Ika-Tatlumpung-Kabanata


IKA-TATLUMPUNG-KABANATA

AFTER he went inside ay naiwan akong mag-isa sa labas. Pilit prinoproseso ng utak ko ang mga sinabi niya sa'kin. He believes me but he doesn't want to come to me...bakit?! Anong problema?! Napa-upo ako sa lapag ng napahikbi ako lalo dahil sa sakit sa dibdib. Hindi ko namalayang pumapatak na pala ang ulan.

Kinalma ko ang sarili ko. Huminga ako ng malalim. Nanginginig ang mga tuhod ko pero kaylangan kong tumayo. Sumakay ako ng kotse ko. Yumukyuk ako sa manibela't umiyak nang umiyak.

Hindi ko na nga alam kung pano ko naka-uwi sa bahay. Basta alam ko'y naka-upo na ko sa harapan ng bahay ko.

Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana ay hindi ko na kinausap ang babaeng 'yon. Sana tumayo na lang ako't umalis. O sana hindi na lang ako umalis ng bahay. Sana naghintay na lang ako o gumawa ng kung ano mang pagkaka-abalahang 'di ko kaylangan lumabas ng bahay.

Hindi sana mangyayari 'to.

Hindi sana kami mag-aaway.

Puta ng babaeng 'yon, kamalasan ang dala niya sa buhay ko. Nakaka-inis siya! When I saw her again I will scratch her face!

I have to think rational now, but my mind doesn't seem working. Kanina pa ko nakatitig sa kawalan habang iniisip kung anong susunod kong gagawin.

For the first time I feel the sadness of the rain. Nakaka-inis. Parang heartbroken rin ang langit. Ano 'yan extra? Hindi ba pwedeng ako muna ang umiyak nang umiyak ngayon, at saka na lang siya maka-join?!

Sumandal ako sa may sofa at inisip ang mga sinabi niya. Kahit papaano...naiintindihan ko naman siya. Siguro na-damage rin ang level ng trust niya noong naloko siya ng fiancée niya, miski naman ako. Kaya gano'n na lang ang reaction ni Mr. Hermit sa'kin, pero...masakit pa rin. Ang sakit-sakit sa dibdib na para akong aatakihin sa puso.

Papalipasin ko muna ang mga nararamdaman namin ngayon. Magkakasakitan kami kapag pilit ko siyang kina-usap na ganito ang mga emosyon namin. Hahayaan ko munang makapagpahinga't isip-isip kaming pareho. Babalikan ko na lang siya kapag okay na siya. Miski ako.

Sinabi niya kaninang pinag-isipan niya ako ng masama. Pinag-isipan niya ako ng hindi maganda dahil lang nakita niya akong kausap ang babaeng nanloko sa kanya.

He is right naman. He will become hypocrite kapag ka niyakap niya ko't pinatahan after all he said to me. Magagalit lamang ako o sasamaan ng loob kung nalaman ko 'yon at ginawa niya ang gusto ko.

Mabuti na lang at hindi.

Tumitig ako sa kisame. I hope maging maayos na ang lahat.

******

LIKE WHAT I planned pinalipas ko ang limang araw bago ko muling pinuntahan ang bahay ni Mr. Hermit, may dala akong paborito niyang pork adobo. Nag-make up pa ako para maayos akong tingnan. Ni-lock ko ang pintuan pagkalabas ko. The day is great. The sun is up, but not masakit sa balat.

Kahit 'di sigurado kung sisiputin niya ko ay pinush ko pa rin. May gusto akong sabihin sa kanya. Mahalagang bagay na alam kong ikakagulat ng lalaki.

Natigil ako sa akmang pagpasok sa kotse ko ng huminto ang isang itim na motorisklo sa likod ng sasakyan ko. Ngumiti ako ng mag-alis ng helmet ang driver. Ipinasok ko muna sa passenger seat ang ulam. Sinasarado ko na ang pinto ng lumapit sa'kin si Stephan.

"Hi! Akala ko hindi ka dito magpapasko," puna ko sa kanya.

Nginitian niya ako, "why are you not happy to see me?" kinagat niya ang labi niya.

