Ika-Dalawampu't-Pitong Kabanata (Prt 2)


IKA-DALAWAMPUT-PITONG KABANATA – IKALAWANG BAHAGI

INALIS ko ang suot kong sunglasses ng lumabas ako ng kotse. Nilingon ko si Owen na nakababa na rin ng sasakyan. Nakahawak ito sa may bubon ng kotse. Nginisihan niya ako.

"Anong ginagawa natin dito?!" naguguluhang tanong ko.

Gosh, walang propose-propose sa simbahan agad ako dinala. Charot! Assuming na naman.

Malakas nitong sinarado ang pinto at lumapit sa'kin. Naramdaman ko ang paglagay nito nang palad sa likuran ko.

"Magkumkumpisal tayo."

Nanlaki ang mga mata ko. Kumpisal? Aba, siya lang naman ang makasalanan sa'ming dalawa kaya bakit pati ako kasama dito? Kapag naging abo si Owen ay wala akong kasalanan do'n. Maka-Diyos lang pangalan niya pero yung sungay, jusko! Napairap ako sa naisip ko.

Inalalayan niya ako papunta sa may hagdan at sabay kaming pumanik. Binusog ko ang mga mata ko sa paligid. Ang ganda dito. Nagkalat ang malalaking puno, tapos may mga bualaklak pang nakatanim sa gilid ng hagdan. Ang mga damo nila buhay na buhay. Lumanghap ako ng hangin.

Sariwang hangin. Ang sarap talaga ng ganito.

Nang makarating kami sa taas ay hinapit niya ko sa bewang. Tiningnan ko siya ng masama pero nakatingin ito sa paligid rin. Hindi ko na lang pinansin, baka hindi niya namalayan lang.

"Paano mo nalaman ang lugar na 'to?" tanong ko.

"Nakita ko sa wedding picture ng grandparents ko," sagot niya.

Bumaba ang mata niya sa'kin. Nagtataka akong tumingin sa kanya. Namilog ang mga mata ko. Dito ikinasal ang grandparents' niya?! Bigla akong nakaramdam ng excitement.

Kinuha ko ang kamay niya. Patakbo ko siyang hinila papunta sa pintuan ng simbahan. Tumanok siya sumunod sa'kin.

Pero bakit naman niya ako dadalhin dito, 'di ba? Ano 'yon nakita lang niya ang picture tapos naisip niyang 'ay magandang lugar 'to para dalhin si Aleeza. Magugustuhan niya 'yan for sure kasi mukha siyang magmamadre'. Pero bawal akong mag-madre, baka kasi imbis na luminis ang isip ko mahawahan pa sila. Charot.

Sumilip ako sa loob ng simbahan. Walang tao sa loob.

"Anong pangalan ng simbahang 'to?"

"Sta. Ana."

Pumasok kami sa loob. "Wow..." tanging nausal ko nang ilibot ang tingin sa paligid. Ang ganda ng ceiling murals dito. Umupo kami sa may bandang hulihan.

"My Grandfather first married my grandmother here when they were twelve years old. After ten years or eleven they met again known each other again and married here."

"Awww...that's sweet!!!" I commented.

"Yeah, I know. He is the sweetest. Hanggang ngayon ay sila pa rin."

"Ibig sabihin dalawang beses niyang pinakasalan ang lola mo? Think of it, yung una, isip batang kasalan pa tapos nauwi rin sa totohanan. Hay...gano'n sana. Ang ganda pa naman dito. Ang sarap sigurong ikasal dito," I said dreamingly.

Naramdaman niya ang tingin sa'kin.

"Nakatayo yung groom ko sa harapan tapos hinihintay niya akong makalakad palapit sa kanya. Tutugtug ang love song namin, partly kakanta ako kapag feel ko para naman may memory, 'di ba. Pinapanood kami ng mga taong mahal namin, nakangiti sila sa'min. Theme ng kasal ay kulay pink and white and gray." Kinuwento ko na ang dream wedding ko. Gabi-gabi kapag ka matutulog ako'y iniisip ko ang dream wedding ko noong kabataan ko.

Nagsusulat na nga ako ng mga pangalan ng iimbitahin ko sa kasal ko't kung gaano kadami. Isama mo pa yung kung saan kami ikakasal. Since I was a kid pinangarap ko na ang church wedding. Ang ganda kasi na sa harapan ka ng Diyos ihaharap ng lalaki. Doon kayo magsusumpaang habang buhay kayong magsasama. Napangiti ako.

"I don't like weddings. I don't like churches at all anymore," mapait nitong bulong.

