Ika-labing-dalawang Kabanata


IKA-LABING-DALAWANG KABANATA

"MGA KABABAYAN, inaasahan ang pagdating ng malakas na bagyo sa'ting bansa kaya binibilinan ang bawat tao na mag-ingat. Huwag munang pumalaot ang mag-swimming sa mga beaches at ilog dahil baka tumataas pa raw ang level ng tubig. Mag-ready na daw ng supplies dahil baka mawalan ng kuryente sa ibang lugar."

Habang nakikinig sa news ay napanguso ako. Ramdam na kasi ang hagupit ng bagyo kahit hindi pa man siya nagla-landfall. Malakas na ang hangin na maedyo may kasamang mahinang pag-ulan. Sumandal ako sa pang-isahang sofa at uminom ng chocolate ko. Ten am na pero ang ulap sa labas ay parang alas sais pa lang.

Ilang linggo na ang lumipas simula ang bakasyon at medyo nakakabawi-bawi naman na ako. Wala akong ibang ginawa kundi ang magliwaliw, gala, kain, tulog at kung ano-ano pang pwedeng pagka-abalahan ngayong bakasyon. Nadadalas rin ang pagtatanim ko ng mga bulaklak sa labas at harapan ng bahay ko.

Inaantok akong lumipat sa may couch. Dahil na rin sa panahon ay mabilis dinala ng antok ang mga mata ko.

Nagising na lamang ako dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng cellphone ko. Dumilat ako sandali para patayin ang TV. Hindi ko na pinansin kung sino mang tumatawag sa 'kin. Humarap lang ako sa kabilang side ng sofa at muling natulog.

I don't know what time it is pero bumangon ako kasi ang lakas ng tunog ng ulan. Marahan kong binuksan ang mga mata ko, blurred nang unang kita ko kaya pumikit ako ulit hanggang sa makapag-adjust na ako sa liwanag. Tumingin ako sa labas ng bahay. Puro kadiliman.

Nakanguso akong bumangon. Tumingin ako sa may orasan na nakasabit sa pader.

Kinamot ko ang ulo ko bago naglakad papunta sa may hagdanan. Binuhay ko ang ilaw sa kwarto pagkatapos ay pumasok sa banyo. Naghilamos ako at nag-gargle muna. Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Namumula ang mga mata ko. Panjamas pa rin ang suot ko.

Ginamit ko ang face towel na nakasabit sa gilid na pamunas ng mukha. Nang matuyo 'yon ay lumabas na 'ko. Lumapit ako sa closet ko. Kumuha ako ng isang maikling short na aabot lang hanggang gitna ng hita ko, tapos ay isang crop top na kulay pula.

Lumabas na ko ng klwarto pagkaraan no'n. Nagpunta ako sa sala. Inabot ko ang cellphone ko pagkatapos ay chineck 'yon nang maalalang may tumatawag sa'kin kanina. Binuksan ko na rin ang ilaw sa may labas at sa likod ng bahay para 'di masyadong madilim.

Kumunot ang noo ko nang mabasa ang text ni Aling Jhona.

From: Aling Jhona TNT

Teh, ngtxt aq kc bka mmya umul@n nG m@lakas. D q kaw mtulungan sa pgtataas ng gmit. Tataas dn kc aq d2 samin. Lumalaki 2big.

Napakamot ako sa ulo. Oo nga pala may bagyong parating. Medyo binabaha and pinuputik ang loob ng classroom namin lalo na kapag sobrang lakas ng ulan. Chineck ko ang labas ng bahay. Medyo may kalakasan na ang ulan at mukhang malalaki ang patak. Gumihit pa nga ang isang matalin na kidlat na sinundan ng malakas na kulog.

Nag-type ako ng ire-reply kay Aling Jhona.

To: Aling Jhona

Sige po, Ate. Ingat po kayo. Ako nang bahala sa AD. Thank you po!

Naglakad ako papuntang kusina. Kumuha muna ako ng malamig na tubig sa ref at nagsalin sa baso. Uminom ako. Anong oras kaya titila ang ulan? Kahit humina-hina man lang para makaalis ako. In this state delikado ang pagbyahe.

Habang walang ginagawa ay nagluto na ako ng hapunan ko. Bigla akong nag-crave sa sopas kaya naglabas agad ako ng mga sangkap. Hiniwa ko ang bawang, sibuyas, carrots and repolyo. Pinakuluan ko ang tubig na nalagay sa kaldero. May chicken breast na nakalagay doon para sabay na rin sila kasi doon ko ilalagay rin naman.

