Ikapitong Kabanata
IKA-PITONG KABANATA
I SHOUTED when we fell sa sofa. Nasa ibabaw ko si Stephan. Nakatingin kami sa isa't isa. Nakatitig lang sa mga mata ko ang lalaki. Natawa ako.
"Baka naman ma-fall ka sa'kin niyan," pagbibiro ko sa kanya.
Pero mas nangibabaw ang awkward silence nito kesa sa joke ko. Malapit rin kasi ang mukha niya sa'kin na pag gumalaw ako ng masama ay magkakaroon kami pareho ng kahihiyan.
"Huy! Tulala ka na diyan! Nanigas na ba katawan mo?" natatawa ko pang tanong pero walang naging sagot doon.
Naiiling ako sa isip ko. Eto talagang best friend ko. Hindi sanay sa babae. Tinulak ko siya agad na mabilis namang natinag.
Umupo ako at tiningnan siya na para siyang nakakatawang bagay. Wala pa ring kibo ang lalaki.
"Stephan, magsalita ka baka mamaya akalain ng mga kapitbahay mo hianharas kita," joke ko pa pero waley.
Sumimangot na ako. Bakit ba ang hirap kausapin nito ngayon? Ang tino-tino naman niya kanina ah. Hahayaan ko muna siyang magmuni-muni at ma-gather lahat ng thoughts niya. Tumayos ako at naglakad papuntang kusina. Naghugas ako ng kamay. Narinig ko ang yabag ni Steph palapit sa'kin.
"Ano na, accla? Tampururut pa rin?" tanong ko ng hindi siya nililingon.
Natigil ako sa paghuhugas ng kamay ng maramdaman ang mga braso nitong pumalibot sa bewang ko. Ipinatong pa ng loko ang baba niya sa balikat ko. Tiningnan ko siya.
"Ay may payakap si Mayora. Anong meron?"
Umiling siya. Tumaas ang kilay ko. Akma pa kong magsasalita ulit ng maunahan na ko ni Stephan.
"Wala nga, Donya Aleeza! Ligo ka na lang sa taas para maalis ang dumi sa ulo mo. Alam mo naman siguro ang lalagyan mo ng damit, hindi ba?" mahina niyang tanong.
Tumango ako. Humiwalay sa'kin si Stephan. Hinarap niya ko sa kanya. Napalunok ako dahil seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa'kin. Para akong pagkaing nakahain sa pugad ng tigre. Pangiwi akong ngumiti.
Hinampas ko siya sa braso na kina-aww naman nito. Malakas na tumawa si Stephan habang hinihimas ang parte ng braso niya kung saan ako humampas.
"Prank lang! Prank!!!" natatarantang sabi bago tumawa ulit.
Masama ko siyang tiningnan. Siraulo talaga 'tong lalaking 'to, eh. Hindi ko alam kung paano namin natagalan yung isa't isa kasi siya mapang-asar na seryoso, tapos ako yung joker na pikon. Ang weird ng combination, 'di ba?
Binato ko sa mukha niya ang handtowel na nahablot ko sa may ref saka patakbong nagpunta sa hagdan. Mabilis kong tinakbo pataas ang kwartong madalas kong ginagamit kapag nandito ako. Ini-lock ko ang pinto para hindi makapasok ang lalaki—na para bang hindi niya bahay 'tong tinutuluyan ko.
Sumandal ako sa likod ng pinto. Hinabol ang mga hiningang nawala sa'kin dahil sa mabilis na pagtakbo. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Dahan-dahan ay huminga ako at nang kalmado na ang pagtibok ng puso ko't hininga ay umalis na ko sa pagkakasandal. Lumayo ako sa pinto.
Pinakiramdaman ko muna si Stephan, baka kasi mamaya i-prank niya ko kapag nasa banyo na ako. Wala naman yatang gagawin ang lokong 'yon. Kasi kung meron, edi sana kanina pa ko may narinig.
Kampante akong naglakad papunta ng banyo. Buhok ko lang naman ang huhugasan ko kaya okay lang na wala akong dalang extra damit. Inabot ko ang shower saka nilagay sa mahina. Inabot ko yung shampoo at naglagay sa kamay ko. Tapos no'n ginawa ko na lahat ng ritwat para maibalik sa dati ang buhok ko.
*****
LUMABAS ako ng kwarto nang matuyo ang buhok ko. Ikinurl ko na ang dulo nito para maganda. Binigyan ko ng huling tingin ang sarili ko sa salamin bago tuluyang tumabas ng kwarto. Lumakad ako papunta sa may hagdan. Nasa gitna pa lang ako ng baitang ay dinig na dinig ko na ang malakas na volume ng TV. Umiling ako.
"Accla ka ang tagal mong bumaba," ani Stephana habang nakatutok ang mata sa TV.
