Watch Memories
Mahaba na ang nilakbay ng dalawa kong paa. Mahaba na ang daang natahak ko, ngayon naramdaman ko na ang pagod. Napagod na ako. Eto na ang oras para mag pahinga na ako.
Pinilit kong nguniti kahit pumapatak ang mga luha sa mga mata ko.
"Antayin mo ako, malapit na ako." Sambit ni Ron sa kabilang linya.
Hindi ko alam kung maaantay ko pa siya, hindi ko alam kung aabot pa ba siya.
"Huwag mo na akong habulin, balikan mo na si Ali. Inaantay ka niya." Sagot ko.
"Christian, hindi. Antayin mo ako, antayin mo kami ni Brea." Sagot niya.
Marahil madaming pag kakataon na nag kamali ako, na dapa. Nasubsob pero naka yanan ko paring tumayo at lumaban.
Habang hawak hawak ko ang telepono ko, naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko.
" Balikan mo si Ali, mahal na mahal ka ng kaibigan ko." Huling kataga na nabitawan ko bago nanghina.
"Christian, Christian?" Huling salitang narinig ko. Bago ako tuluyang nawalan ng malay.
Ramdam ko ang pagod at hirap ng pag hinga.
"ANAK!" Sigaw ni Mama. Nan labo ang mata ko habang naka titig sa kanila. Naririnig ko pa ang boses ni Ron sa kabilang linya.
Pinilit kong ngumiti. Marahil eto na ang huling ngiti na makikita nila mama.
Habang hawak hawak ko ang kamay ng Mama ko, wala akong maramdaman kundi sakit ng tagiliran ko. Parang pinupunit sa sobrang sakit.
"Ma hindi ko na kaya." Bulong ko.
Nan laki ang mga mata ni Mama.
"Hindi. Anak. Kaya mo yan,"
Pumasok ang mga doctor sa loob ng kwarto ko, isinakay ako sa stretcher. Habang tinutulak ako papunta sa emergency room nahagip ng mga mata ko si Ron at Brea na tumatakbo habang naka hawak sa isang stretcher.
Nag ka salubong kami at kitang kita ko ang mga dugo sa damit ni Ron.
"Ron, anong nangyari?" Sigaw ni Mama.
"Si Ali--Tita si Ali nasagasaan." Sambit ni Ron.
Gusto kong bumangon para kausapin siya. Para pakalmahin siya pero hindi ko magawa. Ayaw gumalaw ng katawan ko.
Sabay pinasok sa emergency room ang mga katawan namin ni Ali. Kitang kita ko kung paano naka sunod ang mga mahal namin sa buhay.
"Doc" Bulong ko. Agad namang lumapit sa akin ang doctor.
"Pwedeng unahin niyo yung bestfriend ko? Pwedeng pagalingin niyo siya. Unahin niyo siya. Alam ko naman na malapit na akong mamatay, please unahin niyo siya." Pag mamaka awa ko.
Bahagyang tinapik ng doctor ang balikat ko.
"Anak, May tutulong sa kaibigan mo. Ngayon ako naman ang tutulong sa iyo. Huwag kang mag alala. Gagawin namin ang makakaya namin para gumaling kayong pareho." Saad niya.
Ilang oras bago ako nagising mula sa pag kakatulog ko, nandito na ako sa recovery room. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko. Naka upo sila Ron, Brea Mama at Papa sa bench sa labas.
Nung nakita nila akong gumalaw isa isa silang pumasok sa loob. Isa isa nila akong tinanong kung kumusta na ako.
"Ayos lang naman ako, si Ali. Kumusta si Ali?" Tanong ko.
"Nasa operating room." Saad ni Ron.
Mag sasalita pa sana si Ron nung pumasok ang doctor sa loob ng kwarto ko.
"Sinong kasama ni Doc. Dela Cruz?" Tanong niya.
"Ako po." Sagot ni Ron
"Kaano ano ka niya?"
"B-Boyfriend ko po siya."
Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Ron. Hindi ko maiwasang mapangiti. Kailangan lang palang may mangyaring masama kay Ali bago niya matanggap sa sarili niyang mahal niya pa yung tao.
"Na damage ang cornea niya. Kailangang operahan at mag undergo sa eye transplant."
"P--po? Saan ako mag hahanap ng donor?"
