m23: experiment 🐈
[Yami's POV]
"Intruder alert. Intruder alert. Intruder alert."
Napatigil sa pagtratrabaho si Saeran at kaming mga hybrids naman ay naguguluhan sa nangyayari. Napatingin naman siya sa kaniyang mga monitors at bigla nalang tumawa sabay tingin sa akin at kay Jungkook.
"Jungkook." Nag-aalala kong tawag sa kaibigan ko dahil mas naging nakakatakot ang sitwasyon namin nang tingnan niya kami.
"Magiging okay rin ang lahat, Yami. Magtiwala ka lang. Hahanapin tayo nila Taehyung hyung." Sabi niya. Di ko alam kung paano siya nananatiling kalmado sa nga ganitong oras pero pinagkakatiwalaan ko kung ano man ang sasabihin niya. Sana nga, Kookie. Sana hanapin nila tayo.
"Deploy Sector A." Sabi ni Saeran doon sa telecom niya at nagsimula na ulit magtrabaho. Pero kumpara kanina, nagmamadali na siya.
May mga injections na ulit akong nakita at kasama rito ang mga tubes na lalaki kung saan kami pinasok at nilagay dati para pag-eksperementuhan.
Lumapit si Saeran sa aking kulungan at ngumiti sa akin. Umatras kaagad ako sa pinakasulok nang hindi niya mahawakan.
"May pinatawag ka ba para pumunta dito?" Tanong niya na mas lalong nagpagulo sa akin. Kaagad naman akong umiling sa tanong niya."Wala? Sigurado ka?"
"Wala po talaga." Sagot ko. Nakakabigla na may boses pa pala ako. Pero feeling ko nahahalata niya sa akin na natatakot ako dahil hindi ko mababa ang aking tenga at buntot. Kung may balahibo ako, siguro nagsisingtayuan na rin ang mga yun.
"Edi sino mga ito?" Dagdag pa niyang tanong sabay pakita sa akin ng hologram na galing sa kaniyang relo.
"Hyung!" Sigaw ni Jungkook nang makita si Taehyung sa screen. Kasama niya si Namjoon at yung babaeng kasama dati ni Hoseok dati. Binabaril nila yung mga technology ni Saeran na tumitira sa kanila.
"Nawawala yung syota mo ah. Kasama rin nila yun kanina. Ano nangyari doon? Baka nabaril na?" Tanong niya nanaman sa akin. Agad ako nanghina nang marinig na baka nabaril na nga si Hoseok at di ko napigilan ang sarili ko na umiyak.
"Ah hybrids nga naman. Masyadong emotional. Nakakayamot." Sabi niya habang naglalakad pabalik sa kaniyang pwesto at tumawa.
"Makinig kayong lahat!" Sigaw niya. "Magsisimula na akong mag-experiment. Parang dati lang ito, magiging masakit pero kailangan niyong makayanan para malaman natin yung magiging resulta." Sabi niya.
"After ng experiment na ito, dapat bumalik ang iba sa inyo sa normal at babalik din ang mga alaala ninyo. Pero kapag minalas, baka mamatay kayo o mawala ulit ang mga alaala ninyo. Kaya tiisin niyo ito." Pagpapaliwanag niya.
Nagsisigawan ulit ang iba sa amin habang nakangiti lang siya at iniikot ang paningin sa mga kulungan. "Deploy Sector B and C." Sabi niya ulit doon sa telecom bago siya lumapit sa isang babaeng hybrid at pilit na nilabas doon sa hawla niya.
"Huwag po. Maawa po kayo sa akin, ayaw ko pa pong mamatay." Naiiyak na sabi ng fox na hybrid na iyon.
Hindi siya pinakinggan ni Saeran at agad siyang pinasok doon sa malaking tube. Tinali ni Saeran ang kaniyang mga kamay, paa, tiyan at leeg gamit ng parang metal na nakalagay doon sa loob nang hindi siya makatakas. May kung ano-ano ring pinagdidikit siya sa katawan niya habang patuloy siyang nagmamakaawa.
Kumuha ng injection si Saeran at tinurok doon sa babae kaya napatili ito nang malakas na ikinatahimik ng ibang mga hybrids na sumisigaw.
Sinara kaagad nito ang kanitang tube at hinawakan ang tablet niya at may mga pinagpipondot doon.
