Ikalimang Kabanata
hiiiii! I'm baccccck!
IKALIMANG KABANATA
"FOR FUCKS SAKE! STOP THAT FUCKING MUSIC AND FUCKING LEAVE MY PROPERTY!!!" nanggagalaiting sigaw nito sa'kin.
Napa-atras ako. Nanlalaki ang matang nakatingin sa lalaki. Sinimangutan ko siya bago inirapan.
"Sir, with all due respect! Wala kang karapatang palayasin ako dito dahil lupa ko na ito! AKIN!" madiin kong sabi.
He laugh without humor as if what I said is a punch line. I shake my head before I talk.
"Sir, I don't know who you are but you are making a scene here. Pwede mo naman akong kausapin nang hindi sumisigaw. Talk like a civilized people," pinagkadiinan ko talaga ang civilized dahil naamoy ko mula dito ang alak sa katawan ng lalaki. Napalingon ako sa mga taong kasama namin.
Puno ng pangamba ang mga mata nila habang pinapanood kaming magtalo. Ang mga batang kaninang masayang naglalaro, ngayon ay halos nakadikit na sa kanilang mga magulang dahil sa takot. Huminga ako ng malalim. This is not what I want for this day.
"If you want, Mister, we can talk to my classroom for our privacy—"
"I don't fucking need your bullshit privacy! What I want is peace! P-E-A-C-E! And I cannot have that when you are here singing and shouting like there's no tomorrow!"
Wow. He is really mad. Yun ang tanging nasa isip ko habang pinapakinggan ko ang sintimiyento. Muli ay tumango ako. What I said about having a neighbors is fuck. Nilingon ko ang mga mag-aayos ng sounds system. Sinenyasan ko silang hinaan ang tugtug bago hinarap ulit ang lalaki. Hindi na masyadong malakas at hindi rin kahinaan ang sounds ng speaker ngayon.
"Is that okay with you, Sir? I'm sorry if we disturbed your sleep or work, hindi po namin intensiyon iyon. Alam ko po kasi'y wala namang nakatira malapit dito sa'min kaya nasanay akong okay lang magpatugtug nang malakas, but now, I already know. We will be considerate po to lower it down," mahinahon kong pagsasalita.
Ang akala ko ay aalis na ang lalaki pagkatapos no'n, pero hindi. Nag-cross arm ito sa harapan ko at parang hindi kumbinsido. Hindi man lang naalis ang matalas nitong mga tingin na parang tumatagos sa kaluluwa ko. Napalunok ako. I swear, this man smells dangerous but I do love red! Pinigil ko ang akmang pagngisi dahil sa naisip na kalokohan.
"No, I've been keeping my cool since the first day I was here! Punong-puno na ako sa ingay mo! Ingat ng mga bata! Ingay niyong lahat! Palagi pang mga nakatayo sa driveway ko 'yang mga yan!" Duro nito sa mga magulang. "All I want you to do is to fucking leave my fucking property! Ialis niyo ang lintik niyong eskwelahan sa lupa ko!" animong hari niyang utos sa'kin.
Tumaas ang kilay ko. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa lalaki. Nauubos na ang pasensya ko sa kaniya! Mura pa siya nang mura!
"Sir, naiinis na po ako sa'yo, ha. May mga bata dito pero mura ka nang mura. Stop na po kasi baka gayahin nila at akalaing tama 'yan! Tapos hindi mo ko pwedeng palayasin kasi sa'kin ang lupa na 'to! Akin! Kaya ikaw dapat ang umalis!" Sorry Lola Cassandra, angkinin ko na muna 'tong lupa mo dahil 'tong damuhong 'to papalayasin ako.
"What are you—you are crazy woman! This is mine! My fucking land! Minana ko pa 'to sa Grandparents ko!" sigaw na naman niya sa mukha ko.
Natigilan ako kasabay nang panlalaki ng mga mata.
"Grandparents?!"
I am shock! May namumuong ideya sa isipan ko at paniguradong walang lusot ang sinabi ko.
"YES!"
Ngumuso ako. Shets, mukhang apo siya nila Lola. Napatakip ako ng bibig. Bigyan natin ng benefit of the doubt.
"Maniwala ako sayo! Ang bait-bait ng dalawang matanda tapos ikaw magiging apo? Eh, ang sama-sama ng ugali mo!" magkahalong di mapaniwala at panlalait na ani ko.
