m25: chains 🐈

[Hoseok's POV]

Pinanood ko si Yami kung paano siya mahimbing na natutulog sa kaniyang kama at pagkatapos ay tumingin ako kay Jungkook. "Taehyung, tara." Sabi ko sa kaniya. Tumayo si Taehyung at ginulo muna nang kaunti ang buhok ni Jungkook bago kami lumabas.

"Ayaw ko muna makita yung pagmumkha ng lalaking yun eh." Reklamo ni Taehyung habang naglalakad kami palabas ng ospital. Pupunta kasi kami ngayon sa presinto para kausapin si Saeran.

"Paano pa kaya ako?" Tanong ko sa kaniya at natawa naman kami parehas. Inakbayan ako ni Taehyung at ngumiti sa akin. "Ang mahalaga, ligtas silang dalawa ngayon." Sabi ni Taehyung at tumango naman ako.

Nang makarating kami sa presinto ay hinintay namin si Saeran na dumating. Maya't maya ay naglakad siya papunta sa amin habang nakaposas ang dalawang kamay at may dalawang pulis na nakabantay sa kaniya sa likuran.

"5 minutes lang kayo puwede mag-usap." Sabi ng isa sa mga pulis bago niya in-on ang microphone para makapagsalita si Saeran. May isang malaking salamin kasi ang pumapagitna sa amin para hindi kami maatake ni Saeran kung mangyari man yun o walang transaksyon ng illegal na droga sa mga nakakulong at sa mga kakilala nila sa labas.

"Bakit kayo nandito?" Tanong niya habang nakatingin siya nang masama sa amin. Parang kami pa ang may atraso amp--

"Secret walang clue." Sagot ni Taehyung at tumawa. "Charot lang." Dagdag niya bago pa siya tumawa ulit. Di ko rin naman napigilan ang sarili ko na tumawa rin kaya napuno ng tawa namin yung silid namin.

"Ewan ko sa inyo." Sabi ni Saeran kaya umayos muna kami at huminga nang malalim bago ako nagsimula magsalita. "Kung hindi ka si Saeyoung, sino ka ba talaga? Ka-ano-ano mo yung Saeyoung?" Tanong ko at ngumiti naman siya.

"Han Saeran, kambal ni Saeyoung. Sinabi ko na yan sa mga hybrids ah, di niyo sila tinanong?" Tanong niya pabalik sa amin pero di nalang namin siya pinansin.

"Bakit--" Naputol ang sasabihin sana ni Taehyung nang umepal si Saeran. "Bakit ko ginawa iyon? Simple lang, para ibalik sila sa dati. Kayo naman tatanungin ko, ayaw niyo bang bumalik sila sa dati? Na maalala nila kung sino at ano sila bago sila maging hybrids?" Tanong nanaman niya sa amin.

"Kung ikaw kaya gawin kong hybrid?" Tanong naman ni Taehyung at tumawa. "Charot lang ulit. Wala akong alam diyan sa genetics eklabu na yan." Tumawa nanaman siya kaya binatukan ko siya nang mahina. "Umayos ka nga!" Sabi ko sa kaniya habang tumatawa.

"Ayaw lang namin na mangayari sa kanila yung nangyari dati." Sagot ko sa tanong niya at nagkibit balikat na lamang siya. "Bakit--" Naputol naman ang sasabihin ko nang may tumawag sa phone ni Taehyung kaya sinagot niya muna ito sa labas.

"Last 1 minute." Sabi ng pulis at tumango ako. Binalik ko naman ang atensyon ko kay Saeran. "Bakit mo sila sinusundan? Lagi kitang nakikita tuwing kasama ko si Yami." Tanong ko at tiningnan siya nang masama.

"I'm a scientist, Mr. I don't know. Kailangan ko mag-observe bago gumawa ng experiment. Di ko na kasalanan kung di mo masyadong binabantayan ang hybrid mo kaya mabilis ko siyang nakuha." Sagot niya at ngumiti sa akin.

"Alam mo, matagal na naming pangarap ng kapatid ko yung hybrids. Kung ano mangyayari, kung ano magiging itsura. Pero di ko inexpect na ganun kakalabasan nun kaya gusto ko sanang baguhin ang ginawa niya. Pero nah, ganun lang din pala mangyayari." Pagpapaliwanang pa niya.

"Alam mo Saeran, wala na akong pake. Ang mahalaga mabulok ka na diyan sa kulungan." Sabi ko naman at nginitian siya pabalik.

