m21: kidnapped 🐈
"Sige uhm ganito. Shit." Natatarantang sabi ni Namjoon. Napapikit nalang ako ng mata ko nang matagal habang nakakunot ang aking noo. Pati ako, hindi ko na rin alam ang gagawin ko.
"Maghiwa-hiwalay muna tayo ngayon. Yung isa dalawa, yung isa tatlo. Magkita-kita nalang ulit tayo dito mamaya kapag hindi talaga sila nakita." Suggestion ni Taehyung at pumayag naman kaming lahat.
Si Taehyung at Namjoon yung magkasama habang ako, si Jin at Jimin ang magkasama. Pumunta sila sa ibang direksyon kaya pumunta kami sa kabila para mas mapabilis ang paghahanap kila Yami at Jungkook.
The number that you have dialed is unattended. Please try your call later.
Sinubukan ko ulit tawagan ang phone ni Yami pero hindi ko pa rin matawagan.
The number that you have dialed is unattended. Please try--
"Bwiset!" Sigaw ko kaya napatingin sa akin yung ibang tao.
"Hoseok, kalma. Mahahanap din natin sila." Sabi ni Jin sa akin.
"Paano ako kakalma kung yung girlfriend ko nawawala?!" Tanong ko sa kaniya at pagkatapos ay napaupo ako sa sahig.
"Oy hyung, tumayo ka diyan. Madumi yung sahig oh!" Sabi niya at tinulungan akong tumayo.
Isang oras na kaming naghahanap pero ni isang bakas nila Yami ay wala kaming nakita. Kahit ayaw ko pang tumigil sa paghahanap ay bumalik nalang kami sa lugar kung saan dapat kami magkita.
"May nakita kayo?" Tanong ni Namjoon sa amin nang nandoon na kaming lahat. Umiling naman kami.
"Kayo, may nahanap kayo?" Tanong naman ni Jin. Katulad namin ay wala rin silang nakita.
Napatingin nalang ako kay Taehyung na sobrang tahimik at nakatingin sa baba. Pati si Taehyung, sobrang lungkot sa nangyayari.
Yami, Jungkook, nasaan kayo?
[Yami's POV]
Nagulat nalang ako sa balita na nawawala si Jungkook. Habang nakikinig ako sa pinagsasabi ni Taehyung, biglang may nangalabit sa balikat ko kaya agad akong napalingon.
"Ho--" Bago ko pa malakasan ang boses ko ay tinakpan na kaagad niya kaagad ang bibig ko gamit ng isang panyo at mabilis na hinila papalayo kila Hoseok kaya hindi ko man lang nagawang makakapit kaagad sa braso niya.
Dinala niya ako sa isang makitid at madilim na eskinita na walang katao-tao at pagkatapos ay tinanggal ang panyo sa bibig ko.
"J-jungkook, bakit?" Naiiyak kong tanong ss kaniya at hinamapas siya sa brado niya. "Hinahanap ka nila Taehyung tapos bigla mo nalang ako kukunin dito! Hahanapin nila tayo! Bumalik na tayo, Jungkook please." Pagmamaka-awa ko sa kaniya. Hindi ko rin alam kung bakit niya ito ginagawa ngayon.
"Yami, bawal tayong bumalik ngayon sa kanila. Makikita niya tayo kaya huwag ka ring maingay." Pabulong niyang sabi.
"Hindi kita maintindihan, Jungkook. Natatakot na ako sayo. Ano ba nangyayari?" Naiiyak ko ulit na tanong sa kaniya.
"Buhay siya, Yami. Nakita ko siya kanina na nakatingin sa akin. Mas mabilis niya tayong makikita kapag kasama natin sila hyung. Natatakot din ako, Yami." Pagpapaliwanag niya na mas ikinagulo ng utak ko.
"Sinong siya?" Tanong ko pero agad kong napansin na nakatingin si Jungkook sa likuran ko at tila natatakot kaya unti-unti akong lumingon para tingnan kung ano o sino man ang tinitingnan niya.
"Hi hybrids, magsasama ulit yata tayo ngayon." Sabi niya at bigla siyang may nilabas na parang baril at tinutok sa amin ni Jungkook. "Good night." Dagdag niya at bigla nalang pumikit ang aking mata sabay bagsak sa sahig.
Sorry Hoseok, nakuha na kami ni Saeyoung.