Tiningnan niya lang ako ng masama kaya nakipagtitigan rin ako. Taas noo ko siyang pinakatitigan sa mata niya. Pero nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang siyang humakbang palapit sa'kin. Humakbang ako paatras.
Naramdaman ko na ang mesa na tumama sa pang-upo ko. Sukol na ako.
He leans in to me and tinapat niya ang bibig niya sa tenga ko.
"Don't fuck with me, woman! Leave before I call the police and stop that fucking noise!" mahina ngunit puno nang pagbabantang sabi niya.
Mariin kong naikuyom ang kamao ko nang dumama ang mainit niyang hininga sa tenga ko na nagdala ng kilabot sa'kin.
"Leave or ako mismo ang magpapalis sa inyo."
Pagkasabi niya no'n ay lumayo na siya sa'kin. Tumalikod at umalis na para bang walang nangyari. Napabuntonghininga ako. Mukhang mapapasubo ako ngayon. Napakamot ako sa ulo ko. What should I do? Should I say sorry? No, of course not. He shouted and acted like a fucking king with you tapos magso-sorry ka?! ani ng devil side ng utak ko.
Arghh. I don't know what to do!
Kahit na nasira ang aming 'happy' day sana ay ipinagpatuloy ko pa rin ang event for the children's sake. Ayokong maging bad memory sa kanila 'to pagtanda. Medyo mahina na rin yung speakers namin at sinabihan ko na lang sila na huwag masydong maingay para hindi maistorbo si Mr. Hermit.
Natapos naman ang araw ko na may ngiti sa labi habang pinagmamasdan ko ang mga students ko na nakatayo sa mini stage at nagpi-picture kasama ang mga magulang nila. Lahat kasi ng students ko ay nakasali sa may honors. Walang naiwan kaya super proud talaga ako sa kanila. Nag-picture taking kami ng students ko tapos may isa na kasama yung mga magulang.
Pagdating ng hapon ay nagsi-uwian na rin ang mga tao. Nagligpit na rin ng gamit yung inarkila ko at nagbayad na rin ako. Ngayon ay mag-isa na lang akong nakatayo sa may labas ng gate at nakatingin sa Angel's Dream. Iniisip ko ang sinabi ng lalaki kanina.
Kinakatakutan kong totohanin niya ang banta niyang palayasin kami dito. Saan na lang ako pupulutin kung papalayasin ako dito 'di ba? Saka I already give my all in this place. Leaving this means throwing all my hard works.
*****
"KAUSAPIN mo kaya ng maayos, baka naman mapaki-usapan pa," ani ni Yanna habang naglilinis ng lamesa sa café niya. Dito agad ako dumeretso pagka-uwi ko. Kaylangan ko ng pampakalma. In short, kape.
Nakanguso akong pumangalumbaba.
"Ihhhh! Ayokooooo!!!" mariin kong tutol. "Napak-sungit no'n! Kanina nga akala mo bubugahan na ako ng apoy sa init ng ulo!" reklamo ko pa.
Natigil sa pagpupunas ng lamesa si Yanna, tinaasan niya ako ng kilay bago nagbuntonghininga. Lumapit siya sa'kin.
"Aleeza, you have to, okay? Kaylangang babaan ang pride para ma-sure mong hindi kayo mapapalayas sa lupa na 'yon. Or...mas mabuti pang bilhin mo na lang para sure na talagang sa'yo, right?" she said.
She have a point. But my damn pride won't let me do it! Napa-ungol ako at dumukduk na sa mesa.
"I don't know what to do anymoreeeee!" I said tiredly.
"Alee, you should rest. Baka bukas maka-isip ka na ng solution sa problem mo," she added.
Inangat ko ang ulo ko at malamlam ang mga matang tumingin. Inabot ko ang isang tasa ng kape na in-order ko saka humigop. Inilingan niya ko dahil para bang nabasa niya agad ang nasa isip ko. Malaki ang naging ngiti ko. Bumalik sa paglilinis si Yanna, habang ako naman ay panay ang pagre-reklamo, pagkatapos ay ikinuwento ko sa kanya ang nangyari kanina—kung gaano kasaya ang mga estudyante ko.
Super sarap sa feeling ng makita yung malalaking ngiti ng students mo. Iba sa feeling eh.
