m16: carnival 🐈

"Matulog ka muna." Sabi ko kay Yami at pinahiga muna sa balikat ko. Tumango naman siya sa sinabi ko at sinunod ang utos ko.

Ilang linggo na rin simula nung huling update ni otor kaya dapat magfast forward na rin daw tayo sa oras. Joke lang.

Ilang linggo na rin ang lumipas kaya naman ngayon sembreak na namin. Isang linggo lang kaya sinusulit na naming lahat. Tulad namin ni Yami. Niyaya ko siya na lumabas kami lalo na't di kami masyado nakakapasyal dati.

Saka balak ko na rin siyang tanungin kung pwede ko na ba siyang maging girlfriend, hihi. Kinikilig ako, ano ba.

Nang makarating na kami sa destinasyon naman, unti-unti ko siyang ginising.

"Yami, gising. Nandito na tayo." Sabi ko habang ginagalaw siya nang kaunti.

"Mhm?" Tanong niya na unti-unting dinidilat ang mata.

"Nandito na tayo." Sabi ko ulit kaya naman bigla siyang napaupo nang maayos sa upuan na dilat na dilat ang mata. Nahulog rin yung hoodie na nakatakip sa ulo niya kanina kaya lumabas yung tenga niyang pusa.

"Ha?! Nandito na tayo?! Tara na!" Sabi niya na halata ang pagiging excited. Pinauna ko muna siyang bumaba dahil nagbayad muna ako sa driver.

"Enjoy sa date niyo, Hoseok ah." Sabi nung driver kaya napakunot ako ng noo sabay tingin sa kanya.

"Paano mo nalaman pangalan ko? Stalker ba kita?" Tanong ko kaya tumingan siya pabalik sa akin.

"Grabe ka, nagpaplastic surgery lang ako, hindi mo na ako kilala. Janitor ako sa school niyo dati sa Ikaw Lang Sapat Na! Si Marlou 'to! Xander Ford na ngayon. Pogi ko na noh?" Sabi niya sabay taas ng kilay sa akin.

"M-marlou?" Tanong ko. Tangina, baka masapak ito ni Yoongi.

"Oh yes, Hoseok. Pero Xander Ford na nga ako ngayon. Gusto mo ba sa--" Di ko na siya pinatapos sa sasabihin at bumaba na ako kaagad sa taxi.

"Tangina, keep the change. Huwag ka na ulit magpapakita sa akin hinayupak ka. Ginigigil mo ako. Alis na!" Sabi ko at sinara ang pinto ng taxi.

"Sino yun?" Tanong ni Yami sa akin na suot na ulit ang hoodie ng jacket niya.

"Ah yun? Wala, extra lang raw para humaba ulit yung chapter." Sagor ko sabay ngiti sa kanya. Tinanggal ko naman yung hoodie na suot niya at pinasuot sa kanya ang sombrero na suot ko.

"Para saan ito?" Tanong niya habang inaayos ang pagkakalagay ko.

"Ang init-init, nakajacket ka." Natawa naman siya sa sinabi ko at tumango. "Tara na nga." Sabi ko at hinila na siya papasok ng isang carnival.

"Wah, Hoseok. Ang ganda dito!" Masaya niyang sabi habang tumitingin sa paligid at nakakapit sa braso ko. Kitang-kita sa mga mata niya kung gaano siya kasaya at namamangha sa nakikita niya.

"First time mo ba dito?" Tanong ko at tumango naman siya bilang sagot dahil masyado pa siyang naastigan sa mga bagay-bagay na mayroon dito. Bigla nalang niyang hinila ang kamay ko habang may tinuturo.

"Hoseok, ano yun? Kinakain yun? Masarap ba yun?" Sabi niya habang nakaturo sa cotton candy. Tumango naman ako at lumapit doon sa nagtitinda.

"Gusto mo ba?" Tanong ko at umoo naman siya nang mahina kaya binilhan ko siya sabay kurot sa pisngi niya nung inabot ko. "Ang cute mo, nanggigigil ako."

"Thank you!" Masaya niyang sabi at agad na dinilaan muna yung cotton candy. Para talaga siyang pusa na ngayon lang nakakita ng ganto. Baka nga ngayon lang talaga.

"Sigurado kang ngayon ka lang nakapunta sa isang carnival?" Tanong ko ulit.

"Siguro. Wala akong matandaan sa nangyari sa akin dati diba?" Sagot niya habang nakangiti. Sasagot sana ako nang magsalita siya ulit. "Wah, Hoseok! Ano yun?! Gusto ko matry sumakay doon!" Sabi niya at tinuro naman yung roller coaster.

