🐱 epilogue 🐱
Before niyo basahin, I just want to say na may Jungkook ff na ako entitled 'Kwek-Kwek.' Just check my profile to see it. Tapos balik kayo nang ready na yung feels HAHA
***
[Yami's POV]
"Siguro nagtataka kayo ngayon kung bakit ganito ang set-up namin. Si Hoseok hyung talaga ang mismo na may gusto nito. Yung may malakas na music ng masasaya na kanta. Gusto kasi niya na masaya tayong lahat na ihahatid siya sa gusto niyang puntahan." Sabi ni Taehyung nang nakangiti pero halata sa boses niya na gusto na niyang umiyak sa harap naming lahat.
Si Jungkook naman, katabi ko at patuloy lang sa pag-iyak habang naka-akbay sa akin. Minu-ninuto ay titingin siya sa akin at hihigpitan ang pagkahawak sa akin.
Nagdasal naman muna kaming lahat bago nagsalita ulit si Taehyung. "Pwede na nating tingnan siya, isa-isa. Pumila nalang po tayo." Sabi ni Taehyung at sumunod naman ang lahat. Nang papaunti na ang tumitingin, pinilit ako ni Jungkook na tumayo.
"Ayoko, Jungkook. Parang awa. Ayaw ko siyang makitang nakahiga diyan. Hindi ito totoo!" Sabi ko na patuloy lang na umiiyak. Lumapit sa akin si Taehyung at ngumiti sa akin.
"Yami, inaantay ka ni Hoseok na tingnan mo na siya. Dali na, pasayahin mo na siya sa huling pagkakataon." Sabi ni Taehyung at tumulo na ang luha niya kahit nakangiti siya.
Tumayo naman ako nang dahan-dahan dahil ang hirap tumayo. Tila ayaw gumalaw ng mga paa ko kaya inalalayan ako ni Jungkook na lumakad papalapit sa kabaong ni Hoseok.
Tumingin ako sa kaniya at mas lalong umiyak. Nag-iba na ang itsura ni Hoseok dahil sa ilang araw na lamay sa kaniya idagdag mo ang foundation na nilagay sa mukha niya. Hindi ko aakalaing ito na huling beses na makikita ko siya.
Patuloy lang ako sa pag-iyak bago ko hinalikan ang salamin ng kabaong niya at tiningnan muli siya. "Hoseok, thank you sa lahat. Pinasaya mo ako nang sobra. Mahal na mahal kita. Sana maging masaya ka diyan ah?" Sabi ko at biglang sumimoy ang hangin.
Unti-unting sinara ang kabaong niya at maya't maya ay binaba na ito sa kaniyang hukay. "Bye Hoseok hyung." Rinig kong sabi ni Jungkook bago niya itinapon ang kaniyang bulaklak.
Napatingin naman ako sa mga kaibigan niya at halata sa kanilang mga mata na iyak sila nang iyak sa pagkawala ng kaibigan nila. Parehas lang pala kami.
"I love you, Hoseok. Sorry. Sorry dahil sa akin nangyari sayo ito. Sorry, Hoseok. Sana hindi nalang kita pinangako ng ganun. Hindi ka siguro mawawala ngayon." Naiiyak kong sabi bago ako niyakap ng kapatid ni Hosoek.
"Yami, makinig ka nang mabuti. Wala kang ginawa kaya huwag mong sisihin sarili mo. Kaya ikaw ang hinahanap niya nung gabing nawala siya kasi gusto niyang ikaw ang makasama niya bago siya tuluyang mawala. Ang swerte mo at nakasama mo siya sa huling saglit." Sabi ni ate at tumango naman ako. Pumunta naman kami sa mas tahimik na lugar kung saan wala masyadong tao.
"Ate, ang sakit pa rin kasi eh. Sobrang sakit sa puso. Hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko. Gusto kong sumigaw, gusto kong kalmutin ang sarili ko, gusto kong sumunod sa kaniya. Ang sakit-sakit. Hindi ko kayang mawala si Hoseok." Naiiyak kong sabi at pinunansan naman niya ang luha ko. "Hindi ba kayo nasasaktan ate?" Tanong ko.
"Yami, masakit sa akin. Lalo na't simula pa ng nasa tiyan palang ni mama, kasama ko na siya. Tapos bigla nalang ako mawawalan ng kapatid. Yung taong nang-aasar at nagpapatawa sa akin, yung taong nasasabihan ko ng sikreto, wala na. Wala na siya." Naiiyak na sabi ni ate.
"Pero Yami ganun talaga. May mga taong darating sa buhay mo para gumawa ng mga magagandang alala bago ka nila iwan. Hindi natin masasabi kung iiwan ka nilang buhay sila o patay. Ang mahalaga Yami, panatilihin mong buhay ang taong iyan sa puso at isip mo. Huwag mo siyang kakalimutan, Yami." Sabi ni ate at tumango naman ako habang umiiyak. Ngumiti ulit siya sa akin bago siya bumalik doon sa libing.
Napaupo naman ako sa gilid at tumingin sa langit. "Nakahanda ka talaga para dito noh? Pati ang panahon, nakikisabay sayo." Sabi ko habang nakangiti. Para na akong tanga dito. Dati, siya mismo nakakausap ko pero ngayon yung langit na.
Tinitigan ko lang ang langit bago ko naramdaman ang malakas na ihip ng hangin kaya napapikit nalang ako ng mata. Nararamdaman ko si Hoseok na tila niyayakap ako. Maya-maya ay napaiyak nanaman ako nang mag-isa.
"Meow." Napahinto naman ako sa pag-iyak nang may marinig akong tunog. Tumingin ako sa paligid ko at maya't maya ay nakakita ako ng pusa na lumabas nalang bigla sa harap.
Agad ko namang kinuha iyon at nginitian siya. Kulay puti siya at kasing kulay ng langit ang mata niya. "Meow." Sabi ulit nito at napaiyak nanaman ako.
"Hoseok naman eh. Para sa akin ba ito?" Tanong ko habang nakatingin sa pusa. Katulad kanina ay humangin nanaman nang malakas kaya niyakap ko ito. "Akala ko ba ayaw mo sa pussies pero magpapadala ka sa akin bigla ng ganito?" Pagbibiro ko sa sarili at ngumiti ulit sa pusa.
"Meow." Sabi nito. "Hope. Iyan ang ipapangalan ko sayo." Bulong ko sa pusa bago ako bumalik kila Jungkook.
Kung hindi lang sana ako naging hybrid, buhay pa sana siya ngayon. Dapat nga sa simula palang ay lumayo na talaga ako.
"Meow." Bigla nalang sumulpot nanaman ang pusa kong si Hope nang nakatayo na ako sa upuan at handa nang isabit ang sarili ko. Mas lalo siyang umingay kaya hindi ko na itinuloy ang plano kong pagpapakamatay.
Tama si ate. Papanatilihin ko lang na buhay si Hoseok sa akin at patuloy kong mararamdaman ang pagmamahal niya. Oo, masakit pa rin. Kahit kailangan, hindi mawawala ang sakit sa puso ko. Pero hindi naman ibig sabihin nun na habang buhay akong magmumukmok.
The end.
***
I dedicate this whole story to my little cousin, Faith, who just became an angel last March. Rest in peace, baby. We miss you.
So yung iba kong sasabihin sa author's note na hahaha
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top