Naisip ko yung mga sinabi kanina ni Yanna about sa pagka-usap ko kay Mr. Hermit! Yes, Mr. Hermit na siya sa'kin kasi hindi ko naman alam ang name niya. Huminga ako ng malalim. I will stop thinking na kasi mai-stress lang ang beauty ko, tama na 'to, bukas naman! After that binigyan ako ni Yanna ng take away cake dahil sa last naman na daw 'yon.
Sabay kaming umuwi, hinatid ko siya sa bahay niya bago ako dumeretso sa bahay ko.
"Bye, Yanaaaaaa! Bukas ulit!!"
She wave her hands to me and nginitian ako bago naglakad papasok sa bahay niya. When she closed her door I already started my car, close my window and then drive away. It's almost midnight when I got home. My body is aching from what happened today and all I wanted is to soak in a warm bath.
I go straight to my bathroom, prepare my bath and remove all my clothes and jump into my bath. Habang nagbababad sa ilalim ng tubig ay nag-iisip na rin ako ng pwedeng gawin. Isang oras rin akong nagbabad sa bathtub bago umahon. Robe lang ang panakip sa kahubaran ko nang lumabas ako ng banyo. I went to my drawer and took a nighties and a g-string panty. Mayroong towel na nakapalipot sa buhok ko. Nagbihis ako agad saka lumapit sa kama.
Inabot ko ang laptop sa side table, binuhay ko 'yon saka nagtuloy sa google. sinearch ko ang pangalan nila Lola Cassandra. At nagulat ako sa nakita ko. Inilapit ko ang laptop sa mukha ko para masiguro ang nakikita ko.
Si Mr. Hermit! Oo siya nga to!
Wala lang mahabang balbas at buhok pero sure akong siya 'to dahil sa mga mata niya!
O shitt--di ako makapaniwala. Totoo ngang sa kanya yung lupa. Kinagat ko ang kuku sa hintuturong daliri ko. Anong gagawin ko? Naalala ko lahat ng sinabi ko sa kaya kanina. Baka palayasin nga talaga kami don, nako po.
********
Hindi ko alam kung paano ako nakatulog kagabi. Knows ko lang na nagising ako na late na. Matamlay akong bumangon dahil iniisip ko kung paano makakabawi at makaka-usap ang Hermit na 'yon. Mr. Hermit na ang itatawag ko sa kanya--di dahil sa di ko alam ang pangalan niya pero sa kadahilanang mukha siyang matandang ermetanyo na masungit.
Umupo ako sa labas at pina-ikot ang upuan ko. Dalhan ko kaya ng pagkain? Hmm...baka naman isipin non na lalasunin ko siya. Eh, what if alak? Mukha siyang lasinggero--umiling ako sa naisip. Mamaya kung saan pa mapunta ang sinasabi ng utak ko.
May sarili yatang buhay ang mga kamay ko dahil namalayan ko na lang na nakabihis na ako at nagdri-drive papunta sa Angel's Dream.
Tinapakan ko ang break nang makarating ako sa destinasyon ko. Tumingin ako sa labas ng bintana patungo sa bahay nito. ang creepy tingnan ha. Parang di tao ang makatira--eme.
Lumabas ako ng kotse. Nagpakawala ako ng malalim na hininga.
"Hah! Kaya ko 'to! Ako pa? Kaya ko 'to!" Mahinang bulong ko sa sarili habang naglalakad palapit sa gate ng buwitre.
Huminto ako saka muling huminga ng malalim. I can do this. I really can.
Ihinakbang ko ang mga paa ko palapit sa doorbell at pinindot iyon, tapos umatras ako. Hinawakan kong mabuti ang dala-dalang pie na nabili ko kay Yanna. Syempre, need may dala.
Dumeretso ako ng tayo ng bumukas ang front door ng bahay. Lumabas ang isang hindi kalakihang babae na nakapambahay. Sa tingin ko'y isang kasambahay na dito nagwo-work. Ngumiti ako bilang tanda ng pakikipagkaybigan.
"Good morning ho. Im--"
"Kilala ko na po kayo. Sabi ng Seniorito ay pumasok na daw kayo," malamig na sabi nito bago ako tinalikuran.
Napa-atras ako ng ulo dahil don. Wow. Napaka-cold naman ni Ate mo. Away yata sila ng jowa niya. Umiling ako. Nakakaloka. Sumunod ako sa kasambahay papasok sa loob ng bahay.
