m14: bonding 🐈
Kinaumagahan, masaya akong bumangon sa kama ko. Ang saya ko, sobrang saya. Ngayon lang ako naging ganito kasaya ulit.
"Good morning, ma! Good morning, noona!" Masaya kong bati sa kanila nang makababa ako galing sa kwarto.
"Luh? Ayos ka lang?" Naguguluhamg tanong ng kapatid ko.
"Oo!" Masaya kong sabi. Natawa nalang silang dalawa sa akin.
"Ay ma, may gamot na pala ako para di masyado maapektuhan ng allergy ko." Sabi ko sabay pakita nung gamot ko.
"Saan ka nakakuha nito? Anong pera ginamit mo? May pera ka? Kailan ka nakakuha nito? Sino nagbigay sayo? Effective ba ito?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin kaya natawa naman ako kaya tiningnan niya ako habang nakakunot ang noo ni mama.
"Ma--"
"O baka drugs ito kaya nagkakaganyan ka? Bawal na gamot ito noh? Umamin ka!" Mas lalo naman akong napatawa sa nanay ko at agad na nagpaliwanang nang tumigil na ako sa pagtawa.
"Ma, pumunta ako sa ospital kahapon kasama si Yoongi okay? Tapos yan yung nirecommend sa akin ng doktor, effective siya don't worry. Hindi siya drugs. Yung pera, ipon ko yun. Okay na po ba?" Pagpalaliwanag ko sa kanya. Tahimik.muna siya nang ilang segundo bago niyang naisipang umimik.
"Oo na, oo na. Kumain ka na diyan." Sabi niya at bumalik na sa ginagawa niya. Nagsimula na rin akong kumain. Ito namang si ate nakatingin sa akin habang nakangiti.
"Ikaw, Hoseok. Hindi ka naman ganyan dati. May tinatago ka ba?" Pabulong niyang tanong.
"Next time, noona." Sabi ko at agad na inubos ang pagkain ko. Nilagay ko naman yung gamot ko sa bag, mamaya ko nalang iinumin tutal mamaya pa kami magkikita ni Yami. Agad naman akong umalis at dumiretso sa university pagkatapos.
Ganun pa rin naman yung umaga ko. Kagaguhan kasama ng mga kaibigan ko, landian sa text kay Yami, nakikipagkulitan kila Taehyung at Jimin at pagkatapos ay uuwi na.
Daily routine, kumabaga.
Bago lumabas ng room ay agad akong uminom ng gamot ko at naglakad na palabas para puntahan kung saan nag-aantay si Yami.
"Yami!" Sigaw ko at kumaway agad sa kanya nang makita ko siya sa di kalayuan. Nagdalawang isip ako kung lalapit ba ako o hindi pero naalala ko na may gamot na nga pala ako.
"Ho--"
"Achoo!" Bigla kong pagbahing kaya nagsorry agad ako sa kanya.
"Ayos ka lang? Kailangan ko bang lumayo agad? So--" Pinutol ko kaagad ang sasabihin niya.
"Hindi, ayos lang ako. Ano lang, di pa yata natutunaw nang maayos yung gamot." Sabi ko sa kanya sabay ngiti.
"Sure ka?" Tanong niya habang nakakunot yung noo niya. Feeling ko nakababa yung tenga niya ngayon. Gusto ko makita yung tenga niyang pusa.
"Oo." Nakangiti kong sabi bago siya pisilin sa pisngi nang mahina at agad naman siyang namula. Mas napangiti naman ako. "Anong gusto mong gawin?" Tanong ko sa kanya.
"Samahan mo ako!" Masaya niyang sabi at agad ko naman nakita yung dalawang pangil niya na matalas. Ngayon ko lang ulit yun nakita pagkatapos ng una naming pagkikita.
"Samahan saan?" Tanong ko.
"September 1 kasi ngayon. Every first month may meeting kaming mga hybrids hehe. Saka birthday ni Jungkook ngayon." Sabi niya.
(Happy 21st birthday, Jungkook! Shet, yung baby natin ang tanda na huhu.)
"Pwede ba pumasok doon yung hindi hybrid?" Tanong ko at tumango naman siya. "Tara."
Hinawakan naman niya yung braso ko kaya kinuha ko yung kamay niya at hinawakan gamit ng kamay ko.