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata dahil sa ingay na naririnig ko at kinalibutan ako sa nakita ko. Nandito nanaman ako, sa lab ni Saeyoung. Nakakulong ulit ako sa isang maliit at masikip na kulungan.
"Palabasin mo kami dito!"
"Mas hayop ka pa kaysa sa amin!"
"Humanda ka lang talaga kapag nakalabas ako dito!"
"Diba patay ka na, Saeyoung?! Ba't ka pa nandito?!"
Sabay-sabay na nagsisigawan ang mga kapwa kong hybrids sa mga kulungan nila. May iba natatakot at tahimik lamang tulad ko habang tunutulo ang mga luha na.in. Napatingin naman ako sa katabi kong hawla at nakita si Jungkook na tahimik rin. Yung tenga niyang kuneho, nakababa.
"Jungkook, natatakot ako." Sabi ko sa kaniya. Inabot niya ang kamay ko at hinawakan nang mahigpit. Hindi na siya umimik pa pero ramdam ko rin ang takot niya lalo na't sobrang pula at maga na ng mata niya sa kakaiyak.
Nakita at narinig ko nalang ang tawa ni Saeyoung bago siya lumapit sa isa sa mga machines niya at tila may pinindot doon. Bigla ko naman naramdaman ang kuryente sa buong kulungan ko kaya napabitaw kaagad ako sa kamay ni Jungkook dahil sa sakit.
"AHH!" Sigaw ko. Mali, sigaw naming lahat habang patuloy pa rin ang pagdaloy ng kuryente sa aming mga katawan. Halos ilang segundo rin nagtagal iyon at nang matapos ay tumawa nanaman si Saeyoung.
"Oh, mag-iingay pa?" Tanong niya habang nakangiti.
"Hayop ka. Ikaw dapat yung nakakulong, hindi kami!" Sigaw ng isang hybrid at mas tumawa si Saeyoung.
"Hayop rin naman kayo diba?" Sabi niya pabalik at napailing.
"Ikaw gumawa nito sa amin! Bakit mo ba kami kinuha ah?! Diba tapos mo na kaming gamitin?! Hayaan mo na kaming mamuhay nang payapa! Lubuyan mo na kami!" Sabi naman ng isa pang hybrid kaya nag-ingay muli halos lahat.
Lumakad muli papunta sa machine na pinindot ni Saeyoung para makuryente kaming lahat kaya nanahimik ulit sila.
"Natututo rin pala kayo. Palibhasa, mga hayop." Sabi niya at umupo sa isang upuan. Lahat lang kami ay nanonood lang nang tahimik sa kaniya.
"Makinig kayo nang mabuti. Alam kong nagtataka kayo kung bakit nakakulong at pag-eeksperementuhin ulit kayo. Pero maniwala man kayo o sa hindi, gusto ko lang kayo tulungan." Pagsisimula niya nang paliwanag.
"Kami? Tutulungan mo? Tulong ba tawag mo dito?! Pagkukulong at pagkukuryente sa amin?!" Tanong nanaman ng isa pang hybrid.
"Okay, didiretsuhin ko na kayo. Tutulungan ko kayo na maging normal ulit. Para maging tao na ulit kayo. Ayaw niyo ba yun? Makakabuhay na ulit kayo nang normal at makakalabas na walang panghuhusga ng mga tao. Gagawa ako ng antidote pero kailangan ko ng DNA sample ninyo at syempre, ng pag-eeksperementuhan." Pagpapaliwanag niya kaya may isang hybrid ang tumawa.
"So ano mo kami? Laruan? Pagkatapos mong gawing hybrid, ibabalik mo rin kami sa dati? Kung dadaan din naman pala kami sa dating proseso, huwag na! Mas gugustuhin ko pang mamatay nang maaga kaysa sa mamatay sa kamay mo!" Paglalaban ng isang hybrid. Gusto ko rin magsalita, pero nangunguna ang kaba at takot ko.
"Ako? Ginawa ko kayong hybrid?" Tumawa nanaman siya ng malakas. "Kanina niyo pa nga akong tinatawag na Saeyoung pero nagkakamali kayo. Hindi ako si Saeyoung." Sabi niya na ikinanuot ng noo ko.
"Ako si Saeran, Han Saeran. Ang kambal na kapatid ni Han Saeyoung." Pagpapakilala niya sabay ngiti nang malawak.
***
Last 9 chapters
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top