Ika-Dalawampu't-Apat na Kabanata (Prt 1)
IKA-DALAWAMPUT-APAT NA KABANATA (Unang Bahagi)
NAKANGITI ako habang pinagmamasdan ang screen ng cellphone ko. Nakalubog ang katawan ng babae sa may putik habang ang lalaki naman ay nag-selfie sa harapan nito imbis na tulungan. Kaagad akong nag-reply dito.
To: Mr. Hermit
Ikaw talaga napakaloko mo! Tulungan mong tumayo si Dhara!!
Binitawan ko ang cellphone at tiningnan ang mga batang alaga ko. Tulog sila. Alas-tres ba naman kasi ng hapon, talagang aantukin sila. Bumalik ang mata ko sa cellphone ng umilaw 'to. Inangat ko 'yon.
From: Mr. Hermit
I helped her! Tinulungan ko naman siya, ah! I led her one of my clothes. And besides, minsan lang maging clumsy si Dhara. It's so funny!
Inilingan ko siya. Puro talaga siya kalokohan! Tinulungan daw, eh, tinawanan naman niya.
To: Mr. Hermit
Dapat lang, noh! Ano ka swerte?! Iuwi mo na siya para makapaglinis na.
Tumayo ako't nilapitan ang mga bata. Chineck ko kung komprotable ba sila. Umupo ako sa tabi nila nang mag-ring na naman ang phone ko. Naiiling akong bumalik sa may lamesa ko.
Ilang buwan na ba kaming ganito ni Mr. Hermit? Palaging magka-text. Palaging magka-call simula nang makuha niya ang number ko kay Dhara. Hindi ko alam kung anong meron sa'ming dalawa, pero...masaya ako. Kasi naman mabilis mag-reply si Mr. Hermit, kapag ka may gagawin itong matatagalan siya'y sasabihin niya.
Hindi katulad ng ibang tao diyan na aabot ng isang oras ang reply o mahigit pa tapos wala ring sense yung reply niya.
September na ng taong kasalukusan. Time passes very quickly. Kita mo nga, Ber season na naman. Ang tagal na pala naming magkaybigan ni Mr. Hermit—naging maayos na rin ang relation namin. Hindi na siya sobrang sungit sa'kin. Mabait na siya. Nakilala ko na ng maayos si Dhara, ang hindi ko pa lang nakikita ay si Venus.
Hindi ko na namalayang nagva-vibrate na pala ang phone ko, sobrang lalim yata nang naarok ng isipan ko.
Sinagot ko agad ito. Tumayo ako at naglakad palabas dahil baka magising ang mga bata sa ingay namin. Kapag umiyak pa naman ang isa ay sunod-sunod na 'yan. Dahan-dahan kong sinarado ang pinto at huminga ng malalim.
"Oh, bakit ka tumawag? Pauwi na kayo?"
"Nah. Naliligo pa si Dhara. Ayaw niyang matuyuan ng putik sa katawan at baka daw may kung anong kumapit sa balat niya. Ikaw, anong ginagawa mo?" tanong ni Mr. Hermit sa kabilang linya.
Umupo ako sa isang upuan at tinaas ang paa ko sa may center table.
"As usual, nagbabantay ng mga bata," bored kong sagot. "Malapit naman na silang sunduin ng parents nila kaya wala na akong gagawin mamaya."
"Okay. Always drink water, Witch. Mainit ang panahon," paalala nito.
Umirap ako sa hangin. "Yes po, Itay!" biro ko. Kung kelan naman September ay doon ako papaalalalahan. Eh, nag-uumpisa na ngang lumamig lalo na sa gabi. Nanunuot tuloy sa mga buto ko ang pangiging single.
Eme pero nagu-update sa isa diyan na parang jowa, charot!
"Don't be sarcastic, tsk! What do you want to eat? Dadaan kami ni Dhara sa market mamaya, I can buy something for you," he said.
Napa-isip ako. Ano nga bang gusto kong kainin ngayon? Sa lingo na kasi ito yata ay hindi ako nakapagluto. Palaging take-out o kaya naman ay si Mr. Hermit ang nagluluto ng pagkain naming dalawa. Dinadalan kasi niya ako dito ng pananghalian para hindi na daw ako lumipat sa kabila kapag sobrang tirik ng araw.
"Hmm. Wala akong maisip, Mr. Hermit. Ikaw na lang ang mag-isip. Alam mo naman kung anong gusto ko," nakangusong sagot ko sa kanya.
Narinig kong tumawa ito sa kabilang linya. "Fine." I can imagine him rolling his eyes on me. I smile a bit. "I heard from a friend na may bagong bukas daw na restaurant sa bayan and it's an Italian. I want to bring you there for dinner. Want to go?"
Nagningning ang mga mata ko sa narinig. Ang tagal ko ng hindi nakakakain ng Italian foods!!!
