m24: free 🐈

[Hoseok's POV]

"Hoseok..." Rinig kong sabi ni Yami bago siya tuluyan mawalan nang malay. Mas lalo akong kinakabahan. Yung puso ko, ayaw tumigil sa pagtibok nang sobrang bilis dahil sa mga pangyayari.

"Yami!" Sigaw ko habang patuloy na kumakatok nang malakas sa bagay kung saan man nakalagay si Yami. Mabuti nalang at may dalang gamot si Noora kanina kaya nakakalapit ako sa mga pusa ngayon.

Tumingin-tingin ako sa paligid at kinuha nalang kung ano man ang makita ko at binasag ang salamin nung parang tube ni Yami. Mabilis naman nasira ang bagay na yun at binuksan ko ang pinto upang mailabas ko si Yami. Dahan-dahan kong tinanggal ang mga nakatali sa katawan niya at nilabas.

"Yami." Tawag ko muli sa kaniya pero di siya kumikibo. Agad kong hinawakan ang kaniyang pulso at nakahing naman ako nang maluwag nang maramdaman ko ito.

Napatingin naman ako sa paligid at nakita na hawak-hawak din ni Taehyung ang walang malay na si Jungkook.

"Hoseok, tara na. Nandito na yung ambulansya. Ilagay na natin si Yami doon para maisugod sa ospital." Sabi sa akin ni Jin at agad akong tumayo habang buhat-buhat si Yami. Nilagay namin ni Taehyung ang dalawa sa loob ng ambulansya.

Papasok na rin sana ako nang makita ko si Saeyoung na hawak-hawak ng mga pulis habang nakaposas ang kamay niya sa kaniyang likuran. Tila nandilim ang paningin ko at agad na tumakbo papunta sa kaniya.

"Hayop ka, Saeyoung!" Napatigil ako nang maunahan ako ni Taehyung na suntukin yung lalaking yun. Natawa naman si Saeyoung sa kaniya.

"Saeyoung? Ako si Saeran, kambal niya." Sabi naman nito pero sinuntok nanaman siya ni Taehyung.

"Saeyoung, Saeran, Saegago, Saeputangina mong hayop ka! Kapag may nangyaring masama kay Jungkook, ako na talaga ang papatay sayo!" Galit na galit na sigaw ni Taehyung at sinuntok nanaman niya ito hanggang sa natumba na ito.

"Tae, tama na!" Pagpipigil ko sa kaniya habang hinihila papalayo kay Saeran. Tumulong na rin yung iba sa paghihiwalay sa dalawa.

"Hayaan muna natin yang hayop na yan na buhay para makausap pa natin nang maayos at mapanood kung paano mabulok sa bilangguan." Sabi ni Namjoon at naglakad na papabalik si Taehyung sa ambulansya kung nasaan si Jungkook.

"Yung mga ibang hybrids? Yung boyfriend mo?" Tanong ko kay Noora nang makita ko siya sa daan at ngumiti naman siya.

"Hoseok, mamaya mo na isipin yung iba. Samahan mo muna girlfriend mo sa ospital, kakailanganin ka niya ngayon. Saka ligtas yung boyfriend ko kaya mauna ka na." Sagot niya sa akin at tumango ako.

"Salamat sa tulong." Sabi ko at sumakay na rin sa ambulansya para samahan sila Yami.

Hinawakan ko ang kamay ni Yami at tiningnan nang mabuti ang mukha niya. "Kumapit ka lang, Yami. Kakayanin mo yan. Papasayahin pa natin ang isa't isa."

[Yami's POV]

Unti-unti kong dinilat ang mata ko at nakita ko ang puting kisame. Ang sakit ng buong katawan ko pero ramdam ko ang init ng kamay na nakahawak sa kamay ko.

Tiningnan ko kung sino ang nakahawak dito kahit na nahihirapan akong gumalaw at nakita ang isang pamilyar na taong natutulog.

"Hoseok..." Mahina kong sabi habang unti-unting ginagalaw ang aking mga daliri. "Hoseok..." Tawag ko ulit sa kaniya pero mas nalakasan ko na ang boses ko ngayon.

Unti-unti naman siyang napabangon at tumingin sa akin. "Yami?" Sabi niya at agad na napatayo sa kinauupuan habang nakangiti nang sobrang lawak at agad akong niyakap.

"Aray." Mahina kong sabi at agad naman siyang lumayo kaya napatawa ako nang mahina.

"Sorry. Masyado lang natuwa. Teka, tatawagin ko yung doktor. Diyan ka lang." Sabi niya sa akin at tumango naman ako. "Taehyung! Gumising ka. Nagising na si Yami, pakibantayan muna saglit habang hinahanap ko yung doktor niya."

