m12: worried 🐈
Agad ko namang pinatay yung TV nang matapos marinig yung balita. Napatayo ako sa kama ko at agad na finlood ng message si Yami.
Yami, ayos ka lang???
Yami, asan ka na?!?!
Oy, sumagot ka kaagad!!
Please ;_;
Nag-aalala na ako :(
Nag-antay ulit ako nang ilang minuto para sa reply niya hanggang sa narinig ko yung tunog ng cellphone ko kapag may nagtetext.
From: Yoongi
Pakopya hw thx XD..,,!!!!
"Loko talaga itong tanda na 'to." Banggit ko habang nakatitig lang sa message ni Yoongi.
Halos sampung minuto na akong nag-aantay nang makatanggap nanaman ako ng panibagong text kaya nagnadali ulit ako na tingnan yun na nagbabakasaling si Yami na iyon.
From: Yoongi
OY!! uNg HW!!! wAg mue Q iseen..!! Grr!
pakyu ka yoongi, mamaya ka na
may inaantay pa aq
MAY INAANTAY RIN NAMAN AKO NOH!! YUNG HW MO NGA KASI!!!
bAT DI MO KASI GAWIN?!?!
tinatamad ako ehhehe :)
saka send nudes nga pala ;)
Wtf?? Bas2s ka!!
Notes**
Send notes kasi
Autocorrect amp--
gawa ka muna homework bago landi
oh sige na nga, text kita ulit mamaya ah ;)
Napailing nalang ako sa ka-abnormalan naming dalawa ni Yoongi kaya pinatay ko ang phone nang saktong tumunog ulit ito.
"YOONGI, ANO NANAMAN?! KANINA KA--" Napahinto naman ako sa sasabihin ko nang makita ko yung pangalan ni Yami sa screen ko.
Hindi na akong nagdalawang isip at agad na binasa yung mga texts niya.
From: Yami
Hoseok!
Kakauwi ko lang!
Sinabihan kasi ako nila Kookie na wag magbubukas ng phone kapag nasa kalsada :(
Sorry na :(
Ba't ka naman nag-aalala sa akin? Haha
Thank you!
Hindi ko agad napansin yung ngiti sa mukha ko na abot tenga na nang mabasa ang reply niya sa akin.
"Ba't ba ako nagkakaganito?" Tanong ko sa sarili bago ko naisipang magreply kay Yami.
Naalala ko nanaman bigla yung balita kanina tungkol sa pagkakita kay Han Saeyoung at kinabahan nanaman para kay Yami. Sasabihin ko ba ito sa kanya o huwag nalang?
Mag-ingat ka lang palagi
Lalo na sa panahon ngayon
Nag-aalala lang ako sayo.
Patuloy naman kaming nag-usap ni Yami hanggang sa nagkamabutihan at naging komportable kami sa isa't isa. Buong magdamag ay magkausap lang kami at nag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay hanggang sa parehas kaming makatulog.
"Kamusta na kayo ni Yami?" Tanong sa akin ni Taehyung habang naglalakad kami papunta sa eskwelahan namin.
"Kami? Wala namang 'kami' ah!" Sabi ko at tumawa. Huminto naman siya bigla sa paglalakad kaya tumingin ako sa kanya.
"Tinanong ko lang naman kita kung ano na nangyari sa inyo? Kung naging okay na ba kayo, ganun. Ba't ka defensive?" Tanong ni Taehyung sabay galawa sa kanyang kilay bago ako hampasin sa braso.
"Oy, di ako defensive. Nagsasabi lang ako ng totoo." Pagtatama ko sa kanya.
"Weh, utot mo."
"Mabango, amuyin mo." Sabi ko sa kanya kaya umarte naman siya na kunwari ay nasusuka.
"Pero seryoso nga, okay na ba kayo? Wala na kayong galit sa isa't isa?" Tanong nanaman niya sa akin.
"Oo nga. Buong gabi nga kami magkausap eh sa text eh."
"Ganyan nagsimula lolo at lola ko eh." Banggit niya sabay tawa.
"Weh, story maker ka. Pwede ka na maging author." Sabi ko naman may Taehyung.
"Oy seryoso. 2017 nung nagsimula sila magtext sa isa't isa tapos na--"
"2069 na ngayon, Taehyung. 2017 pa yang kwento mo. Magmove-on ka na doon pare." Pagpuputol ko sa sinabi niya at nginitian siya.