Hindi naman bago sa'kin ang bahay, oo nga't matagal na simula ng huli akong nakapasok rito pero naalala ko pa rin ang bauuan. Paano ko makakalimutan kung sa lugar ko na 'to nakuha ang pag-asa para sa munti kong pangarap noon.
Nasa may pinto pa lang ay naamoy ko na ang alak sa paligid. Pasimple akong nagtakip ng ilong sandali pero inalis rin naman.
Ano kayang ginagawa sa buhay ng lalaking 'to?
Huminto kami sa sala.
Nilingon ako ni Ate. Gano'n pa rin ang mukha niya. Cold pa rin. Akala mo naman napaka-sama kong tao, ah.
"Dito ka lang tatawagin ko lang si Señorito, wait lang. Huwag kang gumalaw diyan," bilin ni Ate bago ako tinalikuran.
At dahil masunurin akong bata ay hindi talaga ako gumalaw sa kinakatayuan ko. Steady lang ang tayo ko tapos mata lang ang gumagala.
Ang huling naalala ko sa bahay na 'to ay maaliwalas dahil kay Lola Cassandra, pero ngayon iba na. Bar na yata 'to at hindi bahay kasi mula sa pwesto ko ay kitang-kita ang boxes ng alak. Mukhang mamahalin. Sosyal ha. Red horse lang kasi kaya namin, charot! Hindi ka umiinom, Aleeza, nue ka ba!
Nag-angat ako ng tingin ng makarinig nang mga pabababang yabag. Tumingin ako sa hagdan. Pababa na si Mr. Hermit kasunod ang alagad nito, charot!
Ngumiti ako ng malawak. Ini-ready ko na ang dala kong cake. Eto ang aking alas, eme.
"Good morning!!!" masiglang bati ko sa kanya nang magtapat kami. Itinaas ko ang cake na hawak. "This is for—"
"I don't need that. What do you want?" malamig at straight forward nitong tanong.
Napanguso ako bago tumingin sa kasunod nitong kasambahay. Si Elsa. Dahil she is cold. The cold never bothered me anyway—ayoko na talaga. Corny ko. Kimmy!
"Ate, pakidala nga po sa kusina... thank you!" ani ko ng kuhanin niya at saka umalis. Binalikan ko si Koya mong Hermit.
Deretso sa'kin ang mga mata nito kaya napa-atras ako dahil sa gulat. Ngumuso ako.
"Sungit mo naman."
"Don't care. Why are you here? Sasabihin mo na bang aalis ka na sa lupa ko?" matabang niyang tanong.
Kinunutan ko siya ng noo. Tinuro ko ang sofa.
"Hindi mo ba muna ako papaupuin bago tayo mag-usap? Bisita kaya ako dito," ani ko.
Inirapan niya ako. "Bwisita kamo. Go have a seat," he said before turning his back on me. Lumakad naman ako palapit sa sofa at umupo. Pinanood ko ang galaw ni Mr. Hermit. Nagsasalin ito ng alak sa baso.
Trabaho kaya niya 'yong pagtikim sa alak o talagang isa lang siyang lasinggero?
"Ahm...first, want ko mag-sorry sa hindi natin pagkaka-intindihan kahapon. I know, its disrespectful in both sides—"
"Miss, sorry. But I don't want to hear your sentiments. Say what's your plan on the land and we'll talk."
Naningkit ang mga mata ko pero pinigilan kong mag-taray. Pinilit kong mag-smile kahit ang hirap-hirap.
"Okay." Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. "Sorry pero hindi ko ibibigay yung lupa. Lola Cassandra let me stay there at siya lang o sila ni Lolo ang makakapag-paalis sa'kin. And mahirap humanap ng bagong lugar para mag-start ng school. Tapos isama mo pa yung pagkuha ulit ng permit and ibang papeles."
Nagkibit-balikat siya, "then it's not my problem anymore. I have all the rights to claim that land, Miss whoever you are. Akin 'yon. Pinamana sa'kin kaya wala kang magagawa kung paalisin kita kahit walang approve nina Granny and Pops."
Napalunok ako. Kung kanya na ang lupa wala na talaga akong magagawa. Huminga ako ng malalim.
"Kung gusto mo mangungupahan—"
"I don't need your money. I have a lot of them." Nilagok nito ang alak na dala bago umupo sa katapat kong upuan. "Leave—"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top