Umirap ako sa kanya at tumabi. Mukhang okay naman na ang kaybigan ko. Hindi na siya mukhang matatae ngayon. Sumandal ako sa balikat nito na kina-igtad naman ng isa. Nawe-weird-uhan ko siyang tiningnan bago tumingin sa palabas.
"Malamang. Anong gusto mong gawin ko? Mag-ala Flash na wala pang one minute tapos na agad sa ginagawa?" pabalang kong sagot.
Umakbay sa'kin ang braso ni Steph. "Ade, sorry ha! Sorry na! Mga babae talaga!"
"Hmp! Palibhasa kayong mga lalaki nagwiwisik lang sa katawan. Hindi niyo alam ang importance ng hygiene!" ganti ko.
Tinulak naman ako ng lalaki kaya medyo napausad ako sa gilid.
Pinandilatan niya ako.
"Anong walang hygiene?! Aleeza Beatrice Almazan! Baka lang naman nakakalimutan mo! Ako ang nagturo sa'yo kung paano magpalit ng sponge sa paghuhugas ng plato kasi lasag-lasag na 'yung panghugas mo ayaw mo pang pagpahingahin!" sagot rin naman nito.
Namewang na ako. "HOY! Hahaha! Wala sa usapan 'yan ha! Sa katawan lang tayo! Saka totoo naman. Amoy putok ka nga eh!" pagbibiro ko.
Walang sabi-sabing tinaas ni Stephan ang kili-kili niya at inilapit sa mukha ko. Tawang tawa ako habang sinusubukang umiwas.
"Amoy putok pala, ha! Sige amoyin mo!"
"HOY AMBAHO!! SALAULA KA, STEPHAN!!!"
Napuno ng halakhak ang buong sala. Nawala sa isip ko ang mga isipin at napalitan lang ng kasiyahan.
Ilang minuto rin kaming naghaharutan hanggang sa pangapusan at mapagod kaming pareho. Naghahabol akong hininga na tumingin kay Stephan. Hingal na hingal rin ito at panay na pawis sa mukha pero hindi naman nabawasan ang kagwapuhan niya. Medj mukha pa rin siyang mabango.
Si Owen...
Bigla kong naalala ang lalaki.
Kanina'y pupunta ito sa manggahan. Ang ibig sabihin mapapawisan at mapapagod rin ang lalaki. Ano kayang hitsura nito kapag ka tagaktak na ang pawis sa katawan niya? Ano kayang magiging amoy nito? Pumasok sa isip ko ang mga biceps nito kaninang umaga.
Napapikit ako bigla sabay kagat ng labi nang ma-realize kung anong ginagawa. Pinagnanasaan ko ba ang Mr. Hermit na 'yon?! No way!!
"Loka-loka ka, Aleeza! Bakit may papikit-pikit ka pa diyan?! Huwag mong sabihing pinagnanasahan mo ko ha!" isang malakas na tili.
Dumilat ako at masamang tiningnan ang kaybigan ko. Binato ko sa kanya ang throw pillow na nasa tabi ko.
"Baliw! Kahit ikaw na ang huling lalaki sa mundo hinding-hindi kita pagnanasaan!"
Lumayo pa ang lalaki at niyakap ang sarili na parang prinoprotektahan ang sarili sa'kin.
"Anong hindi pagnanasaan—ginawa mo na nga! Grabe hindi ko alam na may hidden desire ka pala—"
"Ikaw ba si Jerry Yan para pagnasaan? Isa pa may asawa na ako. Magagalit si Chris Evans—"
"Toyo may ibang girlfriend si Chris Evans kaya wala ka ng pag-asa do'n!" pambabara ni Stephan sa'kin.
"Eh, ano naman. Andiyan naman si Jerry Yan! Wala yang gf o kaya naman asawa alam mo kung bakit?" may pagmamalaking tanong ko. Hindi sumagot ang lalaki. "Kasi inaantay niya ako maging ready para pakasalana ako—"
"Okay lang 'yan, Aleeza, libre ang mangarap pero minsan sabihan mo ko kung kaylangan mo na ng doctor ha," paalala ni Stephan.
Tinawanan ko siya ng malakas bago hinampas ulit. Gumanti naman ang loko hanggang sa nauwi na naman kasi sa isang harutan.
OWEN'S P.O.V.
"SEÑORITO, kumaunti po ang ani ngayong buwan dahil sa mga peste. Akala ho namin hindi na ulit kakaylanganing mag-pesticides dahil maganda na ang bunga nung umpisa," pagpapaliwanag sa'kin ni Carding.
Sinapo ko ang noo ko. "Bakit ngayon niyo lang sinabi sa'kin? Hindi ba't araw-araw naman akong nanghihingi ng updates?"
