Ika-sampung Kabanata
IKASAMPUNGKABANATA
"OUCH...SOBRANG sakit ng ulo ko!" reklamo ko habang nakayukyuk sa lamesa.
Alas-otso pa lang ng umaga pero tirik na tirik ang araw sa labas kaya naisipan kong pumunta sa café para mag-order ng cold coffee pang-alis ng hang-over.
"Gaano ba kasi kadami ang nainom niyo ni Stephan kagabi? You look wasted," komento ni Yanna.
Nakanguso akong dumilat. "Ewan ko. Hindi ko na mabilang. Basta nag-walwal kami. Malay ko bang tatamaan kami pareho." Nag-angat ako ng ulo nang may bumabang baso sa tabi ko. Inabot ko 'yon at ininom.
"Kape ka agad. Why don't you eat muna diyan sa may restaurant?" suggestion nito.
Binaba ko ang baso at umiling. "Wala rin akong ganang kumain. Isusuka ko lang. Saka I still need to buy materials for my students."
"For?"
Humigop ulit ako ng kape bago sumagot. Ang refreshing lang dahil mainit yung panahon tapos sakto pa yung lamig ng iniinom ko, nga lang, medyo hindi pala siya nakakaalis ng hilo.
"May party kasi kami kasi today ko na talaga isasara yung school year nila like—tapos na. Bibigyan ko lang sila ng mga gifts—remembrance gano'n."
Tinabihan ako ng upo ni Yanna. "Wow, napaka-hands on mo naman. Do you want me to help you?" alok niya.
Nilingon ko siya. "Weh? Are you not busy? Madami ka yatang ginagawa, eh."
"Wala naman masyado. Besides, nandito yung isa kong tauhan. He can call me kapag may problema," anito.
Ngumiti ako. "Hindi na siguro. Ayoko nang makaabala! Alam mo ba kagabi, ang nasakyan ko hindi yung grab driver na ibinook ko kundi sina Pazz!" pagkwe-kwento ko.
Namilog ang mga mata nito. "Si Paz? Paanong nangyari 'yon?"
"Sa kalasingan ko siguro kagabi hindi ko naaninaw kung anong sasakyan ang nasakyan ko. Buti na nga lang kamo at mabait si Paz, hinatid nila ako ng boyfriend niya hanggang sa bahay," dagdag ko pa.
"Hala, may boyfriend na si Paz?!" hindi makapaniwalang tanong niya.
Kinamot ko ang noo ko. "Hindi ko sure kung boyfriend ba pero kasi 'yon 'yung driver namin kagabi. So, I assume na boyfriend siya ni Paz."
"Well, I didn't know Paz has a boyfriend ha. Pero malay natin. One of these days tatanungin ko kapag ka nagkita kami. We need chika," she said in a playful voice.
Natawa ako saka inubos ang kape ko. Kumagat lang ako sa cookies na nasa platito bago naglabas ng pera pambayad. Tiningnan ko si Yanna.
"I will leave na, Yan. Let's meet na lang sa susunod para makarami ako ng gifts for my chikitings," nakangiting sabi ko.
Tinanguan naman niya ako. Inabot ko ang pera na tinanggap naman nito. Nag-wave ako sa kanya bago sinuot ang shades ko at lumabas ng café. Napakasakit ng sikat ng araw sa balat kaya halos takbuhin ko ang pinagparadahan ko ng sasakyan. Binuksan ko agad ang pinto't sumakay pero para naman akong nakulong sa loob ng oven dahil sa init ng singaw sa loob.
Potaena, para kang naka-premium ng subscription sa impiyerno sa inet!!!
Mabilis pa kay Flash na binuhay ko agad ang makina saka tinodo ang lakas ng AC ko. Ilang sandali pa nga ay unti-unti na ring lumamig sa loob ng sasakyan. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga bago sumandal sa upuan. After a second, inayos ko rin ang upo ko. Sinuot ang seatbelt then nag-drive papunta sa may maliit na Mall dito.
*******
DUMERETSO ako agad sa Toy Store nang makarating sa Mall. May dala akong sarili kong trolly para sa mga bibilhin ko. As of the moment, nasa puwesto ako ng mga lego. Napansin ko kasing iba sa mga chikiting ay mahilig magbuo-buo ng ganito kaya mas mabuting regaluhan sila nito. Kumuha ako ng tig-dalawang rubric cube tapos kung ano-ano pa. Sa maka-tuwid ay inabot rin ako ng kulang-kulang tatlong libo para sa mga laruang nabili ko.
