m11: text 🐈
Nang makauwi, agad akong tumakbo papasok sa kwarto ko at hinanap ang luma kong phone.
Binilhan kasi ano ni mama ng bago, di ko rin naman alam kung ano ang gagawin ko doon sa luma ko kaya tinago ko nalang muna.
Nang makuha ko na yung lumang phone, agad akong bumababa at lumabas ng bahay.
"OY HOSEOK! HUWAG KA NGANG TUMAKBO SA BAHAY! BATA KA PA BA AH?!" Rinig kong sigaw ni noona pagkalabas ko.
"SORRY NOONA!" Sigaw ko sa kanya at tumawa. Agad naman akong lumapit kay Taehyung na nag-aantay sa tapat ng bahay niya.
"Pakibigay ito kay Yami ah. Turuan mo nalang siya kapag hindi siya marunong." Sabi ko sa kanya sabay abot nung cellphone ko dati.
"Wow, rich kid." Sabi ni Taehyung.
"Wow, Gucci boy." Sabi ko naman pabalik at tumawa siya. "Nandiyan naman number ko, basta alam mo na yun." Pagpapaalala ko ulit sa kanya.
"Oo, ako na bahala." Sambit niya at tinaas ang phone bago pumasok sa loob ng bahay nila.
"Salamat!" Sigaw ko at tumakbo ulit pabalik sa kwarto ko.
"HOSEOK!" Sigaw ng kapatid ko at natawa nalang ako ulit.
Nag-antay ako na makatanggap ng text galing kay Yami sa kwarto pero ni isa ay wala pa ring nakakarating. Sumilip naman ako sa bintana ko kung ano ang ginagawa nila at nakita ko na tinuturuan pa siya nila Taehyung.
Pinanood ko naman sila at di ko maiwasang mapangiti sa nakikita ko. Bakit nga ba ako ngumingiti?
Di rin nagtagal ay tumunog ang phone ko dahil may nagtext sa akin. Agad ko namang binuksan yun at tiningnan kung kanino galing.
Hello Hoseok!~ Si Yami itoooo^^
Yami! May phone ka na haha
Salamat sa phone (^。^)
Nagustuhan ko talaga !!
At least makakapgusap na tayo
Nang hindi naaapektuhan yung allergy ko
Sorry ulit
Huwag ka magsorry
Wala ka namang ginawa
Di mo naman kasalanan na hybrid ka, diba?
Tumingin naman ulit ako sa bintana para makita ang reaksyon niya at napansin ko namang nakatingin rin siya pabalik sa akin habang nakatingin nang malawak.
Kumaway naman ako sa kanya at kumway naman siya pabalik sa akin.
Hoseokie! Uuwi na ako
Mag-ingat ka pauwi sa inyo
Opo hehehe
Text mo ako kapag nakauwi ka na
Kumaway naman siya sa akin at kumaway rin ako pabalik. Nagpaalam muna siya kila Taehyung at Jungkook bago lumabas at nagsimulang maglakad pauwi.
Maya't maya ay nakatanggap ako ng tawag galing kay Taehyung.
["Oy Jung Hoseok hyung, pumunta ka dito sa amin. May pag-uusapan tayo."] Sabi ni Taehyung sa akin sa kabilang linya.
"Bakit?"
["May pag-uusaoan nga tayo."]
["Oo nga hyunggg~ Dali na!"] Rinig kong sabi ni Jungkook na nakikita ko namang patalon-talon.
"May pusa na kakagaling lang diyan sa inyo tapos sasabihan niyo akong pumunta diyan? Seryoso ba kayo?" Pagpapaalala ko sa kanilang dalawa.
["Ay! Oo nga pala hehe. Huwag nalang pala. Miss you, hyung, hehe."] Sabi ni Taehyung sabay kamot sa ulo niya.
["Anong miss you eh magkasama naman kayo palagi! Kapitbahay mo lang oh! Ayon lang siya oh!"] Rinig kong reklamo ni Jungkook habang nakaturo sa akin mula sa bahay nila.
["Oh ano naman? Nagseselos ka?"] Rinig ko namang tanong ni Taehyung kay Jungkook sabay tawa.
["Oo!"] Sagot ni Jungkook na napapansin kong nagtatampo nga.
["Ang baby mo talaga. Halika nga dito sa akin."]
"Oy Taehyung, nandito pa ako. Babain ko na nga yung tawag. Sawang-sawa na ako makarinig ng kaharutan ninyo. Pwe." Sabi ko bago binaba yung tawag at sinarado na ang kurtina ng kwarto ko para di na sila makita.
Humiga ulit ako sa kama ko bago tingnan kung may bago akong text messages pero wala. Napaisip naman ako na baka naglalakad pa siya pauwi. Oo, baka nga. Kakalabas lang rin niya kanina eh.
Yami, nakauwi ka na ba?
Pucha, di ko mapigilan ang sarili ko na di magalala lalo na't mag-isa lang siyang naglalakad pabalik sa kanila.
Nagsisisi talaga ako na bakit ang sama ng turing ko sa kanya dati. Masyado yata akong kinain ng allergy ko kaya pati utak ko takot na takot na makalapit ako sa kanya.
Wala namang masama kung susubukan ko at ngayong nasubukan ko na, hindi ako nagsisisi na ginawa ko yun. Babawi talaga ako sa kanya. Di naman niya deserve na matrato nang ganon lalo na't silang mga hybrids yung dapat respetuhin dito sa mundo.
Yami, nag-aalala na ako :(
Magtetext pa tayo diba huhu
Reply kaagad kapag natanggap ito ah
Kapag nabasa pala
Madami pa akong ikukwento sayo haha
:(
Napatingin ulit ako sa bintana para makita yung kalsada pero iba ang nakakuha sa atensyon ko. Kaysa sa kalsada ay sa bintana ako ni Taehyubg napatingin.
Yakap-yakap niya si Jungkook habang nagtatawanan sila at yung isang kamay naman niya ay inaayos yung buhok nung hybrid niya.
Malaki talaga yung nagbago kay Taehyung nang dumating yang si Jungkook sa buhay niya. Gumana sa kanya yung dahilan kung bakit sila ginawa.
Depressed at mahiyaing tao dati yang kapitbahay ko. Di ko alam kung ano ginawa niyang ni Jungkook, basta dala-dala na siya nung magulang ni Taetae isang araw.
Tatawagan ko na sana sila kaso naisip ko na baka makadisturbo ako sa kanilang dalawa.
TEKA PUCHA. BAKIT NAMAN AKO MAKAKADISTURBO SA KANILA EH LALAKI SILA PAREHAS.
O di kaya bakla sila? Shet.
Wala naman akong problema sa sexuality nila pero tangina, support ko 'to. Love wins mga bebe ko.
Pagkatapos ng ilang minuto ay wala pa rin akong natatanggap na reply galing kay Yami. Kahit na nag-aalala na talaga ako, binaling ko nalang sa iba yung atensyon ko at humiga nalang ulit sa kama ko.
Binuksan ko yung TV at agad na nilipat doon sa channel na purong movies. Nilapit ko nanaman nang di ko magustuhan yung pinapalabas doon hanggang sa may nakakuha ng atensyon ko.
Aksidente ko ulit napindot sa ibang channel pero binalik kaagad nang may marinig akong 'hybrid' na sinabi ng reporter.
"May ilang hybrids na nagsasabing nakita nila si Han Saeyoung, ang lumikha ng mga hybrids, na buhay pa. Dahil dito, nagsimula nanaman mangamba ang kanilang grupo na baka mangyari nanaman ang nakaraan."
***
Pa-climax na tayo sa story mga beshy HAHAHA
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top