m10: talk 🐈

[Yami's POV]

"Jungkook, ayoko nga." Sabi ko sa kanya habang umiiling ako.

"Yami naman eh." Sabi naman niya. Tinitigan ko naman siya. Kanina pa niya ako pinipilit na puntahan si Hoseok doon sa school niya para magsorry uliit.

"Jungkook, alam mo naman yung nangyayari sa tuwing pumupunta ako diba? Malaki galit sa akin ni Hoseok." Pagpapapalalala ko ulit sa kanya. Panglima na yata ngayon.

"Dapat pumunta ka!" Pagpupumilit ulit sa akin ni Jungkook.

"Hindi!" Sabi ko.

"Hindi!" Sabi naman niya.

"Hindi!" Sabi ko ulit.

"Hin--" Naputol naman ang sasabihin niya nang may lumabas doon sa tinitirhan ko.

"Pumunta ka nalang kasi. Hindi naman lalapit yang si Jungkook dito kung may mangyayaring masama diba?" Sabi ni ate.

Hindi ko talaga siya literal na ate, ampon lang rin naman ako dito. Saka nag-iba na rin trato nila sa akin dito. Hindi na katulad nung dati na mamahalin talaga nila ako. Ngayon kasi ginawa nila ako--

"TARA NA, YAMI!" Masayang sabi ni Jungkook na hinihila ako. Natawa nalang ako sa kanya kaya sumunod ako sa kanya.

[Hoseok's POV]

"Hindi na yata yun pupunta." Sabi ko kay Taehyung.

"Pupunta yan." Sagot niya pabalik sa akin.

"Hindi."

"Oo."

"Hindi."

"Oo."

"Eh kung oo edi sana nandito na sila! Tingnan mo oh, halos isang oras na tayong nag-aantay sa wala!" Reklamo ko.

"Mag-antay ka pa."

"Eh Taehyung naman, natatae na ako." Sabi ko sabay hawak sa tiyan ko.

"Ah kaya pala mabaho." Sabi niya kaya binatukan ko siya nang mahina.

"Gago, wala pa ngang tae eh. Di ko pa nilalabas. Ano, nilapit mo ba mukha mo sa pwet ko kaya mo naamoy?" Sabi ko sa kanya at tumawa.

"Oo eh, paano mo nalaman?" Sagot niya sa tanong ko. "Joke lang hehe, asa ka. Ang baboy mo, hyung." Dagdag niya.

"Joke lang rin kasi yun." Sabi ko at natawa naman kami parehas. "Di na yun darating." Pahabol ko bago ako tumalikod at naglakad palayo.

"OY HYUNG, AYAN NA SILA OH!" Sigaw ni Taehyung kaya tumakbo ako pabalik at tumingin sa labas.

"Asan?!" Paghahanap ko sa kanila pero wala akong makita.

"Joke lang, wala pa talaga hehe. Dito ka lang kasi." Sabi niya kaya tinitigan ko muna siya bago ako naglakad ulit palayo.

"OY HYUNG, NANDITO NA TALAGA SILA!" Sigaw niya pero di ako lumingon at naglakad pa rin palayo.

"OY HYUNG!" Tawag niya ulit sa akin. "SERYOSO NA KASI AKO!" Sigaw niya ulit.

Katulad kanina, di na ako lumingon at patuloy lang sa paglalakad. Pwe, paasa yang si Taehyung eh. Di na ulit ako magpapauto kahit ano sabihin niya.

Tag no yung kaibigan mong-- joke lang hehe.

"KOOKIE, YAMI! AYAW NIYA MANIWALA NA NANDIYAN KAYO!" Rinig kong sigaw ni Taehyung. Best actor talaga, tinawag pa kunwari yung dalawa kahit wala naman talaga para lang maniwala ako.

"HOSEOK!" Rinig kong sigaw ng isang babae kaya napahinto bigla ako. Baka si Taehyung lang yun? Hindi, imposible eh. Ang lalim ng boses ni Taehyung eh.

"HOSEOK! SORRY NA!" Sigaw ulit ng isang babae kaya di na ako nagdalawang isip na bumalik doon sa pwesto namin ni Tete kanina.

"Hala, sila nga." Bulong ko sa sarili ko nang makita ko yung dalawa sa labas ng gate namin.

"Ayaw mo kasi maniwala, sasapkin na talaga kita. Sumagot ka na kaya, nag-aantay ng sagot mo oh." Sabi niya kaya natauhan ako bigla.

"h-HELLO?!" Ay wtf, ako kinakabahan? "HELLO!" Sigaw ko sabay kaway sa kanya at kumaway naman siya pabalik.

