Ikawalong Kabanata
IKAWALONG KABANATA
HINDI KO alam kung paano ako naka-uwi. Dumeretso ko sa may bar counter. Binuksan ko ang bagong alak na kalalagay lang saka ako pumuwesto sa may sala. Ipinatong ko ang bote sa center table at tumayo. Nagpabalik-balik ako ng paglalakad sa sala habang walang pagod na nagsasalin ng alak kapag nauubos ang nasa baso ko.
Walang laman ang utak ko kundi ang mga larawan na iyon. Labas masok sa tenga ko ang sinabi ng private investigator ko kanina sa'kin.
Their relationship started when you had a vacation trip in Malibu in 2018, Sir. At first, they dated a few times but since you have a busy year in 2020-2021 because of the problem to the factory. Mas dumalas ang pagkikita nila. Kung noon, halos isa o dalawang beses isang linggo. Naging madalas na minsan ay tatlo hanggang apat na beses sa isang linggo.
Madalas rin silang mag-out of the town vacation trip. Napag-alaman kong yung ibang gigs na modelling ni Ms. Corazon ay cancelled. They went to different places to date.
Pagak akong natawa.
Ang galing rin naman talaga nilang dalawa. Nagawa nila akong lokohin ng ilang taon. Tatlong taon. Three fucking years and wala akong kaalam-alam doon.
Hinagis ko ang basong hawak ko sa pader.
"FUCK YOU ALL! PUTANGINA KAYO!!" gigil kong sigaw. Sobrang sakit sa dibdib. Ilang taon kong kaybigan ang tarantadong 'yon. Kapatid na ang turing ko sa gagong Jared na 'yon pero nagawa pa rin niya kong traydurin. Mga walanghiya sila. Ang kakapal ng mukha.
Kahit na umiikot na ang paningin ko dala ng kalasingan ay hindi ako napigil para tawagan ang isang numero. It ring three times before the person to the other line pick it up.
"What?! Did you know what time—"
"Pull out the shares from their companies," malamig kong tugon.
"What the fuck?! Seryoso ka ba?" gulat na tanong ng kabilang linya.
Mindlessly. I nodded. "Yes."
"W-why—I mean. No offense but you three build—"
I laughed without humor. "That's why I wanted to withdraw everything. It was built because of me. I build that alone. Ako ang nagtiyaga para sa business na 'yon. Mabuti nga at aalisin ko na lang ang shares ko't hindi sila mismo ang papalayasin ko."
"Ha? Napaka-mapagbigay mo naman pala, lodi. Isa kang alamat!" ang-aasar na sabi nito.
Ngumisi ako. "What? Mapagbigay? Nah, hindi lang nila deserve ang pera ko. Isa pa. kapag nalaman ng ibang investors na umalis na ko do'n ay magsisisunuran silang mag-pull out."
"Shit! Your such a bad guy."
"Because they made this monster," nagtatangis kong ani bago binaba ang telepono. May kakaibang satisfaction akong nararamdaman sa isiping babagsak sila. Hindi pa sapat iyon pero sa ngayon mapapagtiyaan na dahil sinisiguro kong sa susunod kong galaw ay mawawala sa kanila ang lahat.
Nakangiti akong nagsalin ng alak sa baso ko. Inisang lagukan ko ang alak na sinalin. Hanggang sa ilan pang sandali ay tinamaan na ako ng alak. Humiga ako sa couch at ngumiti. Ipinatong ko ang alak sa tiyan ko habang inaalala ang nakaraan.
Aleeza's POV
"TEACHER ALEEZA!!!"
Muntikan na akong mapatalon sa kina-uupuan ko ng marinig ang matinis na sigaw ng pangalan ko. Mabilis hinanap ng mga mata ko kung saan nanggaling ang boses. Huminto ang paningin ko sa may harapan. Kung saan ang aking huling estudyante para sa semester na ito. Nakatayo sa ibabaw ng lamesa si Mikaela habang ang mga classmate niyang si Faith, Luigi at Russel ay nasa ibaba.
Tumayo ako sa kina-uupuan ko saka sila nilapitan.
"Mika, baba ka diyan baka ka mahulog," sabi ko habang inaalalayan siya.
Nginusuan ako ng bata sabay turo sa mga kaklase. "Sila kasi Teacher! Hinahabol nila ako!" pagsusumbong pa nito.
Natatawang ginulo ko ang buhok nito. Tiningnan ko ang ibang mga bata. Nakanguso sila at nakayuko. Akala yata nila'y papagalitan ko sila.
"Teacher, kasi siya nakikipaglaro tayo nung taya siya ayaw niyang magtaya kaya ginawa namin hinabol na lang namin sya," ani Faith habang nakatingin sa'kin.
"Saka Teacher. Inde naman namin siya ni-aaway!" dagdag pa ni Luigi.
