Ika-labing-tatlong Kabanata


IKA-LABING-TATLONG KABANATA

I SAW a man and a woman kissing and making out. While some of the pictures contain sweet dates. Mas lalong nagdikit ang mga kilay ko. Lumapit ako at kumuha ng isang picture. Tiningnan ko ang likod nito, wala namang nakasulat na iba. Sino kaya 'tong dalawang 'to? Nilingon ko si Mr. Hermit.

Siguro may unrequited love siya sa babae tapos hindi niya matanggap na may mahal na 'tong iba kaya pinapasundan na lang?

Binaba ko ang picture at nagpasyang maghanap pa ng iba. Habang nililibot ko ng tingin ang center table na puno ng pictures, muntikan naman akong mabunggo sa isang matigas na bagay. Umatras ako ng ilang beses bago nilingon kung ano 'yon. Isang malaking clear board. Shala, ba't hindi ko 'to napansin kanina?

Yung kalahating side ng board ay nakatakip ng putting kumot, hinila ko pababa ang kumot hanggang sa bumungad sa'kin ang mas marami pang pictures, mayroon pang mga sulat na mukhang si Mr. Hermit ang gumawa.

May nakasulat na mga dates, places and even names of people. Hindi makapaniwalang nilingon ko ulit si Owen. Nagawa niya talaga 'to? Ano ba talaga ang trabaho niya? Isa ba siyang secret agent or spy? Owen, sino ka ba talaga?

Umiling ako kasi yung ibang pictures may X sa mukha ang lalaki, minsan yung babae naman. Para bang galit na galit si Owen sa mga ito. Eh, bakit naman siya magagalit, hindi ba? Tatalikuran ko na sana ito nang may mahagip ang mga mata kong nagpahinto sa'kin. Sa pinaka-dulo ng board kung saan maraming nakadikit na pictures may isang nakaagaw ng atensyon ko.

Nilapitan ko 'yon at kinuha ang picture na natatakpan ng iba pang larawan. Doon na nabuo lahat ng conclusion sa utak ko. Naawang tiningnan ko si Mr. Hermit.

Is he—omg!

Did they cheated on him?!

It's a picture of Mr. Hermit, smiling from ears to ears, habang kaakbay ang isang babae na nakahalik sa pisnge ng lalaki. They looked so in love. He looked so in love—happy to be exact. Unlike the one with me right now. He look so wasted.

I think girlfriend niya 'to. Did they broke up and he cannot moved on kahit na may ka-relasyon ng bago ang girlfriend niya? Kaya ba may picturs ang mga taong 'yon? Really?

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa mga possibilities na naiisip. Gosh, hindi ko ma-imagine ang pain na naranasan ni Mr. Hermit. Kaya ba ganiyan ang hitsura niya dahil nasaktan siya? Niloko? Iniwan? O pinagpalit?

Nilapag ko ang pictures kasama ng iba bago nilingon si Mr. Hermit. Lahat ng galit ko at inis ay biglang nawala. Mas nangingibabaw na ngayon ang awa ko sa kanya. Wala naman kasing may deserve na maloko, masaktan o iwanan na lang na without solidong dahilan. Wala.

Nagbuntonghininga ako.

Umupo ako sa tabi ng lalaki. Hinawi ko ang buhok nitong nakatabing sa mukha niya. Gaano ba kasakit ang ginawa nila kay Mr. Hermit para magkaganito siya. Sobrang layo ng hitsura nito sa dati, anlaki ng pinagbago. I feel sorry for him.

I can forget what he did to us. Maybe he is just hurting kaya masama ang ugali niya. There's a reason behind every emotions talaga.

I don't think I can still look at him the same after this.

********

OWEN'S P.O.V.

I wake up feeling disoriented. With a frown, I looked around to find where I am.

How did I get here?

A massive headache punches me when I sit down. I closed my eyes firmly and held my head. Damn, that lambanog! I will not fucking drink that again. Parang pinupukpok ng martilyo ang ulo ko sa sakit.

When my headache is gone, I stand up to see myself wearing other clothes.

Mas lalong kumunot ang noo ko. Who the hell changed my fucking clothes? And who brings me inside?

Ang huling naalala ko ay nakikipag-inuman ako sa matatandang trabahador ng Manggahan. Wala na akong matandaan bukod do'n. Pina-uwi ko muna ang mga kasambahay ko sa kanila dahil weekened naman, kaya walang magpapasok sa'kin dito. Who the hell did it?

