m19: boyfriend 🐈
Pati ako nagulat sa nalaman ko. Hindi ko rin naman inaasahan na ganun ang kwento niya. Pero alam kong kailangan niya ng tulong ko. Kailangan palagi na akong nasa tabi niya.
Lalo na't umaaligid na si Saeyoung. Agad na kaming umalis nang makita ko siya. Kaligtasan pa rin ni Yami ang mahalaga para sa akin. Ako na ang masaktan, huwag lang siya.
Ilang araw na rin ang lumipas simula nung araw na yun at mas nag-aalala ako kay Yami.
"Hyung!" Napalingon naman ako sa pamilyar na boses na tumawag sa akin. Paglingon ko ay nakita ko si Taehyung na hingal na hingal.
"Oh, anyare sayo?" Nag-aalala kong tanong sa kanya at natawa.
"Pwede ba kitang makausap?" Tanong niya. Umoo naman ako dahil mukhang seryoso ang pag-uusapan namin. Kinakabahan tuloy ako. Paano kung nalaman niyang ako talaga ang nag-ubos ng pagkain niya? Tangina, baka magfriendship over kami.
Pumunta kami sa malapit na café para doon mag-usap. Bumili kami ng sarili naming mga inumin bago umupo.
"Ano pag-uusapan natin?" Tanong ko sa kanya.
"Tungkol kay Jungkook, hyung." Sabi niya at halos mabilaukan ako sa iniinom ko.
"Oh? Ano meron sa kanya? May nangyari bang masama?" Tanong ko ulit sa kanya kaya umiling siya.
"Hindi, hyung. Kasi simula yung aksidente kaming naghalikan..." Sabi niya at namula nang mabanggit yung pangyayaring iyon. "...nailang kami sa isa't isa. Pero hyung, okay na kami ngayon. Balik sa dati. Pero sa tingin ko mas naging touchy kami sa isa't isa hehe."
"So anong gusto mong gawin ko, Taehyung?" Tanong ko sabay inom doon sa binili ko. Natawa naman siya nang peke.
"Di ko rin alam kung bakit sinasabi ko sa iyo ito, hyung. Pero sa tingin ko, g-gay ako?" Napataas naman ako ng kilay.
"Tapos?"
"I mean, kapag nakikita ko kasi ngayon si Kookie ang bilis ng tibok ng puso ko. Tapos hindi ako matingin nang maayos sa kanya. Tapos mas gusto ko na siyang alagaan at yakapin. Ayoko siyang nawawala sa tabi ko. Tapos natutuwa ako kapag nakikita ko siyang ngumingiti." Pagpapaliwanag niya.
"Gay for Jungkook, kumbaga?" Tanong ko at tumangi siya kaya natawa naman ako.
"Bakit ka natatawa, hyung? Mali ba yun? Masama ba yung nararamdaman ko?" Nag-aalalang tanong niya at umiling agad ako.
"Ano ka ba, Taehyung? HAHAHA! Ngayon lang kasi may humihingi ng tulong sa akin tungkol diyan. Saka ano masama sa pagiging bakla? Nagmahal ka lang naman ah." Sabi ko bago uminom.
"So t-tanggap mo ako, hyung?" Nag-aalalang tanong niya.
"Oo naman. Ano ba kinakatakot mo ah?" Tanong ko naman sa kanya.
"Si Jungkook. Paano kung hindi niya ako tanggapin?" Natawa nanaman ako sa sinabi niya.
"Halata naman baklang-bakla rin sayo si Jungkook." Sabi ko sa kanya at tumangi naman siya.
"Eh hyung, natatakot rin ako sa ibang tao. Paano kung hindi nila kami tanggapin?" Nag-aalala niyang tanong ulit.
"Taehyung. Huwag na huwag kang makikinig sa sasabihin ng iba. Besides, 2069 na. Wala na tayo sa mga 2010's na malaking issue ang pagiging bakla." Sabi ko sa kanya. Napangiti naman ako bigla kasi feeling ko ang expert ko na sa ganito.
"Talaga, hyung?" Tanong nanaman niya at tumango ako. "So pwede mo ba akong matulungan?"
Pinag-usapan namin ni Taehyung kung ano ang dapat niyang gawin. Tumango-tango naman siya hanggang sa alam na niya at nakabuo na ng plano.
Binigay sa akin ni Taehyung ang phone niya habang nakangiti at tinawagan si Jungkook.
"Hyung!" Masayang sabi ni Jungkook sa kabilang linya habang inaabangab ni Taehyung ang pag-arte ko. Huminga muna ako nang malalim bago magsalita.
"JUNGKOOK! SI HOSEOK ITO! PUMUNTA KA DITO!" Nagpapanic kong sabi habang si Taehyung naman ay tuwang-tuwa kaya hinampas ko siya nang mahina.