Gusto ko talaga bumahing pero ewan ko, biglang nawawala eh. Baka iniisip ko lang yun kasi baka matrigger bigla yung allergy ko.

"HOSEOK!" Sigaw niya.

"BAKIT YAMI?!" Tanong ko sa kanya. Di agad siya nakasagot dahil bigla siyang ngumiti nang sobrang lawak at tumalon-talon habang hinahampas nang mahina si Jungkook.

"Ano nangyayari doon?" Tanong ko kay Taehyung sabay tingin sa kanya.

"Kinilig yata?" Sagot niya.

"Siya kikiligin? Sa akin? Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya at napailing habang tumatawa. Binalik ko nalang ang tingin ko sa kanya.

"GUSTO KO LANG MAGSABI NG SORRY!" Sigaw niya ulit habang nakangiti nang malawak.

Hindi ko na rin napansin at nahawaan niya ako ng ngiti niya. Kaya ngayon ay nakangiti na rin ako. Napangiti niya ako nang di ko namamalayan.

"A--"

"Ayan, mag-usap kayo. Nagmumukha na kayong tanga ngayon." Sabi ni Taehyung bigla sabay pakita sa akin ng phone niya.

"Ano gagawin ko diyan?"

"Try mo diyan tumae." Sabi niya habang seryoso ang mukha niya.

"Loko ka." Sabi ko sa kanya.

"Tinawagan ko si Jungkook, ayun oh, na kay Yami na yung phone niya." Sabi ni Taehyung.

Tumingi muna ako kay Yami at kumaway sa akin bago ko kinuha yung phone ni Taehyung.

"Hi." Bati ko sa kanya nang makuha ko na yung phone.

"Meow!" Tunog niya bigla at bigla akong napabahing. "Ay hala sorry! Masyado akong natuwa. Sorry Hoseok! Di ko sinasadya..." Sabi niya habang nakatingin sa akin. Naramdaman ko naman na sincere siya sa sinabi niya.

"Ayos lang." Tangi kong nasagot habang nakatingin sa kanya. Nakangiti pa rin ako sa di ko alam na dahilan.

"Sure ka?" Tanong niya sa akin.

"Oo." Sagot ko naman sa kanya. "Sorry rin. Sorry kung di ganun katino yung ugali ko sayo." Sabi ko naman.

"Hala, huwag ka magsorry! Naiintindihan naman kita kung bakit mo ginawa yun. Saka matagal na kitang pinapatawad. Thank you rin kasi niligtas mo ako nung isang araw saka sa pagkain na binigay mo." Mahaba niyang sabi kaya napatawa nalang ako.

"Alam mo, Yami." Sabi ko.

"Ano yun? May ginawa ba akong mali?" Tanong niya.

"Wala." Natatawa kong sagot. "Ano kasi...hehe."

"Para kang tanga, hyung." Sabi ni Taehyung kaya siniko ko siya nang mahina.

"Ano yun, Hoseok? Kinakabahan tuloy ako." Sabi niya at nakita ko naman siyang tumingin kay Jungkook. Nagthumbs up naman sa kanya si Kookie.

"Pwede ko bang hingiin phone number mo para tawagan kita?" Tanong ko sa kanya habang kinakamot batok ko. Shet, nahihiya ako.

"OH MY GOD! GALAWANG HOSEOK!" Sigaw ni Taehyung. Nakita ko naman na biglang nagtaka si Jungkook dahil sa naging reaksyon ni Taehyung kaya agad niyang nilapit tenga niya doon sa cellphone.

"Phone number ko?" Tanong ni Yami.

"Oo, kung ayos lang." Sagot ko sa kanya.

"Yun yung problema, Hoseok. Wala akong phone." Malungkot niyang sabi habang nakatingin sa akin.

"Wala? Paano? Im-- okay, ganito nalang. Lumapit ka kay Taehyung mamaya, sayo nalang luma kong phone."

"Seryoso ka?" Masaya niyang tanong. Napansin ko naman na tumayo bigla yung tenga niya kahit nakasuot siya ng beanie.

"Oo. Tatawagan kita kaagad kapag nakuha mo na." Sabi ko bago patayin yung tawag at binalik ang cellphone kay Taehyung.

Kumaway ako sa kanya habang nakangiti bago ako umalis at pumunta na sa susunod kong klase.

Mukhang magkakabutihan na kaming dalawa.

***

Hi, June 28 na po. Birthday ko na po hihi. Charot. Gift ko para sa inyo. Labyuuu 💘

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top