memrae (flash fiction)

"Happy anniversary, my love, Astra."
Nagising siya nang marinig ang bulong ng mister sa kaniyang tainga. Gumuhit ng ngiti sa kaniyang labi nang masilayan ang mukha nito.

"Happy 10th anniversary, love"

"May regalo ako sa 'yo."

Bumangon kaagad siya't napaupo sa higaan, tsaka sumandal sa dingding. "Ano 'yan?"

Mula sa bulsa ng lalaki ay hinugot nito ang dalawang kapsula na nagliliwanag ng pula. Napasigaw siya sa tuwa nang mapagtanto kung ano ito.

"Memrae?"

"Alam kong matagal ko na itong pinangako sa 'yo. Pasensya na kung natagalan," sabi nito.

"Hindi ba mahal 'yan, love?"

"Nakuha ko lang 'to sa halagang tatlong roms lang. Binenta 'to sa 'kin no'ng lalaking nakasalubong ko sa daan kanina. Totoo pala na may mga pirated na kopya ng mga alaala. Napakamura nga, pero yung kalidad ay parehong-pareho sa gawa ng Memro."

"Seryoso?"

"Oo, nasubukan ko nga yung alaala nung isang SCUBA diver. Grabe, mahal. Ang ganda pala ng dagat noon. Hindi gaya ngayon na naging tambakan na ng basura."

Magmula no'ng puwede na iimbak ang mga alaala ng mga tao sa simpleng device na tinatawag nilang "memrae" ay maaari na rin itong maranasan ulit. Ngayon na pahirapan na sa paglabas dahil ang hangin ay nakakalason na at ang suplay ng oxygen ay napakamahal, marami ang nangangailangan ng memrae upang maranasan din at makita ang mundo noong wala pa ang digmaan, at masilayang muli ang mga mahal nila sa buhay.

"Anong binili mo?"

"Ang buhay ng sikat na aktres at aktor sa idustriya ng pornograpiya noong 2058, si Dystene at Armand. "

Biglang siyang nasabik nang marinig ang sagot ng mister. Sa rami ng mga pornograpiyang alaala na binibenta, isa sa pinakapumatok ay ang mga alaala ni Dystene. Ayon pa nga sa usap-usapan, walang katulad ito at iba ang hatid nitong sensasyon sa gustong makaranas.

Sa sobrang galak niya ay agad niyang hinalikan ang mister at saka hinila pabagsak sa higaan. Nagsimula na silang maghubad ng damit. Nang bumitiw ang mga labi nila at hinabol ang hininga ay dumapa ang babae't pumatong naman ang kaniyang mister. Mula sa likod ng ulo niya, sa ibabaw ng leeg ay naroon nakabaon ang isang device na nakakonekta sa utak niya na tinatawag nilang memraetor.

Marahang idinikit ng kaniyang mister ang kapsula ng memrae ni Dystene t'saka inikot ito. Kusang na-activate ang memrae at nagsimula nang i-download ng memraetor ng babae. Ilang saglit pa, tumigil na rin sa pagliliwanag ang kapsula. Inalis na ito ng lalaki at hinagis sa baba ng kama.

Tumihaya na siya't tinulak ang mister niya sa tabi.  Tumalikod din ito at siya na naman ang pumaibabaw sa lalaki. Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi niya nang gamitin niya ang isa pang kapsula't inilipat ang alaala ni Hektor sa memraetor sa kaniyang asawa. 

"Mapupuyat ka talaga ngayon, love," pilyong sabi ng babae at inabot ang memraetor sa likod ng ulo niya. "Sabay tayo. Isa...dalawa...tatlo."

Sabay nilang pinindot ang kaniya-kaniyang memraetor. Agad siyang napapikit at napakapit sa kaniyang mister at napaungol nang maramdaman ang sari-saring sensasyon sa buong katawan at nang bumaha ang mga alaala sa isipan niya. Nang mag-sync ang kanilang memraetor at alaala ay napasigaw siya sa sarap nang maranasan at makita ang nag-iisang alaala ni Dystene na kasama si Hektor. Ginaya nila't sinabayan ang mga pinaggagawa nito, bagay na naghatid ng doble at mas kakaibang sensasyon sa buong katawan nila.

Ngunit sa kalagitnaan ng kanilang pag-iisang katawan ay biglang nag-iba ang nararamdaman ng babae't napadaing siya nang sumakit ang kaniyang ulo. Agad na pinindot ng lalaki ang sariling memraetor upang itigil ang pagdanas niya ng alaala t'saka dali-daling tinignan ang kaniyang asawa. Umiiyak na ito sa biglang pananakit ng ulo.

"Love, anong nangyari?" tanong niya nang abutin niya ang memraetor nito at pinindot nang makailang beses. Pero hindi pa rin ito tumitigil sa pagdaing.

Laking-gimbal ng babae nang mas lalong sumakit ang ulo niya. Biglang nawala sa isipan niya ang alaala ni Dystene at napalitan ito nang kahindik-hindik na alaala. Nakita niyang may hawak-hawak ang babae na patalim at naglalakad papalapit sa lalaking nakatali sa kama na nagpupumiglas at umiiyak. Gusto na niyang itigil ang panonood ng alaala, ngunit kahit anong gawin niya ay parang sira ang memraetor niya na hindi gumagana.

Para siyang mababaliw sa takot. Kahit na anong sigaw at iyak niya ay hindi pa rin mawala-wala sa kaniyang isipan ang karumal-dumal na krimeng ginawa. Saksi siya kung paano paulit-ulit na pinagsasaksak ito ng babae habang ito ay tumatawa pa. Tumatalsik ang dugo nito sa kalapit na dingding at kumalat sa kumot at higaan. Ilang saglit pa ay tumigil na sa pagpupumiglas ang lalaki nang bawian na ito ng buhay; pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagsaksak dito.

Hinihingal si Dystene nang tumigil siya sa pagsaksak. Nababalot ng dugo ang kaniyang mga kamay at braso. Habang habol-habol ang kaniyang hininga ay biglang bumuhos ang kaniyang luha. Dahan-dahan siyang umalis sa ibabaw ng lalaki't tumakbo patungo sa banyo. Inilagay niya sa lababo ang duguang kutsilyo't binuksan ang gripo. Hinugasan niya't inalis ang mga dugong kumakapit habang patuloy na umiiyak. Napatingin siya sa kaharap na salamin at kinausap ang sariling repleksyon.

"Ayoko na. Pagod na ako sa industriyang ito," aniya't  pinulot ang patalim sabay gilit sa kaniyang leeg.

PAGPASOK NG ISANG lalaki sa kuwarto ay unang bumungad sa kaniyang paningin ang bangkay ng lalaki sa higaan na tadtad ng saksak. Nakatali ito sa kama't dilat na dilat ang mga mata't nakabukas pa ang bibig. Tumabi naman sa kaniya ang isa pang lalaki na kakapasok lang din.

"Nasaan ang babae?"

Sinundan nila ang mga bakas o patak ng dugo sa sahig hanggang sa dalhin sila sa banyo. Doon nila nakita ang katawan ng babae na nakahandusay sa sahig. May katabing patalim; may malalim na hiwa sa leeg, at naliligo sa sariling dugo na natuyo na.

"Who is this?"

"Astra Villarden."

"It worked."

"This is the twenty-seventh case of the Project. The results are getting better and better each case. We're close to bringing back the life of our ancestors using their memories."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top