Shit. Nagkandaloko-loko na kasi ang Manggahan simula nung nakaraang buwan. Inatake ng mga peste ang lupa ko at sinisira ang bunga ng mga manga. Hindi pa naman namin kakayanin ang ma-short dahil madaming may order nito sa Maynila at kaylangang i-deliver na sa katapusan. Pinatunog ko ang leeg ko.
"Eh, Señorito, akala ho namin kayang solusyunan. Pasensya na ho talaga, Señorito," mahinang sagot ng matanda.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang inis. Lintik na akala 'yan! Andaming nasisirang buhay!
"Ano hong magagawa ng pasensya ninyo?" mariin kong tanong. Nag-iwas naman ng tingin ang pobre at yumuko. Bumaba ang tingin ko sa kamay nitong hawak ang sombrero. Nanginginig ang mga iyon. Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita. "Sa susunod, sabihin niyo sa'kin kahit na maliit na problema."
"Oho. Pasensya na ho talaga," anito.
Sinenyasan ko siyang umalis na agad naman nitong sinunod. Napabuntonghininga ako. Tumalikod ako at tiningnan ang manggahan. Nag-umpisa lang naman ang peste sa taniman noong araw na iyon. Puro kamalasan na ang dinala sa'kin. Umiling ako. Kung bakit ba naman kasi—pinigil ko ang sarili ko.
Imbis na magalit at mag-inom na naman dahil sa sama ng loob ay nagpasya akong lumapit sa mga nagsasaka ng Mangga. Ang iba kasi sa kanila ay nagpapahinga na.
Hindi pa man ako tuluyang nakakasilong sa ilalim ng kubo ay nataranta na ang mga tauhan. Nagsitayuan ang iba at hinayaang walang naka-upo ang left side ng kubo. Tumaas ang kilay ko sa isipan ko.
"S-Señorito...u-upo ho kayo."
"Gusto niyo ho ng tubig?"
"Pasensya na—"
Itinaas ko ang kamay ko para patigilin sila sa pagsasalita. Umupo ako sa bakanteng pwesto at tinuro sa kanila ang upuan. Umupo naman rin sila.
Kauupo ko lang kasi bilang bagong may-ari ng lupaing ito. Sa'kin ipinasa ng Grandparents namin ang pamamalakad dahil may kaalaman naman ako sa business and farming. I have a degree on business management and agriculture.
"Kumusta naman kayo dito?" tanong ko sa kanila.
Nagsingiwian at parang nakahinga ng maluwag ang iba.
"Okay lang naman po, Señorito. Medyo mainit lang ho kaya kaylangang tiyagaan talaga," ani ng isang binatilyo.
Tumango ako. "Ano pa?"
"Bukod po sa sobrang init lang ng panahon wala na—"
"Ano lang, Señorito, yung dagdag tauhan po ba saka benipisyo para sa matatagal ng tauhan ng Manggahan. Kasi ho hindi na rin ho kami bumabata yung ibang gawain ho masyado nang mabigat para sa'min," singit ng isang matanda.
Napatingin ako sa kaniya. Pinagmasdan ko ang hitsura nito. Tama naman siya matanda na nga ito. Binalingan ko rin ang ibang mga kasama namin dito sa kubo. Ang karamihan ng sa kanila ay matatanda na. Sa hula ko'y nasa edad singkuwenta hanggang sisenta ang mga ito. Panahon pa yata ng mang-Lolo't Lola ko'y nandito na sila. Kaya hindi nakakapagtakang humingi rin sila ng dagdag benepisyo.
Tumango ako sa kanila.
"Makakaasa ho kayong pag-iisipan ko ang suhestiyon ninyo, Manong. Iparating niyo na lang kay Mang Carding ang iba pa ninyong hinaing at ipasabi sa'kin. Isa sa mga araw na 'to lahat ng matatandang magsasaka ay titipunin upang kausapin," seryosong sabi ko bago tumayo. Naglakad ako palayo sa kubo.
Bumalik ako sa pick up ko. Mula sa bintana ay kinuha ko sa loob ang cellphone. May tatawagan akong kaybigan sa Manila upang ikunsulta ang gagawin sa matatandang magsasaka. Pero natigil ako ng makita ang kape at isang balot ng pagkain sa may passenger seat.
Yung galing sa teacher.
Umiling ako.
Ano kayang pumasok na hangin sa utak ng babaeng 'yon para bigyan ako ng ganito? Tanong ko sa isip ko. Bigla kong naalala ang babaeng 'yon kanina. Ang aga niyang nagising para bulabugin ako. Naalala ko ang suot nito. Naka-jumper suit na maong ito at may suot na t-shirt. And why the fuck I do remember?! Tsk! Inabot ko ang kape at ininom.