Naluto na ang sopas ay hindi pa rin tumitila ang ulan. Tiningnan ko yung orasan. Eight pm na pala and hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakapunta sa AD. Baka mamaya ay masira na ang mga gamit ko doon kapag hindi pa 'ko nagpunta.

Medyo may kalakasan pa rin yung ulan pero wala naman ng kulog at kidlat kaya nagpasya 'kong pumunta muna doon para bumisita. Kinuha ko yung payong ko. Nakasuot ako ng itim na jacket para hindi masyadong lamigin.

Inilabas ko ang kamay ko para sumalo ng tubig. Tiningnan ko ang kotse ko. Kung tatakbutin ko 'to ay baka 'di ako masaydong mabasa. Bumaba ang mata ko sa lapag. Hindi naman siguro ako madudulas, 'di ba? Oo, hindi 'yan!

Tinakbo ko ang pagitan ng kotse ko at mabilis na sumakay sa loob.

"Hay na 'ko!" tanging nasabi ko ng makapasok sa loob. Ibinaba ko ang payong sa may passenger seat nag binuhay na ang makina. Malamig ang hangin kaya hininaan ko lang ang aircon. Nag-drive na ako papunta ng AD.

ALMOST ONE hour rin akong nag-byahe dahil sa basang kalsada. Anong oras na rin at madilim na rin sa paligid ng mag-park ako sa may tapat ng AD. Inilabas ko ang payong ko. Binuksan ko na rin ito. Malakas kong sinarado ang pinto ng kotse at lumapit ako sa may gate. Inilabas ko ang susi. Binuksan ko 'to.

Tinakbo ko ang classroom at binuksan ang pintuan. Laglag ang panga ko nang makita ang loob ng classroom ko. Inaanod na ang mga plastic na laruan—upuan na plastic. Ang iilan pang mga papel and documents ng mga bata ay nabasa rin. Inaanod na nga rin.

Hinanap ng kamay ko ang switch ng ilaw sa may gilid ng pader pero nang i-open ko ay hindi iyon nagbubukas. Ilang beses kong inulit hanggang sa natanggap ko nang walang kuryente dito. Kinapa ko ang bulsa ko pero wala yung cellphone ko do'n. Pumalatak ako.

'Ano ka ba naman, Aleeza, sa lahat ng pwede mong kalimutan bakit cellphone pa?!' may pagka-inis kong ani sa sarili.

Napabuntonghininga ako. Ipinatong ko ang payong sa ibabaw ng isa sa shelf. Inumpisahan kong pulutin isa-isa ang mga gamit. Pinatong ko ang mga iyon sa ibabaw para matuyo. Pinagpatong-patong ko lang sila diyan hanggang sa matapos ako. Sa tingin ko. Wala kasi ako masyadong maaninaw dahil madilim.

Babalik na lang ako bukas para ayusin ang ibang maiiwan. Huminga ako ng malalim Iuuwi ko ang ibang gamit na hindi nabasa pero importante. Baka mas tumaas ang tubig lalong malintikan ang mga matitino.

Ini-lock ko ang pinto pagkalabas ko. Binuksan ko ang payong at patakbong nagpunta ulit sa kotse ko. Ipinasok ko muna sa backseat ang mga boxes. Sinarado ko na ang pinto at akmang sasakay sa may nang may mapansin akong pigura sa tabi ng bato na nakasandal.

Umatras ako. Sino kaya iyon at naka-upo pa do'n? Shala! Baka naman totoo yung sinasabi nina Lolang may multo daw dito kapag gabi. Never ko pa naman siyang napatunayan. Mukhang ngayon pa lang. Mabilis akong sumakay ng kotse ko. Ini-lock ko lahat ng pinto at nagseatbelt. Tumatakbo sa isip ko kung paano ko papa-andarin na katulad ng sa fast and the furious ang sasakyan ko.

Napalingon ako sa likod. Tiningnan ko kung may signs ba na may tao doon kanina or kung may nagtatago ba. Nakahinga ako ng maluwag nang wala naman. Kakanood mo 'yan ng Horror, Beatrice! Gosh, I can hear my mom kapag nalaman niya 'tong pinaggaawa ko ngayon.

Binuhay ko na ang makina ng kotse. Uuwi na lang ako. Nandoon pa ang mainit kong sopas na naghihintay sa'kin. Minani-obra ko na ang manibela pa-kaliwa nang mapatigil ako. Tumama kasi ang liwanag ng headlights ko sa kaninang pweston ng pigura. Kumunot ang noo ko.

Is that Mr. Hermit?