Ilang araw na lang kasi ay pasko na. Kaya nga nagtataka ako kung bakit siya nandito. Napag-usapan namin minsan na magpapasko siya kasama ang pamilya niya sa ibang bansa. Pero ngayon ay naririto siya sa harapan ko. Sinilip ko ang motor nito. Mukhang bago pa nga iyong gamit niya.

"Of course I'm happy kaya lang ay nasabi mong kasama ng fam mo ka magce-celebrate ng pasko," paliwanag ko.

Ginulo niya ang buhok ko't inakbayan ako. Hinawak ko ang braso ko sa bewang niya.

"So...bakit ka nga nandito?"

"Na-miss lang kita, isa pa. Pwede naman akong mag-book ulit ng ticket para makapunta sa ibang bansa." Tiningnan niya ang hitsura ko. "Saan ka pupunta? Ayos na ayos ah."

Umikot kami papunta sa may driver seat.

"Pagdadalhan ko si Mr. Hermit ng adobo," ani ko.

Namilog ang mga mata niya. Mukhang natakam sa adobo ko.

"Meron pa?" he sounded hopeful.

Tumango ako. "Yes, nasa loob ng bahay. Gusto mo maiwan ka muna dito. Here's the key and wait for me na lang? Saglit lang ako kina Mr. Hermit." Saglit have a different meaning for me.

Sinimangutan niya ako. "Ikaw nga ang binisita ko tapos iiwanan mo ko dito," nagrereklamong aniya.

Tumawa ako ng malakas dahil do'n. Tinap ko ang likod niya. Tapos ay lumayo na.

"Kung gusto mo pwede ka namang sumama, kaya lang baka mainip ka."

"Hindi naman 'yan. Taraaa!" mas excited pa siya sa'king sumakay sa passenger seat ng kotse ko. Umiling ako. Binuksan ko ang pinto ng driver seat. Pinanood ko siyang dahang-dahang inililipat ang ulam sa backseat. Sumakay ako at gano'n rin siya.

I don't know but something feels weird.

I mean...he never-ever tried to go for me or join me kapag ka sinabi kong si Mr. Hermit ang pupuntahan ko. Iniirapan pa nga niya ko't sinasabihang baliw...but now? He asked to come with me. Anong masamang damo ang nakain ng lalaking 'to para sumama? Wala naman akong matandaang kasalanan niya sa'kin kaya sobra akong nagtataka.

Pinaandar ko na ang sasakyan at nag-drive papunta sa lalaki. I hope five days are enough for him para kumalma na. I can just really hope.

When we got there sinalubong kami ng malamig na simoy ng hangin. Kinuha ko ang ulam at naunang lumabas kay Stephan. He can stay inside if he wanted to. Hindi ko naman pipiliting sumama siya tulad nang mga nakaraang araw.

Pinindot ko ang doorbell at naghintay ng magbubukas. I fixed my hair and my clothes afterwards. Nang wala pa ring nagbubukas ng pinto'y nag-doorbell ako ulit.

Kumunot ang noo ko. Naka-leave ba si Lita and Tessie ngayon? Hmm...something is really weird.

"OWEN!!" I shouted his name. Nagbabakasakaling marinig niya ako. Napalingon ako kay Stephan sa kotse, tensed na tensed naman ang hitsura nito ngayon. Maybe naramdaman niyang may nakatingin sa kanya kaya nag-angat ito ng mukha. Sinalubong niya ang mga mata ko, ngumiti.

I smile a bit, then glaze at the house one more time.

I'm readying myself to shout again when the door opened. Parang slow-mo pa nga. Akala ko'y hihinto ang pagtibok ng puso ko dahil sa antisipasyon.

Kumalma lamang ako ng makita kung sino ang lumabas sa pintuan. No other than Tessie. Thank God.

Nginitian ko siya.

"Hiii! Good morning, Tessie!" masiglang bati ko.

But the girl didn't look happy, she is sad. Not usual of her. Kinabahan naman ako agad.

"Why are you sad? Is there any problem?"