Hmm...masarap naman. Hindi ko alam kung ano pa ang gusto ng babaeng 'yon sa'kin. Nagkalinawan naman na kami. Gusto ko siyang umalis sa lupa ko dahil mas may maganda akong naiisip na gawin do'n. Para na rin mawala yung maingay sa araw-araw.
Naalala ko. Kaylangan ko pang kausapin tungkol doon sina Lolo. Ayokong magsumbong ang babaeng yon one day saying na pinalayas ko siya—which is true na siyang ginagawa ko ngayon.
Natapos ang buong araw ko sa pagche-check at paglilibot sa buong Mangahan, Umuwi lang ako ng bandang alas-sais na rin ng gabi dahil nagsisi-uwian na rin ang ibang mga trabahador no'n. Hindi naging madali ang byahe ko dahil sa bako-bakong daan palabas bago makarating sa main road.
Habang nagmamaneho ay tumunog ang telepono ko. Inabot ko ang phone na nasa dashboard. Sinagot ko ito saka sinuot ang Bluetooth earpiece ko.
"Yes?" malamig kong sagot.
"Sir, I have information about them. I will send my initial report at your mail. You will received it tonight," sabi ng lalaki sa kabilang linya.
Hindi ko na nagawang sumagot dahil rumagasa ang mga alaala sa isipan ko. Nabuhay ulit ang sakit na nararamdaman ko.
Dumiin ang pagtapak ko sa accelerator. I haven't noticed that I'm already speeding too much. The rain pour like it knows that I'm hurting again. Mas lalo ko lang binilisan ang pagpapatakbo. Paulit-ulit tumatakbo sa utak ko ang mga nakita ko nung araw na iyon. Paulit-ulit. Naka-ukit na sa alalaal ko lahat.
Mariin akong pumikit bago madiing tinapakan ang break. Mabuti na lang at naka-seatbelt ako kung hindi ay baka tumilapon ako sa daan. Napasandal ako sa upuan. Hindi ko na hinintay na maka-uwi ako sa bahay. Inabot ko na agad ang cellphone at tiningnan ang email ng investigator ko.
Binuksan ko agad ang email. Sumalubong sa'kin ang iba't ibang larawan bago pa man ang kasal ko. Parang may dumakot sa dibdib ko dahil sa nakita. Even before the wedding. May mga ilan pang larawan akong nakita kung saan nagpaalam sa'kin na may trabaho o model ito sa ibang bansa pero hindi pala.
Magkasama pala silang nagbabakasyon.
Buti pa sila nakakapagbakasyon, samantalang kapag ako ang nag-aaya palagi na lang siyang busy o kaya naman ay ayaw niya sa pupuntahan namin kaya hindi na lang natutuloy.
Sunod-sunod ang pag-scroll ko sa mga pictures hanggang sa huminto ang larawan sa isang picture. I remember this day. Ini-click ko ang picture. Unti-unti, nabasa ang screen ng cellphone ko. Umawang ang labi ko habang nakatingin sa picture. Naghahalikan silang dalawa, kitang-kita at ako? Naka-upo sa may couch sa harapan nila pero nagawa nila 'yon.
Sinapo ko ang mukha ko. Hinayaan kong lumabas lahat ng luhang gustong kumawala. Ano bang mali sa'kin? May hindi ba ko naibigay sa kanya? Saan ako nagkulang para maghanap siya ng iba?
Bakit hindi na lang niya sinabi sa'kin ang problema para nasolusyunan namin. Hindi yung nag-cheat pa siya sa'kin. Hindi yung ipinagpalit pa niya ako sa best friend ko.
Sunod-sunod lahat na lumalabas. Kung paanong magkahawak sila ng kamay. Kung paano ang malalagkit nilang tiningnan. Kung paano nila nagagawa lahat ng iyon na animo sila matagal ng magkarelasyon.
Gano'n na ba ko kabulag at tanga para hindi mapansin ang mga tingin nilang iyon? Para hindi maramdaman ang ginagawa nila sa likod ko?
Galit kong ihinagis ang telepono sa backseat bago pinaghahampas ang manibela ng sasakyan. Lumikha iyon ng mga ingay dahil natatamaan rin ang busina.
Pagod akong nag-lean sa manibela at pumikit.
Ano bang kulang sa'kin? Ano pa? Saan ako dapat bumawi para hindi niya nagawang magloko?
Who says only men break women? Women break men too and they are good at it. They are fucking good at it.
Fuck!
Those promises are lies. Her words are lies. Hindi na dapat ako naniwala sa kaniya. Hindi na dapat ako nagtiwala. Dapat nakinig na lang ako sa nakapaligid sa'kin, edi, sana nasalba ko pa ang sarili ko sa ganitong sa'kin.
Sana nakinig na lang ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top