Simula

God, medj kinakabahan akong isulat 'tong story na 'to kasi ito yung una kong collab series. nakakatakot maka-disappoint, I will do my best para mapaganda ang story na 'to! I hope you like it. 


SIMULA

ISANG MALAKAS na suntok ang binigay ko sa kaybigan ko ng madatnan ko sila ng Fiancée ko na nags-sex sa loob ng bridal car nito.

"OH MY GOD!! PLEASE CALL HELP!! OWEN!!! STOP IT! OWEN!!!!"

"HALIKA DITONG MALANDI KA! ANG KATI-KATI MO!!!"

"HELPP! HELP US!!"

I didn't care kung ilan pa ang taong tumatawag sa'kin para patigilin ako. All I know is I will fucking kill this fucking bastard for cheating behind my back! Putangina nila!

"Itinuring kitang kapatid, walanghiya ka!!" sigaw ko habang walang tigil na pinagsususuntok ang mukha nito.

"Nilandi niya...ko, Owen! Si Aurora ang may kasalanan!"

Nag-init lalo ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Mas lalong naging mabigat ang pagbagsak ng mga kamao ko sa mukha nito. Wala akong pakialam kung saang parte ng mukha o katawan niya. Sa sobrang bigat ng mga suntok ko, nagasgasan na din ang mga kamao ko.

"FUCK YOU! FUCK YOU! YOU SHOULD DIE, YOU FUCKING MOTHERFUCKER!"

Sinubukan niyang salagin ang mabibigat kong suntok pero ni isa wala siyang nasalag. Sinikmuraan ko ang gago sa huling pagkakataon bago siya binitawan sa lupa. Puno ng dugo ang mukha nito at hindi na maidilat ang kanang mata. Tama lang yan putangina siya. Kulang pa 'yan sa pag-ipot nila sa ulo ko.

Galit kong hinarap si Aurora. Gulo na ang make-up nito dahil sa pinaghalong luha at pawis. Nagngitngit ang loob ko habang nakatingin sa kanya. Paano'y hindi na niya naayos ang gown nitong nakahubad na sa kanya halos, yung buhok nitong nakalugay na...hindi ko napigilang tumulo ang mga luha ko.

"Puta...ngina niyo!!" madiin kong mura dito.

"O-Owen...mag...papaliwanag—"

"Anong ipapaliwanag mo?! Na hindi sinasadyang nahubadan ka putanginang 'to!!!" dinuro ko si Jared.

Inilingan niya ako.

Mariin akong napahilamos sa mukha ko bago marahas na pinasadahan ng hawi ang buhok ko. Napalingon ako sa paligid dahil napansin kong nasa labas na pala lahat ng bisita namin. Yung iba'y nagbubulungan, yung iba naman ay nagpapakita ng disappointment sa nangyayari. Same. I feel disappointed too.

Nasa tabi ko ang mga kapatid kong hinihingal dahil sa pagbugbug kay Aurora.

"Malandi!"

Napahawak ako sa dalawang bewang ko bago tumingin ulit kay Aurora.

"O-Owen...h-hindi ko—"

"Putanginang hindi ginusto 'yan!" Marahas akong huminga. "PUTANGINA, AURORA!! PUTANGINA!! IBINIGAY KO NAMAN SA'YO LAHAT! SAAN PA KO NAGKULANG?!" my voice break.

"Wala kang oras sa'kin," halos pabulong niyang sabi.

Natawa ako ng pagak. "Walang oras?! Wala pa kong oras sa'yo?! Eh, lahat nga ng panahon ko sa'yo ko na inilaan! Lahat ng meron ako ibinigay ko sa'yo! Kelan ako nagkulang sa oras? Nung nagre-ready tayo ikasal? Hindi ba't ako umasikaso ng lahat dahil sa—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa sunod-sunod niyang paghikbi.

"Na-nagbago ka! Pinunan lang ni Jared ang pagkukulang mo sa'kin."

"PUTA!! HINDI PA RIN SAPAT?!! KELAN BA KO MAGIGING SAPAT?!"

Napa-iling ako bago dinampot ang nahulog kong coat. Huminga muna ako ng malalim bago hinarap ang mga bisita anmin.