"Konti lang!" dugtong naman ni Russel na inililiit pa ang mga daliri. Ipinapakita sa'kin kung gaano kaunti ang konti.
Napa-iling na lang ako. Ang mga kabataan talaga ngayon. Hindi ko malaman kung tumatalino ba o kumukulit. Nag-squat ako para magkapantay-pantay kami. Binigyan ko sila ng isang warm smile para hindi matakot.
"Alam niyo kasi, kids. Dapat fair tayo ha." Nilingon ko si Mikaela. Hinawakan ang kamay niya. "Mika, when its your turn as a taya, you should play as taya. Hahabulin mo sila, hindi yung puro sila ang hahabol, okie?" The little girl give a small nod. Binalingan ko naman ang tatlo. "Kayo naman, hindi solusyon yung asarin o inisin ang kalaro kapag ka ano. Dapat ay kausapin niyo siya ng maayos para makakaintindihan kayo," pangaral ko.
Kapag ka talaga teacher ka hindi ka lang basta-basta guro. Ikaw rin yung Nanay, Ate, Kuya, Karpentero, Artist and Security.
Kasi ikaw ang Nanay nila na mag-aalaga sa kanila sa loob ng classroom. Ate at Kuya kapag kaylangan nila ng kalaro at takbuhan. Karpentero kapag ka may nasira silang laruan o kaya naman gamit sayo ipapagawa. Artist kasi kapag may kaylangan i-drawing idra-drawing mo para makita at malaman talaga ng mga bata. Tapos security guard-slash-pulis kasi susundan mo talaga yung mga bata at babantayan dahil sagutin mo kapag may nangyaring masama sa kanila.
Hay na ako. Bat ba kasi ako nag-teacher? Pwede namang Nurse na lang o kaya naman Engineer pero hindi. Nag-teacher ang anteh niyo. Akala ko kasi madali lang.
"Okay ba naiintindihan niyo, kids?" tanong ko pagkaraan ng ilang minuto.
Sabay-sabay silang nagsitanguan. Tumayo ako.
"O, siya. Sige na. Maglaro na kayo ulit sa labas. Huwag na lang aakyat sa lamesa ha. Mayroon tayong Monkey Bars. Doon kayo magsitayo, okie?"
"Okay po, teacher!!" sigaw nilang apat bago patakbong lumabas ng classroom.
Sinundan ko ng tingin ang mga bata palabas. Pinanood ko kung paano sila maghabulan ulit sa bakuran ng Angels Dream. Ang saya-saya ng mga bata. Puno ng malulutong na halakhak ang bakuran, sigawan at pati na rin tili ng mga bata. Paano na lang kapag naalis na dito ang mini-school ko? Anong mangyayari sa kanila? Kawawa naman yung mga batang hindi rin mapag-aral ng mga magulang nila dahil sa kahirapan.
Tatalikod na sana ako para balikan ang ginagawa kong lesson plan pero naaninag ko ang isang pamilyar na pigura sa kabilang kalsada. Naningkit ang mga mata ko para makita ko kung siya talaga 'yon.
Ngumiti ako.
Isang linggo na nga rin pala simula ng manligaw ako kay Mr. Hermit. Hanggang ngayon ay natatawa pa rin ako sa sarili ko kapag na naiisip na nanliligaw ako sa kanya. Araw-araw ay nagpapadala ako ng kape o kaya naman bread or cake sa bahay niya. Nang makita niyang sincere talaga ako.
Lumakad ako palabas ng classroom at nagpunta sa may gate. Umiwas ako sa mga batang naglalaro dahil ang haharot nila.
Naunang makapunta sa'kin si Mr. Hermit sa harapan ng gate. Kita ko na agad ang nakakunot nitong noo at sibangot na mukha. Sayang lang yung kagwapuhan niya. Tsk. Palaging nakasibangot kasi. Mahaba na nga yung buhok at mahaba na nga'y balbas ganiyan pa.
"CAN YOU PLEASE...FUCKING PLEASE SHUT THEM UP?!" galit na namang tanong ni Mr. Hermit ng makalapit ako.
Napabuntonghininga ako. Pigil na pigil akong umirap dahil sa narinig.
"Mister—"
"Wala ka ng madadahilan sa'kin, you witch! Shut them off or I will!" may pagbabanta sa boses nito.
Dahil magkalapit ang mga mukha namin at nagsisilbing harang lang ay ang bakal na gate naamoy ko ang hininga nito. Napapikit ako. Umatras ng isang hakbang bago pasimpleng nagpaypay sa ilong ko. He is reeking in alcohol. Again.
"Okay. I will let them—"
"TEACHER ALEEZA!!!"
"SUPERMAN SI CHRISTIAN, TEACHER, TINGNAN NIYO!!!!"
"GALING NI CHRISTIAN!!!"
