si Jungkook kaya agad siyang sumilip palabas ng bintana.

"HI HOSEOKIE HYUUUNG!" Sigaw niya at kumaway sa akin.

Hayop, ang cute cute ni Jungkook. Masyadong inosente para sa mundong ito.

"HI JUNGKOOKIEEE!" Sigaw ko pabalik at kumaway rin sa kanya. Tumawa naman siya at may sinabi sa kanila.

"HYUNG! KAWAY KA RIN KAY YAMI! DIBA MAGKAKILALA KAYO?" Sigaw niya ulit.

Nawala agad yung ngiti ko sa mukha at sinara yung bintana at kurtina.

"HYUNG, MAY GALIT KA BA KAY YAMI?" Rinig kong sigaw ulit ni Jungkook pero di ko nalang siya pinansin at bumaba na sa kwarto ko.

Napahiga naman ako sa sofa ng kama ko.

Kailan kaya yun aalis sa buhay ko? Kingina, alam naman ng tadhana na bawal ako sa pusa, bigla nalang may susulpot na hybrid tapos pusa pa.

"Nanadya ka ba ah?!" Sigaw ko. Nakatanggap naman ako bigla ng unan sa ulo ko. "Aray! Sino yun?!" Tanong ko.

"Ako, bakit?" Sabi ng isang lalaki kaya napalingon ako at nakita si Yoongi.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko.

"Lakas magpatugtog ng nanay ko ng music, natutulog ako. Nanginginig na yung pader namin sa bahay sa sobrang lakas ng music niya." Reklamo niya. "Ikaw, ano problema mo? Kausap mo sarili mo. Ba't mas malala itsura mo ngayon?"

"Yan na yata yung pinakamarami mong nasabi ah." Sabi ko.

"Gusto mo bang hindi na makapagsalita?" Pananakot niya.

"Gusto mo bang hindi matulog dito?" Pananakot ko pabalik.

"HAHAHAHAHA hindi."

"Ayun pala eh." Sabi ko at napailing nalang. "May pusa kasi." Sagot ko sa tanong niya kanina.

"Oh tapos?"

"Hybrid na pusa. Siya rin yung nakita ko kahapon kaya lumabas nanaman allergy ko." Sabi ko.

"Hilig kasi sa pussy." Rinig kong bulong niya.

"BASTOS!" Sigaw ko.

"Weh parang siya, hindi." Sabi naman ni noona.

"Isa ka pa!" Sabi ko, tumawa naman sila parehas. Lumapit naman sa akin si Yoongi at may binulong.

"Hoseok, ang ganda talaga ng noona mo. Reto mo ako." Bulong niya sa akin.

(A/N: Ikr Yoongi. Like shet, ang chix ng ate talaga ni Hoseok. Check niyo IG ng ate kasi ang ganda pramis, mababakla kayo HAHA)

"ATE, I-RETO RAW KITA KAY YOONGI!" Sigaw ko kaya tinulak ako nang mahina ni Yoongi.

"Gago ka!" Sigaw ni Yoongi.

"Tama ba narinig ko? Gago ka?" Napalingon kami parehas at nakita namin yung nanay ko.

"Po? Hala siya? Hindi po, tita ah! Sabi ko 'gwapo ka'!" Pagpapalusot ni Yoongi. Tumawa nalang ako at lumapit sa nanay ko para humalik.

"ANO NANAMAN NANGYARI SAYO HOSEOK?!" Sigaw ng nanay ko.

"May pusa ulit, ma eh hehe." Sagot ko.

"Kaya po sabi ko gwapo ka kasi tingnan niyo po ang anak niyo, kahit puno siya ng rashes at namumula yung ilong niya, pogi pa rin." Sabi nanaman ni Yoongi. Tanginang Yoongi na ito, daming alam.

"YOONGI, MANAHIMIK KA!" Sigaw ko.

"Naglagay ka na ng gamot?" Tanong ni mama at tumango naman ako. "Lumayo ka kasi sa mga pusa."

"Eh yung pusa lumalapit!" Sagot ko.

"Edi mas lumayo ka pa." Sabi ni mama at dumiretso na sa kusina.

"Phew, muntikan na ako doon." Sabi ni Yoongi.

"Dami mong alam." Sabi ko sa kanya at bumalik nalang sa kwarto ko pero sumunod naman siya.

"Wala tayong homework diba?" Tanong niya.

"Wala."

"Exam? Quiz?"

"Wala rin."

"Ito yung masaya." Sabi niya at humiga sa kama ko.

Napasilip nalang ulit ako sa bintana at nakita ko ulit silang tatlo ulit doon. Mukhang nagkwekwentuhan sila at si Taehyung yung maraming kwento.

"Bukod kay Jungkook, wala na ba siyang kaibigan?" Bulong ko.

"Kausap mo nanaman sarili mo. Ano ba tinitingnan mo diyan?" Tanong niya at sumilip rin. "Yan ba yung hybrid na sinasabi mo?" Tanong niya pa.

"Oo."

"Rabbit? Akala ko ba pusa?"

"Hindi kasi yan, yung isa pa. Yung babae." Sabi ko at tinuro yun. Napabahing nalang ulit ako.

"Ah iyon? Yung may orange na tenga ng pusa?"

"Oo, yun." Sagot ko. Napatahimik naman siya nang saglit.

"Maganda naman siya ah." Sabi ni Yoongi.

"Ha?!" Gulat kong sabi.

"Tingnan mo kasi nang mabuti, maganda siya oh." Sabi niya at tiningnan ko nga, Napabahing ulit ako pero pinagpatuloy ko ang pagtingin. "Diba?"

Ang ganda nung buhok niya, ang cute ng pisngi niya tapos kapag ngumingiti nawawala yung mata niya. Kung hindi lang sana siya hybrid ng pusa, baka magkagusto pa ako sa kanya.

"Oo, ang ganda nga niya." Sagot ko kay Yoongi.

"Alam mo pangalan niya?"

"Yami."

"Yami na pussy, pft." Sabi ni Yoongi at tumawa.

"GAGO!" Sigaw ko sa kanya at mas tumawa. Mas nagulat naman ako nang buksan niya yung bintana at sumigaw.

"YAMI! ANG GANDA MO RAW SABI NI HOSEOK!" Sigaw ni Yoongi at napatingin silang lahat sa amin. Nakita ko naman na namula si Yami.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top