"Ako" Naka ngiti kong sagot.
"Ano?" Sigaw ni Mama.
"Mamatay na ako, maraming nagawang kabutihan sa akin si Ali. Eto lang maireregalo ko sa kanya."Saad ko
" Hindi Christian. Hindi papayag si Ali. "Sagot ni Ron.
" Wala naman siyang magagawa. Tsaka okay na yon para kahit mawala ako sa piling niyo. At least mararamdaman niyong lagi akong nasa tabi niyo."
Natatakot ako, pero eto lang ang kaya kong gawin para sa kanila.
" Pero may Lupus ka. Hindi ka pwedeng mag donate, diba Doc. Hindi siya pwedeng mag donate. "
" I can, nung araw na nalaman ko ang sakit ko, nag research ako kung pwede ako mag donate ng organs ko. And as long as healthy ang dugo ko, I can. And I am willing to donate my eyes to my bestfriend. "
" He's correct. Tho, we still need to check his blood kung may complications siya, kasi tama siya. Kung meron hindi siya pwedeng mag donate."
" Hindi ako papayag!"Sigaw ni Ron.
" Pero. Kailangan niya bago siya tuluyang mabulag. This is the only thing I can do to save my childhood bestfriend. "Saad ko.
" Paano pag hindi makayanan ng katawan mo?"
"If ever na hindi ako magising after ng operation. Open my laptop. Andun lahat ng mga gusto kong sabihin sa inyo." Sagot ko.
Lumakad silang lahat papalapit sa akin at niyakap ako isa isa.
"Doc. Kelan pwedeng operahan?" Tanong ko.
"As soon as possible."Sagot niya.
Ngumiti ako.
" Antayin niyo ako. "Saad ni Ron at lumabas ng kwarto. Limang minuto ang dumaan nung biglang may pumasok na Mickey Mouse mascot sa room ko. Nakangiti ako habang pinapanuod kung paano siya sumasayaw. Kung paano niya ako pinapa tawa. Para akong bata na umiiyak habang pinapanuod ang pag sayaw ni Mickey Mouse sa harapan ko.
Dahan dahang hinubad ni Ron ang mascot at tumayo sa tabi ko.
"Tara sa labas. Gusto ko makita yung sunset." Saad ko.
Sinakay nila ako sa wheelchair at tinulak papunta sa roof top.
Naka upo kami mag kakatabi.
Hinawakan ko ang kamay ni Ron. Nginitian ko siya. Ngiti na hindi niya malilimutan.
"Salamat." Saad ko.
"Para saan?" Tanong niya.
"Para sa lahat ng mga bagay na nagawa mo sa akin. Brea, ipangako mo sa akin na aalagaan mo tong bestfriend mo ha."Dagdag ko.
" Hoi, Oo naman."Sagot ni Brea.
Naka upo lang kami nung biglang umihip ang malakas na hangin.
" Tara na sa loob baka nilalamig ka na. "Pag aaya ni Ron.
" Mamaya na. Ron, tandaan mo na kapag umihip ang malakas na hangin ibig sabihin andito ako sa tabi mo. Yung hangin na dadampi sa balat mo ang mag papaalala sa iyo ng mga magagandang bagay na nangyari sa atin. Those are the memories of us. Memories of the wind. Ron, ikaw na bahala mag explain kay Ali. Baka hindi ko na siya maabutan."
Hindi umiimik si Ron pero nakikita ko ang pag galaw ng balikat niya, senyales na umiiyak siya.
" Tama na ang pag iyak. Ayokong makita kayong umii--" Napa tahimik ako nung bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
"Paalam."Bulong ko.
Biglang sumikip ang dibdib ko. Ewan ko kung dahil ba sa nalulungkot ako. Oh dahil nararamdaman ko na bilang nalang ang oras ko sa mundong eto.
" Salamat, Christian. Salamat at binigay ka ng Diyos sa akin para bigyan ako ng liwanag na tanggapin ang mga pag kakamali ko. Salamat at naging daan ka para mag kaayos kami ni Ali. Salamat dahil nakilala kita."
"Walang anuman. Ron. Walang anuman." Sagot ko.
Mag kayakap kami, yakap yakap ko ang isang taong nag bigay kulay sa madilim kong buhay. Hanggang sa huling hininga ko, nakaramdam parin ako ng kaligayahan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top