"I wouldn't mind, actually. Si Saeyoung nalang rin naman ang kasama ko pero--" Bigla nalang nawalan ng boses si Saeran at nagsalita ulit ang pulis. "Times up." Pinatayo niya si Saeran at agad na umalis habang ako ay nanatili lamang na naka-upo nang biglang pumasok si Taehyung sa loob.

"Hyung, tara na! Sumugod tatay ni Yami sa ospital!" Nagmamadaling sabi ni Taehyung kaya kaagad akong tumayo at sabay kaming pumunta sa ospital. Yung tatay-tatayan ni Yami na inaabuso lang siya. Di na ako papayag na gaganunin lang niya si Yami.

"Yami!" Sigaw ko pagpasok ko ng room niya at nakita ko siyang naka-upo sa kama niya habang nakatalukbong ng kumot ang katawan niya. Agad akong lumapit sa kaniya at tinanggal ang kumot. "Huwag mo akong hawakan!" Sigaw niya nang pagtanggal ko.

"Yami, si Hoseok ito." Pagpapakalma ko sa kaniya dahil nanginginig talaga ang buong katawan niya habang nakatayo ang tenga at buntot niya. Pusa nga naman.

"Hoseok?" Tanong niya at dahan-dahang tumingin sa akin. Nanlalaki ang mata niya dahil sa takot kaya agad ko siyang niyakap. Niyakap naman niya ako nang mahigpit pabalik at nagsimula nanamang umiyak. "Hoseok, natatakot ako. Yung tatay ko nandito sa ospital." Sabi niya kaya agad kong hinawakan ang pisngi niya at tiningnan mata sa mata.

"Yami, huwag kang mag-alala. Nandito ako. Diba nangako ako na proprotektahan kita at di kita iiwanan? Kasama mo na ako palagi." Pagpapatanda ko sa kaniya at tumango naman siya. Tumigil na rin sa pagnginig ang katawan niya kaya hinalikan ko siya sa ulo. "Magpahinga ka na ulit, ako na bahala sa tatay mo. Kakausapin ko muna. Nandito sila Taehyung at Jungkook para bantayan ka."

Lumabas ako ng kwarto nila Yami at Jungkook bago ako pumunta sa office ng mga guard kung nasaan nandoon ang tatay ni Yami. "Sir, ako po si Jung Hoseok. Boyfriend ni Yami." Pagpapakilala ko at ngumisi ang tatay niya.

"Ah kaya pala. May syota na pala kaya ganun na yun. Di na rumerespeto sa akin. Tumatanggi at umiiwas na nga sa akin! Tapos ngayon may hospital bill na dala para ako magbayad? Walang kwenta talaga yang ba--" Sinuntok ko kaagad ang tatay niya kaya agad na pumagitna ang mga guards ng ospital.

"Sorry pero huwag na huwag mong sasabihan ng ganiyan si Yami." Sabi ko at agad na tumayo ang tatay niya. Susugurin na sana niya ako nang pinigilan siya kaagad ng mga guard.

"Gago kang bata ka!" Sigaw niya at tumawa ako. "Sayo pa po nanggaling yan? Kayo nga po diyan yung umaabuso sa kaniya?" Sabi ko sa kaniya at mas lalo siyang nagalit. Susugurin nanaman niya sana ako nang biglang may dumating na dalawang pulis sa likuran ko.

Lumapit sila sa tatay ni Yami at pinosasan ito. "Ano ito? Ikukulong niyo ako?" Naguguluhan niyang tanong.

"Sorry po sir pero di ko po papayagan na ganiyan ang tumatayong ama ni Yami. Masyado nang maraming trauma ang nangyari sa kaniya kaya pinapa-aresto kita sa pambubugbog at panghahalay kay Yami." Sabi ko at sinamaan pa niya lalo ang tingin sa akin.

"Gago ka talagang bata ka!" Sigaw niya habang nilalakad na siya palayo ng mga pulis. "At saka po pala. Kami na ang nagbayad ng hospital bills kaya wala na po kayong dapat ipag-alala." Sabi ko bago siya tuluyang mawala sa paningin ko.

Bumalik kaagad ako sa room ni Yami at tiningnan siya habang mahimbing na natutulog. "Wala ka nang proproblemahin, Yami. Wala na tayong problema. So happy ending na ito sa atin diba? Sana nga, Yami maging happy ending." Tanong ko sa kaniya kahit tulog siya. Iisa nalang ang gusto ko mangyari. Ang makasama ang taong mahal ko.

***

Last 5 chapters

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top