Ang mga tauhan ba? Hinatid ba nila ako?

My head's full of questions, but I couldn't answer them. Wala akong maalala.

Napabuntonghininga ako. Maybe, they did it. Yes, maybe. Or baka sina Aling Siming at Mang Pong ang nagpalit ng damit ko. Hindi naman malabo dahil ilang kilometro lang ang layo ng bahay nila sa'kin.

Pinatunog ko ang leeg ko habang naglalakad papuntang kusina. Kumuha ako ng malamig na tubig sa ref at nagsalin sa baso. Uminom ako. Nagtataka akong napatingin sa bukas na pinto ng laundry room.

Lumapit ako do'n. Tumaas ang kilay ko ng makita ang suot kong damit kahapon at isang towel na nakasampay sa may sampayan.

I should give Mang Pong and Aling Siming a bonus for doing this.

I went upstairs to my room, and like how I left it last day. It was still messy. I yawn.

I don't have any courage and strength to clean it, so I go inside my bathroom. And shocked to see a pair of woman's clothes in my sink. Who owns this one?

Niladlad ko ang damit na 'yon just to see its a panjama and a croptop. Shit. Did I fuck someone last night?! Did I use protection?! Kung kanina'y masakit lang ang ulo, mas masakit na siya ngayon dahil sa mga isipin.

Kanino 'tong mga 'to?!

Malabong sa'kin 'to dahil wala akong ganitong damit. Hindi rin naman sa katulong ko dahil bawal silang gumamit ng banyo ko. Ibig sabihin there's someone na nakapasok pero sino 'yon?

Dapat na talaga akong magpakabit ng CCTVs dito sa bahay. Baka manakawan ako kapag nagkataon.

Iniling ko ang ulo ko. Hinubad ko ang damit na suot ko at pumailalim sa shower. Hinayaan kong bumagsak ang malamig na tubig sa mukha ko. It helps to refersh my body and also my mind.

After that shower ay lumabas na ako ng kwarto. I'm wearing a black fitted sando and a boxers short. Pinulot ko ang nagkalat kong damit at inilagay sa may humper. Nang matapos ako ay lumabas ako ng kwarto para magpunta sa kusina.

Kumukulo na ang tiyan ko sa gutom, but when I looked at my refrigetro, do'n ko lang napagtantong wala na pala akong grocery. Padabog kong sinarado ang pinto ng ref. Binuksan ko ang mga cabinet ko and walang laman kundi isang cup noodles.

Padabog kong kinuha ang cup noodles at saka binuksan 'yon. Sinalinan ko ng mainit na tubig ang cup sapat lang na hindi ito mapuno, pagkatapos ay nilagay ko na rin ang seasonings niya. Tinakpan ko muna 'yon hanggang sa maluto.

Bumalik ako sa sala dala-dala ang pagkain ko. Hinawi ko pa ang mga pictures sa lamesa.

Napatitig ako sa isang pagtikular na larawan. Kinuha ko 'yon at tiningnang mabuti. I didn't put this one here. Bumangon ang lahat ng galit ko sa dibdib.

Madiin kong nilamukos ang papel. Binato ko 'to sa kung saan saka padabog na umupo sa couch.

"Fuck them," galit kong turan.

Umiling ako bago inabot ang cellphone ko. I received a lot of messages came from my family--asking me if I am fine. I reply to all of them, but my sister. Venus is calling. I answered it.

"What?"

"I heard what you did. Hope it helps you," she evilly said in the other line.

"I don't know what you are talking about," patay malisya kong sagot.

Venus laughed. "Oh? The pull-out thingy, brother? Alam mo bang after you pull out nagsilaisan na rin ang ibang mga investors nila. And take note, they're asking if you will build your own business."

I smirked. "Oh, yeah. Karma, I guess."

"Okay. Okay. If you don't want to admit it. It's okay, but I just wanted to say that I am proud of you, baby boy! Buti di ka na tanga!" natatawang sabi nito bago ako babaan ng tawag.

Umirap ako. She's really a bitch.

I shooked my head. Tiningnan ko kung anong oras na. Lumipas na pala ng gano'n ang kinse minutos. Alas sais kinse na ng umaga. Tumayo ako para buksan ang kurtina sa sala.