"YES!!! I want to go!!!"
"Okay. Okay, there little, Witch. Be ready at seven susunduin kita sa bahay mo. Don't have to bring your car. Ako rin ang maghahatid sa'yo pag-uwi. Okay?"
Mas lumawak ang ngiti ko. "Okay!!!"
After that ay binaba ko na ang tawag. Bigla na lang akong na-excite dahil sa plano namin mamayang gabi. Pumasok ako sa classroom at nakihiga sa mga bata.
*******
THE night came like a blink. I'm already wearing my black bodycon dress, kitang-kita ang cleavage ko dito dahil heart shaped ito. Thankful talaga ko't biniyayaan ako ng malaking hinaharap, sa tuwing ganito ang damit ko'y pakak na pakak. Simple lang naman ang ayos ko tonight. Kulot ang buhok ko, naka-make up ako. Light lang pero kapansin-pansin pa rin. Sandals na may heels ang suot kong pampaa.
Tiningnan ko ang reflection sa salamin.
"Ang ganda mo naman, anteh!!" puri ko sa sarili ko.
Inabot ko ang cellphone ko. Nilagay ko 'to sa may camera at nag-picture sandali. Madaming poses ang ginawa ko bago ako nasiyahan.
Nang malapit ng mag-seven ay bumaba na ko sa sala para doon hintayin si Mr. Hermit. Nilagay ko sa message ang phone ko, ite-text ko sana ang lalaki ng matigilan ako. Wag na. Baka mamaya sabihin niya'y napaka-atat ko, na hindi ako makapaghintay.
Napaalis ang tingin ko sa cellphone ng may kumatok sa pintuan. Ngumiti ako. Kinuha ko ang bag ko na nakapatong sa mesa't sinuot ko 'to. Lumakad ako papunta sa pinto. Binuksan ko iyon. Sumalubong sa'kin ang gwapong mukha ni Mr. Hermit.
Huminto sa akmang pagsasalita si Mr. Hermit ng makita niya ko.
Namula tuloy ang mga pisnge ko. Kakaiba kasi ang mga tingin niya. Nakakalusaw.
"H-hi..." paos na bati nito.
Sinupil ko ang ngiti sa labi ko. "Hi..."
Tiningnan ulit ako ni Mr. Hermit, ngayon, from head to toe na saka ibinalika ng tingin sa'kin.
"You are so beautiful," he said in low voice. Nakakaringgan ko pa doon ang pagkamangha.
"Salamat. Ikaw rin, ang gwapo mo," nakangiting ani ko. Totoo naman 'yon. Gwapo 'to sa suot na black suit. Ang clean niyang tingnan.
Umawang ang labi ko ng kagatin nito ang pang-ibabang labi nito. Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Inangat niya ang kamay niya sa harapan ko. Nag-angat ako ng tingin, nagtama ang mga mata namin. I take his hands. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko't hinila ako palapit sa kanya.
Our bodies touched, wala nang sisingitan ang hangin upang makadaan.
Kinakapos ako ng hininga dahil sa puwesto naming ito. Nalulunod ako sa mga tingin niya. Those...green eyes.
We just stay there for a few seconds...and after that, si Owen na ang kusang lumayo. Tumikhim siya't inalalayan akong bumaba hanggang sa makarating kami sa tapat ng kotse nito. Pinagbuksan niya ko ng pinto. Nginitian ko siya.
"Thank you," pasasalamat ko nang makapasok ako sa loob.
Ipinatong nito ang isang kamay sa ibabaw ng kotse at ang isa ay nasa may pinto. Bumaba ang tingin niya sa'kin.
"Are you okay there?"
"Yap!" I answer while popping the 'p'.
Sinarado nito ang pinto saka umikot sa harapan papuntang driver seat. Sumakay ito at nilingon ako. Nagtaas ako ng kilay.
"Bakit?" nagtatakang tanong ko. Inayos ko tuloy ang buhok ko.
"Seatbelt," aniya.
"Ahhh! Okay. Okay." Nilingon ko ang gilid ko tapos hinila ito para maikabit. Nakangiti pa kong lumingon kay Mr. Hermit para makita niyang okay lang ako pero napalis iyon nang hindi gumalaw Nanlaki ang mata ko. Mas diniinan ko ang paghila pero wala. Akmang ninilingon ako sa gilid kung anong nangyari nang sumalubong sa'kin ang panlalaking amoy ni Mr. Hermit.
Namalayan ko na lang na nakalapit na siya sa'kin ilang millimeter ang layo ng mukha niya sa'kin. Umawang ang labi ko. Napasandal ako sa kina-uupuan ko.
Is he going to kiss me?!
"A-ano kaya ko n-naman—"
Bago ko pa matapos ang sasabihin ko'y naikabit na niya ang seatbelt ko. Bumalik ito sa pwesto nito't ngumiti.
