m18: truth 🐈
Halos mamatay na ako sa takot nang biglang may nagtanong sa aking batang babae kung sino ako. Agad akong yumuko para hindi ako makita ng iba pa.
"I'm your angel, I'm your hope. J-Hope!"
De joke lang HAHAHAHA
"Eh, ikaw sino ka ba?" Tanong ko doon sa batang babae. May suot siyang oversized jacket. Natawa naman siya sa akin dahil sa tanong ko.
"Jihee. Hindi mo pa ako sinasagot." Sabi niya sabay pout. Natawa naman ako kasi ang cute niyang tingnan, feeling ko nawala lahat ng takot na nararamdaman ko.
"Hoseok." Sagot ko sa tanong niya. Tinitigan niya muna ako bago siya magsalita ulit.
"Hindi ka hybrid?" Tanong niya kaya umiling ako bilang sagot. "Ako kasi hybrid, hehe!" Tinanggal niya yung hoodie niyang suot at lumabas yung tenga niya na katulad kay Yami. "Meow!" Sabi niya bigla. Nakainom naman ako ng gamot ngayon kaya ayos lang na makipag-usap ako sa kanya.
"Kilala mo si Yami?" Tanong ko.
"Wah, si Yami eonnie? Diyan siya nakatira. Boyfriend ka ba niya?" Tanong ulit sa akin nung Jihee at tumango ako. "Kaibigan ko si eonnie."
"Kilala mo ba yung lalaki na nandiyan? Yung matangkad na may konting bigote na--"
"Tatay yun ni Yami eonnie." Malungkot niyang sabi.
"Bad ba yung--" Naputol yung tatanungin ko sana nang may sumigaw.
"Jihee! Asan ka nanamang bata ka?!" Sigaw ng isang babae sa di kalayuan kaya kumaway na sa akin si Jihee para umalis at tumakbo na papunta doon sa nanay niya yata.
Agad na rin akong tumakbo palayo ng bahay nila Yami para hindi na ako mahuli. Halos hingal na hingal akong umupo sa isang upuan sa park malapit sa amin.
Kung ano man ang nakita ko kanina, akin lang yun. Wala akong pagsasabihan na kahit sino. Siguro tatanungin ko rin si Yami tungkol doon at bakit ayaw na ayaw niya akong papuntahin kahit sa tapat lang ng bahay nila.
---
"Psst, Hoseok. May sagot ka na sa 6?" Bulong sa akin ng katabi kong si Lisa. Kasalukuyang quiz namin ngayon kaya naman nagtiteamwork ulit kami katulad ng ginagawa namin palagi.
"Wala pa nga eh. Yun na nga lang rin kulang ko." Sagot ko.
"Uy Lisa. May sagot na ako." Tawag naman sa kanya ni Taeyong sa may likuran namin at nag-abot ng isang maliit na piraso ng papel.
"Salamat." Sagot ni Lisa. Kinopya niya muna yung sagot bago ibigay sa akin yung papel. "Yan na yung sagot."
"Ayun, salamat." Sabi ko at sinulat na rin yung nakuha kong sagot doon sa test paper.
Natapos rin maya-maya kaagad ang araw namin at agad akong lumabas ng school sabay punta sa napagkasundaan namin ni Yami na lugar.
"Kanina ka pa ba nag-aantay?" Tanong ko habang nakangiti nang makita si Yami.
"Hindi naman, kakarating ko lang rin kanina. Hoseok--"
"Okay ka lang?" Tanong ko kaagad sa kanya habang nakakunot ang noo dahil sa sobrang pag-aalala.
"Okay lang ako, Hoseok. Salamat sa pag-aalala pero yung nakita mo kahapon--"
"Yun ba ang dahilan kung bakit ayaw mo akong papuntahin kahit sa harap lang ng bahay niyo? Tatay-tatayan mo ba yun? Asan nanay mo? Ikaw lang ba yung nandoon?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya. Agad namang bumaba yung tenga niya kaya naramdaman ko yung lungkot niya ngayon. Wala na akong nagawa kung hindi yakapin nalang siya nang mahigpit. Maya-maya ay narinig ko nalang siyang humihikbi.