"Hoseok hyung? Bakit? Ano meron? Asan si hyung?" Tanong niya. Halata na rin sa boses niya na kinakabahan siya kaya niloud speaker ko na rin para marinig ni Taehyung.
"NA-AKSIDENTE SI TAEHYUNG! HINAHANAP KA NIYA! HANAPIN MO SIYA GAMIT NUNG TRACKER MO!" Sabi ko habang nakathumbs up si Taehyung na approve sa acting ko. Pinipigilan ko nalang rin matawa.
"HA?! ANO NANGYARI?!" Sigaw niya kaya napatakbo nalang si Taehyung malayo sa phone para makatawa nang malakas. Gago talaga.
"PUMUNTA KA NALANG, DALI!" Sabi ko at binaba na yung tawag. Tumawa na rin ako nang malakas at lumapit na si Taehyung sa akin para tumawa ulit.
Pinanood namin sa phone ni Taehyung yung paggalaw ng pula sa mapa niya na nagsisignal na si Jungkook yun na papalapit sa aming pwesto.
Nang sobrang lapit niya, agad na kaming nagposisyon ni Taehyung. Nasa sahig kami at nakapatong ang ulo ni Taehyung sa hita ko habang nakapikit ang mata niya. Nagsimula na rin akong magkunwari ng iyak. Nakita ko nalang na papalapit sa amin si Jungkook kaya mas nilakasan ko ang iyak ko kuno.
Lumapit siya sa pwesto namin at napansin ko na umiiyak na siya. Wow, ang cute ni Jungkook.
"Ano nangyari kay hyung?" Tanong niya habang umiiyak at niyayakap ang katawan ni Taehyung. Pota, kinikilig na yata itong si Taetae ngayon.
"Ano, nauntog siya sa puno habang tumatakbo tapos akala ko natumba lang siya pero hindi na bumangon." Pagdadahilan ko. Sana maniwala.
Napatingin naman siya kay Taehyung ulit at mas lalong umiyak. Ngayon ay tinatago na niya ang mukha niya sa leeg ni Taehyung.
"Hyung naman eh! Ba't mo ako iniwan?! Akala ko ba hindi mo ako iiwanan?! Akala ko ba palagi kang nasa tabi ko? Ano ito?! Hyung, naman! Paano na ako makakabuhay nang maayos dito kung wala ka? Sino na ang magliligtas sa akin tuwing may umaaway sa akin?!" Sabi niya at mas umiyak. Wow, naniniwala talaga si Kookie. Tama si Taehyung, mabilis lang siya maniwala sa nakikita niya.
"Hyung! Mahal kita, hyung! Mahal na mahal kita! Higit na sa pagiging magkaibigan!Kaya huwag mo ako iwan please? Hindi ko kayang mabuhay kapag wala ka. Ikaw na yung mundo ko." Sabi pa ni Jungkook na paunti-unting humihina ang boses.
"Mahal na mahal rin kita, Kookie." Biglang sabi ni Taehyung at binuksan ang mata niya. Gulat na gulat namang tumingin sa akin si Jungkook.
Binalik naman rin niya ang tingin kay Taehyung. "B-buhay ka, hyung? A-akala ko iniwan mo na ako..." Naguguluhan niyang sabi.
Natawa naman nang kaunti si Taehyung bago umupo nang maayos.
"Ano nalang gagawin mo kapag wala ako? Ah, napakababy mo talaga." Sabi ni Taehyung at nagyakapan silang dalawa.
"Huwag mo ako iiwan, hyung. Kinabahan talaga ako sayo." Sabi ni Kookie at nakangiti na ngayon.
"Hindi na talaga kita iiwan kung sasagutin mo ang tanong ko." Sabi ni Taetae kaya tinitigan siya ni Kookie.
"Anong tanong?" Naguguluhan niyang sabi.
"Pwede ba kita maging boyfriend, Jungkook?" Tanong ni Taehyung at agad na tumango si Kookie.
"OO HYUNG! GUSTONG-GUSTO KO!" Sabi niya at niyakap nang mahigpit si Taehyung. Niyakap naman siya pabalik.
"Navideohan mo ba lahat, hyung?" Tanong sa akin ni Taehyung at umoo naman ako.
Papauwi na sana kami nang may mapansin nanaman akong lalaki. Siya ulit, si Saeyoung. Di ko alam kung sinusundan ba ako nito o ano? Pero hindi siya nakatingin sa akin. Nakatingin siya kay Jungkook.
Sinusundan niya ang mga hybrids.
***
TaeKook at YoonMin pa rin ako, kapit lang. HAHAHAHAH
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top