MENU

MENU
written by: azhblack

"Kung nakakamatay lang yang pagtingin mo kanina pa pinaglalamayan yang si El-cid sayo." saad ni Ciella na umupo sa tabi ko.

"Ciella! Sino ba naman kasing hindi maiinis sa lalake na 'yan? Mula noong nagsimula ang klase...No-- mula pagkabata lagi na niya akong iniinis!" reklamo ko kay Ciella. "Bakit ba kasi ganyan yang kambal mo?" tanong ko pa.

"Di ka pa naman ba nasanay kay El-cid?" tumatawang saad niya.

"Sanay naman na ako, ikaw ba namang inis-inisin niyang si El-cid mula pagkabata. Pero sobra na kasi ang pang-iinis niya." reklamo ko pa.

"May gusto lang kasi sayo 'yan, kaya nagpapapansin ng ganyan." tumatawang ani pa niya.

"Iww! Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo... Argh... Kadiri..." umakto akong nasusuka sa sinabi niya.

At tumigin ako kay El-cid kita ko rin na nakatingin ito sa akin. Pero nagiwas siya ng tingin, tumayo ito at naglakad palapit sa pwesto namin ni Ciella.

"Ano?" matapang na tanong ko sakaniya.

"Gawin na natin yung research natin sa Ethics mamaya. Magkita nalang tayo sa library mamaya." 'yon lang ang sinabi niya't bumalik na rin sa upuan niya.

"Goodluck, siguradong iinis-inisin ka lang niyan mamaya." saad ni Ciella di na ako sumagot pa dahil pumasok na ang prof namin.

Pasimple akong ngumiti. Syempre kaming dalawa lang ulit ang magkasama mamaya.

Wala akong naintindihan sa mga itinuro ni Prof. Chavez, si El-cid lang kasi ang tumatakbo sa isip ko.

Ang totoo niyan ay nanliligaw na sa akin si El-cid. Charot! Hindi ko naman ikakaila, gusto ko si El-cid. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kaniya. Gwapo, matalino, I like hid sence of humor, mabait rin naman siya, sa iba nga lang. Epal parin kasi siya sa buhay ko. At bonus pa ay may kaya sila sa buhay.

'Yon nga lang epal siya sa buhay ko, hindi ko ba alam kung anong trip niya sa buhay at ako laging ang pinagt-tripan. He's a picture perfect sa ibang tao pero clown siya sa paningin ko.

HUMINGA ako ng malalim bago pumasok sa library. Natulog muna ako, may klase pa naman ata si El-cid. Nagising ako ng may yumugyog sa akin, andito na pala ang epal na di El-cid. May iniabot itong papel sa akin.

"What's that?" tanong ko.

"Dunno? Nakita ko lang dito sa table." aniya.

Kinuha ko 'yon sa kaniya't binasa 'yon. Hindi ko alam kung matatawa pa ako o ano sa nabasa ko.

'Sweswertihin ka sa love life ngayon kapag naging akin ka.'
-Master

"Corny." bulong ko.

"Ano nakasulat?" tanong ni El-cid.

"Nothing. Mag-uumpisa na ba tayo?" tanong ko sa kaniya.

"Labas tayo, don sa may coffee shop tayo sa labas, di tayo pwede mag-usap ng malakas dito." aniya't binuhat ang bag niya at bag ko!

"H-huy!" habol ko sa kaniya. "Bakit binitbit mo bag ko? Akin na nga 'yan." inigaw ko 'yon pero hindi niya binigay.

Wala naman na akong nagawa, hindi nmaan niya ibinalik sa akin yung bag ko. Bitbit niya 'yon hanggang sa makapasok kami sa coffee shop.

"What's your order?" tanong niya.

"Wala akong pera, di ako o-order." sagot ko.

"Okay." aniya lang.

Di mna lang ako pinilit! Pangit mo talaga ka-bonding El-cid! Kinuha ko ang laptop sa bag ko't inis na nag simula sa research namin wala naman ako mapapala kung antayin ko pa siya. Para rin matapos na 'to.

Nang bumalik ito iniabot niya sa akin ang strawberry frappe na lagi kong inoorder dito.

"Ano to?"

"Frappe."

"Libre mo?"

"Oo." tila ba nahihiyang aniya.

Shit! kinikilig ako.

Nag-usap lang kami panandalian at nag-umpisa na rin sa paggawa ng research namin.

"Can you read this?" bilang aniya't pinakita ang papel niya.

"Chicken. Ano na naman bang pa kulo mo dya-" natigilan ako sa pagsasalita ng bigla siyang lumipat sa tabi ko.

"Just read what ever I will write on this paper, okay?" aniya't ngumiti sa akin, parang mahika ang nangyari kaya napatango nalang ako.

"This one?" turo nya sa panibagong sinulat niya.

"Oxygen"
"Counterstricken"
"Acetaminophen."
"Parvenu."
"Inconnu."

Ano na naman ba kasi ang trip niya!

"Last na to, basahin mo ng maayos." nakangiting ani nya at nagsulat.

M-E-N-U

"Menu." sagot ko agad.

"Mali." nakangising ani niya.

"Paanong naging mali yon?" pag poprotesta ko.

"This word read as ME N U." nakangising ani nya.

"Huh?"

"Before you say anything I just want to tell that I like you, Mikayla. And I will court you, whether you lik it or not." seryosong aniya.

"Seryoso ka? Gusto mo ako?"

"Yes. I like you so much, Mikayla."

Shit. My crush just confessed in front of me!

--------
AZHBLACK

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top