"Hoseok..." Mahina niyang sabi habang patuloy siyang umiiyak sa may balikat ko.
"Ano yun, Yami? Ikwento mo sa akin lahat kung ayos lang sayo. Boyfriend mo na ako diba? Nandito ako para sayo." Sabi ko habang sinusuklay ang buhok niya gamit ang daliri ko.
Tumingala naman siya sa akin oara tingnan ako kaya pinunasan ko ang mga luha niya. "Hoseok, baka layuan mo ako kapag nalaman mo. Baka mandidi ka sa akin at iiwan mo na ako. Ayoko mangyari yun, Hoseok. Natatakot ako na kapag alam mo na, mawawala ka nalang bigla." Sabi niya habang pinipigilan ang sarili na mas lalo pang umiyak.
"Iintindihin kita, Yami. Wala pa ring magbabago sa tingin ko sayo.Hindi kita iiwan, okay? Kahit anong mangyari, nandito ako sa tabi mo." Sabi ko sa kanya sabay ngiti.
"Promise?"
"Promise, hindi kita iiwan. Okay?" Sagot ko bago siya umupo nang maayos at pinunansan ang sariling luha.
"2 years ko ng kasama sila. Maayos sila, mahal na mahal nila ako kahit na hindi pa ganun kami katanggap dati. Hindi naman sila ganun nung una hanggang sa namatay si mama last year. Yung mama nung pamilya nila." Pagsisimula niya ng kwento habang nakikinig lang ako sa kanya.
"Nang mamatay si mama, nawala na rin pati kabaitan nila. Lalo na si papa. Nagsimula siyang magkaroon ng bisyo at nahuli ko pa siya minsan na gumagamit ng drugs. Simula rin nun Hoseok, natuto na ako. Hindi na ako kasing inosente ng ibang hybrids tulad ni Jungkook." Sabi niya at nagsimula nanamang lumuha ang mga mata niya.
"Hindi lang yun yung nangyari. Few months ago, bago pa tayo magkita..." Huminga muna siya nang malalim bago magpatuloy magkwento. "...p-pinagsamantalahan niya ako. Kapag hindi ako sumusunod sa kanya, binubugbog ako. Hoseok, natatakot ako. Binalalaan niya ako na huwag magsusumbong kahit kanino kung hindi..."
"Kung hindi?" Tanong ko pero ngayon ay mas nag-aalala na ako.
"Kung hindi papatayin niya ako. Hoseok, ayaw ko pang mamatay. Patay na yung dating ako, pati na rin yung mga alaala ko. Ayaw ko na mamatay ulit sa bagong ako." Naiiyak niyang sabi kaya niyakap ko siya ulit.
"Kaya ayaw kitang pumunta sa harap ng bahay kasi baka makita ka niya. Ayaw na kitang idamay sa sitawasyon ko. Kapag nalaman niya na may syota ako ngayon, baka hindi na ako palabasin ng bahay at kung ano pa ang gawin sa akin. Gusto kita makita, Hoseok. Ikaw yung nagbibigay pag-asa sa akin ngayon. Kaming hybrids dapat yung nagbibigay nun pero pati ako, nangangailangan na rin." Sabi niya.
Hinalikan ko siya sa noo niya at niyakap ulit nang mahigpit. "Salamat sa pagtitiwala sa akin, Yami. Proprotektahan kita sa kanya, okay? Hindi ka na nag-iisa ngayon. Tutulungan kita, ako ang bahala sayo."
"Salamat rin, Hoseok."
Simula ngayon, Yami, mas proprotektahin na kita lalo na't boyfriend mo na ako ngayon.
Habang pinapakalma si Yami, nay nakita akong dumaan sa di kalayuan at napansin ko nanaman ang pamilyar niyang mukha. Si Saeyoung. Pero ngayon, kay Yami siya nakatingin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top