The sky is dark, indicating that the story hasn't left yet. I bet the air outside is cold due to the non-stop rain.

Masama ang loob kong kumain ng cup noodles. Hindi man lang sinabi sa'kin nila Lita na wala na palang stock bago sila umalis. Nakaka-isang subo pa lang ako ay nawalan na agad ako ng gana. I don't want to eat this shit. Walang sarap.

Padabog kong ibinaba ang pagkain sa mesa bago tumayo at lumapit sa may lalagyanan ng alak. Nagsalin ako sa baso at tinungga ang nasa bote. Gumihit ang pait sa lalamunan ko pero hindi ko ininda. Napangiti na lamang ako. Kinuha ko ang baso at naglakad palapit sa may couch. Akma akong uupo ng may kumatok sa pinto.

Sino namang pupunta rito ng ganitong oras at panahon? Binaba ko ang hawak kong baso at lumapit sa pinto. Binuksan ko 'yon.

Tumambad sa'kin ang nakangiting mukha ni Witch. Sinimangutan ko siya. Bumaba ang tingin ko sa katawan nito. Kumunot ang noo ko. She's wearing a short shorts and a loose t-shirt. Hindi ba siya giniginaw sa suot niya?

"What are you doing here?" paasik kong tanong.

She just smiled and tinaas ang kamay. She's holding a pot. Small pot and I smelled it. It's nice.

"Well, maulan and naisip kong dalhan ka ng pagkain. Knows ko naman kasing wala kang kasama," she said.

"Paano mo nalamang wala akong kasama?" nagtatakang tanong ko.

Hindi niya ako pinansin at basta na lang dumaan sa gilid ko para makapasok sa loob. Umawang ang labi ko. Umiling ako. Sinarado ko ang pintuan at nilingon siya. Wala na 'to sa may sala, sa palagay ko'y nasa kusina ito. Lumakad ako doon.

Hindi nga ako nagkamali. She's—she feels at home. Para bang kabisado niya ang bawat sulok ng kusina ko. Sumandal ako sa may hamba ng pinto at pinanood lang ang babae. Iniinit nito ang dalang kung ano. I smile. I don't know but, I like her working in my kitchen.

"Sopas 'to. Niluto ko kagabi. Pinagdalhan kita kasi napasobra yung luto ko," aniya habang kumikilos.

That voice brings me back from daydreaming. I shouldn't feel this way to this woman. This witch is the one who's giving me constant headache.

Lumapit ako sa kanya at pinatay ang kalan. Pagkatapos ay hinarap ko ang babae. Nakanguso naman siya sa'kin saka muling binuhay ang kalan sa mahinang apoy lamang. Matapang na sinalubong ng babae ang mga tingin ko.

"Hindi pa pala kita nababati ng good morning, Mr. Hermit. So, good morning!" masiglang bati niya.

Sinimangutan ko siya.

"There's no good in morning."

"Of course, sinong magkakaroon ng good morning kung mayroong hang-over, 'di ba? Umupo ka na lang do'n Mr. Hermit at iinitin ko lang ang almusal mo, ser. Sandali lang 'to." Hinawakan niya ko sa braso papunta sa may lamesa. "Upo ka lang kasi."

"You know I can sue you for trespassing right?"

"You won't." She went back to the stove.

"And why is that?" I crossed my arms.

"Because I know it. Kung gusto mo kong paalisin sana kanina pa. But, hey! I'm still here!" she shake her hands in the air.

Hindi na ako sumagot. Tama naman siya. Kung gusto ko'y kanina ko pa siya napaalis pero wala akong lakas. Umagang-umaga, ayokong mas pasakitin lalo ang ulo ko. Sumandal ako sa upuan. Patiently waiting for her to finish whatever she doing there.

It's been a while since she brings me foods. Simula yata noong magbakasyon ang mga estudyante ay hindi na rin nagpadala sa'kin ng kung ano-ano. Hindi naman sa hinahanap-hanap ko pero nagtataka lang ako. Kaya siguro hinahayaan ko na rin siya kasi alam kong consistent ang babaeng 'to.

"So, you like to cook?" amuse kong tanong.

"Yep!" she answered cheerfully.

I cough that caught her attention. She looked at me. I finally noticed her eyes. Its brown roundish-almond eyes. Bumaba ang tingin ko sa mga labi nito. Her lips is thin and a heart shape and it's pinkish. I wonder is it's soft. Her nose is pointy. Eye brows are thick. Why I shouldn't notice this before?