Napalingon ako sa kanya. Masamang nakatingin ito sa harapan. Ano may galit sa mundo? May galit sa Diyos? Umiling ako.

"And bakit naman? Ano ayaw magpatali kasi gusto puro anuhan lang," inis kong sabi.

"Hah! Kung gano'n nga lang sana," dagdag pa nito.

Kinunutan ko siya ng noo. Anong meron? Bakit...hmm...dahil ba do'n sa pictures noon na nakita ko? Iniwan ba siya o kinasal talaga sa ibang lalake yung babaeng mahal niya? Kung susuriing mabuti. Galit siya sa simbahan, kasi ikinasal sa simbahan ang babaeng mahal niya. Hmm...tama gano'n nga.

"Huwag mong idamay ang langit sa galit mo. Susko ka. Baka magalit si Lord sa'yo tapos patandain ka niyang mag-isa," pananakot ko.

Nilingon niya ako, "do you think na maniniwala ako diyan?"

Lumabi ako. "Yes."

"You're wrong, witch. I'm not afraid to live alone. To die alone. Ipinanganak nga akong mag-isa tapos hahanap ako ng kasama? No. I'm okay. I can actually do live alone. It's okay." Nakangiti siya pero hindi naman talaga siya masaya.

"Magiging malungkot ka no'n. You will live alone. Wala kang kasama, I mean...walang babati sa'yo ng good morning-goodnight, o kaya naman magki-kiss. Makakasama sa pagtanda, lungkot at ligaya," nakangiwing ani ko.

"If gusto mo lang pala ng magsasabi sayo ng gano'n, edi tawagan mo ang parents mo or kapatid mo. Love is not always about saying good morning or goodnight, staying in sadness or happiness or even in old age. Love is about being truthful—faithful. Sabihin na natin, meron ka ngang makakasama sa pagtanda, lungkot at ligaya. May magsasabi sa'yo ng good night at morning pero hindi naman faithful, hindi naman totoo sa'yo para ka lang kumuha ng isang batong ipupukpok sa ulo mo."

"Awit! Syempre hahanap ka ng totoo sa'yo. Sino ba namang gustong makasal sa taong lolokohin ka lang, hindi ba?"

"People change. Siguro ng makilala mo sila ay totoo sila, o faithful pero darating yung time na lolokohin ka na rin nila. We cannot truly trust a person. Lahat manloloko."

Umawang ang labi ko. Shock akong tumingin sa kanya.

"Shala ka! Anong pinaglalaban mo?!" naguguluhan kong tanong. "Puro ka ka-bitter-ran sa katawan, alam mo 'yon. Nasa tao naman kasi 'yon kung pipiliin nilang mag-cheat. Saka kaylangan natin ng risk sa buhay natin para malaman 'yon, hano. Paano pala kung hindi naman 'di ba. Baka naman kasi mamaya overthinker ka lang."

Tiningnan niya ako ng blangko.

"I'm not overthinking. Na-experience ko kaya ganito ako magsalita. Mukhang ikaw kasi ay wala ka namang gano'ng experiences," aniya.

Umirap ako. "Wag ka namang ano diyan. Na-experience ko na ring maloko ng taong malapit sa'kin. Lahat tayo may gano'ng experiences. Hindi man sa love pero oo sa friendship," ani ko. Sinungaling! Pinagpalit ka ng ng first boyfriend mo sa kapitbahay niyo dahil mas magaling daw 'tong mag-kiss! Ani ng isang side ng utak ko.

Inirapan ko ang sarili ko. Shh! Hindi ako ang topic dito! Isa pa naka-move on na ako doon! Ngayon ko na-realize na hindi naman pala siya love-love. Duh!!

Seryoso ko siyang tiningnan. Tinuro ko si God. Napatingin ito doon.

"Ikaw ba? Paano mo na-experience 'yan?" tanong ko pero nanatili siyang pipi. "Love ba? Or friendship? Family?"

Hindi talaga siya sumagot sa'kin. Nagbuntonghininga ako. Masyado bang masakit yung nangyari sa kanya? Na may piniling iba ang babaeng mahal niya?

Tumaas ang isang kamay ko. Hinaplos ko ang likuran ni Owen. Napatingin siya sa'kin. Ngumiti lang ako at wala ng sinabi pa. Ayokong isipin niyang pinapangunahan ko siya o nagmamagaling ako.

May iba't ibang paniniwala naman ang tao tungkol sa kasal at relasyon. Tanggap ko ang kay Owen. Hindi lang naman siya ang may gano'n.

What happened to him is really sucks.

"I don't like to be married again," bulong niya na ikinataas ko ng tingin. "Waiting there and my bride is nowhere to be find...it's—I cant." Nagkatiningnan kaming dalawa.