Nag-drive ako palapit sa kabilang kalsada. Sinilip ko muna sa labas kung siya talaga 'yon at nang makasigurado ay bumaba ako ng sasakyan. Hindi ko inalintana ang malakas na buhos ng ulan—nilapitan ko siya agad. Lumuhod ako para magpantay kami.

"Owen?! Owen?!" Niyugyug ko ang balikat ng lalaki. "Okay ka lang ba?" tanong ko pero hindi naman siya nagising.

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya para mas makita siya ng mabuti pero wala itong malay tao. Bumuntonghininga ako. Mukhang lasing na lasing siya. Sino ba naman kasing matinong tao ang magpapakalunod sa ulan, lalo na't makulog at kidlat kanina. Ilang oras na kaya siya dito?

Tumingin ako sa bahay ng lalaki. Nakapatay ang mga ilaw at parang walang tao. Iniwan na ba siya ng mga katulong niya kaya siya lang mag-isa dito? Tumayo ako't lumapit sa may gate. Nakabukas kaya tinulak ko nang lumuwag. Dinalawang hakbang ko ang pintuan ng bahay nito. Katulad ng gate ay bukas rin.

Bakit iniwang bukas?

Ipinagkibit-balikat ko na lang ito. Binuksan ko ang ilaw tapos bumalik sa labas. Basang-basa na ko ng ulan at nanginginig na sa lamig pero go lang.

"Mr. Hermit! Pasalamat ka talaga nakita kita! Kung hindi baka diyan ka na magdamag!" pagalit kong sabi habang nahihirapan. Inilagay ko ang braso nito sa balikat ko at ang isang braso ko sa bewang niya. "T-tulungan mo 'kong itayo ka!"

Nang makatayo kami ay dahan-dahan akong maglakad. Pagewang-gewang pa kami dahil sa bigat ng lalaki. Ilang beses kaming kamuntikan nang sumubsub sa lupa dahil kay Owen. Lasing na lasing talaga. Wala ito sa sarili. Kung ano-ano pa binubulong. Tahini ko 'yung bibig mo, ih!

"Arghh!! Sobr-sobrang bigat mo!!" reklamo ko ng makapasok kami sa loob ng bahay. Ibinagsak ko na lang ang lalaki sa couch niya. "Hah!" Naghabol ako ng hininga. Malalim talaga ang tulog. Nakakaawa naman siya dahil basang-basa siya. Pati yung couch, eh, nabasa na rin.

Hinanap ng mga mata ko ang hagdan. Nakapamewang kong nilingon si Mr. Hermit.

"Mr. Hermit, magpapa-alam ako ha. Aakyat ako sa kwarto mo tapos kukuha ng mga damit mo," saad ko sa walang malay na lalaki.

Umakyat ako ng hagdan. Ngayon lang ako napanik dito. Dahan-dahan pa nga ako kasi madulas ang lapag dahil na rin sa'kin. Tumutulo kasi ang tubig sa katawan ko. Mas nakakaano. Nalaglag ang panga ko ng makita ang pinaka-itaas dito. Shit. Hindi pala siya malaki. Sobrang laki lang! Napakamot ako sa ulo.

Dapat pala'y tumawag na lang ako ng kasambahay niya. Pakielamera kasi ako. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. This will be long. Ewan ko ba sabi ko naman sa sarili ko na hindi ko siya tutulungan kasi nga 'di ba masama ugali niya? Pero andito ako, anteh.

Humakbang ako papunta sa malaking pinto. Kulay itim iyon na naiiba talaga sa ibang pinto na kulay brown. Siguro ito na 'yon. Pinihit ko ang doorknob, kadiliman agad ang sumalubong sa'kin. Kinapa ko ang pader para mahanap ang switch, binuksan ko ang ilaw. Tumambad sa'kin ang isang magulong kwarto.

"What the fuck is happening here?" tanong ko. Pumasok ako sa loob. Gosh. This is definitely his room. I can still smell his manly perfume and the alcohol in the room. I shrugged my shoulder. This is not the time for being maarte.

Hinanap ng mga mata ko ang cabinet nito and agad nilapitan 'yon. I opened it and took one of his pairs of PJs. Kumuha na rin ako ng boxers and isang malaking t-shirt para makapagpalit. Binuksan ko ang pintong nakita ko sa gilid. It's the bathroom. Pumasok ako sa loob. Sinarado ko ang pinto. Hinubad ko ang suot kong damit, makapal na ang mukha ko kung makapal pero wala na 'kong choice.