Umiling siya. "Wala naman ho. Bakit po kayo naparito?" mahinang tanong niya. Super unlikely talaga of her. Kasi...she's a happy pill.

Ipinag-walang bahala ko na 'yon. "Andiyan ba si Mr. Hermit? Ibibigay ko sana 'tong niluto—"

Hindi pa man ako natatapos sa pagsasalita ay inunahan na ako ng babae.

"Umalis na po si Sir noong nakaraang miyerkules, Miss. Wala na po siya dito. Naiwan na lamang kami para maglinis," mahina nitong sabi.

My lips parted. "H-ha?"

"At ipinapaabot po 'to ni Señorito, ang bilin niya po ay ibigay daw namin sa'yo." Inabot niya sa'kin ang puting sobre.

Tinitigan ko muna iyon ng ilang minuto bago tumingin muli sa babae. Naka-yuko na ito. Nanginginig ang mga kamay kong inabot ang papel at tiningnan 'yon. Unti-unti'y nabasa ito. Hindi dahil sa patak ng ulan kundi sa patak ng mga luha ko.

Hindi ko na nga napansing nakalapit na sa'kin si Stephan. Inagaw niya ang hawak kong ulam. Walang buhay ko siyang tiningnan.

"U-umalis na daw si Mr. Hermit, Steph..." mahina kong saad. "I-Iniwan niya ako," my voice broke.

Inilabas ko ang laman ng sobra...isang papel.

Is this a check na may lamang 10 million. Oh, corny. Ini-unfold ko ang papel. Napa-iyak na lamang ako nang malala nang mabasa ang nakasulat. It's his handwritten!

I'm sorry.

A simple sorry.

A simple sorry?!

For what?! For hurting me?! For leaving me here with a broken heart?! For going back to his malanding fiancée?!

"PARA SAAN NG SORRY NIYA?!" hindi ko na napigil ang malakas kong boses. Nagtatanong akong tumingin kay Stephan. "P-para saan Stepha?! Para saan?!"

Instead na sumagot ay niyakap niya lang ako ng mahigpit, hindi ako makaganti. I feel numb to the point I couldn't move any parts of my body.

Instantly, my tears...stopped from falling down. I don't feel pain anymore...but I don't feel good either. It just...empty.

I feel...empty.

"He will not leave me like this..." bulong ko kay Steph. "Hindi niya ako iiwanan...kung kaylan aaminin kong mahal ko na siya doon siya aalis?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Shhh...Alee."

Hinaplos niya ang likod ko. Sinusubukan akong pakalmahin pero hindi. Hindi gumagana.

"Stephan...kung kaylan ako na-attach...ghinost ba niya ako?" parang batang tanong ko.

He did not answer me. Instead ay mas hinigpitan lang niya ang yakap sa'kin.

*******

STEPHAN drive me home. Siya ang nag-ayos sa'kin nang tulala ako. He never leave my side. He just standing there, waiting for me to breakdown. And when I did, he just cried with me.

Nagbuntonghininga ako. It's Christmas day. I should be happy today and yet I am here. Standing in my front door waiting for someone to knock, but lumipas ang ilang oras ay walang nangyari.

Kinuha ko ang phone ko na nasa ibabaw ng center table. Ilang beses kong pinag-isipan 'to't napagpasyahan. I-di-nial ko ang number ni Dhara.

I know she might be busy but I will go with my chance to answer me. And I did not disappoint. She picked up her phone.

"Dhara, its me, Aleeza. Merry Christmas but I want to ask if you know where you brother is? I really have to talk to him. Kahit ibigay mo lang ang number niya ako ng bahala don. I just need to talk to him. Please. Please." Nagmamakaawa ako.

He changed his number, or he just blocked me dahil hindi ko na natawagan pa ang numerong gamit ng lalaki. I tried to go in Manggahan but no one sees him there too. He really left the province.

Nagbuntonghininga sa kabilang linya si Dhara.

"Sweetie, gustuhin ko man but I respect my brother. Besides, umalis siya ng bansa noon pa. Hindi niya sinabi kung nasaan siya and madalang niya kaming kausapin. Let's just talk some other time, okay? By the way contact me when you want to continue our business. Merry Christmas." After that she ended the call like I'm no one.