I just tapped his back again and look in front again. The solemn silent surround us for hours.

*******

AFTER OUR little tour in the Saint Anne's Church, I'm so amazed. The church is so big and majestic. Meron pa lang ampunan na katabi ang Saint Anne. Nakakatuwa dahil may mga bata doong tinuturuan ng mga madre. When I saw them eager to learn parang may mainit na kamay na humawak sa puso ko. Kung nakikita lang talaga ng ibang tao ang mga batang 'to. Sana'y matulungan sila.

Matapos namin doon ay nagpunta naman kami sa ibang kilalang lugar sa buong lugar. Tulad na lang sa kilalang Tiyangge na dinadayo raw ng maraming taong taga-ibang lugar. Meron ring kainan ng street foods na kinawilihan ko talaga dahil sa nostalgic vibes nito. Nag-bike kami't nagpunta sa lugar kung saan merong bilihan ng bulaklak na nasa polyethylene pa rin. Nakakatuwa nga sinabi ko kay Owen na bumili kami at itatanim ko sa bahay.

He gladly do it. Sinunod niya ako, meron tuloy humigit isang dosenang bulaklak sa may trunk ng kotse nito. Sa sobrang enjoyment ay hindi namin namalayan ang oras. Bumaba na lang si Haring Araw na mukhang pagod na pagod na bigyan ng liwanag at pag-asa ang lahat ng tao.

Where on our way back home nang makaramdam ako ng gutom. Nilingon ko si Owen na nasa tabi ko. Nasa isa kaming maliit na karinderya. Mukha namang malinis kaya walang kaso. Hinatak ko palapit sa may salamin na lalagyanan ng ulam si Owen ng makita niya rin ang mga ulam.

"Dito na tayo kumain, ha. Maarte ba yang tiyan mo?" pabulong kong tanong.

Natatawang tumingin sa'kin ang lalaki. Clown ba ko?! Ginulo niya lang ang buhok ko. Ano bang masama sa tanong ko? Aba, rich kid siya. Malay ko kung sanay ang tiyan niya sa ganito. Baka magtae pa siya tapos sa'kin isisisi, maging kasalanan ko pa.

"Ay, anong sa inyo gwapo-ganda?" mapagbirong tanong ni Nanay.

Nginitian ko siya. "Bolera naman, Nay! Wag ka mag-alala kakain kami dito!" gatong ko.

"'Di naman bola 'yon! Nagsasabi lang ng totoo. Siya. Siya. Anong gusto niyo? Mga bagong luto lang 'yan."

Mukhang nagsasabi naman ng totoo si Nanay dahil kita pa nga yung panlalabo ng salamin dahil sa usok na galing sa ulam.

Mayroong menudo, adobo, porkchop, friend chicken. Ampalaya yuck! Pakbet, four season at pritong tilapia.

Nilingon ko si Owen.

"Anong gusto mo?" tanong ko.

"I want ampalaya, pritong tilapia and a four season," sagot niya. Wala naman akong nakikitang pilit sa mukha nito. Mukhang gusto niya ring dito kumain.

Yuck lang na gusto niya ng ampalaya. Eww.

"Ang sa'kin po ay adobo at porkchop. Tig-dalawang kanin na din po," dagdag ko pa.

"Tubig ba o soft drinks?"

"Magkano po ba soft drinks?"

"Yung isang maliit na mismo nasa bente dos pero yung malaking coke na kasalo nasa bente otso."

What?! Gano'n na kamahal ang coke ngayon! Parang kinse pesos lang yung mismo dati tapos bente yung malaki tapos ngayon nagtaas na. Shocks!

"Yung malaki na lang po. Tapos padagdag ng mineral water. Padala na lang po don." Tinuro ko yung bakanteng lamesa na nasa gilid na malapit sa TV. Tumango ang babae't di na nagsalita.

Naglakad kami palapit doon. Umupo ako gilid at si Owen sa kanan ko. Nakaharap siya bale sa may TV mismo. Mahabang katahimikan ang namayani sa'min bago ako nagsalita.

"So...ilan ang naging girlfriend mo, Mr. Hermit?"

Gulat na napalingon sa'kin ang lalaki. Nakanganga pa ito. Umirap ako. Sinarado ko ang bibig niya.

"Baka pasukan ng langaw," ani ko.

Umangat ang isang sulok ng labi nito bago ako inilingan. "I only have one. Ikaw?"

"Dalawa!" truthful kong sagot.

"Bakit dalawa lang?" natatawang tanong niya.