"Sa kamay mo ako hawakan, okay?" Sabi ko at namula nanaman siya bago tumango at nagpatuloy sa paglalakad papunta doon sa venue nila.
Nang makarating kami ay umupo agad kami sa isang pwesto. Tinanggal naman niya yung beanie niya at inayos kaagad ang buhok. Ngayon ko lang rin siya nakita nang ganito.
"Hoseok, may dumi ba ako sa mukha?" Tanong niya kaya natauhan ako. Umiling naman ako kaagad.
"W-wala. Ang ganda mo lang kapag nakaganyan ka." Ngumiti naman siya at nakita ko nanaman yung ngipin niya. Kaagad ko namang nilabas ang phone ko at pinicturan siya.
"Gusto mo ba hawakan yung tenga ko?" Tanong niya na ikinabigla ko pero tumango rin naman ako. Yumuko siya nang kaunti para abutin ko ang tenga niya.
"Ang lambot." Sabi ko habang nakangiti. Ang cute lang nung tenga.
Buti pa yung tenga cute, ikaw hin-- joke hehe. Labyu.
Nakipag-usap muna si Yami sa mga kapwang hybrids niya habang ako naman ay astig na astig sa nakikita ko ngayon.
Sa totoo lang ang daming hybrids dito. May hybrid ng ibon. May pakpak sila sa likod kaya yung iba lumilipad-lipad. Meron din yung aso, parang sa pusa lang din. Merong hybrid ng deer, may mga antler sila. May mga rabbit na katulad ni Jungkook, may bear, may wolf at kung ano-ano pa.
First time ko lang rin makakita ng ganitong karaming hybrids. Ang cute lang nila hehe.
Nagstart din naman kaagad yung program. Ang astig ng community nila, as one talaga sila bilang hybrids kahit iba-iba yung pagkahybrid nila. Kung may problema ba silang kinakaharap, mga concerns nila at gusto nilang iimprove, lahat ng yun nasabi nila.
Sana ganun rin sa tao, yung tanggap ng isa't isa kung sino sila. Yung may concern sa lahat ng citizens. Kung tutuusin, mas tao pa yata silang hybrids kumpara sa amin.
Nang makita namin sila Jungkook at Taehyung, agad kaming lumapit sila.
"Kookie~ Happy birthday!" Masayang bati ni Yami habang pumapalakpak at agad niyang niyakap na mahigpit si Jungkook.
"Thank you!" Masayang sagot ni Jungkook.
"Kookie, happy birthday!" Masaya ko ring bati bago guluhin yung buhok niya. Tumawa naman siya.
"Punta kayo sa bahay namin, maraming pagkain doon." Yaya sa amin ni Taehyung at tumango naman kami.
Sino ba naman ang tatanggi sa pagkain, diba?
Habang nasa bahay nila Taehyung at Jungkook, kumakain at nagsasaya kasama sila, bigla nalang akong bumahing.
"Achoo!" Napatingin naman sa akin ang lahat.
"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Yami. Kaysa sa sumagot, napabahing nanaman ako.
"Achoo!" Pagabahing ko ulit at mayat maya ay naramdaman ko na gusto ko kamutin ang katawan ko. Narealize ko na malapit na maubos ang 3 hours ng pagiging effective ng gamot.
"Excuse me muna." Sabi ko at kinuha ko kaagad yung Kokobop bago lumabas ng bahay nila Taetae at doon uminom ng panibago.
Habang nag-aantay na tanggapin ng katawan ko yung gamot, may napansin akong naglalakad sa katapat na kalsada.
Napatingin naman siya sa akin kaya inaral ko kaagad nang mabuti yung mukha. Lalo na't pamilyar itsura niya.
Nagulat ako nang ngumisi yung lalaki at sinuot bigla yung sumbrero niyang bitbit saka tumingin sa baba habang patuloy na naglalakad.
"Kamukha niya si-- teka. Hindi pwede..." Bulong ko sa sarili at tiningnan siya muli sabay alala ng itsura nung lalaki. Yung balita dati, pwedeng totoo yun.
"Si Saeyoung?" Naguguluhan kong sabi sa sarili at agad na tumakbo papasok ng bahay nila Taehyung.
***
Happy Jungkook Day! 🎉
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top