My heart aches again.

He leave the country?

Ganoon ba niya kaayaw na makasama ako miski sa iisang bansa kaya siya umalis? Gano'n ba kalaki ang kasalanan ko sa kanya?

Huminga ako ng malalim bago pinatay ang cellphone. Kinuha ko ang alak na nasa may lamesa at tinungga 'yon mula sa bote. Natatawa na lang ako sa sarili ko. Minsan na nga lang magmahal ulit, na-ghost pa. Partly may kasalanan siguro ako pero...deserve ko ba 'to?

Pinukpok ko ang part ng dibdib ko.

Nagbabakasakaling tumigil na ang sakit pero wala. Hindi siya tumigil. Mas sumakit lamang kada araw na nagdadaan.

I do love Owen...hindi ko naman hahayaang may mamagitan sa'min kung wala. Hindi naman ako masasaktan ng ganito kung wala lang. Huminga ako ng malalim.

Sa susunod na makita kita, Owen, yari ka talaga sa'kin!! Mata mo lang ang walang latay!

Cheers to the pain I'm feeling! Fuck you kupido! Ba't mo ko ginaganito!!

********

THREE HUNDRED AND SIXTY FIVE DAYS LATER

Masaya kong pinagmamasdan ang mga batang naglalaro sa may garden. Enjoy na enjoy sila.

"Miss Alee, nandoon na daw po yung supplier ng school supplies, gusto kayong maka-usap."

Naalis ang tingin ko sa mga bata nang may magsalita sa likod. Nilingon ko si Mary Ann. Nginitian ako siya.

"Okay. Thank you." Lumabas ako ng office at nilabas ang mga supplier.

Isang taon na ang lumipas simula ng umalis siya dito. Hindi naging madali sa'kin ang proseso lalo na't andami kong pinagsisihan that time ng sobra. Sa iyak ko dinadaan lahat ng sakit na naramdaman ko no'n. Akala ko nga'y hindi ako makakabawi pero look at me now. I'm still here standing in front of everyone, smiling to them, because I win. Eme.

In a year may mga naging realizations ako. Like kay Mr. Hermit. I should have seen it coming. Helping him to heal from his broken heart has consequences, and that is getting his life back. I mean, he does not live here naman talaga. He's from the city and I'm front the province. He can live when he's okay, like what he did, but me? I was left alone.

Maraming nangyari sa buhay ko sa loob ng isang taon. Kahit na masakit ay nagawa kong makipag-partnership kay Dhara para sa mga batang magkakaroon ng scholarship. Wala akong sama ang loob kay Dhara pero 'di rin naman maiaalis sa'kin na umasa akong tutulungan niya akong maka-usap ang kapatid niya, na hindi naman nangyari, but its okay. Itinayo namin ang restaurant na A-D, noong una'y nakakatakot dahil baka hindi magustuhan ng mga tao ang luto ko pero kabaliktaran ang reactions nilang lahat. Nagustuhan nila. Kaya ang isang branch ay nasundan pa ng isa dito sa probinsiya.

May dalawang branch na ang A-D. Isa sa Metro at isa dito. Si Dhara ang nagha-handle ng nasa metro at ako naman ang dito. Balak pa nga naming dadagan ang mga iyon kapag gumanda ang sales ngayong taon.

Ilang bata na rin ang napapag-aral namin dahil doon. Nakakatuwa lang na nakikita kong nagsu-succeed ang mga ito.

Lumaki na rin ang Mini school ko. Hindi na siya mini. Ang AD ay nagkaroon na ng limang classroom pa bukod sa una kong naipatayo. Nag-hire na rin ako ng mga volunteer teachers na pwedeng magturo sa mga batang nandito. Ngayon ay mayroon na kaming Kinder to Grade Six na napapag-aral. Full term na siya na mas ikinagalak ko.

Madugo ang naging proseso sa pagre-register namin sa DepEd. Ang daming kaylangang gawin, ipasa, gawing report pero kapag talaga dedicated ka sa ginagawa mo't mahal mo. Matatapos at matatapos mo rin. Kaya nga meron nang AD.