Ha, para siyang nag-aasar pero hindi ako papatalo. Mas masama ugali ko diyan, joke lang po!

"Kasi wala lang. Basta dalawa lang sila. Ikaw bakit isa lang?"

"Busy sa work," aniya.

Sasagutin ko sana siya ng dumating na ang pagkain namin. Nagpasalamat ako sa waitress bago siya nginitian. Kinuha ko ang ulam ko. Nandidiri kong tiningnan ang ampalaya ni Owen. Bagay actually sa kanya. Pareho silang bitter.

Napansin yata ni Owen ang masamang tingin ko sa walang labang ulam kaya inilayo niya sa'kin 'yon. Mapaglaro siyang tumingin sa'kin.

"You hate this?" he asked, annoyingly.

I looked at him seriously, "yes! Actually no! I loathed that gulay!" inis ko pa.

He cough in laugher. "Why. This poor bitter gourd does not do anything to you!" he sounded defensive too!

Pinandilatan ko siya! "That bitter gourd! Ampalaya lang 'yan wag kang maarte! Muntikan na kong patayin niya! Alam mo ba nung bata ako may napapanood akong commercial sa TV tapos kumakain yung bata, sarap na sarap pa, and take note! May pasabi-sabi pang 'gagaling sa sakit ang kakain nitong bata!', eh ako namang uto-uto noong nagkasakit nagpaluto ako sa nanay ko ng ampalaya tapos beh! Ampait! Imbis yata na gumaling ako mas lalo lang akong nagkasakit! Kinumbulsiyon ako sa pait niyan kaya simula non sinumpa ko na yang gulay na yan! Kahit sa pakbet ay hindi ako nagluluto niyan!" Marahas na nagbababataas ang dibdib ko, pinapangapusan ako ng hininga.

"Well...as a kid that's terrifying," he commented.

I rolled my eyes. "Terrifying my ass! Basta! Ayoko ng ampalaya! Ewan ko ba sa inyo bat sarap na sarap kayo diyan." Kinuha ko ang porkchop ko. "Basta ako, okay na ako dito."

After a long minutes of silence in eating he asked me.

"Why you break up with your boyfriend?" he sounded curious.

Pinunasan ko ang bibig ko using a handkerchief before looking at him.

"Yung first boyfriend ko niloko ako. Pinagpalit sa malapit, charot! Basta nag-cheat, tapos yung ikalawa naman. Na-fell out of love kaya ayon. Hiwalay kami. Since then hindi na ulit ako nag-boyfriend. Career muna, ikaw? Ba't naghiwalay kayo ng girlfriend mo?" balik ko sa kanya. Pero hindi siya sumagot.

Tiningnan ko siya, nakatuon ang mata niya sa isang direction. Umangat ang tingin ko doon. Sa TV. Movie, about sa ikakasal na couple. Yung lalaki naghihintay sa altar at yung babae naglalakad na palapit hanggang sa tumigil dito sa gitna. Napatingin naman ako kay Owen. Nakatitig lang siya sa screen pero napatingin siya sa'kin kaya nagiwas ako. Lumingon ako sa screen, shit. Iniwan ng babae ang groom niya. Sinilip ko ulit ito. Nanlaki pa ang mga mata ko dahil nakita ko ang pagtakas ng isang luha sa mata nito.

Napait siyang tumawa bago ako tiningnan ng seryoso.

"Gusto mo bang malaman kung bakit ayaw kong magpakasal?" mahina niyang tanong.

Tipid akong tumango sa kanya.

"Two years before I went here I was about to marry the girl of my dreams. We're in a relationship for years but she still cheat with my bestfriend since gradeschool on our wedding day! Sa mismong araw ng kasal namin ay naabutan ko siyang nakikipag-sex sa bridal car niya," his voice broke.

Umawang ang labi ko.

"A—o my god."

"That's why I don't like churches. I don't like weddings. Not because of I hate God or I don't believed in it but I'—"

I didn't let him finish. Tumayo ako sa upuan ko't niyakap niya. He sobbed like a boy. Hindi siya gumanti pero sapat na 'yon para malaman kong nakagaan ako ng loob.

Kaya siya gano'n. Now I understand.

Those photos! Iyon ang ex fiancée niya at ang bestfriend nito. They are looked in love! Paano nila nagawang manloko ng gano'n! No ones deserves that! Lalo pa't sa araw ng kasal. Hindi na ako magtataka kung bakit nadala si Owen, kahit ako man siguro 'yon ay baka ma-trauma rin ako.

Ipinatong ko ang baba ko sa ulo ni Owen at inalo ito. Humigpit lang ang yakap ko sa kanya lalo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top