"Tapos na ang palabas. Pwede na kayong magsi-uwi dahil walang kasalanang magaganap," malamig kong ani.

Napuno ng singhapan ang paligid pati si Aurora ay napasinghap.

"Owen! Hindi magpapakasal tayo! Mahal mo 'ko, 'di ba? Owen! Pag-usapan muna natin 'to!!" nagmamakaawang anito saka kumapit sa braso ko. Iwinaski ko ang hawak niya sa'kin.

"Nakakadiri ka kaya huwag mo kong hahawakan," bulong ko dito.

"Owen, baka naman nabibigla ka lang. Hayaan mong magpaliwanag ang anak ko," ani ng Mama ni Aurora.

Nilingon ko siya. "Anong paliwanag pa ho ang gusto niyong pakinggan ko? Kung paano siya nag-enjoy sa pakikipag-sex sa kaybigan ko?!" sigaw ko dito.

Natahimik ang matanda at nag-iwas ng tingin. Binalingan ko siya.

"Kaylan niyo pa 'ko niloloko? Gaano niyo na ko katagal iniiputan sa ulo?" malamig kong tanong.

Naging mailap ang mata niya sa'kin.

Mariin akong napapikit bago malutong na nagmura. Hinawi ko siya palayo sa'kin dahil hindi ko alam ang pwede kong gawin. Binigyan ko siya ng nandidiring tingin.

"Nagsisisi akong minahal kita."

"S-sorry...h-hindi ko naman ginusto. Pinilit niya lang ako."

"Ha! Ako pang namilit sa'yo?! Ikaw ang gumapang sa'kin nuong birthday ni Owen! Huwag ako ang sisihin mo!" pagtatanggol naman ni Jared sa sarili.

Umawang ang labi ko. B-birthday? Birthday ko. Kaylan? Anong taon?!

Muling rumagasa ang luha sa mukha nito pero hindi tulad noon. Wala na kong maramdaman habang nakatingin sa kanya. Wala na yung urge ko para punasan ang luha nito.

"Ang kapal naman ng mukha mong malandi ka!!" sinugod ng sampal ng panganay kong kapatid si Aurora.

"Dhara!"

"Sige lang, Dhara-babe. Sampalin mo kulang pa 'yan," gatong ni Venus dito.

Pinabayaan kong harapin nila ang cheater na 'yon bago 'ko ibinalik ang tingin sa mga bisita. Pagkatapos no'n ay tumalikod na 'ko. Malamlam ang matang nakatingin sa'kin si Jared. Inilingan ko siya bago binigyan ng hulik sapak na nagpabagsak na naman sa kanya. 'Di ko ininda ang sakit ng kamao ko.

Nang makalapit ako sa kotse ay pinagsisipa ko ang gulong sa harap.

"Fuck! Fuck! Fuck! Fucking asshole! Cheater! Fuck you all!! Fuck you!!" I couldn't stop myself from cursing and kicking the fucking tire.

"Owen—"

"Ate, let them go home. Contact the organizer bayaran niyo kung hindi na maca-cancel," malamig kong utos na hindi tumitingin sa kanya.

"Saan ka pupunta?"

"Kakasuhan natin ang dalawang 'yon—"

Nilingon ko sila. "Let them be. I just don't want to be associated with them."

Ipinikit ko ang mga mata ko at saka huminga ng malalim. Kinalma ko ang loob ko bago tumayo. Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at pumasok sa loob. Binuhay ko ang makina at tumingin sa rearview mirror. Napamura ako ng malakas. Dahil puro siya lang ang nakikita at naalala ko sa bawat sulok ng kotse ko.

Imbis na pausarin ang kotse para makaalis na ay pinatay ko ulit ang makina. Ibinulsa ko ang susi. Tumingala ako para pigilin ang luhang nagbabadyang bumagsak. Naglakad ako palayo sa simbahan. Palayo sa akala kong makakasama ko sa panghabangbuhay. Nakapaloob ang dalawang kamay ko sa bulsa ng suot kong slacks. I walk away like nothing happened. Like nothing break me. 



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top