m17: yes 🐈
"No?" Tanong ko sa kanya. Malay niyo mali lang ang pagkarinig ko o pagkatype diba?
"No. I'm sorry, Hoseok." Sabi niya at tumingin sa baba. Shet, ang sakit. Feeling ko gusto ko nang maiyak ngayon sa sobrang sakit.
"Bakit, Yami?" Tanong ko sa kanya habang pinipigilan ang luha ko.
"Kasi ayoko maging boyfriend ka. Gusto ko maging asawa ka na kaagad!" Masaya niyang sabi at biglang natawa. "Kinabahan ka noh? Syempre joke lang yun, Hoseok. Yes talaga ang sagot ko."
"Ha?" Ang tangi kong nasabi sa sobrang pagkabigla. Parang kanina halos mamatay na ako, ngayon halos gusto ko nang tumalon mula dito dahil sa sobrang saya.
"Oo nga, Hoseok. Payag ako maging girlfriend mo! Sobrang saya ko kasi ngayon, gusto ko nang pakasalan ka, hehe." Nahihiya niyang sabi kaya niyakap ko nalang siya kaagad.
"WAAAHHH! YAMI! NAKAKABANAS KA! MAGPASALAMAT KA MAHAL KITA!" Sigaw ko bigla kaya napatingin yung ibang tao na nakasakay rin sa ferris wheel. Bahala sila, basta ang alam ko ay sobrang saya ko ngayon.
"Huwag ka sumigaw, Hoseok." Sabi niya habang tumatawa.
Bumaba kami sa ferris wheel nang matapos at napagdesisyunan na kumain. Nang matapos ay dumiretso na kami pauwi dahil kailangan niyang umuwi nang maaga kung hindi ay lagot siya sa pamilyang kumupkop sa kanya.
"Ah, hanggang dito mo nalang ako ihatid, Hoseok. Salamat." Sabi niya na huminto sa di kalayuan sa kanilang bahay.
"Ayaw mo bang ihatid kita sa inyo? I mean doon sa harap nalang mismo ng bahay niyo." Tanong ko sa kanya.
"H-huwag mo gagawin yun, Hoseok!" Natatakot niyang sabi sa akin na ipinagtaka ko kaagad. "Dito nalang talaga, salamat. Yung gamot mo, Hoseok ah."
"Ah sige, sabi mo eh. Salamat rin." Niyakap ko naman siya at hinalikan sa noo bago siya kumaway sa akin at naglakad na papunta sa bahay niya. Pinanood ko muna siya na makapasok bago ako naglakad pabalik.
Dumiretso na rin ako sa amin at agad na humilata sa upuan namin sa sala.
"Oh, Hoseok. Musta date niyo?" Tanong ng kapatid ko nang makita ako. Noona ko lang rin naman ang nakakaalam sa ngayon. Hindi naman sa wala akong balak na sabihin sa nanay ko, baka mabigla kasi.
"Date?!" Napalingon kami ng noona ko sa likuran at nakita ang nanay namin.
"Ma, nandiyan kayo?!" Sigaw ko. "Noona, akala ko ba wala si mama?!" Sigaw ko naman sa kapatid ko.
"Ma, akala ko tulog kayo sa taas?!" Sigaw naman ni noona kay mama.
"Akala niyo lang yun." Sabi niya kaya wala na akong nagawa kung hindi magkwento sa kanya. Kilala ko naman si mama, alam ko namang suportado niya ako palagi. Baka bigyan pa nga ako nito ng condom kapag sinabi kong may syota na ako eh.
Joke. Ano yung condom? Hehehe.
Kinabukasan, naisipan ko na makipagkita muna sa mga kaibigan ko lalo na't miss ko na ang kaguluhan at kaingayan nila.
"Uy brad!" Bati ko sa kanila nang makita at hinampas sila sa kanilang mga likod.
"May nagsasalita ba?" Tanong ni Jin habang naghahanap kunwari.
"Wala naman. Bakit?" Sagot ni Yoongi sa kanya.
"May narinig kasi ako." Sabi ni Jin na biglang ikinatakot nila kuno.
"Hala?! Tatlo lang naman tayo dito ah. Ikaw Jin, si Yoongi tapos ako." Sabi ni Namjoon na tinuro ang lahat maliban sa akin.
"Oy!" Sigaw ko at nagulat nanaman sila kunwari kaya natatawa nalang ako sa kanila.
"Shit! Narinig ko na rin yata yung sinasabi mo, Jin!" Sabi ni Yoongi. "Wow, ramdam na ramdam ko na yung November." Dagdag niya kaya pinagbabatukan ko na silang lahat.
"Gago kayo." Sabi ko habang natatawa.
"Oy, nanakit na yung multo!" Sabi ni Namjoon bago ako batukan pabalik sabay tawa.