I gulp when I saw her lick her lower lip. Is it sweet? What that lips taste.

Nang ma-realize ko kung anon iniisip ay mabilis akong nag-iwas ng tingin. Sinapak ko ang sarili ko sa isipan. How can I fucking do that?! Looking at her na para bang—bullshit. What the hell is wrong with me?!

Marahas akong tumayo. Malamig kong tiningnan si Witch. Nakaawang ang labi nitong nakatingin sa'kin.

"Leave when you finished that," pormal kong saad bago siya talikuran. Lumabas ako ng kusina't pumanik sa ikalawang palapag. To my room to be exact.

I sat down to my bed and looked at my door. Shit happened. Fuck this.

******

Aleeza's P.O.V.

NAPAMAANG ako nang umalis ang binata. Anyare do'n? Binitawan ko ang sandok sa may gilid. Kinamot ko ang noo ko. May nasabi ba akong hindi maganda? O may nagawang hindi niya nagustuhan? Okay naman kami, ah.

Umiling ako. Sala-sa init-sala sa lamig talaga ang lalaking 'yon. Tinigil ko na ang pag-iinit ng sopas. Hindi naman yata kakainin ni Mr. Hermit 'tong dala ko. Nakanguso akong lumabas ng kusina.

Nang maka-uwi ako kagabi ay nagpahinga lang din ako at naligo para hindi ako lagnatin tapos nakatulog ako. Hindi ko na nga nakain yung sopas kaya inisip kong dalhan na lang siya. Sayang naman kasi kung ako lang mag-isa kakain—masyadong marami tapos ngayon nilayasan ako ni Mr. Hermit. Minsan talaga ang sarap niyang kurutin sa singit.

Tumingin ako sa may second floor.

"Mr. Hermit, aalis na ko!!" malakas kong sigaw. Umalis na ko pagkatapos no'n. Tumawid ako ng kalsada ng papunta ng AD. Kaya nga rin pala ako maaga ay dahil maglilinis ako. Kinuha ko sa backseat ng kotse ko ang walis, duspan, sabon at kung ano-ano pang panlinis.

Dinala ko 'to sa loob ng classroom. Pagpasok ko ay medyo tuyo na ang lapag pero may mga pwesto pa ring madaming tubig. Sinubukan ko ulit bukas ang ilaw pero wala talagang kuryente. Lumapit ako sa may breaker. Nakababa ito. Siguro ay binaba ni Aling Jhona bago umuwi no'n.

Hinayaan ko na lang nakababa ang breaker habang naglilinis para mas safe. Pwedeng may mga nabasang sasakyan. Mas safe na 'to.

Nagpunta muna ako ng banyo para magpatulo ng tubig. Bumalik ako ng classroom para ilabas ang ibang gamit. Pinapatong-patong ko sa tabi ang upuan, lamesa at iba pang mga kahoy para hindi mabasa. Mabuti na lang at magaan ang mga gamit. Nakakayana ko mag-isa.

Nang mailabas ko na lahat pati mga libro ay nag-umpisa na akong maglinis. Sinabunan at binanlawan ko ang lapag. Umabot pala hanggang tuhod ang tubig kagabi. Nag-marka kasi siya sa pader.

Pagod na pagod ako ng matapos akong maglinsi ng classroom. Para na ulit siyang bago. Tapos mababasa na naman. Pinasok ulit ang mga lamesa, ipinatong ko ito sa pinakamataas na mesa—ang table ko. Tapos kasunod ang mga libro na ipina-ibabaw ko. Napahawak na lang ako sa bewang ko nang matapos na.

Sa susunod talaga puro plastic na ang bibilhin ko para sa mga bata. At least kahit mababad sila sa tubig ay hindi masisira 'yon.

Pinatunog ko ang leeg ko bago lumabas ng classroom. Kinuha ko ang mga ginamit ko. Inilagay ko 'yon sa gilid pagkatapos ay lumabas na. Ni-lock ko ang pinto bago tuluyang umalis. Ni-lock ko rin ang gate para safe ang gamit sa loob.

Tumayo ako sa tabi ng kotse ko. Binuksan ko ang pinto at bago sumkaay do'n ay tiningnan ko muna ang bahay ni Mr. Hermit.   

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top