"Ewan ko sayo, hyung. Sabihin mo nalang na nagsisimula ka nang mafall kay Yami." Sabi niya bago tumawa at tumakbo palayo sa akin.
Pinanood ko nalang siyang makatakas sa akin lalo na't di ko naman siya hahabulin hanggang sa may umakbay sa akin at nakita si Namjoon.
"Ayos ka lang ba Hoseok?" Rinig kong tanong ni Namjoon pero hindi ko siya pinansin dahil abala ako sa kaiisip ng isang bagay.
"Oy Hoseok." Tawag ulit sa akin ni Namjoon bago ako hampasin sa ulo.
Yung sa taas na ulo.
"ARAY!" Sigaw ko sabay tingin sa kanya nang masama.
"Kanina pa kita tinatawag--"
"Nafafall na ba ako sa kanya?" Tanong ko kay Namjoon na biglang kumunoy yung noo dahil sa akin.
"Ha?" Tanong niya pabalik.
"Hindi, imposible. Ngayon nga lang kami nag-usap tapos mafafall na agad ako?" Sabi ko nanaman.
"Sino kausap niyan?" Tanong ni Yoongi na kakarating lang kasama si Jin.
"Ewan ko diyan, ang wirdo nga ngayon eh." Sagot sa kanya ni Namjoon.
"Lagi naman yang ganyan eh. Jung Hoseok, pakopya na rin sa homework." Sabi ni Jin sabay batok sa akin nang mahina kaya napatingin ako sa kanya.
"Ba't mo ako bina-- uy, nandiyan na pala kayo." Sabi ko sabay ngiti sa kanila bago ko sila isa't isang hampasin nang mahina. "SINO NAMATOK SA AKIN AH?!" Pasigaw kong tanong.
"Ako, bakit? Mangongopya lang ako ng homework eh. Dali na, please." Sabi ni Seokjin kaya wala na akong nagawa kung hindi kunin nalang yung gawa ko at binigay sa kanya.
"Ayun, salamat! Hope at angel ka talaga namin." Sabi ni Jin bago umupo sa upuan na malapit at nagsimula nang mangopya.
Tumabi naman ako sa tabi niya at gumaya na rin sila Namjoon at Yoongi.
Sakto rin naman na tumunog yung phone ko kaya kinuha ko yun at binasa yung text.
From: Yami
Kumain ka nang marami mamaya ah!
Tapos usap ulit tayo mamaya hehehe
Pupunta ako kila Jungkook para makita ka hehehe
Good luck sa studies!
D
i ko naman mapigilan ngumiti dahil sa mga text niya. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang naramdaman na may nag-aalaga sa akin at nagbibigay ng ganitong atensyon.
Ganito talaga siguro epekto ng mga hybrids noh? Kaya nila magpasaya at magpangiti ng kahit sino. Kahit di ka nila amo, lahat ng kakilala nila napapangito nila palagi.
"Wirdo talaga itong si Hoseok oh." Sabi ni Yoongi nang matapos kong magsend ng reply. "Kanina, nagrereklamo. Ngayon naman halos mapunit na yung mukha sa kangingiti."
"Bitter ka lang." Sabi ko kay Yoongi sabay belat sa kanya. Pinakyu nalang niya ako kaya natawa ako.
"Hoseok, paalala lang ah. Hybrid na pusa yang si Yami. Allergic ka sa pusa kaya di kayo pwede maging malapit sa isa't isa nang sobra." Sabi ni Jin sa akin habang tinatapik yung likod ko.
"Alam ko. Kaya nga may text diba?"
"Ayaw mo ba siyang makasama? Yung makakapag-usap kayo nang harap-harapan." Dagdag ni Jin.
"Paano ko naman magagawa yun? Lagi naman akong inaatake ng allergy ko kapag lumalapit siya eh." Reklamo ko.
"Hoseok, pagkakaalala ko may gamot na pwedeng magpababa ng allergens mo kaya kapag nagkaroon ka ng interaction doon sa bagay na allergic ka, di masyado magtritrigger yung allergy mo. Pero makukuha mo lang yung gamot na yun sa doktor mo." Sabi bigla ni Namjoon.
Di ko naman napigilan na mas ngumiti pa dahil sa isang ideya na pumasok sa utak ko.
"Namjoon, samahan mo ako sa ospital mamaya. Maghahanap ako ng doktor na magbibigay sa akin ng gamot na yun."
***
Buhay pa ako omg
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top