Napalunok naman ako nang palihim. Shet, takot ako diyan. Takot ako sa mabilis ang andar at sa matataas na lugar. Feeling ko mamamatay ako kapag sumakay ako doon.

"S-seryoso ka ba Yami? Hehe." Tanong ko. Gagi, ba't ako nauutal? "May ibang rides naman dito tulad ng..." Napatingin naman ako sa paligid at mas lalong kinabahan nang makitang purong nakakamatay sa akin yung mga rides na nandito.

"Tulad ng?" Tanong niya na nag-aantay sa isasagot ko. Hindi naman kasi pwede yung vikings, horror house o yung bump car. Nakakabawas lalaki at pogi points kapag nakita niya akong tumitili dito.

"Ng carousel at ferris wheel. Hehe." Sagot ko. Ba't ko pala sinabi yung carousel, pambata nga pala yun. Wala na Hoseok, failed ka ngayon.

"Ano yun? Hindi ko alam yun eh, sorry." Sagot niya. Oo nga pala, first time niya dito. "Pero Hoseok, gusto ko talaga doon. Pwede ba? Please? Tapos doon na tayo sa ride na sinasabi mo pagkatapos." Sabi niya ulit sa akin at wala na akong nagawa kung hindi pumayag.

"Sige na nga." Sabi ko na ikinatuwa niya ulit nang sobra. Pumila naman kami kaagad habang nagdadasal ako nang tahimik. Kung mamatay man ako ngayon, ang mahalaga ay kasama ko si Yami. Amen.

Nang kami na ang sasakay, halos manginig-nginig akong pumasok. Tangina, ayoko na.

"Excited na ako, Hoseok!" Masaya niyang sabi. Mas lumapit ako sa kanya at humawak sa kamay niya. "Natatakot ka ba?"

"Ha? Ako takot? Hindi ah! Ano 'to, para di ka kabahan mamaya." Sabi ko at tumango nalang siya. Sabay naman umandar yung rollercoaster kaya pumikit na ako ng mata. Mahal ko pa sarili ko huhu.

Bigla ko namang naramdaman yung bilis ng pagbagsak ng ride kaya naman wala na akong nagawa kung hindi sumigaw at tumili.

"PUTANGINAAAAA! GUSTO KO PA MABUHAAAAAYY! AYOKO NAAAAAAA!" Sigaw ko. Pagkatapos ng ilang minuto, nahihilo akong bumaba sa rollercoaster.

"Hoseok, ang saya doon! Gusto ko ulit matry next time!" Masata niyang sabi pero ako nakaluhod na sa lapag. "Hoseok? Hala, ayos ka lang? May tubig ako." Sabi niya.

"Ayos lang ako." Sabi ko. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago kami pumila sa ferris wheel. Pinagtatawanan nalang niya ako kaya natatawa na rin ako.

"Dapat sinabi mo na takot ka." Sabi niya nang makaupo na kami sa loob ng ferris wheel at unti-unti nang gumagalaw.

"Hindi ako takot. Nabigla lang sa bilis." Pagpapalusot ko.

"Hindi kaya, takot ka! Napamura ka nga kanina eh." Pang-aasar nanaman niya sa akin.

"Uy hindi ah. Napamura ako dahil sa saya." Pagpapalusot ko ulit. Pinagpatuloy niya ang pang-aasar sa akin hanggang sa makarating na kami sa tuktok.

"Wah, ang taas! Ang ganda dito! Kita ba dito bahay ko?" Sabi niya nakatingin sa labas. Napangiti naman ako dahil sa pagiging inosente niya.

"Uhm, Yami." Pagtawag ko sa kanya kaya napalingon naman siya sa akin. Tamang oras na ito para tanungin siya.

"Bakit, Hoseok?" Tanong niya habang nakangiti.

"Kalimutan mo na sana yung nangyari kanina doon sa roller coaster kasi nakakabawas lalaki pero kahit na matatakutin ako, sana di mabawasan kung ano ang tingin mo sa akin."

"Hahaha! Hosoek naman eh, syempre hindi. Ikaw pa. Tanggap kita katulad ng pagtanggap mo sa akin." Sabi niya na mas ikinangiti ko. Tinanggal ko naman ang sumbrero na suot niya para makita ko ang tenga niya.

"Yami, pwede ba kita maging girlfriend?" Tanong ko habang nakatitig sa mata niya.

"Hoseok." Banggit niya sa pangalan ko at biglang umiyak.

"Bakit ka naiiyak?" Tanong ko habang pinapatahan siya.

"Hoseok, no. Hindi ang sagot ko. I'm sorry." Sabi niya bigla na tila ikinahinto ng mundo ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top