Pagkatapos sa mga laruan ay sa NBS na ako nagpunta. Bibilhan ko naman kasi ng mga gamit pang-school at pwedeng basahin ang kids para kahit na 'di na sila nag-aaral sa'kin ay mapapagpatuloy pa rin ang pagkatuto nila.
Andami kong kinuha mula sa mga set ng papel, mga lapis, krayola, coloring books, erasers at kung ano-ano pang sa tingin ko'y essential para sa kanila.
Hanggang sa mapadpad ako sa Fiction Books. Napatigil ako. Lumapit ako sa isang shelf do'n at nagtingin-tingin ng mga libro. Galing sa iba't ibang kilalang publishing house sa Pilipinas ang naka-stock dito ngayon. Maganda dahil mukhang mga bagong labas lang sila. Hindi ako pamilyar sa titles at covers.
'Yung naalala ko kasing sikat noon is 'Dating the Gangster', o kaya naman yung 'I'm his Tutor' or yung 'Hes into Her', 'The four bad boys and me' tapos ngayon mga iba na 'to. Nagtingin-tingin ako kung may mga magagandang book cover na makakakuha ng atensyon ko. Hanggang sa makarating ako sa pinakadulo ay wala. Ibinalik ko sa dati ang hawak na libro.
Siguro sa susunod na lang ako bibili kapag may natipuhan ako. O kaya mag-scroll na lang ako sa shopee para makapag-order.
Akmang tatalikod na ako nang may maka-agaw ng pansin ko. Nasa may second layer ng shelf sa kanan. Inabot ko ang libro. Ang ganda ng cover nito. Babaeng nakaharap sa karagatan ang cover, tapos kitang-kita pa ang title dahil kulay black ang background.
"Somewhere in my dreams," bigkas ko sa title.
Binasa ko muna ang blurb sa likuran, dito ko malalaman kung tyle ko ba o hindi ang libro. Nang magustuhan ko naman ito ay inilagay ko na sa cart na hila-hila ko. Pagkatapos ay tumalikod na ko paalis. Napunta ako sa mga novels na English naman. Like sa Filipino Fiction, madami ring bagong libro. Karamihan ay nakilala ko dahil madalas silang dumadaan sa FYP ko sa tiktok.
Hindi na ako kumuha ng libro pa dahil baka hindi ko rin matapos ang kinuha ko. Hindi kasi ako mahilig magbasa ng books. Swerte na nga kapag nakatapos ako ng isang nobela. Nagtungo na ako sa shelf kung saan makikita ang mga cooking books. Manapa ang mga ito, kahit tulog ako mare-recite ko.
Kumuha ako ng dalawang magka-ibang libro. Yung isa ay pang-baking at 'yung isa ay pang-luto talaga sa mga foods. Nang mayari ako ay naglakad na ako papunta sa counter. Itinaas ko na yung maliit kong cart. Actually, it's a basket na de-hila. Kaya mas better.
*******
KULANG-KULANG sampung libo ang nagastos ko ngayong araw sa Mall. Alas dose na ko nalabas ng Mall. Kung wala pang isang oras ang ini-stay ko sa Toys Store at NBS, ibahin niyo naman sa Watsons, inabot ako ng two hours sa paglilibot lang ha. Paglilibot! Kaya ngayon, nagmamadali akong nagdra-drive papunta sa Angels' Dream, nag-text sa'kin si Aling Jhona na andon na nga raw ang mga bata.
Kinapos ako sa oras kaya naman hindi ko na nailagay sa party bag ang mga binili kong laruan at school supplies. Hahayaan ko na lang silang kumuha ng kung anong mga gusto nila mamaya. Wala namang mauubusan dahil sakto lang sa kanila ang mga pinamili ko.
Isang oras rin bago ako nakarating sa AD. Paano dumaan pa ko sa Jollibee para mag-order ng pagkain nila. Kaya nang bumaba ako ay sinalubong ako ni Aling Jhona, andami ba naman kasing dala ko mababalian ako kapag ka ako lang ang nagbitbit nito.
Nakangiti akong pumasok sa loob ng classroom hila-hila ang trolly ko.
Nagsilingunan ang mga estudyante sa'kin. Nanlalaki pa ang mga mata nila at may ngiti sa labi.
'TEACHER ALEEZAA!!!"
"ANDIYAN NA SI TEACHER!!!"
"WOW!! Laruan!!"
"Andamii!!!"