Napatingin naman ako sa kabila at nakita ko si Jungkook na nakahiga sa kama na katabi ko. Nakangiti namang lumapit sa akin si Taehyung bago lumabas si Hoseok.

"Buti gising ka na." Sabi niya. Nabigla naman ako sa boses niya dahil ngayon ko lang narinig yung boses niya na sobrang lalim. Siguro dahil bagong gising.

"Kamusta na si Kookie?" Nag-aalala kong tanong sa kaniya.

"Di pa siya nagigising pero dahil nagising ka na, baka magising na rin siya maya't maya. Huwag ka mag-alala, okay lang si Jungkook. Kailangan lang din ng pahinga dahil sa nangyari sa inyo." Sagot sa akin Taehyung at ngumiti naman ako.

"Gaano katagal na akong nandito? Ano nangyari sa ibang hybrids? Nasaan na si Saeran? Ayos lang ba kayo?" Sunod-sunod kong tanong.

"Yami, i-eexplain nalang namin sayo kapag nagising na si Jungkook." Sabi ni Taehyung.

"Hyung, gising na ako. Pwede mo na bang sabihin?" Napalingon naman kami sa nagsalita at nakita si Jungkook na gising na.

"KOOKIE!" Masayang sigaw ni Taehyung. "Teka, yung doktor. Tatawagin ko--" Nagbanggaan sila Taehyung at Hoseok sa isa't isa at sabay napasigaw ng aray.

"Ginagawa mo?" Tanong ni Hoseok na nakahawak sa noo niya.

"Tatawagin din sana yung doktor. Gising na rin si Kookie." Sagot naman ni Taehyung habang nakahawak din sa kaniyang noo. Nagtawanan naman yung dalawa at biglang pumasok yung doktor.

Kinausap niya kami na dapat ipagpatuloy lang ang pagpapahinga namin para mabilis kaming makalabas. Mabuti nalang daw na mas mabilis kaming mga hybrids gumaling kumpara sa iba.

"Salamat po." Sabi ni Taehyung at Hoseok sa doktor bago ito lumabas ng room namin.

"Okay ka na?" Tanong sa akin ni Hoseok habang hinahawi ang aking buhok.

"Oo. Salamat, Hoseok. Baka patay na ako ngayon kung hindi dahil sayo." Sabi ko at ngumiti sa kaniya.

"Ang mahala ngayon, Yami ligtas ka. Kayong dalawa ni Jungkook. Saka tinulungan kami ng mga kaibigan namin kaya magpasalamat ka rin sa kanila ah." Nakangiti niyang sabi. Di ko naman napigilan ang sarili ko na ngumiti rin dahil sa kaniya kaya nakangiti rin akong tumango sa kaniya.

"Ay Kookie!" Tawag ko sa kaniya at kumaway. Kumaway rin naman siya pabalik sa akin.

"Bakit, Yami~?" Pakanta niyang tanong.

"Salamat pala sa pagpapalakas ng loob ko." Nahihiya kong sabi at tumawa naman nang kaunti si Jungkook.

"Salamat din sa pagiging kaibigan ko." Nakangiti niyang sabi kaya nakikita ko kahit sa malayo ang bunny teeth niya.

"Oy oy oy. Jungkook, kagigising mo lang tapos si Yami yung una mong ngingitian nang ganiyan? Nagseselos ako." Sabi bigla ni Taehyung.

"Hyung naman eh~ Huwag ka na magselos, please? Ikaw lang naman love ko eh." Sabi ni Jungkook kay Taehyung kaya natawa naman ako. Ang cute nila.

"Yami." Tawag sa akin ni Hoseok habang nakangiti nang sobrang lawak. Literal na sunshine talaga si Hoseok.

"Hoseok?" Sabi ko at tumawa naman kami nang kaunti.

"Pangako, simula ngayon di na kita iiwan. Palagi na akong nasa tabi mo." Bigla niyang sabi kaya di ko napigilan ang sarili ko na mamula sa sinabi niya.

"Di mo ako iiwanan?" Paninigurado kong tanong sa kaniya.

"Hindi kita iiwan." Muli niyang sabi at hinalikan ang noo ko.

Kung alam ko lang na mangyayari yun sa kaniya balang araw, edi sana ngayong araw palang ay di ko na siya hinayaang mangako ng ganun sa akin. Kung alam ko lang. Ako ang may kasalanan kung bakit mangyayari yun sa kaniya.

***

😶

Last 6 chapters.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top