"WOW!!!"
Napalingon ako sa likod at tiningnan ang sinasbaing superman ng mga bata. Namilog ang mga mata ko at tinambol ng mabilis ang dibdib ko dahil sa nakita.
Nakatayo kasi sa taas ng monkey bars ang bata. Susko! Mabilis kong tinakbo ang pagitan namin at pumuwesto ako sa ibaba. Dahil medyo may kataasan ang monkey bar ay hindi ko ito maabot. Pati ibang mga bata ay akmang gagaya sa kanila.
"Kids! Huwag niyong gayahin si Christian, parang awa niyo na! Stop kayo huwag kayong pumanik!" bilin ko sa kanila. Tiningala ko naman si Christian na ngayon ay tawa pa ng tawa habang nakatingin sa'kin. "Tian-Tian baba ka na diyan, baby!" panghihikayat ko sa kanya pero inilingan niya lang ako.
Kinakabahan na ako dahil kapag bumagsak ang bata sa lapag paniguradong may chance na mabalian ito. At iyon naman yung ayoko.
Bago pa ko makapagsalita ay may humablot na sa braso ng alaga ko. Nanlaki ang mga mata ko sa pag-aakalang mahuhulog ito. Nagsinghapan kaming lahat ng ma-realize kung sinong may gawa noon.
"You stupid kid! Anong sa tingin mo ang ginagawa mo ha?! Di ka lang maingay! Magulo ka pa! Alam mo ba kung anong mangyayari sa'yo kung sakaling mahulog ka do'n?!" galit na pangaral ni Mr. Hermit sa bata.
Mabilis akong pumagitna nang matauhan sa nangyayari. Inilagay ko sa likuran ko ang bata.
"Sir, huwag mo namang sigawan ang mga bata," mahinahon kong paalala.
Namewang ito sa harapan ko't seryosong tumingin sa'kin. Ang mga mata niya na akala mo tumatagos sa buong katauhan ko.
"Miss. Hindi mo dapat hinahayaan na gano'n ang mga bata! Anong mangyayari kapag ka nahulog sila! Kids are stupid! Palagi dapat silang may bantay dahil magugulo sila!" malakas na puno ng diin na sabi nito.
"Nakita mo naman, 'di ba? Palapit—"
"Hindi iyon valid reason para sa kapabayaan mo! And you call yourself a fucking teacher—ni hindi ka marunong magbantay ng bata!" bulyaw niya sa'kin.
Nangilid ang luha sa dalawang mata ko. Pinagdikit ko ng mariin ang mga labi ko para mapigilang kumawala ang luha na gusto nang mahulog. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Naghahanap ng ibang maaring pagbalingan ng mga mata. Gusto ko lang maka-iwas sa kahihiyang pag-iyak sa harapan ng gagong 'to.
Napansin ko ang mga bata. Ang iba sa kanila ay nangingintab ang mga mata. Mukhang natakot rin sila sa pagsigaw ni Owen. Huminga ako ng malalim bago muling sinalubong ang mga mata nito.
"Okay—I'm sorry," paos kong wika bago tinuro ang gate. "Thank you for your help, you can now leave." Maybe I sounds rude but I don't care.
Grabe yung mga sinabi niya sa'kin para isipin ko pa kung anong mararamdaman niya. He should be thankful na gano'n na lang ang ginawa ko.
Bumukas sara ang bibig ng lalaki pero wala namang lumabas na salita doon. Tinalikuran niya lang kami at lumakad palayo. Nang wala na ang lalaki ay pinilit kong maging matatag pero binigo ako ng mga tuhod ko. Bumigay sila kaya ako napa-luhod sa lapag.
Hindi ko alam na umiiyak na rin pala ako. Ngayon lang na-question ang pagka-guro ko. Ngayon lang. Nang isa pang taong hindi naman mukhang tao!
"Mr. Hermit ka talaga!" inis na bulong ko sa hangin bago tiningnan ang mga bata. Naka-luhod rin sila at yung iba'y yumakayap sa'kin. Ginantihan ko sila ng yakap.
"Teacher!"
Nagsimulang mag-iyakan ang ibang mga bata. Miski si Christian ay pumalahaw ng iyak dahil sa takot. Hinawakan ko siya sa braso. Ihinarap sa'kin.
"Okay ka lang b-ba? May masakit sa'yo?"
Inilingan niya ako at niyakap. Gumanti ako.
"Sa susunod, wag ka ng umakyat sa gano'ng kataan Christian! Paano kung mahulog ka?" mahinahon kong pangaral dito.
"Opooooo... sorry pooo!" his voice were shaking from crying.