Inabot ko ang isang towel sa gilid at tinuyo ang katawan ko. Pinalipitan ko ang damit kong basa at inilagay sa gilid. Sinuot ko ang damit na hiniram ko kay Owen. Syempre, malamang namang siya papalitan ko tapos ako basang-basa, edi, nagkasakit rin ako, 'di ba? Lumabas na ko ng CR pagkatapos no'n.

I went back to Owen after that. Naabutan ko 'tong nakatalikod na ngayon sa gawi ko't nakaharap sa backrest ng couch. Nilapitan ko siya. Tinulak ko patihaya ang lalaki. Kunot ang noo nito habang tulog. Tingnan mo nga kahit tulog nakakunot pa rin ang noo.

Gamit ang bitbit na bagong towel. Pinunasan ko muna ang buhok, braso, balikat at ibang kitang balat niya. Pagkatapos ay hinagis ko sa gilid. Tiningnan ko siya ng masama.

"Walang malisya 'to, ha," patay malisyang sabi ko. Itinaas ko ang braso niya. Hinubad ko ang t-shirt nito. Nag-iwas ako ng tingin dahil nahubad ko na ang t-shirt niot. Tinabi ko muna 'yon sa gilid, nakapatong sa towel para hindi mabasa ang carpet.

Sinuot ko ang t-shirt sa ulo ni Owen, tapos ay sinunod ko yung braso niya sa kaliba at yung isa pa. Napatigil ako sa pagbababa ng damit ng lalaki nang tumama ang mata ko sa tiyan nito—scratch that—sa abs niya.

Namilog ang mga mata ko. Mariin kong pinagdikit ang mga labi ko. Mayroon siyang eight pack abs! Eight!! Hindi na bago sa'kin ang may abs pero beh! Wag naman ganitong malapitan. Biglang namula ang pisnge ko nang mapagtantong nakatitig na ko sa abs niya. Napalunok ako. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya saka tumayo.

Pinapayan ko ang mukha ko habang nakatingin sa lalaki. Sarap na sarap sa tulog samantalang ako nahihirapang ganito. Beh! Umayos ka. Sinapo ko ang magkabila kong pisnge ko. Napa-init nito. Hindi ko alam kung bakit ako namumula. Wala namang dapat ikapamula. Wala. Oo, wala kasi hindi naman dapat maging mapula, eh. Oo, wala. Wala.

"Aleeza Beatrice, kumalma ka! Kalma!" Huminga ako ng malalim. Lumapit ulit ako sa kanya.

Dinuro ko siya. "Alam mo, ikaw lalaki ka, napaka-sama talaga ng ugali mo! Pinapahirapan mo 'ko!" daing ko sa kanya.

Huminga ako ulit ng malalim dahil pants na ang tatanggalin ko.

Ngumuwi ako. Huwag ko na kayang alisin? Mas okay yatang naka-pants na lang siya. Okay na yan—pero uncomfortable naman siya. Sige na. Kaya ko 'to. Lumapit ako sa kanya ulit.

Nanginginig na bumaba ang mga kamay ko sa butones ng maong pants nito. Bumaba ang mata ko sa bulge na nasa gitna ng pants niya. I bite my lower lip. Umiling ako. Hindi ko dapat siya tinitingnan pero hindi ko rin naman maialis ang mata ko doon.

Natauhan lang ako nang umungol si Owen at umikot. Paharap sa'kin. Napa-upo ako dahil muntikan nang dumantay sa'kin ang mabigat nitong braso. Tiningnan ko ng masama ang lalaki.

Akal aba niya ang gaan-gaan niya? Well, no! He is heavy as fuck!

Nag-squat ako at nakapikit na binaba ang zipper ng suot nito. Iwas na iwas akong tumama sa kahit saan ang kamay ko.

Hindi naman ako inosente about sa mga sexual stuff. I do have a boyfriends before and we do a lot of makeouts pero hindi dumating sa punto na nag-sex na talaga.

Tinulak ko patihaya ulit si Owen bago hinila pababa ang pants nito. Medyo nahirapan ako kasi nag-stuck ito sa may ilalim ng puwetan ng lalaki. Matambok yarn. Binilisan ko ang paghuhubad ng pants nito. Sinuot ko ang panjama pagkatapos. Mas madali na yon dahil itataas lang naman.

Nakahinga ako ng maluwag nang mayari ako. Sa wakas!

Yung mga gamit nitong basa ay dinala ko sa may laundry area nito sa kusina. Oo, ako na ang feeling at home. Sinampay ko ang mga damit tapos ay lumabas na rin doon. Sa sala ako nagpunta. Lalabas na sana ako ng bahay niya nang may mapansin sa lamesa.

Naniningkit ang mga mata ko.

"Sino 'to?" 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top