"Experiment one." Sabi niya at may binabang switch at pinanood ang mangyayari doon sa hybrid.
"Huwag po! Huwag! Para--" Napatigil naman sa pasigaw ang babaeng iyon at tila nauubusan siya ng hangin sa loob.
"I reduce the oxygen inside her tank to make the chemicals I injected in her body work. Nakadepende sa kaniya kung makakayanan niya na walang oxygen sa loob ng ilang minuto." Sabi niya habang patuloy na pinapanood ang nangyayari sa babae.
Maya-maya ay biglang di na gumagalaw ang babae at tumunog ang kaniyang tank.
"Damn. Di niya nakayanan." May pinindot si Saeran ulit sa tablet niya at biglang nawala ang tank niya at may pumalit na bago. Tumingin ulit siya sa nangyayari sa labas at mas lalong nataranta si Saeran.
"Fuck. Deploy Sector D." Sabi niya. Kumuha ulit siya ng hybrid pero ngayon ay ginawa niyang tatlo. At katulad kanina ay di nanaman nila nakayanan at namatay.
"Saan nagkakamali ang mga chemicals ko?!" Frustrated niyang sabi. Kumuha siya ulit ng mga hybrids at ginawa ang ginawa niya kanina.
Habang nanginginig akong nanonood, bigla akong nagulat sa nakita ko. Unti-unting lumiliit ang mga parte ng katawan nila na nagpapakitang hybrid sila hanggang sa tuluyan itong mawala. Pero bigla nalang bumalik iyon at namatay nanaman ang mga hybrids.
"Alam ko na kung saan ako nagkulang." May inayos siyang kaunti sa chemicals niya bago siya kumuha ulit ng mga hybrids.
Nagulat ako nang lumapit ulit siya sa akin pero ngayon ay binuksan niya ang kulungan ko at pilit akong nilalabas.
"Yami!" Sigaw ni Jungkook sa kulungan niya.
"Jungkook!" Naiiyak kong tawag sa kaniya. Ayaw ko pang mamatay. Kailangan ko pang makita sila Hoseok.
Sinubukan kong gumalaw at tumakas pero masyadong mahigpit ang hawak niya. Sinubukan kong abutin ang braso niya at nang maabot ko ay kaagad kong kinagat iyon.
"Ah!" Galit niyang pagsigaw at agad akong sinampal nang sobrang lakas. Agad akong natumba at nanlabo ang paningin ko.
"Yami!" Rinig kong sigaw ulit ni Jungkook.
"Huwag kang lalaban sa akin, hybrid kung ayaw mong patayin kita kaagad dito." Pagbabala niya habang nilalagay ako doon sa loob. Nanghihina ako. Masyadong malakas itong si Saeran.
Nanlalabo ang paningin ko pero narinig ko ang pagsigaw ni Jungkook. Pilit kong tiningnan kung ano ang nangyayari at nakita ko na pati si Jungkook ay kinuha niya.
"Bitawan mo ako!" Sigaw ni Kookie pero hindi kumibo si Saeran.
"Kookie..." Nanghihina kong sabi pero nilakasan ko nang kaunti para marinig niya. Nilagay niya si Jungkook katabo ng aking tank at nang matapos ay sabay-sabay niyang isinara ang mga ito.
Wala na akong lakas sumigaw at magsalita pero patuloy lang ang pagtulo ng aking mga luha.
Hoseok, sorry kung di ko makakayanan ito. Sorry kung mamamatay ako ngayon. Pero salamat sa pagmamahal sa isang tulad ko. Mahal kita, sobra.
"Experiment three." Sabi ni Saeran at binaba ang switch. Huminga ako nang malalim bago tuluyan mawala ang oxygen sa tanke ko.
Nang hindi ko makayanan ay sinubukan ko nang huminga pero wala akong makuha. Wala ng oxygen sa loob. Sumasakit ang ulo ko. Mas lalong nanlalabo ang paningin ko.
Pero bago ako tuluyang mawalan ng malay ay may narinig akong pagputok ng nga baril. May lumapit sa tanke ko at kinakatok ito. Di ko na rin maintindihan ang pinagsasabi niya pero pamilyar ako sa naririnig kong boses. Sa kaniya lang ang boses na iyon.
"Hoseok..." Bulong ko bago ko tuluyang maisara ang aking mga mata.
***
Last 7 chapters.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top