Tiningnan ko pa ang ibang mga bata. Nginitian ko sila at ginulo ang buhok. Inilayo ko sa'kin si Christian. Pinunas ko paalis ang mga luha niya. Pinakalma ko muna ang mga bata bago sila inayang pumasok sa loob ng classroom. Nang makapasok na silang lahat sa loob ay lumingon ako sa bahay ni Mr. Hermit. Sa second floor ay nakita ko siyang nakasilip sa may bintana. Napansin niya sigurong nakatingin ako kaya mabilis itong umalis doon.
Ikinuyom ko ang mga kamao ko. Kung naging mabait pa ko sa kanya nitong nakaraan, pwes, hindi na ngayon! Gusto pala niya na mag-away kami? Edi, go! Mag-aaway talaga kami! Start pa lang 'to!
Padabog akong pumasok sa loob ng classroom. Ang mga bata ay naka-upo na sa mga upuan nila. Nagpunta ako sa harapan.
"Class, umayos kayo ng upo may sasabihin ako," ani ko na sinunod naman nila. "Ipapasundo ko na kayo sa parents niyo kasi todays is our rest day!"
"Rest day po, teacher?"
"Hindi po ba kapag Saturday and Sunday lang yon?"
"Oo nga po."
Nagbulong-bulungan ang mga bata at nagka-ingay na naman. Hinampas ko ang classboard para mapatingin sila sa'kin.
Matamis akong ngumiti.
"YES! Rest day natin ngayon kasi bukas magpapalaro si Teacher!" malakas kong sabi.
Nagsigawan ang mga bata dahil sa saya.
"YES!!"
"YEHEY LALAROOOO!"
SHEEEESH!!"
"Dadalhin ko yung Barbie ko!"
"Baril-barilan tayo bukas!"
"Osige dalhin ko baril ko!!"
"Ako reen!"
Pinag-krus ko ang mga braso ko sa harapan ng dibdib ko. Pinanood ko ang mga bata na ngayon ay nagkakasiyahan. Akala mo walang nangyaring eksena kanina sa labas. Miski si Christian ay tumatawa na rin ngayon.
Such innocent babies. I wonder kung anong mangyayari sa kanila paglaki nila. I-wi-wish rin ba nilang sana bumalik na lang sa kinder kapag ka hirap na hirap na sila sa pag-aaral ng college? Natawa ako sa naisip pero agad ring nawala iyon ng maalala ko na naman si Mr. Hermit. How can he shout at this little kids? They are kids!
He can talk to them na mahinahon, ipaliwanag kung saan sila nagkamali. Hindi yung sisigawan kasi instead na maintindihan nila—matatakot lang sila hanggang sa magalit na rin. Wala naman kasing nasusulusyunan ang sigawan. Umiling ako.
"Siguro hindi mahal ng mama niya si Mr. Hermit kaya masama ang ugali niya!" puno ng pait kong sabi bago muling humarap sa mga estudyante ko. Napa-atras pa ko dahil nakita ko silang naka-tingin sa'kin.
"Huy! Ano ba 'yan mga kids! Aatakihin ako sa puso sa inyo!" nabiglang sabi ko sabay hawak sa tapat ng dibdib ko.
Ngumuso ang mga bata. "Teacher hindi naman kami mumu, eh! Saka sabi mo Teacher lechon yung nagpapa-atake sa puso ng mga tao," sabi ni Janine.
"Oo nga, teacher!" sang-ayon ni Mary na akala mo talagang nakaka-intindi na.
Sasgautin ko sana ito nang lumapit sa'kin si Brianna. Hinila niya ang laylayan ng damit ko. Bumaba ang tingin ko sa bata.
"Why?"
"Teahcer, sino po si Mr. Hermit?" inosenteng tanong niya.
Napakagat ako sa labi ko. Sasabihin ko ba? Hindi naman siguro masama para alam rin ng mga bata kung sino 'yung hinapuyak na 'yon. Pero 'di baa ko mukhang villain dito? Mamaya magsumbong sila sa mga magulang nila sabihin pa hindi ako nagtuturo ng mabuti at puro kasamaan ng ugali ang alam ko.
Eh, ano naman? Masama naman talaga ang ugali ko. Umupo ako para magpantay ang mukha.
"Si Mr. Hermit siya yung nasa Lord of the Rings na matanda! Basta baby! Hindi mo pa kilala 'yon—"
"Teacher, yung hermit po sila po yung ermitanyo, 'di ba? Yung nasa Ibong Adarna yung nag-ano sa mga Prince kung ano ang dapat piliin na ibon?" inosenteng tanong ng isa sa mga anakis ko.
Tumango ako. "Yes po. Ang Hermit ay isang ermitanyo sa tagalog. Sila yung mga nakatira sa forest tapos yung mga nakasimangot at galit parati—"
"Kagaya po ng mama kanina?" tanong ni Brianna.
Natigilan ako sa tanong nito. Ba't ba kasi ang tatalino ng mga bata ngayon! Nakakaloka!
"YES!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top