"Comfortable?"
"Yeah."
When he heard that ay tumango ito. Nag-drive na siya paalis. Our drive was so quiet. Ang gumagawa lang ng ingay ay ang radio na nakabukas.
And yeah, I know it's stupid.
But I just gotta see it for myself
I'm in a corner, watching you kiss her, oh
I'm right over here, why can't you see me? Oh
And I'm giving it my all
I'm not the guy you're taking home, ooh
I keep dancing on my own
"I'm in a corner, watching you kiss, her..." I sing along with the radio.
Hindi ko na napansing may mga mata na palang nakatingin sa'kin. I'm smiling while looking outside the window. Satiating my eyes with light from different cars and light poles.
DUMATING kami sa restaurant. Nag-park kami sa harapan. Nilingon ko si Mr. Hermit. Nag-aalis ng seatbelt. Naramdaman niya yatang nakatingin ako sa kanya kaya siya nag-angat ng tingin sa'kin. Nginitian niya ako.
That smile...
"I know I'm handsome, you don't have to drool on me!" he joked.
I didn't even know na gano'n ako katagal na nakatitig sa kanya. Drooling? I don't think so. I think its understatement.
Nakakalunod siya. And I feel like I'm drowing. The question is, do I want to be saved from it?
"Want me to help you to remove your seatbelt?" he asked again.
And that's my cue. "Ahm...ako na," nahihiyang ani ko. Inalis ko ang seatbelt at akmang bubuksan ang pinto nang hawakan ni Mr. Hermit ang braso ko.
"Stay, don't move. I will open the door for you," aniya.
Nginisihan ko siya. "Wow, paka-gentleman naman ng Mr. Hermit na 'yan! Anong nakain?!" natatawang tanong ko.
"Kakain pa nga lang!!" sagot nito.
"At anong kakainin?!" hirit ko pa. Pero huli na nang ma-realize ko ang ibig sabihin no'n. Pero mukhang wala naman yatang kay Mr. Hermit 'yon dahil lumabas na 'to ng kotse. Pinanood ko siyang umikot sa harapan. Nag-stop siya sa may gilid ko't binuksan ang pintuan. Ngumiti ako.
"Thank you," nakangiting sabi ko nang alalayan niya kong makababa.
"Welcome," he whispered.
Bumaba ang braso ni Mr. Hermit sa bewang ko. Lumibot ito doon. And I don't feel bad about it, actually it feels so comforting na nasa loob ako ng braso nito. I feel safe.
I raised my head and walked confidently papasok nang restaurant. Sinalubong kami ng isang waiter.
"Sir, table for two?" he asked.
"Yes. I want our table outside where we can watch the fireworks display for later," Mr. Hermit said.
Ngumiti at tumango ang waiter. "This way, sir, ma'am." Tumalikod sa'min ang lalaki, nauna siyang maglakad at sumunod naman kaming dalawa ni Mr. Hermit.
Nang ilibot ko ang tingin ko sa paligid ay napaka-ganda. Sosyal na sosyal ang loob. Puro sophisticated at kagalang-galang ang mga naka-upo sa loob, though, kaunti lang ang tao. Dahil siguro kabubukas lang at hindi pa masyadong kilala. But I know, it will be known soon lalo na kung masarap talaga ang pagkain nila dito.
Nakarating na kami sa may terrace where I can fully see the beautiful mountains while the moon and stars are dazzling in the dark sky.
Inalis ko ang braso ni Mr. Hermit at naglakad ako papunta sa may dulo ng lugar. Ihinawak ko ang kamay ko sa hamba at tumingin sa buong lugar. Napangiti ako sa ganda.
"Wow..." nakangiting ani ko.
Naramdaman ko ang hawak ni Mr. Hermit sa bewang ko. Sumandal ako sa likuran niya. Ipinatong ni Mr. Hermit ang baba niya sa balikat ko.
"Do you like it?" pabulong niyang tanong.
Sunod-sunod akong tumango. "Oo! Ang ganda ng lugar, Mr. Hermit," nakangiting sagot ko.
"Mabuti't nagustuhan mo. Pinag-isipan ko talagang mabuti kung saan ka dadalhin," aniya.
Nilingon ko siya. Naagtama ang mga mata namin.
"Salamat. Na-appreciate ko nang malala," ani ko.
"Welcome. Basta masaya ka," wika niya.
Natigilan ako sa sinabi niya. Basta masaya ako? Ako? Pinigilan ko ang sarili kong kiligin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago lumayo sa kanya.
"May fireworks mamaya dito?" naniniguradong tanong ko.
Of course hindi makakaligtas sa pandinig ko 'yon, hano. Yun nga lang ata yung isa sa pinaka-da-best na reason dito, eh, charot!