"Uy Hoseok, nandiyan ka pala." Sabi ni Jin sabay akbay sa akin. Sumama naman si Yoongi at sumunod na rin si Namjoon kaya pinagtutulak ko sila isa-isa.
"Ba't kayo ganyan sa akin?" Tanong ko sa kanila habang tumatawa kaming lahat.
"Porket nagkasyota ka lang, kinalimutan mo na kami! Siya na palagi mong kasama! Nagseselos rin ako, Hoseok ano ba! Este kami, nagseselos rin kami!" Sabi ni Yoongi na binato bigla yung pula niyang bandana na nakatali sa noo niya.
"Awe, kayo guys ah. Ang babakla niyo." Sabi ko at natawa. "Namiss ko rin kayo, don't worry." Dagdag ko sabay finger heart sa kanilang lahat.
"Speaking of bakla, may kumakalat na balita sa school ah. Bakla raw si Taehyung? Totoo ba yun, Hoseok? Tutal ikaw yung kapitbahay non." Tanong ni Jin.
"Basta chismis eh noh, ang bilis mo makakuha. Pero kapag sa mga lessons natin wala kang mapulot ni isa." Pambabara sa kanya ni Namjoon kaya biglang nagdab si Yoongi. Tangina.
"Oy! Grabe ka! Meron kaya! Huwag mo ako kausapin Namjoon, nyeta ka!" Nagtatampong sabi ni Jin. Napailing nalang ako sa dalawa.
"Oo yata. Naghalikan silang dalawa nung hybrid niya sa harap ko eh." Napaubo naman bigla silang lahat. "Tangina, huwag niyong sabihin sa akin na naghalikan kayong tatlo?!"
"Gago hindi!" Sabi ni Namjoon.
"Eh kayo ba ni Yami, kamusta?" Tanong ni Jin sa akin. Kaya mahal na mahal ko mga ito eh. Pangalawang pamilya ko na rin sila.
"Kami na."
"OY TANGINA NUNG ISANG ARAW DIRING-DIRI KA SA KANYA TAPOS NGAYON ABA--" Nagwawalang sabi ni Yoongi kaya hinamlas siya ni Namjoon nang malaks kaya natauhan kaagad.
"Pero ewan ko, ang dami ko pang hindi alam sa kanya. Parang ang dami niyang tinatago sa akin." Sabi ko sa kanila nang malungkot.
"Edi tanungin mo siya." Sabi ni Namjoon na ikinatuwa ko ng sobra.
"Ba't di ko naisip yun? Shet Namjoon, salamat. Di ko alam ang gagawin ko kapag wala ka sa tabi ko." Masaya kong sabo at niyakap siya nang mahigpit. "Sige, mauuna na ako ah!" Pagpapaalam ko sa kanila at agad na dumiretso malapit sa bahay nila Yami.
Gustong-gusto ko malaman kung bakit ayaw niya akong ipakita sa pamilya niya. Kung sino mga kasama niya simula nung naging hybrid siya.
Sinuot ko ang sumbrero ko at unti-unting lumapit sa bahay nila. Sumilip muna ako kung may tao ba sa labas at maswerteng wala naman. Dire-diretso akong naglakad sa gilid ng bahay nila at sumilip sa may bintana.
May nakita akong lalaki na nanonood ng TV. May katandaan na yung itsura, siguro mga nasa 40's na ito. Ito yata yung tatay.
Sisilip sana ako sa ibang bintana nang makita ko si Yami na naglakad papunta sa harap nung tatay niya yata habang nakatingin sa sahig. Napangiti agad ako nang makita ko siya pero agad naman naglaho yung ngiti ko nang mapansin ang damit niya. Sobrang ikli.
Di ko alam kung bakit o ano ang nangyayari, pero imposible ang nakita ko. Hinahaplos ng tatay niya yung pisngi niya na parang...
Parang isa siya sa mga babaeng sinosyota niya. Na haplos na hindi para sa isang anak. Tangina, ano ito? Incest?!
Pero halata naman na ayaw ni Yami. Napansin ko na bigla siyang umiiyak. Yung iyak na halatang ayaw niya yung nangyayari.
Di ko alam. Pati ako naguguluhan. Gusto ko nang pumasok sa loob ng bahay nila at suntukin kung sino man ang lalaking yun. Gusto ko siyang tanungin kung ano ang nangyayari. Gusto kong magalit, umiyak, hindi ko alam.
Di ko alam ang susunod na nangyari. Ang alam ko lang ay nakatulala ako sa nakikita ko ngayon at di napansin na nakatingin na sa akin si Yami na ikinabigla namin parehas.
"Sino ka?" Biglang sabi ng isang babae sa aking likuran.
***
Hi, I just want to tell na ang magigung topic ng mga susunod na chapters ay medyo mabigat hehe. I'm actually putting some issues within the community na hindi masyado nabibigyang pansin sa mga latest stories ko and later you'll find out kung ano mga yun. I want to spread awareness about it.
So please be open minded, thank you.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top