m29: stop 🐈
"Yami!" Sigaw ko at agad na napa-upo sa higaan ko. Agad naman akong tumingin sa paligid at nakita kong nandito lahat ng mga kaibigan ko pero wala ako sa sarili kong kwarto. Napatingin naman ako sa kamay ko at may nakadikit na dextrose sa akin. "Hoseok, kumalma ka muna. Wala dito si Yami." Pagpapakalma ni Yoongi sa akin.
"Anong wala? Ayun siya oh, nasa likod ni Jungkook." Turo ko at lahat sila ay lumingon. "Hyung, okay ka lang ba talaga?" Tanong ni Jimin sa akin at tumango. "Yami!" Tawag ko sa kaniya at lahat nanaman sila ay napakunot ng noo. "Wala si Yami." Sabi ni Jungkook na nakahawak sa braso ni Taehyung. "Hyung, huwag mong tinatakot si Jungkook ng ganiyan." Sabi ni Taehyung sa akin kaya ako naman yung napakunot ng noo.
"Anong tinatakot? Ako yung tinatakot ninyo eh. Ya--" Agad naputol ang sasabihin ko nang sampalin ako ni Namjoon. "Namjoon!" Suway sa kaniya ni Jin. "ARAY! BA'T MO AKO SINAMPAL?" Tanong ko habang nakahawak sa pisngi ko. "Nasaan si Yami?" Tanong sa akin ni Namjoon at agad kong tinuro ang pwesto ni Yami.
"Teka. Nasaan si Yami? Nandiyan siya kanina ah?" Tanong ko at hinanap sa paligid si Yami. Baka lumabas? Hindi, maririnig ko yung pinto na bumukas kung ganoon. "Hallucinations due to overdose." Biglang sabi ni Namjoon.
"Hoseok, magpahinga ka muna please. Nagugutom ka ba? May dala kaming pagkain para sayo." Sabi ni Jin sabay turo doon sa lamesa na katabi ng kama ko. Tumango nalang ako. Unti-unti ko namang inalala ang mga nangyari bago ako nakapunta dito sa ospital. "Nasaan si Yami?" Tanong ko. Bumukas naman ang pinto ang pumasok si mama at ang noona ko.
"Salamat sa pagbabantay sa kaniya. Kami na bahala dito." Sabi ng mama ko at isa-isa silang nagpaalam sa akin at agad na lumabas. "Hindi ko muna pinapasok si Yami dito dahil allergic ka nga sa kaniya. Nasa bahay siya ngayon nila Taehyung ngayon at alalang-alala sayo." Sabi ni mama.
"Ma, kailangan ko lang yung gamot ko. Makakalapit sa akin si Yami kapag ininom ko yung gamot ko." Sabi ko kay mama at natahimik naman ako dahil natakot ako sa tingin niya. "Tapos mag-ooverdose ka? Hoseok, parang awa. Magpaggaling ka muna at makikita mo si Yami." Sabi naman ni mama at napatahimik ako. Kailangan ko yung gamot. Tumingin naman ako sa kapatid ko at ngumiti lang siya sa akin.
Siguro nga tama sila, kailangan ko lang magpahinga. Pinikit ko nalang ang mata ko at hiniling na sana makita ko na si Yami. Alam kong maooverdose ako, pero kailangan kong gawin yun para sa taong mahal ko. Dinilat ko muli ang mga mata ko at tumingin sa nanay ko.
"Ma, please. Kahit isang gamot lang. Kailangan kong makausap at makita si Yami." Naiiyak kong sabi sa nanay ko. "Hoseok--" Hinawakan ko naman nang mahigpit ang kamay niya. "Please, ma. Yun nalang ang hinhingi ko. Gustong-gusto kong makita at makasama si Yami." Pagmamakaawa ko. Pumikit naman ang nanay ko at huminga nang malalim.
"Mangako ka sa akin, anak. Ititigil mo na ang sunod-sunod mong pag-inom at papayagan kitang makita siya ngayon." Napangiti naman ako sa sinabi ni mama at mabilis ako na tumango. "Pangako, ma." Sabi ko at tumingin naman siya kay noona. "Kunin mo yung gamot niya sa bahay tapos sunduin mo na rin si Yami." Utos ni mama at mabilis na umalis si noona. Tumingin naman ang nanay ko sa akin nang puno ng pag-aalala habang hinahawi niya ang buhok ko.