Kung ano-ano pang komento ang narinig ko sa kanila na kinangiti ko lalo. Naglakad ako papunta sa harapan. Tinabi ko muna sa gilid ang trolly. Nakasunod naman si Aling Jhona, dala ang mga plastic ng Jollibee. Mas lalo tuloy umingay ang mga bata dahil do'n.
"JOLLIBEEE!!!"
"AHHHHH! MAY JOLLIBEEEEE!!!"
Tinawag naman ni Aling Jhona ang atensiyon ko kaya napatingin ako sa kanya. Nagtatanong akong tumingin sa kanya.
"Ipapamigay na po ba 'to?" tanong niya.
"Oo, ate, tig-iisang ano po sila. Tapos inumin." Ang Jollibee, sinobrahan ko talaga ang bili dahil baka may mga magulang akong maabutan dito pero mukhang wala naman. Lumapit ako kay Aling Jhona para kumuha ng ilang pack at ibinigay sa mga bata.
Nang mabigyan namin silang lahat ay nilingon ko siya. "Ate." Inabot ko ang dalawang pack dito. "Eto po 'yung sa'yo. Iuwi niyo na po yung isa para do'n sa anak mo po," ani ko pa.
Ngumiti si Aling Jhona sa 'kin. "Nako, salamat po!"
Ngiti lang ang sinagot ko sa kanya. Habang kumakain ang mga bata ay nagpasya akong gawin na yung mga ipapalaro ko sa kanila mamaya. May palayok akong in-order na may laman na para hahampasin mamaya ng mga bata. Meron ring pabitin. Tapos maglalaro kami ng Trip to Jerusalem. Yung ano ren, stop dance at iba pa.
Nag-text na ako kay Stephan na damihan ang bili niya sa mga candies and chocolates para sa palaro.
Lumabas ako. Tumingala ako sa langit. Medyo hindi na masakit sa balat ang sikat ng araw. Mukhang pwede na kaming dito maglaro. Tumingin ako sa kabilang bahagi ng kalsada. Ngumisi ako. Sisiguraduhin kong maririndi kang Mr. Hermit ka!
The plan in my head maybe evil but he leave me no choice. Ang hirap makipag-usap sa mga Hermits!
OWEN'S P.O.V.
DRINKING.
That's all I've been doing since I came here. To drown myself with a lot of liquors. I'm not bitter because of what happened. I'm hurt. To the fact na ilang na taon na ang relasyon namin. I really though siya na ang makakasama ko sa habang buhay but I'm wrong. She is just a woman who teaches me that I shouldn't trust woman—because they have a power to manipulate you when they want it to.
Pinatunog ko ang leeg ko saka inalis ang kumot na nakataklob sa pang-ibaba kong katawan. I wear nothing but my birth suit. Naglakad ako papunta sa may bintana. Sumilip ako para makita kung anong nangyayari sa labas.
Tumiim bagang ako sa nakita.
Is that woman really crazy?! What's she up to now—well, I don't care.
Paano ba naman kasi ang babae ay nakatayo sa ibabaw ng silya habang nagkakabit ng palayok. Umiling ako. Bahala siya sa buhay niya.
That girl is been giving me headaches. For a week since the first time she went here palaging may pinapadalang pagkain at kape ang babae. It feels like na nanliligaw siya. Hindi naman ako ang kumakain ng pinapadala niya. Ibinibigay ko lang 'yon sa mga kasambahay ko.
Umalis na ko sa harap ng bintana pagkatapos. Sinarado ko ulit ang kurtina. Tapos ay pumasok ako sa banyo. Pumailalim ako sa shower, tumingala ako at binuhay ang shower. Pumikit ako ng mariin. Dinama ko ang malamig na tubig na tumatama sa mukha ko. Pinatunog ko ang leeg ko saka tinuloy na ang pagligo.
After taking a shower, I came out of the bathroom. A white towel wrapped around my waist while my other hand held a towel that I used to dry my hair with. I went to my walk-in closet to choose what to wear today. Hindi naman ako lalabas ng bahay kaya simpleng t-shirt at khaki shorts lang ang sinuot ko. Lumabas ako ng kwarto. Tinungo ko ang baba.
Kagaya ng nakasanayan ay walang tao. Sa kusina ako dumeretso. Kumuha ako ng malamig na tubig sa ref bago nagtungo sa sala. Inabot ko ang hindi pa bukas na Jack Daniels sa iababw ng lamesa. Nagsalin ako sa baso ko.
Tiningnan ko ang mga pictures na nasa lamesa. Bagong kuhang larawan lang ito. Kakapadala lang sa'kin ng private investigator ko. Ang magaling kong ex-bestfriend at ex-fiancee ay nag-tour sa Korea. Para silang bagong kasal na nagha-honeymoon.