Ang lupang katabi ng lupa ko'y binili ko na. Ewan ko, nagkaroon kasi ng anonymous sender ng malaking pera na nagsasabing ibigay ko daw sa mga bata ang dapat sa kanila. Kaya ginawa ko. Ang iba sa natira ay pinambili ko ng gamit para sa bahay ampunang nagingb malapit na rin sa puso ko.

Madalas akong dumadayo pa roon para bisitahin ang mga bata at turuan sila. May naalis at nadadagdag sa kanila. Kaya malungkot ako dahil nakikita ko sa mga mata ng ibang bata ang hope na nauubos kapag may hindi naampon sa kanila.

Well, naging maayos naman ang pagtuturo ko sa ampunan. Nagbibigay ako ng gamit roon para pandagdag nila dahil minsan ay kapos. Lalo na ngayong rumarasaga ang pagtaas ng bilihin.

I let a sigh.

Ang daming ganap sa buong taon ko pero hindi kasali doon ang pagkakaroon ng karelasyon o kalandian.

I couldn't count with my fingers kung ilang beses na akong binigyan ng date ng kaybigan ko. Kahit mga blind date ay ginagawa nila para sa'kin upang magka-jowa na daw ako kasi malapit na akong lumagpas ng kalendaryo. Pero...hindi ko pa kaya.

I always reason out na busy ako sa buhay. Na ngayon ko pa lang naabot ang mga pangarap ko. Na ngayon ko pa lang nakikitang successful ang sarili ko't ayaw ko 'yong sirain.

Boyfriends?

I can also find that somewhere. Madali namang mag-connect sa ibang tao. Paghahanap nga ng boyfriend ang pinakamadali, dahil minsan pakitaan mo lang ng cleavage sasabihan ka na ng aylabyu kahit may jowa pa. Pero hindi gano'n ang hanap ko.

Ang gusto ko'y seryoso sa'kin. Yung mamahalin ako at hindi ako iiwanan. Gano'n. Gano'n ang gusto ko pero wala akong makita. Hindi naman sa naghahanap ako pero...observation lang.

Hindi ko masasabing okay na ako. Ngunit mas better na kumpara sa nakaraan. I'm happy but still aches when I'm alone. But naka-move on na ako!

And happy ako na single ako. Ang sinungaling tatamaan ng kidlat, charot.

Nagbalik ako sa reyalidad ng makita ang mga suppliers na naglalabas ng mga kahon. Ngumiti ako sa kanila't kina-usap sila. Naging mabilis lamang 'yon. May kinaylangan akong pirmahan bago sila umalis. Huminga ako ng malalim habang tinitingnan ang mga kahon.

Tinatanon ko pa rin naman sa sarili ko kung...kumusta na kaya siya. Naka-move na ba siya? May gf na ba siya? May mahal na ba siyang iba? Paulit-ulit.

Nagbabakasakali naman kasi ang puso ko na...baka...may naging lugar naman ako sa kanya.

Inilagay ko ang mga supplies sa lalagyan nila. Mag-isa lang ako kaya tahimik. May klase kasi ang ibang grade level kaya hindi masyadong maingay. Busy ako sa pag-aayos ng gamit. Hindi ko na namalayang may tao pala sa likuran ko. Napatingin ako sa pader.

Kumunot ang noo ko. May anino, sa likod ko.

"Mary Ann, pwedeng pakisabi sa mga Teachers na kumuha na ng supply dito. Tapos paki-antabayanan na rin ang pagdating ng supply ng pagkain and stocks natin sa kitchen ha. Ngayong araw ide-deliver 'yon," ani ko.

Sa sobrang dami ng pagbabago na nangyari sa buhay ko medyo masakit sa ulo pero nakakayanan ko naman. Sa pag-aakalang nakaalis na si Mary Ann ay tumayo na ako. Pupunta ko sa office dahil may kaylangan akong tingnang—

Huminto sa pag-inog ang mundo ko ng makita kung sinong nakatayo sa may pintuan. His familiar silhouettes makes my heart jump...I'm not sure if its joy or something else.

"Witch..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top