Hindi rin nagtagal ang kapatid ko at inabot niya ang gamot kay mama. "Ma, mauuna na ako. May trabaho pa po ako. Ikaw Hoseok, paggaling kang kabayo ka." Sabi ni noona sa akin at natawa nalang ako. Kumuha siya ng isa at nilagay ang natira sa loob ng bag niya. Agad kong ininom ang gamot at naghintay ng sampung minuto bago tuluyang umepekto ang gamot sa akin. Tumayo naman si mama at lumabas para tawagin si Yami. Napatingin naman ako sa naiwang bag ni mama at pagkatapos ay sa nakasaradong pinto.
"Hoseok!" Tawag sa akin ng isang boses na kanina ko pang gusto marinig. Agad akong napangiti nang malawak nang makita si Yami sa may pintuan ng aking room. "Iiwan ko muna kayong dalawa. Nasa labas lang ako, kakausapin ko lang and doktor mo." Sabi ni mama habang kinukuha ang bag niya at pagkatapos ay lumabas na.
Lumapit naman sa akin si Yami at naiiyak na umupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko habang dinidikit niya ito sa pisngi niya. "Sorry, Hoseok. Sorry talaga." Naiiyak niyang sabi kaya pinunasan ko ang luha niya. Umupo naman ako sa higaan ko. "Bakit ka nagsosorry, hm? Huwag kang umiyak, Yami." Tanong ko sa kaniya.
"Dahil sa akin kaya ka nandiyan. Hindi mo naman kailangan uminom ng maraming gamot para makasama mo ako eh. Nakakausap mo naman ako sa phone diba? Ayos na ako doon, Hoseok." Sabi niya habang patuloy na naiiyak. "Ang lapit na nga natin sa isa't isa, gagawin pa nating long distance ang relasyon natin? Choice ko ito, Yami. Huwag mo sisihin ang sarili mo." Sabi ko sa kaniya bago hinalikan ang noo niya.
"Hoseok, please. Itigil mo yang ginagawa mo. Para sa akin, hindi, para sa atin. Ayaw kong mawala ka." Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Yami, kung mawawala man ako, gusto ko kasama ka." Mas lalo naman siyang naiyak sa sinabi ko at niyakap ko siya. "Shh, huwag ka nang umiyak. Wala namang mawawala diba? Nangako ako sayo." Sabi ko at tumango-tango naman siya habang umiiyak.
"Pero Hoseok, huwag mong ipagsabay-sabay lahat ng gamot mo. Kakaibang gamot yang kinukuha mo sabi ng doktor. Nag-aalala ako sayo, Hoseok. Itigil mo na rin muna ang pag-inom." Sabi ni Yami at umiling naman ako. Napatingin naman siya sa akin. "Yami, kailangan ko yung gamot na yun para makita at makasama ka."
"Hoseok, pl--" Agad kong pinutol ang sasabihin ni Yami. "Yami. Makinig ka sa akin, please. Mahal kita kaya ginagawa ko ito." Sabi ko at patuloy lamang sa pag-iyak si Yami kaya niyakap siya nang mahigpit. "Mahal din kita, Hoseok." Sabi niya pabalik bago ko siya hinalikan sa kaniyang labi.
Di rin nagtagal bago bumalik si mama. "Yami, iuuwi muna kita." Sabi ni mama kay Yami. Tumango naman siya bago hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. "Balik ka bukas, Yami. Bumalik ka. Aantayin kita kahit anong mangyari." Sabi ko bago siya tuluyang umalis kasama si mama. Pinanood ko silang lumabas ng aking kwarto bago ko tinanggal ang unan ko at tumingin sa limang pirasong gamot na palihim kong kinuha ko kanina.
Magkikita pa tayo bukas, Yami. Pangako yan.
***
Last 1 chapter
DI PA AKO READY SA ENDING ANO NA
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top