They both have a thick faces to be together after what they've done.
Nawala ang atensyon ko sa picture ng dalawa ng mag-ring ang phone ko. Tumatawag si Grandma. Sinagot ko ito ng mabilis.
"Hello, gorgeous," ma-pilyo kong bati rito.
I can imagine her rolling her eyes at me. "Hijo. Hijo. Apo ka nga talaga ng Lolo mo. You are both have a flowery tongue."
"It runs on the blood." I added before finishing my drink. "Why did you call, Gorgeous? Wala akong nabuntis," I joked.
Me and my Grandparents is pretty close. Nag-iisang apo kasi akong lalaki kaya ako ang napagbuhusan ng pagmamahal nila. Kaya nga sa 'kin na rin naipamana itong old house pati na ang farm kaya na gustong-gusto ito ng kapatid kong babae.
"Nothing, hijo. Gusto lang kitang kumustahin. I heard from your sister na panay lang daw ang inom mo riyan," may pag-aalalang komento nito.
Napabuntonghininga ako. Inipit ko ang sa pagitan ng tenga at leeg ko ang cellphone para hindi mahulog at inabot ko ang bote ng alak at nagsalin sa baso ko.
"La, hindi totoo 'yon. I'm actually having water therapy. I'm living a healthy life here," sagot ko bago inisang inuman ang nasa baso ko. Ngumiwi ako dahil sa pagguhit ng pait sa lalamunan ko.
"Oh, is that true? Ba't naman magsisinungaling ang kapatid mo sa'kin kung gano'n, Owen Matthew? She will never do that! Besides, we know you, apo. You have a tendency na ubusin ang laman ng cellar ninyo. Lalo pa't—"
"Don't say it, Lola," mariin kong sabi. Dumiin ang pagkakahawak ko sa baso. "Okay. Fine. I'm drinking but not that a lot. I know, Lolo, will understands me. He's been in this situation before," I said.
"I know my little soldier, but she's not worth it. Hindi mo dapat pinapatay ang sarili mo sa pag-inom. I heard nagpunta ka sa Manggahan but hindi ka tumagal ng ilang oras do'n. Ayokong masira ang buhay mo dahil lang sa babaeng hindi ka-deserve. You can find better than her," she said in sympathetic voice.
I was about to say something when I heard a loud shouting from outside. I shake my shoulders and ignored that.
"I know. No one's deserve me anymore, gorgeous. No one. And I'm doing great here. Don't worry too much. And may gusto nga pala akong ikonsulta sa inyo. I have this—"
"GO!!!! GO!!! SA KANAAAAAN!!"
"TEACHERR, HINDI TATAMAAN NI ALLEN!!!"
"HAHAHAHAHHA"
Sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa ingay ng mga bubwit na iyon. Tumayo ako at lumapit sa may bintana. Sinilip ko sila para makita ang pinaggagawa nila. Nag-aasik akong umalis doon saka umupo sa sofa.
"Let me call you back later, Gorgeous." Hindi ko na hinintay makasagot si Grandma at binabaan ko na agad siya ng telepono. Binaba ko ang basong hawak ko saka ako naglakad papunta ng pintuan. Binuksan ko iyon. Naabutan ko sa labas ang kasambahay kong si Lita.
"Lita."
Lumingon siya sa 'kin. Pinatay nito ang tubig sa hose bago lumapit sa 'kin.
"Bakit ho, ser?" nagtatakang tanong nito.
Tinuro ko ang kabilang kalsada kung saan maingay. Namewang ako pagkatapos nitong sundan ang tinuturo ko.
"Sabihan mo silang huwag silang maingay! Nakaka-istorbo sila ng mga tao! Kung ayaw nilang tumahimik hinaan na lang kamo nila." paasik kong utos sa babae. Tumalima ito ng walang sinasabi.
Pinanood ko siyang naglakad papunta sa kabilang kalsada. Nakita ko pang lumabas ng gate ang witch na 'yon at masamang tumingin sa gawi ko. Kahit na magkalayo kami ay ramdam ko ang matatalim na ang tingin niya sa'kin. Tapos ibinalik ang tingin sa katulong ko. Ngumisi ako. Napanis ang ngiti kong nakasimangot na bumabalik si Lita.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ser, sabi ho ni Aleeza, dumugo na raw ho ang tenga niyo pero hindi niya hihinaan ang sounds nila. Maglagay na lang daw ho kayo ng bulak sa tenga," nakangiwing sabi ni Lita.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top