Tinanguan ako ni Mr. Hermit na mas nagpalawak ng ngiti ko. "Yes. Kanina ko lang din nalaman," anito bago ako inalalayan sa braso papunta sa table namin.
Mas lalo akong na-excite dahil do'n.
"Nakakain ka na ba dito?" tanong ko nang ipaghila niya ako ng upuan. Umupo ako.
"Hindi pa. Nasabi lang sa'kin kaya ginusto kong subukan. Hindi naman masayang kumain mag-isa kaya sinama na kita," aniya nang maka-upo sa katapat kong upuan.
Inangat ko ang menu.
"Do you want pasta?"
Umiling ako. "Parang masarap yung gnocchi, what do you think?"
"Yeah, pwede na rin 'yon."
Tiningnan ni Mr. Hermit ang waiter na naghihintay sa gilid. May hawak itong papel at ballpen.
"Like ko ng Friontina," ani ko.
Tiningnan ako ni Mr. Hermit.
"Yon lang?"
"Yeah. I think so," sagot ko habang tinitingnan ang menu. "Wait... I like to try gnocchi. Ikaw?"
"Friontina is okay with me. And then, a pasta. Give me one. You want pasta?"
Umiling ako. "Nope. Okay na 'yun sa'kin."
"Okay. Give us a bottle of red wine too," anito.
Mabilis na tumango ang waiter saka tumalikod paalis. Naiwan kaming dalawa ni Mr. Hermit. Nakatingin siya sa'kin. Ngumiti ako.
"What?" natatawang tanong niya.
"Wala. Ikaw naman natingin lang 'what' agad," ani ko.
Tinawanan niya ako. Nakakatuwang makitang tumatawa na ngayon si Mr. Hermit. Parang carefree na siya ulit.
"Malay ko ba kung pinagpla-planuhan mo na pala akong ihulog sa bangin," natatawang sabi nito.
"HOY! Ano ka ba. Hindi kita ihuhulog diyan. Mana pa ako mahulog!" ani ko.
"So...how's your day? Hindi ka ba nahihirapan sa mga babies?" tanong nito pagkaraan ng ilang minuto.
"Nope. Ang bait nga nila, eh. Hindi katulad noong last year na parang may sungay yung babies na inaalagaan ko," sagot ko. "Eh, si Dhara? Kumusta? Wala naman bang nabaling buto sa kanya?"
"She's fine. Yun lang, ayaw na niyang sumama ulit sa manggahan sa takot na baka madulas ulit."
Natawa ako ng mahina dahil sa sinabi nito.
"Bakit ba kasi siya nadulas? Nakabota naman yata siya."
He shrugged. "Not sure. Basta magkasunod kaming dalawa tapos pinag-uusapan namin yung pwedeng idadag na tanim nang tumili siya. Nang malingunan ko naliligo na sa putikan."
Susko day! Nakakaloka.
"Okay. Sa susunod kamo mag-ingat. Medyo maulan pa naman ngayon," ani ko.
Tumango siya. Ilang buwan na rin kaming ganito ni Mr. Hermit, palabas-labas pero wala namang nangyayari. Hindi ko nga alam kung date ba 'to as in a date or friendly date lang kasi walang ibang friends sa lugar namin si Mr. Hermit.
Alam mo 'yon...feeling ko may something sa'ming dalawa minsan pero hindi ko naman siya ma-sure kasi gano'n rin naman yung turingan namin ni Stephan. Gano'n rin ako minsan I trato ni Stephan.
Mabilis rin namang dumating ang order namin. Bagong luto ito base sa usok na lumalabas pa doon sa may
"Yung school ba? Magpapataas ka na ng lupa? Like what you said rainy season na. Baka mamaya bahain kayo doon," ani Mr. Hermit, may pag-aalala sa kanya.
Isa pa to sa mga pagbabagong nakita ko. Kung dati atat na atat siyang palayasin kami sa kinatitirikan ng lupa, ngayon ay iba na. Halos ibigay na nga niya sa'kin 'yon. Siya nagsasabing patayuan ko pa daw ng second floor o kaya naman ay papatambakan daw niya na hindi ko naman hinayaan.
Syempre, nakakahiya kaya. Kami yung nakikitayo tapos siya gagastos para sa'min. No po, next. Eme.
Kinuha ko ang steak knife at akmang hihiwain ang steak sa plato ko nang ingat ni Mr. Hermit ang plato niya. Kinunutan ko siya ng noo.
"Bakit? Ayaw mo—" Hininto ko na ang sasabihin ko nang pagpalitin ni Mr. Hermit ang plato naming dalawa. Ngayon ang nasa akin ay ang hiwa-hiwa nang steak. Mariin kong pinagdikit ang mga labi ko. "Salamat."
Yun lang yung kaya kong sabihin dahil nagwawala na naman ang mga paur-paru sa tiyan ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top